SILENT QUEEN Book1: PRETEND (...

By kuyakingboo

144K 2K 152

Author: KuyaKingboo / MisauthorILHCA Works: Silent Queen Book 1: His Girl / Silent Queen Book 2: Dark World... More

Silent Queen Book 1: His Girl by KuyaKingboo
#0//: Prologue.
#1//: First Day
#2//: Where is Cha?
#3//: Her Gwapo-His Eoreum
#4//: Unexpected Date
#5//: Envelops
#6//: Science Activity.
#7//: Instant Mama and Papa
#9//: Queen's Eyes
#10//: She's Jealous.
EXTRA CHAPTER 1
#11//: Mr. and Ms. SU Part 1
#12//: Mr. and Ms. SU Part 2
Commercial Break
#13//: Over Night
#14//: Leader's Proposal
#15//: Officially Yours (Fake Relationship Starts Here Sep.30)
#16//: Getting-To-Know-Each-Other
#17//: A piece of her nightmare.
note 4//: editing reason
#18//: The Ice Peace Offering
#19//: Math Camp Pt.1
#20//: Math Camp Pt.2
#21//: Math Camp Pt.3
#22//: Math Camp Pt.4
#23//: Special chapter
#24//: Math Camp Pt.5
#25//: Math Camp Pt.6
#26//: Math Camp Pt.7
#27//: The Models
#28//: Chazii's Birthday (Oct.21)
#29//: The S-Room
#30//: New Friend, New Antagonist
#31//: Boyfriend vs. Boy- Friend
#32//: New Neighbors
note 5 ni kuya // basahin niyo po kasi may announcemet about next chap
#33//: First Monthsary (OCTOBER 30)
#34//: Taking care of the Sick Leader
#35//: Christmas Raffle
Thanks for reading
#36//: The Hidden Enemy
#37//: Silent Queen Pt.1
#38//: Silent Queen Pt.2
#39//: Christmas Eve
#40//: The Hidden Identity
#41//: The Break Up
#42//: So Goodbye
#43//: The Photos
#44//: THE HATRED
#45//: RESOLVE
#46//: THE IDENTITY REVELATION
#47//: HIS REASONS
#48//: The Game Plan
#49//: Survival
#50//: Hope
#51//: Choosing between Truth and Lies
#52//: The VIP
#53//: Young Master
#54//: Most Awaited Time
#55//: Their Resolves
#55.1//: EPILOGUE

#8//: Never trust her in Kitchen Works.

3.5K 68 11
By kuyakingboo

#8//: Never trust her in Kitchen Works.

. . . Chazii POV . . .

Science peroid... discussion.

English peroid... discussion.

Filipino peroid... quiz (at sino highest? Si Gwapo lang naman. Hindi ko alam na umaariba pala iyan sa El Filibusterismo)

At ngayon ay PE na namin. Indoor games lang ang ginagawa namin. More on board games, table tennis and iyong basketball machine na pinipilahan ng mga boys.

Dahil ako ay hasler sa chess. Yabang eh nu. Kaya wala makatalo-talo saken dito. Ilan na ang mga classmates ko na sumubok talunin ako pero hindi sila nagtagumpay. At ngayon ang pinaka-dedicated na talunin ako ay walang iba kundi si Minhyun. Ang Gwapong Leader ng RP's.

"=_____=" Marunong ba talaga ito. Naghintay ako sa tira niya.

Ito naman ay seryosong nakatingin sa mga pieces niya. Iyong itsura ng mga naglalaro sa championship ng Chess. Ganun siya kaseryoso! At grabe ang tagal naman tumira.

"CHECK PAWN ! " Mayabang nitong sabi sabay tapat ng Queen niya sa pawn ko.

"=_____=" Sabi na di talaga marunong to eh. Mag-check ba ng pawn?! At sinabi ko na nga kanina na check iyong king niya eh. Hay naku.

Minove ko ang queen ko then kinain ang rook niya. Tapos hayan mate na siya. "Checkmate =_____=" Sabi ko. No move na ang King niya eh. Corner na.

"WHAT?? SHIBAL! YOU CHEAT AGAIN?!" Hayan na naman siya sa paninisi niya.Galit na naman siya. Dinaya ko na naman daw siya. "One more set!" Nakasimangot na sabi nito saka inayos ulit ang pieces niya.

"=_____=" Inayos ko narin ang akin. Anak ng tokwa. Pang-pito na namin na set ito. Lahat talo siya. At lahat saglitan lang dahil kadali niya ma-mate.

Nagsimula ulit kami. Ang pattern ng galaw niya hindi man lang nagbabago. Anak ng tokwang lalaking ito. Nakakatamad kalaro eh. Ang dali-dali lang ng chess tapos hindi man lang makapanalo. Sabagay. Ang galing ko nga pala.

"Check King! Huh! Your mate!" Nakangiting tagumpay na ang loko. Tinapat niya lang sa black diagonal ang bishop niya sa King ko. Tanga. Tinanggal niya iyong bishop niya edi open to eat na naman ang King niya.

"Hindi mo pwede tanggalin iyong bishop. Makakain ko iyong King mo =________=" Bored na bored kong sabi dito.

"What?!"

. . . Sarah POV . . .

"Hoy Sarah..."

Nakangiti lang ako habang nakatingin kina Cha at Leader. Naglalaro sila ng chess. Naku wala pang nakakatalo kay Cha pagdating sa chess. Ah teka parang merun na pala. Ay naku Oo merun na pero dati pa iyon. Hehehe.

Andito kami sa PE room kung saan maraming mga malalarong indoor game. Si Sir kung mapapansin niyo walang ingay dito. Hayun siya sa table niya. Busy sa cellphone. Pumapag-ibig iyan panigurado. Hehehe.

"Sarah ikaw na! Hoy!" Sigaw ni Karen, ang aming Class President.

"Ay ako na pala !" Nakangiti kong sabi saka tumingin sa nilalaro namin. Naglalaro kasi kami nila Ange, Luisa at Karen ng scrabble. Alam niyo na nagtatali-talinuhan kami.

Tinignan ko ang mga letter ko tapos tingin ulit sa scrabble board. Hehehe wala akong maisip na word. Kaya gamitin natin ulit ang magic word.

"Pass!" Ngiting-ngiti ko pang sabi.

"Oh ako na ! Ito akin...( dugtong dun ng cretary sa SE na nasa board ) oh laki na naman ng points ko triple word hahaha!" Tuwang-tuwang sabi ni Ange habang pumapalakpak.

"Grabe kayo na talaga ni Luisa nangunguna... At si Sarah na kulilat " Pang-aasar pa ni Karen.

"Pagsigawan ba! Hoy two points lang lamang mo saken nu!" Nakanguso kong sabi dito.

"Atleast lamang ako! Hindi ako kulilat. Hahaha." Tatawa-tawa na sabi nito.

. . . Maja POV . . .

"Oh ikaw na.."

Inabot ko iyong bola na binibigay ng classmate naming lalaki. Nakapila ako dito sa basketball machine eh. At ako lang babae na andito hahaha.

"Salamat !" Nakangiti kong sabi. At ito na.... ako na mag-shoot. Sinimulan ko na itira lahat ng bola. Two points at three points ang nagawa ko. Shooter yata ako hahaha! Walang sablay!

"Wow ! May talent ka pala sa shooting!" Sabi ng classmate namin na si Rouke.

Nakipag-hi five ako sa kanya. Syempre sabihan ka ba naman ng isang sikat na varsity player ng SU na magaling daw ako sa shooting! Edi panalo iyon. Hahaha.

"Sayang sasali sana kita sa team namin kaso bawal eh." Sabi naman ni Rico na varsity player rin kasama ni Rouke.

"Okay lang men! Sumali na ako sa girls varsity..." Sabi ko saka sila nginisihan. Hahaha. Sarap talaga magbasketball.

. . . Chazii POV . . .

Natapos ang PE naman at heto lunch break na.

"Cha ..." Si Sarah na nagniningning na naman ang mata. "Patikim ako niyan..."

"=_____=" Naku. Buburautan na naman ako ng pagkain. Pero dahil nga di ako madamot inurong ko ang lunch box ko sa kanya.

Maya-maya may kumalabit saken. Nilingon ko sino. Si Gwapo.

"Here. Share tayo." Sabi nito saka nilapit saken ang sosyalin niyang pagkain.

Bakit namin kasama sila? Andito kasi kami sa forest side ngayon kumain. Pinilit ako nina Sarah na dito na daw kami kumain. May mga bahay-kubo kasi dito na pwede pwestuhan ng mga students. At heto nga pumunta na kami. At pagdating namin ay andito na pala ang mga classmate naming pekeng Prince na ito.

"AYEE... Ehem. Ehem." Si Mahawk boy na aasarin sana si Gwapo kaso hindi niya tinuloy kasi nakatikim ng masamang tingin eh.

"Huwag mo kasi batiin... nahihiya ee." Si Ange na bumulong kay Mahawk Boy pero rinig naman namin.

"Sarah bakit kinakain mo na yang baon ni Cha?" Narinig kong sabi ni Luisa.

"=______=" Kaya napatingin ako sa tabi ko. At hayun nga si Sarah todo kain ng baon ko. Nalingat lang ako... binanatan na ang pagkain ko. Sabi niya di ba kanina patikim lang?

"Hehehe di ba share na kayo ni Leader?" Nakangiti nitong sabi.

"=_____=" Tigatig talaga. Napatingin ulit ako kay Gwapo kasi kalabit ng kalabit.

"Bakit di ka pa kumain?" Tanong nito na halos pabulong lang.

Kanina pa ako may napapansin sa kanya ah. Pansin niyo rin ba? Nagtatagalog siya ng tuloy-tuloy! Ano kaya nakain niyan.

"=______=" Tinignan ko mga kasama namin. Busy sila sa sarili nila. Siguro hindi nila naririnig ang pagtatagalog ng katabi ko kaya wala silang reaction. Yaan na nga. Baka trip niya lang.

"=______=" Kumuha na ako ng teriyaki niya. Ginamit ko iyong tinidor ko kasi hindi ako marunong mag-chopstick.

"Ito.. taste I mean tikman mo ito..." Si Gwapo na sinusubo sa akin yung... teka ano nga ba yan? Iyong nakabalot na kanin sa itim na pambalot.

Ngumanga nalang ako. Wala naman siguro lason iyan kasi kinakain niya rin naman. At ang galing niya magchopstick eh. Nguya ng pagkain... mmmm... Masarap naman pala. Ano kaya iyan...

"AYEEEE NAGSUSUBUAN SILA!" Bigla nalang sabi nila Ange at Mahawk boy at nag-apir pa. Teka kami ba ang tinutukoy nila?

"Shut... Psh. Tahimik!" Sabi ni Gwapo sa mga ito.

"=_________=" Lagi siyang napapa-english pero agad rin naman niyang tinatagalog. Adik. Kung hindi naman siya matagalog bakit tagalog siya ng tagalog? Naiintindihan naman namin ang English niya ah.

"Alis na muna ako..." Paalam ni Blonde Boy.

"Sus iyong President lang puntahan mo nu?" Pang-aasar ni Mahawk boy dito.

"Wala kang pakialam..." Wala sa mood na tumayo si Blonde Boy. "See you... hays kita nalang mamaya." At hayun sumibat na ito paalis.

Nagkatinginan sina Sarah, Maja at Luisa. Tapos si Sarah tumingin naman kay Leader na nakakunot-noo. Oh ano na naman kaya iniisip niyan?

"Ubusin mo ito. You seem... Psh." May binulong ito sa sarili at sa pagkakarining ko may minumura ito kasi sabi Fuck tapos tagalog. Huh ewan. "Ubusin mo to para magkalaman ka naman." Sabi nito pagkakuwan. Nilapit niya pa saken ang pagkain niya.

"Yeah. Si Leader rin eh." Narinig kong bulong ni Sarah sa katabi nitong si Luisa. Narinig ko kasi katabi ko lang si Sarah.

"Baka trip nilang magsalita sa tagalog?" Si Luisa.

"=_____=" Napansin na rin nila. Ako kanina ko pa napapansin nu.

After lunch ay balik na rin kami sa room. Iyong tatlong dabarkads na pekeng Prince excuse daw sila dahil uuwi na. Mapapamura ka sa dahilan ng pagkaka-excuse nila di ba? Excused na pala ang ganung dahilan?

"Balle kayo na ba ni Prince Minhyun? " Tanong saken ng classmate namin na maganda. Pero mas maganda pa rin ako.

"Lagi kayo magkasama eh.." Sabat pa ng katabi nito na maitim naman.

"=______=" Actually hindi ko narinig iyong una nilang tanong. Ano ba tinatanong nila? Kasi naman bigla nalang susulpot sa harap tapos magtatanong ng wala man lang pasabi. Eh ang utak ko lumalakbay pa. Oh see? Paano ko maririnig iyon? Ang narinig ko lang ay iyong sabi ng isa na lagi daw kaming magkasama. Sino tinutukoy nila? Si Sarah? Ange? Maja? o Luisa?

. . . Minhyun POV . . .

"Heck. I feel the blood on my nose..." Red sabay umarte na nagpupunas ng ilong niya.

"I quit. Ang hirap mag-straight tagalog Leader! I mean see I can't help my tongue to speak english.." Aron na nakaupo doon sa arm desk ng inuupuan ni Red.

"Tsk. Basta. Mag-tagalog kayo." Nakasimangot kong sabi saka uminom ng beer na nasa lata. Andito kami ngayon sa RPB. Wala na kasi akong gana pumasok. Nakakatamad mag-straight class. Hindi ako sanay.

Sumama saken sina Baekho at Ren pabalik dito sa RPB pagtapos ng break. Mga tamad rin pumasok eh. Pagdating namin dito naabutan ko itong sina Red, Aron at JR na natutulog dito. Mga loko. Hindi rin nagpapasok.

Kaya naman dahil andito na sila might as well na idamay na sila sa straight na pagtatagalog. Sina Baekho at Ren nautusan ko na kaninang break na magtagalog at dahil ako ang Leader kailangan nila sumunod.

"From now on. Tagalog ang language natin." Deklara ko.

"No... Ibig ko sabihin Hindi!" OA na react ni Aron.

"Mahirap Leader... Taglish nalang. Okay pa iyon. Ang cruel kasi if we speak in straight tagalog." Reklamo ni Red. Eh ngayon palang taglish na sinasabi niya.

"Wait. Why we need to speak in tagalog anyway? I demand an explaination." Arte ni Aron.

Tumawa naman si Baekho saka nagsalita. "Iyan kasing si Leader nagpapapogi points sa babaeng gusto niya hahaha!" Hayan mamatay-matay na siya kakatawa.

Sinamaan ko nga ng tingin pero hindi natinag! Anak ng kadaldalan talaga oh. Ikenuwento na niya ang alam niya. Damn. I am now itching to cut his f*ckin tongue.

. . . Sarah POV . . .

Two months na kaming nasa 10th grade! Ang bilis ng araw. Parang kailan lang ay first day of school tapos ngayon heto kami two months na magkakasama. At two months na rin na kaklase ang tatlong RP's.

Ang saya kasi ito na ang pinaka-the best school year ever. Masayang-masaya ako kasi ang besplen kong si Cha mukhang nalalapit na sa tinatawag nating pumepeg-ibeg period. Hehehe. Kaya ako as a bestfriend ay todo supporta lang. Big catch yata si Leader! At ngayon busy rin ako dahil ang dami ng member ng Fans Club ko. Ang Fans Club na tinayo ko para kay Cha at Leader. The CHAR-LEADER. At ang team song ay ehem. ehem. 'OH I THINK I FOUND MYSELF A CHAR-LEADER... SHE IS ALWAYS RIGHT THERE WHEN I NEED HER' Oh kabog!

Oh teka muna. Mukhang may announcement si Maam Paez, ang adviser namin.

"Class as I have said yesterday, kailangan na magkaroon tayo ng representative for the coming event of our school. So we need to decide now who will be our pair to represent our section." Si Maam.

Nagtinginan muna ang lahat. Tapos sabay nagsingitian. Huh! Iisa lang ang nasa isip namin hehehe. Tinignan ko si Cha na as usual nasa may bintana nakatingin habang nakangalumbaba.

"We rock for PRINCE MINHYUN!" Sabi ni Ange ng tumayo siya. Nagtilian naman ang mga classmate namin.

Oo. Kinikilig sila. Dahil sila ay members ng Char-Leader Fans Club hahaha.

"I second emotion!" Tumayo ako saka nakataas ang kamay. Ngiting-ngiti pa ako ng gawin ko ito. Pero bakit walang nagpalakpakan? Natahimik sila ng tumingin saken.

"The motion iyon Bunso..." Bulong ni Ange saken.

"Ganun ba yown?! Okay revised natin. Ehem. Ehem. I second de motion!" Masigla kong sabi ulit saka sila nagpalakpakan. Hahaha. May sanib rin ang mga section A eh. Unting mali lang pinapansin na. Eh magkatunog naman iyong sinabi ko.

"I third the motion!" Karen.

Ang masaya ay umabot iyan ng hanggang 29 the motion. Lahat pa naman nagsabi ng the motion na iyan eh. Si Cha lang ang hindi kasi absent na naman IYAN MENTALLY.

Ang tatlong Prince wala ngayon. Huwag na magtaka. Palitaw kasi ang mga iyon hahaha. Kapag hindi pumasok si Leader panigurado iyong dalawa hindi na rin papasok. Ganun rin kaya ang ibang member ng RP sa ibang klase? Mga tamad pumasok hahaha.

"Alright then.. Mr. hwang is our male representative. So how about the girl who---"

"Si CHA / BALLE !! " Hindi na namin pinatapos si Maam. Sinagot na agad ng buong class in chorus ang name ni Cha. Hahaha.

Napatingin naman kami kay Cha na NR pa rin (No Reaction). Grabe. Tulog na yata ang isang iyan. Lumapit na ako dito saka siya kinalabit. Iyon. Gising naman pala. Lumingon naman agad.

. . . Chazii POV . . .

Nangalumbaba lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Ang boring walang nangungulit sa likod ko =_____=. Oo wala iyong Gwapong nilalang sa likod ko. Tatlong araw na sila hindi pumapasok kasama ang dabarkads niya. Mga tamad pumasok.

Ramdam ko na ang ingay ng Klase namin. Wala naman akong plano alamin kasi tinatamad akong lumingon eh. Nag-isip nalang ako ng mga kakaibang mukha ng tao. Iyong mga napapanuod ko sa horror movie. Ang mukha ni Jason. Ang mukha ni Freddie. Ang mukha ni Parker. Ang mukha ni Gwapo. Ang mukha ni--- teka Gwapo? Bigla ko nalang naisip ang Gwapo niyang mukha! Hala ang mukha ni Jason, Freddie at Parker napalitan ng mukha ni ... Gwapo?! What the---

"Cha?" Bigla akong napalingon sa tumawag saken sa may likod ko. Akala ko kasi si Gwapo pero takte si Sarah lang pala. Ano naman kailangan nito?

"Cha.. taas mo kamay mo." Nakangiti nitong sabi. Iyong ngiti niya kakaiba.

Tumingin ako kay teacher sa harapan. Nakatingin ito saken. Pati ang mga classmate ko nakatingin saken. Bigla ako napataas ng kamay. Bakit ganyan sila makatingin saken? Naiinis na ba sila saken kasi ang tagal ko magtaas ng kamay? Nagtatawag ba ulit si Teacher sa attendance kaya sila nakatingin saken kasi ang tagal ko sumagot ng present?

"=_______=" Pero ayaw ko magsabi ng present tinatamad ako kaya taas ng kamay lang ang ginawa ko.

Sa gulat ko naman biglang naghiyawan ang mga classmates ko. Pati si teacher nakangiti na rin. Sus. Hindi naman pala sila galit.

"So final decision. Mr. Hwang and Ms. Balle is our representative." Nakangiting sabi ni Teacher bago nagpaalam umalis. Binigyan niya kami ng fifteen minutes para mapag-usapan ang kung ano mang sinasabi niya. Fifteen minutes nalang rin naman at uwian na.

Napa-isip ako. Representative saan? Tinignan ko si Sarah na nakatayo na sa harap ko. Naka-v sign ito saken habang ngiting-ngiti.

"=_____=" Ano naman kapangahasan ang ginawa ng Sarah na ito?

"Ms.Balle may practice kayo sa susunod na araw para sa events flow okay. Goodluck sa inyo ni Prince Minhyun!" Sabi saken ng classmates ko na sa pagkakatanda ko ay officer rin sa room namin.

"=_____=" Huh? Practice para saan naman ba?

"KAYA NIYO YAN CHA!! " Sabi pa ni Sarah saka nag-Aja Fighting.

Magtatanong na sana ako ng biglang natahimik ang lahat at napatingin sa may pintuan. Edi napatingin rin ako. Dumating kasi ang Gwapong Nilalang. Naglalakad siya papalapit samin. Este saken...

Oh tama nga dito siya pumunta sa may pwesto ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Tahimik ang buong klase. Nakikiramdam sa bagong dating. Umupo ito sa may likod ko. Lilingunin ko ba? Eh mukhang badtrip siya eh. Baka maaway na naman ako.

"Dapat di ka na pumasok Leader. Uwian na kaya." Narinig ko pang sabi ni Rouke na katabi lang ng upuan ni Gwapo.

"Paki mo..." Masungit nitong sabi. Sabi na eh badtrip ito.

Pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kahit badtrip siya lilingon na ako. Eh gusto ko lumingon eh bakit ba. Lumingon na ako sa kanya... kaso bigla naman niya hinila upuan ko palapit sa kanya at inub-ub ang ulo sa sandalan ng upuan ko.

Natameme at napatulala ako. Ramdam rin ang katahimikan ng buong klase. Crap. Nakatingin lang ako sa ulo niya ngayon na naka-ubub sa sandalan ng upuan ko. Nang-init ang mukha ko kaya naman binawi ko na ang tingin ko saka tumingin sa may bintana. Patalikod sa kaklase ko.

Crap. Sira ulo siya. Muntik na iyon ah.

. . . Luisa POV . . .

Nagulat kami nung hinila ni Leader iyong chair ni Cha. Andito ako nakaupo kasi ngayon sa may row nila Leader. Nakikipag-chismisan lang dito. At ang ganda ng pwesto ko kasi kitang-kita ko ang muntik na mangyari.

Sakto kasi paglingon ni Cha ay siya namang hila ni Leader ng upuan ni Cha at nilapit ang mukha doon sa umub-ub doon. Hindi ko alam kung wala lang ba sa mood si Leader kaya wala siyang reaction o sinadya niya iyon at saka yumuko doon sa sandalan ni Cha.

Muntik na silang magka-lips to lips sa ginawa ni Leader. Si Cha makikita na talaga na nagulat rin siya kaya hindi siya agad nakapagreact. At Oo nakita ko na biglang namula si Cha! Gosh! First time ko siya nakitang nag-blush.

Agad naman bumalik si Cha sa pagharap sa may bintana patalikod samin ng makabawi siya sa pagkabigla.

Maya-maya naghagikhikan na ang mga classmates namin saka nagbulung-bulungan. Hahaha.

. . . Chazii POV . . .

"=_____=" Wala ba siyang gana umuwi? Sino? Edi ang Gwapong nilalang na prenteng nakaupo sa sofa namin dito sa bahay. Oo nasa bahay namin siya.

Kanina kasi sa school nakasunod lang siya ng nakasunod saken. Sina Sarah kasi bigla nalang nawala ng pauwi na kami. Iniwan na naman ako! Psh. Tapos itong gwapong nilalang ay hayan nga parang aso kakasunod saken.

Malapit na ako sa bahay ko nakasunod pa rin siya nun kaya nilingon ko na siya. At bigla nalang siya nagsabi na sa bahay muna namin siya kasi wala pa daw ang driver niya. Hindi na ako nakaapila kasi bigla nalang siya naunang naglakad at pumasok sa bakuran ng bahay ni Oppa.

Ang kapal nauna pa saken eh nu. At alam niya ang bahay namin. Iba!

"Eoreum... ang init." Angal niya kaya naman napatingin ako sa kanya.

Ito na naman ang feeling akward ko... kami lang kasi dalawa dito sa bahay ee. Si Oppa may group project na ginagawa so dapat solo ko bahay ee. Napatingin ako doon sa dalawang electric fan na nakatutok sa kanya. Grabe naiinitan pa siya niyan?

TOK!! TOK!! TOK!!

Ano ba yan.. may makikidagdag pa? May kumakatok eh. Tumingin ako kay Gwapo. Tumingin rin siya saken. Hays. Sabi ko nga ako pa rin magbubukas ng pinto.

"=_____=" Binuksan ko ung pinto.

"CHAAAA!!" Bungad agad saken ng class president namin. Oo nga pala kapit-bahay namin ito. Natandaan niyo nung naligaw ako dahil iniwan ako nila Gwapo sa Jollibee? Siya iyong tumulong saken makauwi. Paano magkapit-bahay lang pala kami.

"Pwede paturo ng assignment sa math?!" Ngiti-ngiti nitong sabi sabay pakita saken ng libro namin sa math.

"Busy siya." Biglang may sumagot sa may likod ko. Si Gwapo na naka-sando nalang! Ano trip niyan sa buhay? At naka-sando at... napatingin ako pababa... naka-boxer nalang?!

"Oh my..." Bulalas ni Karen sa pagkagulat habang nanlalaki ang mata nito. Tapos ng tignan ako nito parang tanga. Ano naman iniisip niyan?

"=_____=" Nagulat rin kaya ako. Hindi pa ako nakaka-move on sa trip ni Gwapo ng may isa na namang hyper ang dumating.

"CHAAAAAAAAAA!!" Si Sarah na pataakbong pumunta samin. "Karen bakit andito ka?" Tanong nito pagkakita kay Karen. Tapos nagulat rin ito pagkakita kay Gwapo sa likuran ko. "At Leader andito ka rin?"

Pareho na sila ng itsura. Mga gulat na gulat at kung ano-ano ang iniisip. Nagkatinginan pa sila na parang timang. Tapos hayan na si Karen. Magsasalita na.

"Oh my gosh. Cha ginawa niyo na ba ni Leader iyon?! B-bkit niyo ginawa iyo--- mmmm" Hindi na natapos ni Karen ang sinasabi niya dahil tinakpan ni Sarah ang bibig nito.

"Hahaha sige Cha... alis na kami. Bye." Sarah sabay hila kay Karen paalis samin.

"=______=" Napatingin akl kay Gwapo. Hindi ko kasi nagets ang eksena nung dalawang iyon.

Nakatingin rin lang siya saken. Tapos bumalik na siya doon sa sala at umupo na naman ng prente. Tsk. Sinara ko na iyong pinto saka sumunod sa kanya sa sala. Nanunuod lang naman kami ng Wrestling.

"Hindi ka pa uwi? =_____=" Tanong ko ULIT. Gabi na kaya.

"Sasamahan nalang muna kita dito..." Sagot nito. Grabe. Ang straight niya magtagalog. Nakakapanibago lang.

"=_____=" Nanuod nalang ulit ako. Eh kasi naman. Wala yata ito balak umuwi. Kaming dalawa lang dito. SHEYTT KINIKILABUTAN NA NAMAN AKO.

. . . Sarah POV . . .

"Tsandali nga..." Kumalas na si Karen sa pagkakahawak ko. Kulit.

"You wanna die?" Pagsusungit ko dito habang pinupunasan ang palad ko na nalawayan niya.

"Huh? Bakit ba??" Nagtaka na tanong nito. Nagulat yata sa bigla kong pagsusungit.

Napabuntong-hininga ako. Bakit ba ako nananakot ngayon? Hahahaha. Mukhang nagulat nga si Karen sa sinabi ko kaya naman tumawa ako saka siya tinapik-tapik sa likod. Oh hayan ako na ulit ang Sarah na kilala niya.

"Ano ka ba. Istorbo ka kaya dun kina Cha." Nakanguso kong sabi dito sabay cross arm.

"Oh em Sarah! Bakit andun si Prince Minhyun?! My god ambata pa nila para gawin iyon. Saka masasaktan si Cha kasi baka first time niya!" Malisyosang sabi nito.

"Baliw!" Binatukan ko nga. Kung ano-ano iniisip eh.

" ARAYYY! " Angal nito.

"Ang dumi ng utak mo. Syempre hindi ganun si Cha! Kaloka ka." As bestfriend syempre pagtatakpan ko si Cha. Chos. Hahaha. Alam ko naman na hindi nila gagawin iyon nu. Pero nagulat rin ako ng makita ko si Leader doon sa bahay nina Cha! At naka-sando at boxer short lang siya? Jusko.

"Ano ka ba! Madaling matukso ang kabataan ngayon.." Pangangatwiran ni Karen.

"Hindi iyan. Andun kaya ang kuya ni Cha. Adik na to. Kalma lang okay?" Ang totoo niyan nangangamba ako kasi alam kong wala si Oppa sa bahay nila. Kaya nga ako pumunta kina Cha para may kasama siya eh. Tinext kasi ako ni Oppa na samahan muna si Cha. Hindi naman sa nag-aalala kami sa kaligtasan ni Cha... mas nag-aalala kasi si Oppa sa kaligtasan ng bahay niya. Wala daw kasi siyang naiwan na lutong ulam kaya baka mangialam daw sa kusina si Cha. Mahirap na.

"Pero close na ba talaga si Cha at Prince Minhyun? Bakit andun siya kina Cha?"

"Ssh ka lang huh. Huwag mo ipagkalat sa school iyon. Baka magalit si Leader. Alam mo naman magalit iyon." Pananakot ko dito.

"Haha. Ganun ba. Don't worry I keep it secret! Pero... Hays. Magpapaturo sana ako sa math.." Sabi ni Karen.

"Ako nalang magtuturo sa iyo!" Alok ko dito.

"Huh ah. Huwag nalang.. uwi na ako..BYE" Sabi nito sabay nilayasan ako.

Bastos iyon. Oo na sige na ako na di magaling sa math! Grabe.

. . . Chazii POV . . .

Tahimik lang kaming nanunuod ng detective conan na CD ngayon. Tapos na kasi iyong wrestling eh. Tumingin ako sa wall clock.

7:33PM na pala... di pa talaga uuwi ito? Kanina pa itong four pm dito eh.

"Eoreum nagugutom na ako .." Maya-maya ay sabi nito.

Hayan na naman ung tawag niya sa akin. Anong word kaya iyan? Search ko kaya sa internet mamaya?

"Ako rin.. =____=" Sabi ko nalang din. Nagugutom na nga ako kaso wala naman iniwang pagkain si Oppa. Kainis. Wala rin si Sarah para mag-donate ng pagkain. Ganun kasi kami kapag walang pagkain na iniwan si Oppa magtetext iyon kay Sarah para hatiran ako ng pagkain. Hmp. Baka kinalimutan na ako ni Oppa.

"Wala bang makakain?" Tanong nito.

"=____=" Umiling-iling ako.

"Magluto ka na." Utos nito. HUWOW. Katulong niya ba ako?

Tumayo ako at pumasok sa room ko. After kunin iyong wallet ko ay lumabas ulit ako. Huminto ako sa kabilang side niya saka siya niyaya.

"Bili tayo ng pagkain...=____=" Yaya ko dito.

Pero umiling lang ito at nanatiling nakaupo.

"Magluto ka nalang." Sabi pa nito.

"Tss...=____=" Bumalik ako sa kwarto ko saka binalik sa bag ko iyong wallet ko.

Huwag siya umangal pag-ako-nagluto ah. Lumabas na ako ng kwarto saka dumiretso sa kusina.

. . . Minhyun POV . . .

Nakita ko na lumabas si Eoreum ng kwarto niya na nakapusod ang buhok. Naks pagluluto ako ni Eoreum haha. Napangiti ako habang nakaupo dito. Maliit lang ang bahay nila Eoreum pero organized naman. Nalaman ko itong bahay nila dati pa. Oo. Iyong nagkataon na dito kami ni Butler dumaan papuntang school kasi minsan mahirap dumaan sa Hi-way.

*Phone call*

"Butler..." Sagot ko sa tawag nito.

( Young master sundo--in ko na po ba ikaw ? ) Tanong ni Butler na hirap na hirap magtagalog.

Oo pati si Butler na hindi magaling magtagalog ay pinagsasalita ko ngayon ng tagalog. Kaya panigurado may hawak na naman itong gadget at naka-on ang google translator.

"Hindi na muna. Dito muna ako mag..." Ano nga tagalog ng stay? Crap. Hirap mag-straight tagalog! Tama nga naman sina Red. "Dito ako muna mag-stay."

( Sige Young Master. Padalhan niyo nalang ako ng makabagong paraan ng pagmemensahe kapag susunduin ko na kayo. )

Napanganga ako sa tagalog ni Butler San. Takte ang lalim nun ah. Dinugo ako sa pag-iintindi.

I end the call bago pa ako makarinig ulit ng malalim niyang tagalog. Nanunuod muna ako ng Detective Conan habang naghihintay kay Eoreum matapos magluto.

Teka bakit nangangamoy sunog? Maya-maya may usok na ang nanggagaling sa kusina. Kinabahan ako! Takte may sunog?!

Tumakbo ako papuntang kusina. Nag-alala ako baka na-suffocate na si Eoreum doon. Pagtapak ko sa may pintuan ng kusina nagulat ako sa nadatnan ko.

Hindi naman kakapalan ang usok. Kaya kitang-kita ko si Eoreum. Seryosong-seryoso sa pagtimpla ng juice. Napatingin ako doon sa kalderong nakasalang sa napakalakas na apoy. Umuusok na ito at ito ang naaamoy kong sunog.

"Iyong rice mo sunog na..." Pukaw ko dito.

"Ah.. =_____=" Napatingin ito saken tapos doon sa kaldero. Then iniwan niya iyong tinitimpla niyang juice saka pinatay ung stove... iba! Kalmado niya lang na ginawa lahat ng kilos niya. Parang normal lang ang nangyayari.

"Ano ito ??" Turo ko sa may nasa lamesa. Mga maiitim na bagay na nakalagay sa pinggan

"Ulam. =____=" Sagot niya saka pinagpatuloy iyong pagtitimpla ng Juice.

Ulam?! Tinitigan ko ang mga itim na bagay at doon ko nalaman kung ano sila. SUNOG NA HOTDOG. SUNOG NA HAM. SUNOG NA ITLOG. SUNOG NA BACON.

PAGKAIN BA YAN?! Okay. Rephrased. Makakain pa ba iyan? Putek. Napalunok ako ng wala sa oras. Normal lang ang kilos niya. Hindi man lang nagtaka sa kinalabasan ng luto niya? Maya-maya inayos na niya iyong lamesa. Naglagay na rin siya ng kanin sa serving plate. At anak ng! Hilaw ang taas sunog ang gilid at baba at LUGAW ANG GITNA.

MAKAKAIN BA IYAN?!

"Kain na..=_____=" Siya na umupo na.

Ako nag-hehesitate pa kung kakain ba ako o umuwi nalang ako.

"Iyan lang alam ko lutuin. First time ko magluto para sa iba. Kain ka na. =______=" Sabi pa nito.

First time niya magluto para sa iba? So ibig sabihin ako palang ang pinagluluto ni Eoreum?! Napangiti naman ako. Umupo na ako saka kumuha ng sunog na bacon, ham, hotdog at itlog. Mapili ako sa pagkain kaya nga may personal chef ako. Pero ewan. Para lang sa effort ni Eoreum pagtitiisan ko nalang ang lasa.

Siguro nguya, lunok at inom ng tubig na nilagyan ng kulay ang gagawin ko. Oo. Pati juice hindi nakaligtas sa kamay ni Eoreum. Lasang tubig nalang eh. Sana lang buhay pa ako pagtapos ko kumain ng luto niya.

One more thing I need to take down notes. Never trust her in kitchen work.

------------------------------------------------------------------------------ chapter 8 ends.

EXTRA CHAPTER!

Okay kung gusto niyo malaman ang pinanghuhugutan ni Leader kung bakit siya nagsabatas ng pagtatagalog ay babasahin ninyo ito. Kung ayaw niyo at kuntento na kayo sa sarili ninyong pananaw sa dahilan ni Leader, aba move forward na kayo sa susunod na Chapter.

So ngayon kung nagbago ang isip ninyo. Free kayong basahin at makibalita sa kaganapan na hindi na nasali sa normal chapters. So kung ready na kayo heto na at sisimulan ko na ang aking muntik salaysay.

After PE class... (Indoor games kung saan naglaro sina Cha at Minhyun ng chess)

Kanya-kanya na labas ng PE room ang Class 10-A. May mga dumiretso sa Changing room para magpalit ng School Uniform. Isa na doon ang barkada ni Chazii. Ang iba naman sa cafeteria na dumiretso para makapag-lunch na.

Habang ang ating tatlong munting prinsepe na sina Minhyun, Baekho at Ren ay dumiretso na rin sa Changing room para magpalit ng damit. Nag-aayos ng sarili si Leader ng mapansin niya ang naka-umbok sa bulsa ng bag niya. Ang notebook ni Cha sa math na ginamit nila sa scoring sheet ng kanilang chess match kanina. Napailing nalang siya kasi magaling pala mag-chess iyon. Kaya nga nakabuo na siya ng pasya na kukuha siya ng trainor para maging kasing galing niya sa Chess si Chazii.

Sa Changing room naman ng girls ay sina Cha nalang ang naiwan. Ayaw kasi nila makipag-unahan sa mga classmates nila. Nauna na magpalit sina Luisa at Maja. Sina Ange, Sarah at Cha ay nakaupo pa sa wooden seat na andun sa changing room. Naghihintay pa kasi sila ng mababakanteng cubicle para makapag-palit na.

"Cha kayo huh. Nakakapansin na kami sa inyo ni Leader!" Pang-aasar ni Ange.

"Oo nga! May pag-asa ba Cha si Leader? Hehe. Lahat na ng katangian na magugustuhan mo nasa kanya na eh." Sabat pa ni Sarah.

"Tsk. =_______=" Hindi na nag-comment si Cha. Kasi parang mas madami naman daw na dahilan para mairita ka doon.

"Bakit Cha? May ayaw ka ba kay Leader?" Tanong ni Ange.

"Madami. =______=" Iyan nalang sinagot niya para manahimik na sila. Kasi kapag sinabi niya na unti lang baka pilitin pa nila isa-isahin niya iyon. Kaya naman iyan nalang sinabi niya.

"Huh? Tulad ng ano Cha?!" Gulat na sabi ni Sarah. Takte ang boses naman.

"Tsk. =______=" Kulit.

"Sige na Cha! Sige ka iisipin namin dahilan mo lang iyong madami... iyon pala ang ibig mo sabihin madami kang dahilan para magistuhan siya!" Humahagikhik na sabi ni Ange kay Cha. Nagkangitian pa sila ni Sarah na parang mga t*nga.

"Tsk. Ayaw ko ng masungit. =_______=" Umpisa ni Cha. Totoo naman kasi masungit daw si Minhyun.

"Ano pa?" Usisa ng dalawa.

"Pala-utos siya. =_____="

"Oh ano pa?"

"Mahilig siya manigaw. =______=" Todo isip pa si Cha ng dahilan para lang may madahilan siya sa mga kaibigan at ng tantanan na siya ng mga ito kakareto doon sa Gwapong iyon.

"Tapos?"

"Lagi siyang galit. =______="

"Ano pa?"

"Hindi siya palapasok. Tamad mag-aral. =_______=" Takte sumasakit na ang ulo niya kakaisip ng dahilan.

"Oo nga naman. Oh ano pa?"

"Masyado siyang maputi. =______=" Okay. Parang napaisip rin si Cha sa sinabi niyang iyon.

"Oh... ayaw mo ng maputi? Sabagay..." Comment ni Ange sabay tumawa. "Ano pa?" Si Cha kasi maputi naman kaso kapag dumikit na kay Leader nagiging maitim siya hahaha.

"May bangs siya na hindi na nakikita ang noo niya. =_______="

"Bwahahaha! Ano pa?!"

"Masyadong mayaman. =_______="

"Ayaw mo pa nun? Oh sya ano pa?"

"Hindi siya magalang. =________="

"May point ka diyan Cha hahaha. Pareho kayo... somehow lang naman. Oh ano pa?"

"Tsk. =_______=" Wala na akong maisip. At teka bakit ba ako nagbibigay ng dahilan sa mga ito?!

"Cha ano? Bigyan mo kami ng dahilan bakit may chance na ayawan mo si Leader..." Si Sarah.

Pagkasabi ni Sarah niyan ay saktong andun si Leader at Baekho sa di kalayuan sa kanila. Kanina pa kasi naghihintay sa labas ng Changing room ang dalawang RP's dahil ibabalik ni Minhyun ang notebook ni Cha. Pero may isa pang rason bakit sila andun. Kasi trip niya lang rin makita si Cha.

Napahinto pa sa paglapit ang dalawa at nagkatinginan. Sinenyasan ni Leader ang kaibigan na manahimik muna. Nakadama siya ng kakaiba ng marinig niya ang tanong na iyong ng kaibigan ni Chazii. Dahilan para ayawan siya? Abah! Magkakaroon pa ba ng dahilan ito para ayawan siya? Siya si Minhyun Hwang? May chance na ayawan ng isang tulad niya?! Napamura siya sa isip niya. Pero gusto niya pa rin marinig ang dahilan nito kaya nagtago sila sa may corner ng locker para hindi sila makita ng mga ito.

"Tsk. =_______=" Sagot ulit ni Cha. Wala na kasi siyang maisip eh.

"Oi. Wala siyang mabigay na..." Pang-aasar ni Ange.

"Merun. Sumasakit ang ulo ko pagnakikita siya. =_______=" Dahilan niya pa.

Napamunot-noo naman sina Sarah at Ange. Maging ang dalawang RP's na nakikinig. Si Minhyun naman ang napaisip bakit sumasakit ang ulo nito kapag nakikita siya nito... Sa gwapo niyang iyon?

"Huh bakit naman?" Tanong ng dalawang kaibigan ni Cha.

"Tsk. =______=" Napaisip si Cha. Baka kapag sinabi niya ay pagtawanan siya ng dalawa. Totoo naman na sumasakit ang ulo niya kapag nakikita niya ito. Una kasi ang Gwapo nito masyado. Iyong tipong nagliliwanag ito sa kagwapuhan kaya sumasakit ang ulo niya dahil nakakasilaw ang kagwapuhan eh. At ang isa pang dahilan. Sumasakit ang ulo niya dahil lagi nalang siya napapa-ranoid tuwing kasama niya ito. Paranoid kasi iyong pakiramdam niya sobrang weird.

"Ano nga Cha?!" Naiinip na nasabi ng dalawa.

Samantalang si Minhyun at Baekho seryosong nakikinig sa usapan ng tatlong babae.

"Leader... seems like bad shot ka kay Chazii..." Comment ni Baekho.

"Shut up!" Mahina ngunit puno ng pagbabantang sabi ni Minhyun sa kasama. Hindi niya alam bakit apektado siya ng ganun sa narinig niya.

"Kasi... =_______=" Umpisa ni Cha.

"Kasi..?" Inip na inip na sabi nung dalawa.

"Kasi englesero siya. Silang magkakasama. Ayoko sa english ng english. =_________=" Sabi nalang ni Cha. Lame? Kasi naman wala na siya maisip na ibang dahilan.

Napanganga naman ang dalawang lalaki sa narinig. Si Baekho hindi napigilan mapangisi. Si Minhyun naman hindi makapaniwala sa dahilan ni Cha. Dafak! Napamura siya bago sila umalis sa lugar na iyon na hindi sila napapansin ng tatlong magkakaibigan.

"Huh ? Cha ? Ano nga ulit iyon?" Tanong ni Sarah at Ange na hindi narinig ang sinabi ni Cha dahil sa pagtawag sa kanila nina Luisa at Maja.

"Tsk. Wala. =__________=" Tumayo na si Cha saka pumasok sa nabakanteng cubicle sa changing room. Mabuti nalang at hindi nila narinig dahil baka magtawanan lang sila kasi ang panget pala ng dahilan niya. Mamaya isipin nila hindi siya magaling mag-english eh. Madaldal pa naman iyong dalawang iyon.

Si Sarah naman na sinusulat lahat ng ayaw ni Cha kay Leader sa kanyang notebook ay napailing nalang. Alam naman niya pumapalusot lang iyang si Cha. Nilagyan niya pa ng title ang mga sinulat niya na ayaw ni Cha kay Leader.

MGA BAGAY NA AYAW NI CHAZII KIM BALLE KAY MINHYUN HWANG.

1.Masungit ito.

2.Mahilig mag-utos.

3.Laging nakasigaw.

4.Parang laging galit.

5.Hindi laging pumapasok.

6.Masyadong maputi.

7.May bangs siya.

8.Masyadong mayaman.

9.Hindi siya magalang.

10. English ng english pag nagsasalita.

Binasa muli ni Sarah ang sinulat niya sa notebook niya sabay humalakhak. Paano naman daw kasi ang mga dahilan ni Cha puro walang kabuluhan.

Si Ange naman pumasok na rin sa cubicle para magpalit nang makatanggap siya ng text kay Baekho na niyaya sila kumain sa Forest side.

-------------------------------------------------------------------------- extra chapter ends.

--------<Ʒ+K

Continue Reading

You'll Also Like

395K 26K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
69.3K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
527K 12.9K 46
read <3 Highest rank achieved #11 fantasy #fantasy#humor#fanfiction Sorry sa typo [edit ko nalang po] ^_^ Chaka wahh napaka daming wrong grammar...
142K 3.5K 54
Ang storyang may konting action-romance-at fantacy..