Not That Intricate Love Affai...

By JulNielMontadilla

35.7K 1.3K 319

Julia Montes was just once a simple working student, doing everything to provide the needs of her family. Da... More

Not That Intricate Love Affair
Chapter 1: First Meeting
Chapter 2: Weird Man!
Chapter 3: Who.... to choose?
Chapter 4 : Is He Confessing?
Chapter 5: Not Lovers' Quarrel
Chapter 6: First Real LQ and Date
Chapter 7: He Tries So Hard
Chapter 8: Julia's First Love (Short Update)
Chapter 9: Feels Like A Girlfriend
Chapter 10 : Our Daily Routine
Chapter 11: Month-Oops.Kiko's Birthday
Chapter 12: Confused Heart
Chapter 13: My New Housemate
Chapter 14: Words of Wisdom
Chapter 15: All Lovey-Dovey & Never-Ending Jealousy
Chapter 16: Night of Truth & Tears
Chapter 17: The House
Chapter 18: Cuddling & Attacks
Chapter 19: Not the first love
Chapter 20: Love Letter
Chapter 21: Hidden Story (DANIEL'S POV)
Chapter 22: Early Wedding Surprise
Chapter 24: Engagement Party
Chapter 25: Off the Road
Chapter 26: Believe me, I know you
Not That Intricate Love Affair: End of Part 1
Chapter
2x01: Present Situations
2x02: Memory Bank
2x03: Welcome Back
2x04: She's His
2x05: First Meeting
2x06: Birthday Together
2x07: Workmates
2x08: Workweek
2x09: Secret
2x10: Weddings and Proposals
2x11: Confrontation
2x12: The Break-Up
2x13: What Happened in the Past
2x14: House Triangle
2x15: Stolen
2x16: Deja vu
2x17: All Out
2x18: Turning Point (Part 1)
2x18: Turning Point (Part 2)
2x19: End
Not That Inticate Love Affair: The Ending
NTILA

Chapter 23: List of Love; List of Responsibility

576 24 7
By JulNielMontadilla

"Uhm, tita, this is Julia. Daniel's...girlfriend"

After that little introduction the other Julia gave, i could only see Daniel's mother looking at me from head to toe.


"Julia" my consciousness is back. Kanina pa nagre-replay sa utak ko ang nangyari the other night sa condo ni Daniel. Ni hindi ko malaman kung anong gagawin. Napaka-intimidating ng presence ng dalawang babaeng yun. Hayyy.

Kasama ko pala si Daniel ngayon, nag lulunch kami ngayon sa isang resto bar. Weird nga eh kasi ang aga pa namin dito. Usually kasi, dinner kami bumibisita para chumill-chill lang kasi sikat din yung banda na nagpe-perform dito every night. Actually, mabilis na break lang dahil magtatrabaho na rin siya ulit.

"Ano na yung plano mo sa interior ng bahay?" tanong niya.

"Girlfriend? Really?"

"Uhm. Hello. I am Julia. Montes...Julia Montes po" I offered my hand for a handshake.

Tiningnan niya lang ito at umupo sa sala. "Julia"

"Po?" "Yes, tita?" sabay na naman naming sagot. Tinitigan ako ng mama ni Daniel for that tapos nilipat ang tingin kay Julia sabay ngiti.

"Call Daniel" utos niya.

"Ah. Ako na po" Sumingit na ako. Bakit ba siya ang tatawag eh hindi naman siya ang syota. Kinuha ko na agad ang cellphone ko at lumabas ng condo.

"Julia" ugh ugh. Julia, bakit mo ba kasi inaalala yung awkward moment na yun? Bumalik na naman ako sa katinuan.

"Julia, kanina ka pa wala sa sarili mo. Ano bang problema?"

"H-ha? W-wala. Ano na yun? Paki-ulit nga?"

"Sabi ko..."

Actually, dumating din agad si Daniel nung gabing yun.

"Daniel..it's been a while" lumapit ang ina niya sa kanya at niyakap. Kumalas naman agad si Daniel.

"Here, i brought Julia with me" saad pa ng mama at iprinisenta si Julia.

Lumapit din siya kay Daniel at niyakap ito. "Hey, long time no see"

Spell out of place? Napaka picturesque ng view na tinitingnan ko ngayon. Ako ba yung Julia na girlfriend or yung nasa harapan ko ngayon? Napahawak na lang ako ng mahigpit sa bag ko. I need to go out, i think? Tama, reunion 'to nila mag-ina. Papasok na lang ako ulit mamaya.

Tatalikod na sana ako pero may humawak sa braso ko dahilan ng pagbalik ko sa dati kong pwesto. It is Daniel and he's dragging me now towards his mom.

"This is Julia" panimula niya. Pinipilit ko namang alisin ang pagkakapit niya sa akin.

"Daniel..."

"Pinakilala na siya sa akin ni Julia. Your girlfriend?" Ugh naiirita na ako sa Julia Julia na iyan! Nakakalito. Bakit pa kasi sa napakaraming pwede makapangalan, siya pa?!

"No" matigas na sagot ni Daniel.

"She is my fiancée" BOOM. Nagpasabog na naman ng isang bomba 'tong si Daniel. Never niyang dinahan-dahan ang mga bagay. Napayuko ako. Dahil hindi ko kayang tingnan ang reaksyon sa mga mukha nila.

"Julia!" Ah. Ano bang nangyayari sa akin? Nawala na naman ako. Paano ba kasi, talagang nagrerewind sa utak ko yung nangyari. Nakakabahala kasi. Wala kaming narinig sa mama niya after. In short, deadma. At hindi ko alam kung mabuti o masamang senyales yun.

"Nag space out ka na naman! Tell me, what's wrong ? Kanina pa ako nagsasalita dito oh!" pikon na yata itong kasama ko. Eh sorry, pinepeste 'tong utak ko.

"A-ah w-wala. O-okay lang ako. Uhm. Ito na, ito na ang plano ko" Kinuha ko ang ipad ko sa bag at pinakita sa kanya ang mga prospects ko para sa bahay.

"Ito..." Zinoom ko yung picture. "Gusto ko itong sala set para sa living. May pagkacoffee ang kulay to compliment na siguro yung wide space lalo pa't extending from the floor pataas ang glass wall. Plus i ordered thin curtains to block the sun rays. Masyado kasing maliwanag eh. But don't worry. I made sure na double siya para mahati at pwede lang sa gilid ang curtain if you don't feel like using them" I sounded professional, didn't I? Pero sa totoo lang, ginagawa ko ang lahat para magfocus. May isang bagay kasi akong gustong itanong pero nag-aalinlangan akong tanungin.

"Hmm.." uminom lang siya ng juice at nilapit ang upuan niya sa akin.

I swiped the screen to reveal the second picture which was the dining table. "Ito, made of pure glass lang pati ang chairs para very simple but very chic"

"Hmmm..." lumapit pa siya at inakbayan na ako. Napatingin naman ako sa braso niya sa balikat ko. Ano na naman ang trip niya? Lilingon pa sana ako para tingnan ang mukha niya pero pinabalik niya ang ulo gamit ng hintuturo niya.

"Continue" utos niya pa.

Napabuntong hininga na lamang ako.

" I don't want any change of wall colors. Gusto ko white lang pero sa rooms, maybe may accent ng green and something alike like blue at iba pa. This is my revisions sa may living room. Hindi ko na babaguhin ang exterior niya since bahay mo naman yun at hindi naman ako architect slash engineer. Pero sa loob, gusto kong lagyan mo dito..." tinuro ko ang gitna ng model house. I encircled it to emphasize. "lagyan mo dito ng spiral stairs leading to the recreation space natin"

Ngayon naman ay umaakyat na ang kamay niya papunta sa may ulo ko. At dahan dahan niya itong pinapasandal sa balikat niya.

I made a very deep sigh. "Daniel, bumalik ka nga sa dati mong puwesto" pagsisita ko. Wala na nga akong focus, dinadagdagan niya pa ng ganito. Jusko.

"Hmm. Recreation space?" nagpatuloy pa rin siya na parang walang narinig. Dahil diyan, inangat ko na ang ulo ko.

"Sabi nang..." tumaas na ang tono ng boses ko pero nag level down din naman agad. "bumalik ka eh..."

He just crossed his arms at sumandal sa upuan. "Fine. I'll hold myself. So continue, anong recreation space?"

Tapusin mo na, Julia. Hayy, tapusin mo na lang. "Yung space na pinakamalapit sa may boundary sa taas, yun. Sa other side, palalagyan natin ng stairs. Para diretso na doon mula sa baba." I swiped again. "this is what the space looks like. Andito ang computer, dito nakalagay ang tv para sa playstation mo. And this crystal-cabinet will be filled with your dvds for our movie-watching"

Wala na akong narinig na sagot. Kaya't i moved my head towards him but to my surprise, my lips are on his lips already. Napatunganga lang ako.

Kaloka! Umatras na ako at tiningnan siya ng masama.

"Ano?!" nakangisi pa siya habang sinigaw ito. Hayyy. Grabe.

"Alam mo bang may listahan na ako ng mga ganitong pakulo mo" ininom ko ang shake ko.

He leaned rested his elbow on top of the table, leaned his head and looked at me, smiling. "Really? Ano?"

"Damoves #1, the bag hug para cover lates move... Yun yung late ka sa mga meet-ups natin tapos uunahan mo ako ng mahigpit mong yakap para hindi ko na mapansin na late ka" eto, eto...palagian niya 'tong style eh! Pero pag ako na, halos sigawan niya ako sa inis dahil ilang minuto ko siyang pinaghintay.

Tumawa lang siya ng mahina at tumango-tango.

"Damoves #2, the forehead kiss to cut me off... Ito yung hahalikan mo ako sa noo para tumahimik ako. Para hindi ko ma-voice out ang mga opinyon ko at para ikaw lang ang masunod." Sasabayan niya pa ito ng, Good night babe, Bye, my Julia at iba pa.

He gestured his hand now to tell me to continue talking.

"Damoves #3. I'll clean it up for you kiss. Ito, once mo lang ginawa sa akin pero pinabulok mo itong style! Yung ginawa mong paghalik sa akin para matanggal ang sauce, langya ka! Sa susunod, sisiguraduhin kong sa pisngi o sa ilong ko malalagay ang sauce nang sa ganun...hindi ka na maka-score!" Isa talaga yun sa mga pinaka-embarrassing moment ng buhay ko. Isipin niyo naman, nasa parke kami nun!

Napatawa na talaga siya ngayon dahilan ng pagsalubong ng dalawa kong kilay.

"What if i told you i'll still clean it up for you...kahit na sa pisngi o ilong pa yan?" he then smirked.

Inirapan ko na lang siya. "At Damoves #4, itong bago mo lang ginawa. Silence kiss. Bigla ka na lang tatahimik kasi naka-abang ka na nang sa ganun, magtama ang mga labi natin pag lumingon na ako. Naku Mr. Ford, ngayon na alam mo na na alam ko na. Mag-isip ka na ng improvised damoves mo." Mabuti't may ganito kaming pag-uusap ngayon. Medyo nakalimutan ko ang bumabagabag sa akin kanina pa.

Umayos na ng upo si Daniel at tiningnan lang ako sa mata.

"M-may..may extra damoves pa pala.." bigla kong sambit.

"Damoves #5, itong ginagawa mo ngayon. Itong nakakatunaw mong titig... Na ginagawa mo...palagi" sinuklian ko lang rim siya ng titig.

"Ba't di mo gawing anim?" bigla-bigla na lang siyang nagsalita.

"Huh?"

Lumapit siya sa akin hanggang sa ilang sentimetro na lang ang lapit ng mukha ko sa kanya.

"#6, the i love you kiss... Which happens everytime i realize how...beautiful you are" BLANKO. Na-blanko niya ang utak ko.

He lifted my chin. Looked into my eyes and said, "God..you are so beautiful" and kissed me deeply.

When our lips parted, he hugged me tightly. "Alam kong nababahala ka. About my mother?" nahuli niya ako. Alam ko naman kanina pa eh. Na navavibes niya na ang nasa isip ko kaya nga napaka-unusual dahil tanong siya ng tanong kanina pa.

Kumalas ako. Itanong mo na Julia. Itanong mo na kung anong gusto mong tanungin.

"Daniel.."

"Hmm?" sagot niya habang hinahaplos ang pisngi ko.

"B-bakit m-magkasama yung mama mo at si J-Julia dun? C-close ba s-sila? A-alam ba ng mama mo na tapos na yung pretend relationship niyo dati. B-baka n-naman k-kasi-

"Sssssh" singit niya while he cupped my face.

"Don't worry. Kay? Julia knows we're just friends. Focus on designing the house" hindi na ako nagtanong ulit pagkatapos nun.

Paalis na kami ng resto bar nang biglang hinarangan kami ng cashier.

"Hello po! Napansin po kasi naming regular costumers namin kayo dito. Pwede po ba kaming kumuha ng picture? Isasabit po naming doon" tinuro niya ang isang tali sa may freedom board na parang sampayan. Mga polaroids ang mga nakasabit and mga couples nga.

"You should ask my girlfriend" sabi ni Daniel kaya naman ngumiti sa akin ang babae.

"Oh, sige ba" hindi na ako nakahindi. Kinunan niya na kami ng litrato at after nitong madevelop, sabay naming kinlip sa may tali.

After nun ay umalis na siya papunta sa office niya habang ako naman, nagsinungaling na may dadaanan pang furniture house kaya hindi na ako nagpahatid. Sa totoo lang, gusto ko lang maglakad to keep all the thoughts away from me.

Habang naglalakad ay nakarinig ako ng busina mula sa likod. Huminto ako sa paglalakad at huminto rin ito sa tabi ko. Maya-maya't may lumabas na lalaki, naka-suit ito. Bodyguard? Eh?

"Hi Ms. Montes" Malamig na bati niya.

Tinuro ko ang sarili ko. "Ako?" ano na naman ang kailangan nito sa akin?

"Mrs. Ford wants to have a coffee with you" hindi ko pa na i-internalize ang mga nangyayari, bumaba na ang car window sa likod. And revealing it was the mother of the man i just kissed minutes ago.

-----------------------------------------------------------------


"What do you think, Julia?" nasa isang exhibit kami ngayon at kaharap naming ang isang painting. Well, it's abstract in my perception dahil mixture lang ito ng mga kulay.

"It's very complicated ma'am. But in somehow, it looks simple. It's very beautiful" matinong sagot ko naman. Ngayon niya lang kami nagkaroon ng isang maayos na pag-uusap. Wala siyang ibang sinabi sa sasakyan kundi magtanong kung pwede muna kaming dumaan dito.

"Very brief. Matalino ka"
Hindi ko alam kung insult ba yun o papuri. Hindi lang siguro ako komportable sa kanya or...ah basta, ewan!

Nakatunganga lang kaming pareho sa painting nang nakarinig na ako ng tunog ng sapatos mula sa likod. Heels, actually. Tumingin na ako at there I saw who's coming. Julia Barretto's ramping as if it was a catwalk wearing a black turtle neck bodycon dress with longsleeves. Nakapony-tail ang buhok niya and yes, she's wearing a black stilettos. She smiled at me and I had no other choice but to smile back, forcibly.

"Julia!" narinig ko ang masayang boses ng mama ni Daniel kaya't hindi na ako lumingon dahil sigurado akong hindi ako ang tinutukoy niya.

"Hello tita!" saka sila nagbeso-beso.

"Hi Julia!" she went to me at nakipagbeso rin. Ugh. Sana nagpahatid na lang ako kanina.

"Julia?" sa tonong yun, alam kong ako na ang tinatawag kaya humarap ako kay Tita...I mean Ma'am Karla? Eh? Basta sa ina ni Daniel.

"Okay lang naman na kasama natin si Julia, right?" Ngumiti ako ng pilit. Ano pa ba ang magagawa ko eh andito na siya. Kesa paalisin ko, diba?

"Siyempre naman po..." sagot ko naman.

"So Julia, we were looking at this painting. What do you think?" Wow. Nage-gets ko na ang point dito. Hihingiin niya ang opinion nito at ico-compare sa sinabi ko.

"Well, for me it describes the painter, you know. As I can see... he or she's very elegant, considering the choice of colors. Feeling ko nga similar kami nung painter, you know, tita...explorer. Not really afraid of taking...RISKS" hindi ko alam kung anong gusto niyang ipamukha dun sa statement niya pero nung una kaming nagkita, Akala ko eh medyo maayos na babae 'tong Juliang 'to. Pero bakit ngayon, parang may kulo siya sa loob? What risks does she mean?

Tumawa ng mahina ang mama ni Daniel. "Expected from you. You should practice defining it like that, Julia..." ngayon, hindi na ako nalilito kung sinong Julia ang gusto niyang sabihan nito.

"Let's go grab a drink, tita" nagsalita na rin si Julia kaya naman nauna na silang maglakad. This is too difficult.

-------------------------------------------------------------------------------
"So you're an interior designer?" Kumain ang mama ni Daniel ng isang maliit na slice ng sansrival cake habang tinatanong ito.

"Yes"

"Your parents? Anong trabaho nila?" Napalunok naman ako ng away dun. This part makes me just want to go out from this café.

Julia. Breathe. Breathe. "My father died"

Tumaas ang kilay niya. "Your mom?"

"Just..uhm. She doesn't have any work to do. Simpleng ina lang sa amin" nagfa-fade-out na ang boses ko.

"Oh. Breadwinner" Julia looked at me this time and she half-smiled as she took a sip from her coffee.

"Gusto kang pakasalan ng anak ko sa susunod na buwan" halos maluwa ko ang iniinom kong tsaa. I-isang b-buwan? H-hindi 'to nasabi sa akin ni D-Daniel ah!

"What's with the rush?" Bumack-up naman agad itong Barretto.

"A-ah. H-hindi pa p-po naming ito napag-uusapan ng maayos. Uhm, h-hindi a-ako magpapakasal next month" Daniel naman kasi talaga. Baka sa susunod ay magbibigay na yan ng invitations ng hindi ko alam. O baka sa susunod, kasal ko na kinabukasan tapos hindi niya sinabi sa akin.

"Tell me honestly...Buntis ka ba?" hindi ko na nakayanan. Napalabas ko na talaga ang iniinom kong tsaa.

"Sorry! Sorry po.." Sabay punas ko sa lamesa at bibig ko. I knew this is coming. I knew it. I knew it!

"H-hindi. I'm not pregnant." Mahinahong sabi ko. Nagtinginan silang dalawa.

"Hmm. But Daniel really wants to do it as soon as possible" puna na naman ni Julia. Habang halos malusaw naman ako sa titig ng mama ni Daniel. Binabasa niya ako eh. Tinitingnan niya kung nagsasabi ako ng totoo o hindi.

"Well, kung yun ang gusto niya. Then let's do it"
wait, did I hear it right? Wait. Papayag siya na magpakasal kami? Uhm no, hindi naman sa ayaw niya in the first place pero hindi naman niya yata ako gusto. T-teka? Eh andito si other Julia.


"Ah-uhm. K-kausapin ko pa po si-

"In a month..." alam ko na kung saan namana ni Daniel ang ugali niyang ganito.

"You should be the perfect wife for my son" Panaginip ba ito? Ano bang nangyayari? Anong ibig niyang sabihin?

"H-hindi k-ko m-maintindihan..." pautal-utal ko namang sagot.

"Horse-back riding... Golf... Wine auctions...Charity events... Fund meetings...VVIP Parties...It's not enough that you're a graduate of a 4-year course" Pwede break muna? Nagme-meet na ang dalawa kong kilay dahil hindi ko ma-comprehend.

"P-Po?" At ito lang talaga ang lumabas sa bibig ko.

"Julia, kung gusto mong maging asawa ang anak ko, kailangan mong maging isang asawa na gustong...asawahin ng lahat." Sinasabi niya ito sa akin pero sa ibang Julia siya nakatingin na siya namang nakatingin sa akin.

Oh, Lord...ano ba itong pinasok ko?

"One more thing"
hindi na ako makapagsalita. Tinatry pang i-process ng utak ko ang mga sinasabi niya.

"Your wedding gown..."
Gown..yes gown..wedding gown. Tama, oo, Julia. Tandaan mo palagi, pumayag kang magpakasal kay Daniel.

"Huh?"

Halos mabitawan ko ang hawak kong teacup nang marinig ko ang mga salitang ito mula sa mama ni Daniel.

"Si Julia...Si Julia ang magde-design nito"


Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
816K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
83.5K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...