I'M INTO YOU SEASON 1

Oleh bluereinventhusiast

6.4K 2.1K 1.2K

They say, if you are in love with someone. Time stops and slows down whenever you see him, it almost feels l... Lebih Banyak

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Author's Note

Chapter 28

24 11 16
Oleh bluereinventhusiast

2:19 PM

"Xeinna, may tumatawag sa landline! Paki-sagot naman!" malakas na sigaw ni Kuya.

"Wait lang Kuya! Eto na, sasagutin ko na!" nagpunta ako malapit sa may landline at sinagot ang telepono.

"Hello, may I know who is this?" magalang na sagot ko sa telepono.

"This is Gladys Sabeeyah Mendoza, the Vice President of Supreme Student of Government. I have something to tell you." magalang na sabi ng kausap ko sa telepono.

So, siya pala yung Vice President ko. I think, we will be discussing for our first project in our school as SSG officers.

"I am Adrixeinna Marie Victoria, the President of Supreme Student of Government. Bakit ka napatawag?" malumanay na tanong ko sa kausap ko sa telepono.

"Gusto ko lang tanungin if free ka ngayon? Our SSG Adviser announce that we will have a meeting today. Hindi ka raw kasi nasagot sa mga chats niya, naka-off daw ang phone mo." mabilis ngunit malinaw na sagot ng kausap ko sa telepono.

"Ay pasyensya ka na Gladys ah, baka naistorbo pa kita. Hindi naman ako busy ngayong araw, kakauwi ko lang galing sa vacation kaya hindi ko pa masyadong nabubuksan ang phone ko. Anong oras daw ang call time at saan magkikita?" malumanay na tanong sa kausap ko sa telepono.

"Uy hindi, okay lang! Sinabi ko na lang naman na baka busy ka talaga kaya hindi ka nakakasagot sa mga chats niya. We will meet at Starbucks. 3PM sharp." malumanay na sagot ng kausap ko sa telepono.

"Okay, thank you for reminding me Gladys! See you later!" pamamaalam ko sakaniya.

"Always welcome, see you." pinatay na niya ang tawag at nagsimula na akong mag-ayos ng sarili ko.

Nakakahiya naman sa mga officers na kasama ko mamaya kung hindi male-late pa ako.

"Oh paalis ka na naman anak? Saan ka pupunta?" malumanay na tanong ni Mommy sa akin.

"Yes po Mommy, I'll be back po later! Need ko lang po talaga magmadali at mag-ayos para sa meeting namin mamaya with SSG officers. 3PM ang call time namin. Sa Starbucks po magkikita-kita." nakangiting sagot ko kay Mommy.

Nilabas ni Mommy ang wallet niya sa bag. Kumuha siya ng two thousand pesos at inaabot sa akin.

"Oh anak, here's your pocket money okay? Incase na may gusto kang bilhin or what. Kunin mo ito, don't worry maglalagay din kami ng Daddy niyo sa ATM niyong magkapatid. Gastusin mo na yan, treat yourself. Enjoy sa meeting! Ingat ka." sabay lapag sa aking kamay ng pera.

Niyakap ko si Mommy at nagpasalamat sakaniya. Sobra-sobra ang pagmamahal niya sa aming magkapatid. She's the best mother, indeed.

"Maraming salamat Mommy! Don't worry about me." nakangiting sabi ko kay Mommy.

"Okay, go to your closet na. Mag-ayos ka na. Malapit na rin mag 3PM. Tatawagin ko na din sa Mang Ernesto para ihatid-sundo ka niya." nakangiting sagot sa akin sabay labas ng kwarto ko.

Ano kayang magandang maisuot for meeting? Is it formal or casual?

May nakita akong formal Hepburn style square neck bubble dress. Casual ko lang siyang sinusuot pero siguro pasok din ito sa formal attire.

Nagpunta ako ng CR at doon ko hinubad lahat ng saplot ko sa katawan. Magsuot ako ng short at sinuot ko na dress na napili ko.

Kinuha ko na ang Michael Kors white sandals ko para iterno sa white dress ko.

Naglagay ako ng kaunting liptint at pulbo sa mukha ko para magmukha naman akong presentable. Nagsuklay ako ng buhok ko. Naglagay din ako ng pabango at tinanggal ang charger ko sa pagkakasaksak.

Kinuha ko na ang phone ko at wallet ko. Kaagad kong binuksan ang pinto upang lumabas ng kwarto.

Nakita ko si Mang Ernesto na nakabantay sa akin sa gilid. Tinawag ko ito upang maagaw ko ang kaniyang pansin.

"Mang Ernesto! Tara na po, sa Starbucks lang po." nakangiting sabi ko kay Mang Ernesto at sumakay naman agad kami sa kotse.

Binuksan ko ang phone ko at tinignan ang oras.

2:40 PM

Binuksan ko ang data connection ko at agad na naglog-in sa Messenger ko.

Ang daming messages na tila'y binaha. Ilang araw ba akong nawala at ganito na ako nila ka-miss? Ang clingy ha. Joke.

Nakita ko ang message sa akin ni Gladys at kaagad ko yung binuksan.

Gladys Sabeeyah Mendoza
• Active Now

Gladys: Papunta ka na ba? Malapit ka na? Malapit lang kasi ang location ko sa Starbucks kaya napaaga ako. Wala pa kasi akong kasama rito, wala din si Claire. Yung secretary ng SSG.

Kaagad naman akong nagreply sakaniya.

Adrixeinna: Oo, papunta na. I'll be there in 5 minutes. Wait for me okay?

Gladys: Okay, thank you so much! I'll wait for you. Wala pa din yung SSG Adviser natin. May dadaanan daw kasi siya bago pumunta dito.

Adrixeinna: Ganun ba? Sige, malapit-lapit na rin naman ako. Ayoko din kase ng late ako. I'm the President of the SSG kaya dapat punctual ako sa mga ganitong meeting.

Gladys: Don't worry, super aga mo pa rin naman for our meeting.

Nakikita ko na ang Starbucks at unti-unting nakaramdam ng excitement.

Noong makarating kami ni Manong Ernesto sa Starbucks ay nagpasalamat ako rito at naglakad papasok sa loob.

Kinawayan ako ni Gladys at ngumiti lang ako sakaniya. Naglakad ako papunta sa direksyon niya at umupo.

"Hi, nice meeting you in person Ms. Pres!" nakangiting lahad ng kamay ni Gladys upang makipag-shake hands.

"Hello, nice meeting you too in person  VP. Nasaan si Claire? Yung secretary na tinutukoy mo, wala pa siya?" nakangiting tinanggap ko ang nakalahad na kamay ni Gladys upang makipag-shake hands.

"Speaking of Claire, ayan na siya." nakangiting sabi ni Gladys.

Lumingon ako sa harapan upang makita siya. Ngumiti lang ito sa akin at patuloy na naglalakad papunta sa direksyon namin.

"Hi Ms. Pres, I'm Zemirah Claire Evangelista. I am the Secretary of Supreme Student of Government. Nice meeting you!" sabay lahad ng kamay niya upang makipag-shake hands.

"Hello Ms. Secretary, I'm Adrixeinna Marie Victoria. I am the President of Supreme Student of Government. Nice meeting you Claire!" sabay abot ng kamay niya upang makipag-shake hands.

"Uy ang magbestie nandito na. Ang taray talaga ng Treasurer at PIO natin no? Pang Muse at Escort." nakangiting biro ni Claire sa dalawang nasa harapan.

"Hi Ms. Pres, I'm Danerie James Del Rosario. I am the Public Information Officer in Supreme Student of Government. Nice meeting you po!" sabay lahad ng kamay sakin upang makipagshake-hands.

"Hello, I'm Adrixeinna Marie Victoria.  I am the President in Supreme Student of Government. Nice meeting you DJ!" sabay abot ng kamay niya upang makipag-shake hands.

"Hi Ms. Pres, I'm Kirsten Vee Villaluna. I am the Treasurer of Supreme Student of Government. Nice meeting you in person po!" sabay lahad ng kamay sakin upang makipag-shake hands.

"Hello, I am Adrixeinna Marie Victoria. I am the President of Supreme Student of Government. Nice meeting you Vee!" sabay abot ng kamay niya upang makipagshake-hands.

Umupo na kaming lahat sa isang table at nag-kwentuhan.

Naiintriga talaga ako dito kay DJ at Vee eh. There is something between them.

"May tanong ako sainyo DJ and Vee. Mag-kwentuhan muna tayo since wala pa naman yung iba. Gusto ko lang i-ask kung may something ba sainyong dalawa?" nakangiting tanong ko kina DJ at Vee.

Nagkatinginan sila sa isa't-isa at sabay na tumawa.

"Alam mo Pres, mag-bestie lang kami ni DJ. Hindi ako papatulan niyan dahil isa akong unicorn." nakangiting sagot ni Vee sa akin.

Nagulat ako sakaniya! Hindi halata na isa siyang gay. Kung paano niya dalhin ang sarili niya ay para talagang babae.

"Magtigil ka nga Vee. Kahit ano ka pa, tanggap kita. We're besties after all." nakangiting sabi ni DJ kay Vee.

"Salamat DJ sa pagtanggap sa akin kahit ganito ako." nakangiting sabi ni Vee kay DJ.

Bagay sila ah! Ang cute nila together.

"Alam niyo wala namang problema sa same sex relationship. The judgement of the society, that's the problem." nakangiting sabi ko kina Vee at DJ.

"So true! Grabe ka Vee ah, hindi ko inexpect na part ka ng LGBT. Akala ko talaga babae ka. I'm sorry! Sobrang ganda mo!" nakangiting sabi ni Gladys kay Vee.

"Uy thank you Gladys ah! Alam mo nakakatuwa lang na may mga taong nakakaappreciate ng existence namin sa mundo. Madalas kasi kapag bakla, tomboy, bisexual, lesbian or trans ka. Ang daming homophobic na taong mangja-judge sayo." nakangiting sagot ni Vee kay Gladys.

"Pare-parehas naman kasi tayo Vee. Sobrang ganda ng mundo dahil sainyo. Binibigyang kulay niyo ang lahat. Wala namang masama sa pagpapakatotoo sa sarili mo at sa kapwa mo." nakangiting sabi ni Danerie kay Vee.

"Totoo, wala ka namang inaapakang tao Vee. It's just you. Okay? Wag mong aalahanin ang sasabihin ng ibang tao sayo. Maganda ka sa paningin namin lalong-lalo na ang puso mo." nakangiting sabi ko kay Vee.

"Dun pa lang panalo ka na sakin este sa mga taong naninira sayo." nakangiting banat ni Danerie kay Vee.

"Maraming salamat talaga sainyo! Ano pala mga strands niyo? Medyo nacu-curious ako sa mga ite-take niyong courses e." nakangiting tanong ni Vee.

"ABM student ako, gusto ko talaga ng Tourism ever since. Flight Attendant ang gusto kong profession." nakangiting sagot ko kay Vee.

"Ay ganon ba? STEM student ako eh, gusto ko talaga ng Psychology. Maraming tao ang nangangailangan ng help pagdating sa mental illness eh." nakangiting sabi ni Vee sa amin.

"Alam mo naman pangarap ko Vee, nakuha ko na." nakangiting sabi ni Danerie kay Vee sabay titig ng malalim.

"Tumigil ka nga DJ, umayos ka." sabay hampas ni Vee sa braso ni Danerie.

"Eto na seryoso na, ABM student ako. Gusto ko talaga business. Balak ko baka Business Ad or Management." nakangiting sabi sa amin ni Danerie.

"HUMSS student ako, gusto kong maging Graphic Organizer. I enjoy myself sa mga designs. They are life." nakangiting sabi ni Gladys sa aming lahat.

"HUMSS din ako, gusto kong maging Travel Vlogger/Influencer. Multimedia Arts if ever ang bet ko." nakangiting sabi ni Claire sa amin.

"Kabog naman pala kayo! Iba ha." nakangiting sabi ni Vee sa amin.

Nakakatuwa talaga ang mga accent ng mga katulad nila. Nakaka-good vibes lang ang dating.

"Uy alam niyo ba, may chika ako. Dapat talaga hindi si Ms. Adrixeinna ang Pres kaso nandaya pala yung kabilang partido. Gustong-gusto talaga nilang manalo. Buti na lang talaga, nalaman ng school ang pinaggagawa nila. Kung hindi siguro, lagot talaga ang school natin. Isipin niyo ganoong officers ang mapupunta?" magiliw na sabi ni Claire sa aming lahat.

"Hala! Like legit? Grabe ha. Ang chika ng mga tao ngayon! Mandadaya sila sa votings para sila ang manalo? Buti na nga lang talaga at nalaman ng school. Deserve." natatawang sabi ni Vee sa aming lahat.

"Actually, nagulat nga ako nung nanalo ako as President ng SSG. Sa tingin ko kasi may maambag pa talaga ako sa school natin bukod sa pagiging estyudyante. Hindi lang naman lalaki ang pwedeng mamuno, maaring babae din. Hindi naman sukatan ang kasarian kung sino dapat ang mamuno ng Student Council." nakangiting sabi ko sakanilang lahat.

"Totoo yon Ms. Pres, grabe nga din naman talagang kadayaan ang nangyari. Hindi ko alam na ganoon nag hangarin nila sa pagtakbo as SSG Officers. Kung ganon lang din pala, edi sana naglakad na lang sila. Charot." nakangiting biro ni Gladys sa aming lahat.

3:29 PM

"Hoy ikaw ah HAHAHAHA! Btw nasaan pala yung Auditor natin? Late na siya pati yung P.O at SSG Adviser natin." natatawang sabi ni Danerie sa aming lahat.

"Ay oo nga no? Late na nga sila. Anong oras na, akala ko talaga mauuna yung SSG Adviser natin." malumanay na sagot ko kay Danerie.

"Uy ayan na pala si Edward Jaye Dapadap. Ang Auditor ng SSG!" nakangiting sabi ni Vee sa amin.

"Uy sorry guys! Medyo late ako ah? Ang traffic kasi sa amin papunta dito kaya na-late ako. Wala pa ba yung SSG Adviser natin? Akala ko mauuna siya dito?" nahihiyang sabi ni Edward sa amin.

"Uy wala pa ba si Kiel dre? Siya yung P.O diba? Akala ko nandito na siya, papunta na daw kasi siya." kalmadong tanong ni Danerie kay Edward.

"Naku, alam mo naman yun si Kiel. Minsan sasabihin papunta na, naliligo pa lang. Ganiyan talaga kapag Filipino time." natatawang sagot ni Edward kay Danerie.

Napansin naman ako agad ni Edward at agad na nakipag-kilala sa akin.

"Hi, I'm Edward Jaye Dapadap. I am the Auditor of Supreme Student of Government. Nice meeting you!" nakangiting sabi ni Edward sabay lahad niya ng kamay upang makipagshake-hands sa akin.

"Hello, I'm Adrixeinna Marie Victoria. I am the President of Supreme Student of Government. Nice meeting you Edward!" nakangiting sagot ko kay Edward sabay abot ng kamay niya upang makipag-shake hands.

"Sa wakas, andiyan na si Kiel Patrick Soriano. Sa tinagal-tagal ng prusisyon, sa Starbucks din pala ang tuloy." nakangiting biro ni Edward kay Kiel.

"Late na ba ako sa meeting? Medyo traffic e. Walang lusutan ang sasakyan sa dami." kalmadong paliwanag ni Kiel sa amin.

"Hi, kayo po ba yung President namin? I'm Kiel Patrick Soriano, the P.O of the Supreme Student of Government. Nice meeting you!" nakangiting sabi sa akin ni Kiel sabay lahad ng kamay upang makipag-shake hands.

"Hello, ako nga yung President ng Supreme Student of Government. My name is Adrixeinna Marie Victoria." nakangiting sabi ko kay Kiel sabay abot ng kamay niya upang makipag-shake hands.

Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na din si SSG Adviser namin.

"Hello everyone, pasyensya na kayo kung late ako ngayon sa meeting! I am Ma'am Sheiana Chime Salazar. Nice meeting you guys! Shall we start?" nakangiting sabi ng SSG Adviser sa aming lahat.

Nagsi-tanguan kaming lahat at ngumiti sakaniya upang simulan na ang meeting.

Leadership is the challenge to be something more than average.

Thanks for reading! Please leave your thoughts and reactions so i can read it! Lovelots!

Your author, bluereinventhusiastwp.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

8.2K 370 16
Nagkrus ang landas nilang dalawa nang pinag-partner sila para ilaban sa Science Quiz Bee. Una palang ay hindi na sila nagkasundo dahil panay sila asa...
9.4K 149 18
It's fun to play but to play with others' life is not fun anymore. What if, there's the time when you will be the PLAYER in this Game of Death... Wha...
80.9K 2.2K 50
"One word frees us of all the weight and pain of life: That word is love." Sorry, NO SOFT COPIES!
3M 184K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...