Under Her Daydream (UNDER DUO...

By VChesterG

654K 20.4K 4.3K

Chance Vivienne Zoberano, an overweight College student, always thought that guys will never take her serious... More

Under Her Daydream
BLURB
Prologue
Episode 1
Episode 2
Episode 3
Episode 4
Episode 5
Episode 6
Episode 7
Episode 8
Episode 9
Episode 10
Episode 11
Episode 12
Episode 13
Episode 14
Episode 15
Episode 16
Episode 17
Episode 18
Episode 19
Episode 20
Episode 21
Episode 22
Episode 23
Episode 24
Episode 25
Episode 26
Episode 27
Episode 28
Episode 29
Episode 30
Episode 31
Episode 32
Episode 33
Episode 34
Episode 35
Episode 36
Episode 37
Episode 38
Episode 39
Episode 40
Episode 41
Episode 42
Episode 43
Episode 44
Episode 45
Episode 46
Episode 47
Episode 48
Episode 49
Episode 50
Episode 51
Episode 53
Episode 54
Episode 55
Episode 56
Episode 57
Episode 58
Episode 59
Episode 60
Episode 61
Episode 62
Episode 63
Episode 64
Episode 65
Episode 66
Episode 67
Episode 68
Episode 69
Episode 70
Episode 71
Episode 72
Episode 73
Episode 74
Episode 75
Epilogue
Under His Nightmare
Author's Note

Episode 52

7K 245 41
By VChesterG

Author's Note: This is how I imagine Mylo 😁

×××

PARA bang may mga glitters sa paligid ni Mylo nang magsimula siyang lumakad patungo sa akin. Iyong tipong kumikinang siya sa ilalim ng papalubog na araw. Kasabay niyon ay matamis niya akong nginingitian dahilan para lalo siyang gumwapo sa paningin ko.

Grabe lang talaga ang isang 'to.

Ang lakas ng dating.

Sobrang gwapo kung ngumiti.

Parang may filter ng cell phone ang mukha niya, grabe talaga. Solid . . . Napaka-perfect . . . Shuta! Favorite ka ba ni Lord?!

Nang tuluyan na siyang makalapit ay winelcome ako ng pabango niyang panlalaki. The smell is so manly and handsome at the same time. Tangines! Oo! Hindi lang mukha ang gwapo sa kanya, pati na rin ang amoy! Lord! Ayoko na! Mukhang magkakasala pa ako nito sa boyfriend ko—charot!

"Are you kinda selling something? Or are you happened to be just a philantropist now? You know—like, you are giving free drinks to people." He asked. His smile never left the perfect shape of his soft-looking lips.

"Uhm," huminga ako nang malalim kasi kailangan ko iyon. 'Di ko keri 'tong ka-gwapuhan ng isang 'to talaga, jusko. "N-Nope . . . Binebenta ko 'to. Final Project namin sa isang subject ko."

He nodded slowly as he turned his eyes on the tray of my strawberry taho then on my face. "Nag-si-uwian na ang ibang students, ah. Mukhang mahihirapan ka nang ibenta ang lahat ng mga iyan."

Doon ako napatikhim. Malungkot kong tiningnan ang mga kaawa-awa kong taho. "Ayon nga, eh. Hindi ko na talaga alam kung kanino ko pa ito ibebenta—"

"Bilhin ko na lahat." Ang pagputol niya sa akin.

Napapakurap akong tumingin sa kanya. Right now, I am staring at him as if he is some sort of a miracle that was sent by heaven to grace the Earth with nothing but the gentle wind of prosperity. That one miracle who will bring us the blessing that we never thought we needed not until we have it.

"What?" He chuckled.

"Did I heard you right?" I am still blinking. "B-Bibilhin mo lahat?"

"Uhm," he chuckled once more. "Yeah."

Doon ay nanlaki pareho ang mga mata ko pati na rin ang butas ng ilong ko. "Talaga?!"

He is smiling as he nodded. "You heard it right."

Patuloy na nanlaki ang mga mata ko sa kanya at talagang napatalon ako sa tuwa. Pero hindi rin iyon nagtagal kasi muntik nang matapon ang mga cups. Mabuti na lang talaga at mabilis ko silang na-ibalanse! Gusto kong sampalin ang sarili dahil sa kagagahan ko! Sa huli ay nginitian ko na lang talaga siya nang malawak.

Grabe na talaga. Hindi lang ang mukha at amoy ang gwapo sa lalaking ito, pati ang kalooban niya! Mabuti na lang talaga at ex-crush ko na lang siya kung hindi, ay nako! Baka na-inlove na naman ako sa kanya—joke lang!

"Hey, relax." He is now laughing.

"Alam mo, dati ka sigurong angel." Mangiyak-ngiyak kong inabot sa kanya ang tray na buong puso naman niyang inabot. "Bakit ang perfect mo?"

"Perfect?"

"Oo! Perfect! As in 100% flawless at garantisadong walang bahid ng katarantaduhan! Kumbaga sa isang pagkain, ikaw ang high standard! Ikaw ang tinitingalang recipe na gustong-gustong ma-achieve ng lahat!"

Doon ay biglang nag-iba ang timpla ng mukha niya. Tumikhim siya at halata kong pilit ang naging pagtawa niya. "I doubt that."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "At bakit naman?"

I was never ready when he darted me a serious gaze. Hindi ako sanay dito dahil palagi ko siyang nakikitang nakangiti lang. "Kasi kung perfect talaga ako, e 'di sana, gusto rin ako ng babaeng gusto ko. Ang kaso, hindi eh. Kaya I really doubt that."

I blinked from what he said. "Weh?"

Kasi totoo namang nakakapagtaka! Sa gwapo niyang iyan, sinong tangang babae ang hindi magkakagusto sa kanya? Nag-iimbento ba siya dahil gusto lang talaga niyang magpaka-humble? Hindi naman na niya kailangang gawin iyon kasi tanggap ko nang siya na ang perfect! Na siya na ang pinaka-favorite ni Lord!

"Oo nga. Seryoso ako." He is now laughing genuinely again. Gone are the seconds where he is faking it. Then he pouted at me the way my heart can't handle. "Now, stop staring at me as if I am pranking you."

"Nakakapagtaka lang kasi talaga. You got it all. Ikaw iyong lalaking papangarapin ng kahit na sinong babae. Kumbaga, kung may chance lang na isabak kaming lahat sa jojoawain at totropahin challenge, hindi pa man picture mo ang pinapakita, ay nako! Jojowain ka talaga namin agad!"

There, he laughed hard. "You are really crazy."

Pero dahil may pagka-marites akong tunay ay nagpatuloy ako sa pang-i-intriga sa kanya. Bahala nang masabihan ng feeling close, chance ko na ito para makilala pa siya nang lubusan oy!

"Pero sino ba iyong babaeng iyon? Bakit hindi ka niya bet? Bulag ba siya—"

"May iba na siyang gusto." Ang mabilis niyang pagputol sa akin. "Naunahan na ako, eh."

"Ay, may jowa na siya?"

He pouted again as he nodded. Para siyang batang inagawan ng lollipop. Leche, ang sarap pisilin ng pisngi niya!

"Awts." napangiwi ako at mapaglarong tinapik siya sa likod. Matapos ay ginaya ko ang karaniwang boses ng mga conyo na lalaki sa BGC. "Pighati tayo diyan, pare. Inom na natin 'yan, pare."

"Right, I know."

"Pero 'wag kang mag-alala, asawa nga naaagaw pa. Iyan pa kayang jowa pa lang?" Ang bulalas ko sa kanya habang patuloy sa pagtapik sa kanyang likod. "Kayang-kaya pa 'yan, maagaw mo pa 'yan."

"Really?" He is now smiling while biting his lower lips.

"Oo, basta sabi ko. Nagkakatotoo 'yan."

"Alam mo, puro ka kalokohan." Naiiling na lang talaga siya sa mga kagagahan ko. He is still wincing as he cocked his head towards the tray that he is holding. "Anyway, tulungan mo na nga lang akong ubusin itong mga taho mo. Hindi ko ito kaya nang mag-isa lang."

"Aba! Libre? Gusto ko 'yarn!" Ang sigaw ko sa kanya with my most animated facial expression.

Tinawanan niya lang naman ako. Iyong totoo ba, mukha ba akong clown sa paningin niya? Leche naman.

Naglakad na kami patungo sa mga bakanteng bench ng University habang kinukwenta ko kung magkano ba ang dapat niyang bayaran. At talagang dito ko lang nakumpirma na galante pala siya! Ku-meep the change, eh! Oo! Sosyal!

Ilang saglit ay nakaupo na rin kami sa isang bakanteng bench. Dito kami pumwesto sa lugar kung saan nakaharap kami sa oval ng school. Sa gitna niyon ay may mga soccer players na nag-pa-practice.

"Here." Inabot sa akin ni Mylo ang isang taho. Nakangiti ko naman iyong tinanggap.

"Teka, hindi kaya magselos sa atin ang boyfriend mo? Sebastian can be too aggressive sometimes. I am sure that you are aware of that." Ang biglang tanong niya kaya't ganoon na lang ang pagkurap ko.

"H-How did you know that he is my boyfriend?"

He playfully rolled his eyes. "It's the great Sebastian. Everyone is updated with his personal life."

Napangiwi ako. Right. Bakit pa ba ako nagugulat? Eh, simula nang maging official na kami ay talagang naging open book na rin ang buhay ko sa ibang mga estudyante. Dumami nga rin ang followers ko sa IG nang dahil sa kanya. Ang gago, in-IG story ba naman ang picture namin na hinahalikan ko siya sa pisngi. Pereng shiraulo! 

"So, ano nga? Hindi ba siya magseselos sa atin?" He pushed the question again.

Uminom muna ako ng taho bago ako sumagot. "Nope. Why would he be jelous? Wala naman tayong ginagawang anomalya dito, aber."

There, I saw how his smile grew. Kagat-labi na naman siyang nakangiti habang tumatango nang mabagal. "Good."

Ang weird naman ng isang 'to. Siguro iyon talaga ang hindi perfect sa kanya. Iyong ngingiti siya nang walang dahilan. Parang baliw.

Matapos niyon ay mahigit isang oras din siguro kaming tumambay doon sa bench. Ito na ang pinakamatagal naming pag-uusap. Sa isang oras na iyon ay na-diskubre ko na madaldal pala talaga siya. He is the one who always initiate the topic. Nandiyan iyon tinanong niya ako kung saan ako nag-elementary up until he widened his  eyes when he discovered that I am the daughter of the great Liv and Grace Zoberano.

It was really great talking with him. Para akong nakikipag-usap sa best friend ko kahit na ngayon lang naman talaga kami nagka-usap nang ganito katagal. Maybe, this is going to be the beginning of our friendship.

"Huy, 6 PM na pala. Grabe, madilim na." I told him. Tumingin ako sa langit at ngayon ay kumakaway na sa amin ang bilog na buwan.

"Uwi ka na? Gusto mo hatid na kita sa inyo?"

I shook my head. "Nope. Magpapasundo na lang ako kay Sebastian, paniguradong hinahanap na rin siguro ako n'on."

I am wincing on my mind. I forgot about him! Walangya! Baka kanina pa iyon nag-cha-chat sa akin! Naiwan ko pa naman ang cell phone ko sa bag ni Alaia!

Walangya! First LQ ba ituh?!

"Sure, take care." Mylo smiled at me and I smiled back as I stood up.

"Bye. Ingat sa pag-uwi, ha!" Ang huling sambit ko sa kanya bago ako nagmadaling tumakbo pabalik sa marketing booth.

Right now, I am really running with the wind in the middle of the silent hallway. Wala na talagang mga estudyante at nag-e-echo na sa paligid ang bawat pagyabag ko.

Ilang segundo pa ng pagtakbo ay natanaw ko na ang marketing booth. I was about to head straight there when I noticed something. From my peripheral vision, I saw a familiar figure.

Kusang huminto ang mga paa ko sa pagtakbo.

Then I slowly turned my head towards that familiar figure.

And I was never ready to what welcomed my eyes.

It was Catalina . . . 

She is holding Sebastian's hand.

They are heading towards the back of the building and my knees are trembling as if I just saw a ghost . . .

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 58.7K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
82.5K 1.2K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
49.6K 2.4K 30
A story about a girl with so many dreams in life but became a victim of bullying because of her teeth which led her to lose confidence-widening her d...
6M 196K 65
Christian Sage Monterio is not someone you messed up with. At age 17, he's fearless, bold, and dangerous. However, an incident happened that drove h...