Taming My Ruthless Husband (R...

By catleidy

6M 103K 25.4K

Synopsis Matagal nang minamahal ni Alyanna si Drake subalit kabaligataran ang nararamdaman ng binata.Pilit si... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Wakas
Epilogo
Special Chapter

Kabanata 46

43.5K 1K 274
By catleidy

Magi-isang linggo na sa ospital si Lucas. May tumawag lamang sa amin ng daddy niya kaya namin nalaman. He has severe internal organ damage na sabi ng doctor ay galing sa sobrang pagpapahirap dito. Ilang araw din siya sa ICU pero mas mabuti na ang lagay niya ngayon. Hindi talaga namin alam ang pinagaggawa ng batang ito sa buhay niya.

Napakuyom ang kamao ko sa nabasang text message mula kay tita Nanette na stepmother ni Lucas. Ang akala ko, kaya hindi man lang ito nagpaparamdam sa nakalipas na linggo ay dahil gusto na nga niyang lumayo sa akin. Napakademonyo talaga ni Drake!

"My queen." napapitlag ako ng biglang may mahigpit na yumakap mula sa likuran ko at hinalikan ang balikat ko.

Umuwi na rin walanghiya! At late siya ng dalawang oras. Ano pa bang aasahan ko eh magkasama sila ng babaeng iyon.

"Sorry, baby. I'm late. I needed to eliminate nuisance." anito na tila ba sinusuyo ako. Napakahusay talaga nitong umarte. "Finally, it's over."

Ang mga nakapulupot nitong kamay ay inalis ko, dahil naaalala ko kung paano niya hinawakan ang babaeng iyon.

At saka bakit ba ang baho ng lalaking ito ngayon? Kumapit siguro ang amoy ng babaeng iyon!

"Hey." protesta nito at agad sumunod sa akin.

"Hindi ako nagluto ng hapunan." imporma ko dito. Sinadya ko iyon dahil hindi niya deserve ang lahat ng pagsisilbi ko. Taliwas sa inaasahan ko, ngumisi ito.

"That's not a problem. Ikaw na lang ang kakainin ko." at lumapit ito sa akin.

Mukhang gusto pa nitong umiskor. Hindi ba ito nakuntento sa babaeng iyon? Sabagay, napakahilig ng lalaking ito.

"Don't come near me. You stink." bulyaw ko dito. Mas lalo akong nagagalit dahil napakaperpekto ng mukha ng lalaking ito lalo na at mukhang kalokohan na naman ang nasa isip.

Pero gusto ko mang magtapang tapangan sa harap niya, napakahirap. Mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko. Gusto ko na lamang muling paniwalain ang sarili ko na wala akong alam. Na magtanga-tangahan na naman. Para kagaya pa rin kami ng dati na masaya. Parang mas gusto ko na lang muling mamuhay sa kasinungalingan.

"What? Naligo ako sa opisina bago umuwi." anito at inamoy ang sarili. "Huwag na magalit ang wifey ko. Sorry na. Di na mauulit." at hindi na ako nakatakas pa nang bigla niya akong hapitin at yakapin.

Napapikit ako at pigil ang sariling magpatakan ang luha. Bakit ang galing galing niyang magpanggap na mahal niya ako?

Biglang kumalam ang sikmura nito na nagpabitaw sa yakapan namin.

"Bummer." anitong tila nahiya. "Luto muna ako dinner natin wifey ko ha para may lakas tayo mamaya. This will be quick. "

Nagtanggal ito ng coat na suot at isinunod na rin ang polo. Matapos ay nagsuot ito ng apron na hubad baro at kahit namumuhi ako sa kanya, bigla akong nakaramdam ng pagkatakam. Pagkamuhi, pananabik, sakit, at pagnanasa. Posible bang maramdaman ko ang lahat ng iyon nang sabay sabay? Nababaliw na siguro ako.

Nakaupo ako sa highchair habang pinagmamasdan ang mabilis at eksperto niyang mga kamay na hiwain ang sangkap sa lulutuing hapunan.

"May sinaing na ba?" he asked.

"Wala."

"Wait lang wifey ha. You must be hungry." anito at iniwan saglit ang hinihiwa at maliksing naghugas ng bigas. Tila ba ito ay isang ulirang asawa na pinagsisilbihan ang maybahay niya. Sino ba ang hindi mahuhulog sa patibong niya?

That's the plan. I'll make sure that the b*tch will fall on my trap.

So this is his trap.

"Do you want to eat anything while waiting?"

"No."

"Bear with me. Give me few minutes, wifey, I'll have our dinner ready." anitong nagmamadali ang kilos.

Nang matapos itong magluto ay inihain na nito ang pagkain. Ipinaglagay din ako nito ng pagkain sa plato.

"Madami bang ari ariang naiwan sa iyo ang mga magulang mo?" I simply asked while chewing the food.

"Yeah. From luxury cars, high end apartments in New York. You wanna go there and see?" saglit ako nitong sinulyapan bago muling nilagyan ng pagkain ang plato ko.

"Not really. Just curious. May last will and testament pa ba si tita Zandria. I mean, given na sa'yo naman mapupunta ang lahat dahil solo kang anak. " I tried to probe.

"Yes. And actually, kasama ka sa huling bilin ni mom. She wanted us to have a church wedding." para akong tinadyakan sa narinig.

So Tracy was not lying. Umasa pa naman ako kahit napakaliit ng chance na niloloko niya lang ako para makuha lang si Drake.

"Can you transfer money to my account, please?"

"How much?"

"Like fifty million pesos?" nagaalangan kong sabi dahil baka maghinala ito sa plano ko.

"Consider it done." anito at kinuha ang cellphone at may tinawagan.

"Wait. Are you not gonna ask me why I need that huge money?" biglang ako ang nataranta.

"Do I have to? I told you before, I'll give you anything that I can offer. And besides, you don't really have to ask. As my wife, you have the rights to everything that I have." napaiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain.

"By the way, kumusta ang kaso ni Mr. Simpson? May verdict na ba ang judge?" Sinulyapan ako nito at lumipas ang sandali bago muling nagsalita.

"He's dead." biglang tila naging malikot ang mata nito.

"What?" kunwari ay nagulat kong tanong. "Kailan pa? Anong nangyari?"

"The man was found dead while being incarcerated. His wife was killed on their house." mataman ako nitong pinagmasdan bago nagpatuloy sa pagkain. Napahigpit ako ng kapit sa kutsara dahil sa narinig.

"Oh god. Who could have done heinous thing like that?" hindi ito nagsalita at nagpatuloy lamang sa pagkain pero tila malalim ang iniisip. Maingat kong pinagmamasdan ang bawat kilos at reaksyon ng mukha nito.

"Lucas is in the hospital daw. Can I pay him a visit?" Napakunot ang noo nito bago ako tingnan.

"How did you know?"

"How did I know? His stepmom called me. Ikaw, paano mo nalaman? Mukhang alam mo ah." kalma kong tanong dito kahit nagpupuyos na ang kalooban ko. "Tell me. May kinalaman ka ba sa nangyari kay Lucas, Drake?" diretso kong tanong.

"Wifey, it's not what you think." sansala nito.

"So meron nga." ang hindi nito pagtanggi ay sapat nang kompirmasyon.

"I'll explain it to you some other time." Nakatitig lamang ako sa kanya kahit gusto ko nang magwala. "Do you trust me?" And now, he's questioning my trust to make me feel guilty. How cunning.

"With all my heart and soul." nakangiti kong sagot dito na tila nagpaluwag ng kalooban nito.

"Thank you, wifey." at masuyo nitong hinawakan ang mukha ko. Napahawak ako sa mga kamay niya at napapikit.

"Mahal mo ba ako?" mga salitang hindi ko na napigilang manulas sa aking bibig. Nang magmulat ako ng mata ay nakatitig na naman ito sa akin na parang ako ang pinakamahalaga niyang pag-aari.

"Alyanna, hindi sapat ang salitang mahal para ilarawan ang nararamdaman ko sa'yo. Just when I thought that it is impossible to love you any more than I already do, you always prove me wrong. You're my paradise and I'd happily get stranded on you for a lifetime. At kahit sa susunod na buhay, ikaw at ikaw ang pipiliin ko. " anitong punung puno ng pagmamahal.

Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Ang galing talaga niya umarte. Pero kahit ngayon lamang ay papaniwalain ko ang sarili kong totoo ang lahat ng lumalabas sa bibig niya.

"Mahal kita, Drake. Ikaw ang una at huli. Ikaw lamang ang mamahalin ko nang ganito." Bahagyang napaawang ang labi nito.

"Damn. You never failed to make my heart flutter." at hinawakan nito ang batok ko. "Let me have my dessert now." Kinuyumos ako nito ng halik sa labi. Ang mga kamay ko ay agad nangunyapit sa batok niya. Kung maari lamang ay hindi ko na siya bibitawan pa.

Ano bang kulang sa akin at hindi mo ako magawang mahalin ng totoo?

Nakapikit akong dinadama ang mga maiinit na haplos at halik nito. Niloloko ang sariling totoo ang lahat ng pinapakita niya.

"Don't ever leave me, Alyanna. Mababaliw ako. " bulong nito habang umuulos. Mahigpit ko siyang niyakap habang umaagos ang mga luha sa mata ko.

Nagising akong nakaunan sa kanyang mga bisig at mahigpit akong yakap nito. Hinawakan ko ang mukha niya at pinakatitigan ito. Minememorya ang bawat detalye ng napakgwapo niyang mukha. Agad na nagpatakan ang luha ko at tahimik akong lumuha. Ito na ang huling araw na makikita ko ang mukhang ito. Ang huling araw na hahayaan kong masaktan niya ako.

Marahil may mga taong sadyang dumating sa buhay natin para dumaan lang at magbigay ng aral. Hindi talaga sila nakatadahanang manatili sa buhay natin.Kahit anong hawak natin sa kanila ay kakawala at kakawala ito dahil hindi naman talaga sila ang laan sa atin.

Aminado akong naisip ko na namang magtiis na lamang kagaya ng dati.Pero ang lahat pala ay may katapusan. Dito na magtatapos ang ilang taon kong katangahan at kabaliwan sa kanya. Marahil ito na talaga ang hangganan ng kwento namin. This is indeed the end of everything.

I will never let myself suffer again. I would not settle on a love that hurts more than it heals. This time around, I am choosing myself.

****
Isang buwan ang matuling lumipas. Nandito ako sa farm sa Texas na pagmamay ari namin ni kuya mula sa pamana ni papa. Maraming mga hayop at ekta ektaryang taniman ng mga prutas na dinadala nila sa merkado.Para akong nasa paraiso ng Eden sa ganda ng lugar na ito na inaasikaso ng mga tauhan ni kuya.

Si kuya at mama lang ang nakakaalam kung nasaan ako. Sinabi kong na-realize kong hindi ko na gustong makipag ayos pa kay Drake. Alam kong marami silang gustong itanong pero iginalang na lamang nila ang desisyon ko.

Tinulungan ako ni kuya na makaalis ng bansa at makatakas sa mga bantay na alam kong pasimpleng umaali aligid. Nakiusap ako dito na huwag ipapaalam kay Drake kung nasaan ako.

Pinutol ko ang lahat ng komunikasyon ko sa Pilipinas. Deactivated lahat ng social media account ko. Tiyak na pinag-chichismisan na ng mga Marites at kung anu anong fake news ang kumakalat kung bakit nawala ako bigla.

Kahit ang mga kaibigan ko ay walang ideya kung nasaan ako. Pero nagtext ako kay Roxy bago umalis na siya na ang bahala sa resto. Kung mapagpasyahan kong dito na manatili, ibibigay ko na sa kanya iyon nang tuluyan.

Walang kasal na magaganap. Well played, Drake. Game is over. Thanks for the 50m. You lost this time.

That was the exact message I sent Drake bago lumipad ang eroplanong sinasakyan ko. I wanted him to taste the dose of his own medicine.

Pero gulung gulo pa rin ang isip ko. Does it give us the right to hurt others if they hurt us? Pero kasi, paulit ulit na lang niya akong pinaglalaruan at sinasaktan. Hindi ba't deserve niya iyon? Mariin akong napapikit at napahagod sa maiksi ko nang buhok. Hindi ko na alam kung tama ba ang nagawa ko.

Naagaw ang pansin ko ng pagtunog ng cellphone ko. Maalin kay kuya o mama dahil sila lamang naman ang nakakaalam ng number ko.

"Sis."

"Hi, kuya! Kumusta?"

"Good. How are you doing over there?"

"I'm doing perfectly fine. Pupun--"

Baliw ka talagang lalaki ka! Pakawalan mo ako dito!

Naputol ang ano mang sasabihin ko dahil parang may naririnig ako sa background na nagwawalang babae.

"Kuya, ano yun?"

"Si Elisse yun. Magiging sister-in-law mo sooner. Ayaw niyang mawala ako sa tabi niya kaya nagwawala."

Parang iba naman narinig ko. Hindi na lamang ako nagkomento.

"Mahal, wag ka muna maingay. Kausap ko lang si Yanna. Maya kita pagbigyan ulit. Wag kang masyadong atat sa katawan ko."

Fvck you!!!

"Geh. Mamaya mahal." tatawa tawang sagot ni kuya. Napangiwi ako sa narinig.

"Yanna, dumaan ang abogado ni Larkins dito. May pinabibigay na dokumento. Ni-send ko sa email mo. Nakita mo na ba?" biglang sumeryoso ang boses nito. Tumalon ang puso ko sa pagkakabanggit niya kay Drake.

"Hindi pa. Wait, check ko."

Kinuha ko ang laptop ko at nanginginig na nag-tipa doon. At nakita ko ang email niya. Napahigit ako ng malalim na hininga nang mabuksan ko iyon.

Declaration of Nullity of Marriage

Iyon agad ang una kong nabasa. Inaasahan ko na iyon pero iba pala talaga kapag andyan na. Parang dinaklot ang dibdib ko sa nakita. Kinagat ko nang madiin ang aking labi. Tila ba'y kakawala ang mga luha ko at hindi ko iyong gustong mangyari. Pero bakit hindi nagpapigil ang mga ito at sunod sunod na nagpatakan?

"Yanna..."

"Eh di wow." Sagot ko sa kanya na hindi kababakasan ng pighati.

"Ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Larkins? Akala ko ba, okay na kayo?"

"Some things are not meant to be." Simple kong sagot dahil hangga't maari ay ayokong malaman niya ang dahilan ko. Ayokong masira na naman ang pagkakaibigan nila dahil sa akin.

"Dahil ba sa masyado niyang paghihigpit sa'yo? Yanna. He just did that for your own safety. Tracy was still at large that time so you can't blame him for being paranoid."

"Huh?"

"Yanna, I would have done the same thing if I were him. She has been stalking you since she escaped from asylum. Ilang beses ka nang pinagtangkaang saktan ng babaeng iyon."

"Kuya, ano bang sinasabi mo?" hindi ko siya naiintindihan.

"Don't tell me, you don't know? Ilang beses ka na niyang pinagtangkaan. Iyong muntikan ka ng masagasaan, siya ang nagmamaneho ng sasakyang iyon. Napakagaling lamang talaga magtago at magpalit palit anyo ng babaeng iyon kaya nahirapan kaming hulihin siya. You have no idea how cunning she is. Magaling siyang magpaikot ng tao."

So siya iyong nagmamay ari ng sasakyan na palagi kong nakikitang umaali aligid sa resto dati?

"Pero bakit?"

"So you really don't know? Hindi dapat ako ang nagsasabi sa'yo nito but I guess, I don't have a choice. She was obsessed with Drake. Or rather, she was obsessed seeing him miserable like her. At gusto ka niyang mawala dahil ikaw lamang ang tanging makakapagsalba kay Drake. Kaya pinagplanuhan ng babaeng iyon na ipagahasa ka almost five years ago."

"Ano?!" nanlalaki ang mga mata ko at napaupo sa narinig. Hindi nagkataon lamang ang lahat? Pinlano ng baliw na babaeng iyon ang lahat?

"I wonder why Larkins did not mention this to you. Siya din ang nag-utos kay Simpson para gawan ka ng masama. But she asked someone to kill him while he's detained. And his wife's death was a collateral. "

Oh my god.Ilan pa bang pasabog ang malalaman ko ngayong araw?

"Napakasama niya! Nasaan na ang babaeng iyon?!"

"She's dead. Dimitri killed her because Drake couldn't. He could have, pero sabi niya, nangako daw siya sa'yo na hindi na kikitil ng buhay. Damn, this is so fvcked up."

"That sly even tricked Lucas. Mabuti na lamang at nagbago ang isip ng gago. Kung nagkataon, pupuruhan ko talaga iyon."

"What about Lucas?" napakagat ako sa daliri ko sa tensyon na nararamdaman.

"Inamin ni Lucas na nilapitan siya ni Tracy at nakipagkasundo dito para mapasakanya ka. He was desperate but changed his mind last minute."

"Ano? Kaya ba siya binugbog ni Drake? Pero hindi ba sobra naman yata ang ginawa niya. Ilang linggo sa ospital yung tao."

"Ah that. Well, yeah. Of course, Larkins did not let it slip. But that's not the only reason why he was hospitalized." he paused.

"He joined our brotherhood. And it's part of the frat initiation. All the members of brotherhood went through that. I broke few of my bones so Larkins did. Raegan almost lost his balls. And Dimitri, see that scar on his neck? He got it from the initiation."

Para akong biglang nahilo sa nalaman. Kung noon, palaging si Drake ang nag-iisip ng masama sa akin. Ngayon, ako naman ang gumagawa non sa kanya. Bakit ba palagi nalang namin nasasaktan ang isa't isa?

"Yanna, kung ang dahilan kung bakit mo siya iniwan ay dahil di mo na siya mapatawad pa, naiintindihan ko. I will never condone his abusive behavior. But let me tell you. That man has been through a lot. It is not my story to tell. But society failed him. And I'm one of those who failed him in the past." napabuntong hininga ito sa huling sinabi.

Ang pag-uusap naming iyon ni kuya ay nagbigay sa akin ng madaming isipin. Halos nahihirapan akong makatulog sa gabi. Paano kung hindi totoong kaya lamang ako papakasalan ni Drake ay dahil sa bilin ni mommy Zandi? Pero nanggaling sa bibig niya iyon. Kinompirma rin niya na hindi niya talaga ako mahal.

Lumipas ang mga araw at nasa akin na ang hard copy ng annulment paper na hindi ko magawang ipa-print dahil hindi ko pa kaya. Pero sinabi sa akin ni kuya na pabalik balik daw ang abogado ni Drake sa opisina niya at hinihingi na ito pabalik. Hawak ko na naman ang papel na tuluyang magpawalang bisa sa kasal namin. At sa pangalawang pagkakataon ay ganon pa rin ang epekto sa akin. Napakasakit.

Pikit mata ko itong pinirmahan kahit gulung gulo pa rin ang isip ko. Marami pa akong katanungan. Hindi ko na ito ipinadala sa address ni kuya at idiniretso ko na ito sa return address ng abogado ng asawa ko.

Asawa ko. Napangiti ako nang mapakla. Soon that word will be obsolete. We'll be strangers to each other. Sigurado akong galit na galit ito sa nangyari.

Pinilit kong inabala ang sarili ko sa pagtulong sa farm para makalimot sa maraming isipin. Unti unti na ring lumalala ang pagka-miss ko sa kanya.

"Fred, can you lend me another basket please?" pakiusap ko sa isang tauhan ni kuya na hindi ito tinitingnan. Alam ko namang kanya ang mga yapak na naririnig ko mula sa likodan ko.

Pinunasan ko ang mansanas na pinitas ko at hindi napigilang kagatin iyon. Grabe! Ang sarap! Gustung gusto ko talaga ng mansanas nitong nakaraang linggo.

Parang mababaliw ako kapag hindi nakakain niyon. Siguro, mas masarap ito kung lalasapin ko ang katas nito sa ibabaw ng abs ni Drake. Nanghilakbot ako sa ideyang pumasok sa isip ko. What the heck is wrong with me?

"Care to share some, baby?" Nabitawan ko ang hawak kong mansanas at biglang nilingon ang nagsalita.

Saglit akong natulala nang bumungad sa akin ang lalaking pilit ko mang itanggi ay miss na miss ko na talaga. Napansin ko ang medyo may kahabaan na nitong balbas at buhok na dapat sana ay nagpadungis sa hitsura nito pero naging mas mukha itong kaakit akit sa paningin ko.

"What the.. What are you doing here?" tanong ko nang makabawi sa pagkabigla. He smiled like a cheschire cat and that made me shiver. My instinct is telling me that I'm in danger right now.

"Taking back what's mine." mapanganib nitong turan at napaatras ako nang magsimula itong umabante. Alam ko kung gaano siya kagalit sa akin.

"Scared of me, wifey ko?" anito sa nakakakilabot na boses. Parang hindi ko na siya kilala. "Your new hair suits you. Lalo kang gumanda. Mas madali kong mapapapak ang leeg mo. " anito at patuloy pa rin sa paglapit. Akma akong tatakbo nang bigla niyang hablutin ang baywang ko.

"Where do you think you're going? You think you can escape from me again, huh?" Parang galing sa ilalim ang boses nito sa sobrang lamig. This is the side of him that I fear the most. My ruthless husband is back!

"Let me go! Help! He-" at nawala na ang kakayahan kong humingi ng tulong nang takpan niya ng panyo ang bibig at ilong ko. Pilit akong nagpumiglas pero naamoy ko ang nakakasulasok na amoy na dagling nagpahilo sa'kin. Napasandal ako sa kanyang dibdib para kumuha ng suporta. Para akong lantang gulay at hindi na ako nakapalag nang pangkuin ako nito.

"You're not going to escape from me again. Never. " Narinig ko pang sinabi nito bago kainin ng kadiliman ang aking pagkatao.
************************************
A/N: Didn't have time to proofread. Trying my best to finish the story as fast as I can bago maging sobrang busy ulit. Next will be final chapter.

Continue Reading

You'll Also Like

9.7K 40 2
Kenshane Guieco feared trusting others, especially men, and considered staying single. But meeting Faller Coleman changed everything-he captured her...
2.7M 66.1K 54
Secretary Series #1 (UNDER REVISION) Natasha Skye Aragon hates Kai Mikaelson Hiddleston for being a playboy; she would rather date a not-so-good-look...
233K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...