Let's Dance? (COMPLETED)

By Kesh_h

2.4K 1.3K 43

Shanianah is her name. She aspires to be a professional dancer or choreographer, but she has no idea how to g... More

Author's Note.
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE.
Questions.

CHAPTER 40

28 16 0
By Kesh_h

Nag simba muna kami ni Akio at pagkatapos non ay napag isipan namin kumain sa isang ma-mahaling restaurant.

Sinabihan ko na siya na kumain na lang kami ng street foods dahil masarap na at mura pa. Pero hindi niya naman pinansin ’yung sinabi ko at dinala niya pa rin ako sa ma-mahaling restaurant. Nakakahiya man pero wala rin naman akong magagawa dahil pinilit niya ako e, bahala na raw kung sobrang mahal ng mga pagkain dito.

Pagkatapos naman naming kumain doon, napag desisyonan namin na pumunta sa isang parke hanggang sa madatnan kami ng gabi.

"Tignan mo, ang ganda ng kalangitan ngayon. Tapos ang dami pang mga bituin." ani ko habang nakatitig sa magandang kalangitan at kumakain ng popcorn.

Nasa tabi ko naman ngayon si Akio at kumakain rin siya ng popcorn.

Naramdaman ko namang sobrang tahimik niya kaya nilingon ko siya at sa aking pag lingon, nakatingin na pala siya sa akin.

Mag sa-salita na sana ako kaso na unahan niya ako. “Ang ganda nga." he said habang nakatitig siya sa aking mga mata at kinain 'yung popcorn.

Inilapit niya naman 'yung mukha niya sa akin, kaya napa atras ang mukha ko doon. "Ang ganda mo. Sobra." he said with his husky voice.

Umiwas naman ako ng tingin at naiilang naman akong tumingin sa buong paligid ng sinabi niya iyon sa akin. Ramdam ko 'yung kaba, kaya naman—

Naputol naman 'yung pag iisip ko ng bigla na naman siyang nag salita. "Are you tired?" tanong niya sa akin.

"H-Hindi." lumingon naman ako sa kaniya. "Ikaw?"

"Nope." tumingin naman siya sa relo niya at tumingin ulit sa akin. "Seven fifty-four pa naman ng gabi. Punta muna tayo sa bahay."

Bahay? bahay nila? ano raw?

"Huh?”

"Do you want to meet my Mother and Father?" tanong niya at tumayo mula sa upuan at tumingin sa akin.

Ipapakilala niya ako sa mga magulang niya, ang awkward nun, hindi ba?

Naiilang naman akong tumango sa kaniya at ngumiti. "Sure,” tumayo naman ako at humarap sa kaniya.

Bahala na kung ang awkward, wala namang kami e.

’Tsaka I want to meet his Father and Mother.







Nasa malaking lamesa ako ngayon, nasa hapag-kainan kami at kasama ko ngayon ang mga magulang ni Akio. Kanina pa kami na tapos kumain, pero hindi pa kami umaalis rito sa hapag-kainan dahil masaya pa kaming nag da-daldalan.

Sobrang bait nila.

"Oh, can I ask you... Shan? Shan, right?" tanong sa akin ng Mama ni Akio at katabi niya ngayon ang Papa ni Akio.

Mabait din 'yung Papa ni Akio. Pure Japanese at ang fluent niya sa salitang tagalog.

Kaya siguro may half si Akio kasi isang hapon ang Papa niya.

"Yes po, ano po itatanong niyo?"

"Mag kasintahan ba kayo ni Akio, hija?"

Muntik naman mabulunan si Akio sa iniinom niyang tubig ngayon. Nakita ko namang sinamaan niya ng tingin ang Mama niya.

Kinakabahan naman ako dahil nalilito ako kung ano ang isa-sagot ko sa tanong ng Mama niya.

"H-Hindi p-po kami mag k-kasintahan." nauutal kong sagot.

"Oh, sorry I thought mag kasintahan kayo. Bagay na bagay pa naman kayo ng Anak ko." masayang sabi ng Mama niya. Nagkatitigan naman kami ni Akio at naiilang na ngumiti sa isa’t isa.

"I want you two to be married." mabilis naman akong na palingon sa Papa ni Akio nang marinig kong sinabi niya iyon sa amin.

Napalunok naman ako dahil sa kaba.

Ano raw? fifteen pa lang ako.

"A-Ano po? k-kasal?? bata pa p-po ak—"

He cut off my words, "Soon, hija, kapag nasa legal age na kayo tapos maabot niyo na 'yung mga pangarap niyo." huminga naman ako ng maluwag. Akala ko ngayon agad. Akala ko ngayon agad ’yung kasal, grabe naman.

"Mom, we have to go. Lumalalim na 'yung gabi." sabi ni Akio kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.

Tumango naman 'yung Mama ni Akio at tumayo, "Wait, just wait. Hold on." dali-dali naman itong umakyat sa taas at hinintay na lang namin itong bumaba.

Tumayo naman 'yung Papa ni Akio at tumingin sa akin. "You're a beautiful girl, you should take care of yourself. My son will be the one you should marry soon."

"Dad! ano ka ba, ang bata pa namin para diyan—" hindi na natuloy ni Akio 'yung dapat niyang sa-sabihin dahil may narinig kaming may bumaba galing sa hagdan nila.

"Hey, I’m back!”

“Take this." wika ng Mama ni Akio at ibinigay niya sa akin ang isang bracelet na kulay ginto.

"Ma'am—”

"Tita. Tita Amara, not Ma'am. Okay?" sabi niya at ibinigay sa akin 'yung bracelet, wala akong magawa kung hindi tanggapin ito.

"Thank you po... Tita Amara." naiilang kong sabi sa kaniya.

"You should call me Tito Akimiho." singit ng Papa ni Akio. Napatango naman ako rito at ngumiti ako sa kanila. "Salamat nga ho pala sa pagkain, Tita, Tito." I said to them, then they smiled at me.

"Okay, you should go now. Gabi na.” Tito Akimiho remarked.

“Ihatid mo siya ng maayos at maingat Akio ha? sinasabihan kita." sabi naman ni Tita Amara.

Napatango naman si Akio. "Yes, Mom." lumapit naman siya sa Mama at Papa niya at hinalikan sila sa pisngi.

Naalala ko tuloy sina Mama at Papa.

Kumusta na kaya sila?

I missed them.








Nagising naman ako ng maaga, dahil naalala ko na lunes na naman ngayon.

Damn, I truly hate Monday.

Na pilitian naman akong bumangon mula sa higaan at tinignan si Sheyne na nasa ibabaw ng double deck na ngayo'y tulog pa.

Maaga pa naman, pag tingin ko sa wall clock ay five nineteen pa lang ng umaga.

Pumasok na muna ako sa banyo para mag hilamos at mag toothbrush, lumabas ulit ako at pumunta sa mga damit ko at kinuha 'yung tuwalya at uniform ko para doon na lang ako mag bihis sa banyo.

Pagkatapos kong maligo agad naman akong nag bihis at lumabas ng banyo para mag patuyo ng aking buhok.

Umakyat naman ako sa double deck para gisingin si Sheyne. Niyugyog ko naman ito. "Sheyne, gising na. Lunes ngayon—”

"Bigyan mo muna ako ng fifty minutes."

Ayaw mo pala gumising ah.

"Sheyne, nasa labas ng dorm si Luke." pang-aasar ko rito upang tumayo na siya.

Dali-dali naman siyang tumayo upang tignan 'yung labas, ng nalaman noyang walang tao sa labas ay tinignan niya ako ng masama.

Tumawa naman ako ng malakas dahil sa sobrang kalutangan niya, hindi niya ba naaalala na bawal pumunta 'yung mga lalaki sa girls dorm.

"Tarantado ka talaga, na wala tuloy antok ko dahil sa ’yo.” sambit niya habang kinukusot ang kaniyang mga mata.

Habang nag su-suklay ako sa buhok ko, bigla namang nag vibrate 'yung phone ko sa aking tabi.

Kinuha ko naman ito upang tignan kung sino ang nag-text sa akin.

Levin: Hey, good morning. Gising ka na ba?? sabay tayo hatid mo ako sa music room tapos hatid kita sa dance room. HAHAHAHAHA!!

Levin: Kidding. Gising na para maka sabay kita sa hallway.

Kahit kailan may pagka abnormal din itong so Levin. Hindi ko nga rin alam kung bakit maraming nag ka-kagusto rito.

Sabagay, guwapo naman siya, matalino, maganda ang boses, marami talagang mahuhulog doon.

Nang matapos na si Sheyne ka agad naman naming hinanda 'yung mga damit namin para sa practice mamaya.

Nang matapos 'yon, lumabas naman kami ng dorm. Pababa na kami, bigla namang sinalubong ni Luke si Sheyne.

Sinabi ko na lang kay Sheyne na una mauna na siya, kasama niya naman si Luke e.

Habang nag-lalakad ako sa hallway, bigla namang sumulpot sa tabi ko si Levin.

"Alam mo, ang aga mo nag text sa akin kanina. Ano na kain mo?" tanong ko rito habang nakatingin lang sa daan.

"Kasi nagising ako." pilosopong sagot niya. "’Tsaka may tanong pala ako."

"Ano?"

"Hindi ba kaklase mo 'yung babaeng long hair? tapos matangos 'yung ilong?—” I cut him off. "Ah, si Marzanna ba? bakit? gusto mo? sasabihin ko mamaya."

"Hoy! gago, nag tanong lang naman e.” angal niya kaya mahina akong na tawa dahil doon.

“She’s beautiful.” aniya.

"Maganda talaga siya, halatang hindi mapapa sa iyo." tumawa naman ako ng malakas dahil sa sinabi ko, babaw talaga ng kaligayahan ko.

"Sige na nga, mamaya na lang ulit. Parang sira e." iritadong sabi niya sa akin at umalis na, napangiti na lang talaga ako. Ang sarap mang asar ngayon ah.

Dinahan-dahan ko 'yung bawat lakad ko dahil hindi ko mapigilan ma-mangha sa garden na dinadaanan ko ngayon, ganda ng mga bulaklak dito. Halatang ina-alagaan talaga nila ito ng mabuti. Fresh na fresh.

"Hey! kumusta?" nagulat naman ako dahil biglang sumulpot si Dewei.

Lumingon naman ako sa kaniya at ngumiti, "Okay lang naman. Ikaw ba? kayo ni Kofi kumusta?" I asked him.

Napahinto naman siya sa tanong ko. "May napapansin ka ba sa kaniya?" he asked me.

Tumango naman ako. "Oo, narinig ko pa mga pinag usapan nila ak—” napahinto naman ako, wala akong balak na sabihin pa 'yon sa kaniya!

"Huh? pakiulit nga, tama ba narinig ko? pinag uusapan ka nila Kofi?”

Umiling naman ako sa kaniya at nag patuloy na lang kami sa pag-lalakad hanggang sa makarating kami sa classroom at hinihintay na lang namin na mag simula ang klase.








Kakatapos lang ng klase namin ay agad kaming nag bihis at pumunta sa dance room para mag practice na.

Nakatayo lang ako sa gilid habang nasa gilid ng sahig 'yung bag ko.

Habang nag uusap sina Dewei at Sheyne bigla namang tumabi sa akin si Skylla.

"Hi,”

"Hello,” bati ko rito.

"I noticed something, kanina pa titig nang titig sa 'yo si Kean." she smiled at me na halatang kinikilig ito.

"Huh?"

"Kanina ka pa niya tinititigan." tinuro niya ito gamit ang kaniyang bibig.

Napatingin naman ako rito.

Nag tama naman 'yung mata naming dalawa.

He smiled at me at ngumit din ako sa kaniya.

Kakaiba 'yung ngiti niya sa akin, na parang may gusto siyang sabihin sa akin na ayaw niyang masabi.

Continue Reading

You'll Also Like

15.9M 780K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
25.4K 638 55
He didn't want those eyes to meet again, because when his eyes met those eyes he didn't want to lose sight of those girl who have a curse eyes- Her e...
1.1K 91 40
Amanda Gabrielle is a girl who had a traumatic childhood. She was neglected by her own family, which led her to be the girl who only finds comfort in...
128K 9.2K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...