Make The Boyish Fall In Love✓

By Hanse_Pen

18.1K 657 217

Marienne Aecy Chandria Ramos is a boyish type of a person. Zhyro Blaine Acosta wants to make her fall in love... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 29

265 7 1
By Hanse_Pen

Marriene Aecy Chandria's Point of View

"Police Captain Zhyro Blaine Acosta at your service, Madame."

What the f*ck!?

"Gago! Ate Sam! Ano'ng ginagawa ng gagong 'yan dito? Sino ang nagpapasok sa kaniya rito? Ilabas n'yo 'yan at baka masuntok ko ang gagong 'yan," galit na sigaw ni Zac na masama ang tingin kay Zhyro na walang emosyon o reaction.

Parang biglang nag-iba ang aura niya kumpara noong huli naming kita. Bakit hindi ko na makita sa kaniya ngayon ang lalaking minahal ko rati? Nagbago na ba siya?

"Hindi ko rin alam, Zac. Siya ang naatasan na magbantay sa inyo together with his team. I didn't know na siya ang magbabantay sa inyo. And I know between what happened to Zhyro and Mac but it's all in the past, right? You guys have move on, right? Hindi naman na siguro magkakaroon ng problema sa pagitan n'yong dalawa kasi matagal na 'yon," sabi ni Ate Sam.

Tinignan ko si Zhyro at ngumisi. Akala mo ay ikaw lang ang nagbago? Ako rin, 'no! Hindi na kita mahal at hindi na ako mapapaapekto sa isang katulad mo. Matagal na 'yon at alam ko sa sarili ko na nakamove on na ako sa iyo kaya wala nang dahilan upang iwasan kita. Natuto na ako, Zhyro. Hindi na ako magpapauto sa iyo.

"Yes. I already move on, Ate Sam. And shut up, guys. Ang ingay ninyo. Hindi ko tuloy napanood si Kagami na tumawa."

"Tsk, kaya naman namin ang sarili namin. Hindi na kailangan ng bantay," nakabusangot na bulong ni JV pero dahil katabi niya lang si Ate Sam ay narinig niya 'yon, kaya ayan, nahila tuloy ang parilya niya. "Ahhh, aray! Ate Sam! Arayyy, masakit na, masakit. Tama na, Ate Sam!"

"Manahimik ka nga riyan, JV. Kaya pala isang babae ang nagligtas sa iyo noon nasa Los Angeles tayo dahil lang sa muntik ka nang maholdap. Iyan ba ang kaya ang sarili? Umasa sa babae?" Pagalit na sabi ni Ate Sam dahilan kung bakit kami napatawa.

Nakakatawa naman kasi talaga ang mukha ni JV noon. Para siyang nakakita ng multo dahil sa nangyari sa kaniya at buti na lang talaga ay may nagligtas sa kaniya. Daig pa siya nung babaeng nakipag-agawan ng kutsilyo sa holdaper dahil nga natakot siya. 

"Tsk Kailangan isigaw, Ate Sam?" Masungit na tanong ni JV.

"Ah, basta, sila Cap Zhyro ang magbabantay sa inyo and that is final. I need to go to the company na pala. We need to talk about your concert here and that's all. Meeting adjourn, you may go back to your rooms," sabi ni Ate Sam at lumabas na.

Nagkani-kaniya namang nagsialisan ang lahat, kami lang nila Zac, Jeicee, Zhyro and his team ang nandito. Hindi umiimik si Zhyro at ang mga kasamahan niya, nakatayo lang sila sa bawat sulok ng aming bahay.

Well, mas mabuti ngang huwag na lang nila kaming pansinin dahil hindi rin naman namin sila papansinin. Wala kaming oras para sa kanila.

"Mac, kanta tayo," biglang sulpot ni JV mula sa kung saan at may hawak pang gitara.

Tinamaan na naman ang magaling. Mukhang sinisipag siyang maggitara ngayong araw at hindi ko alam kung bakit.

"Ano'ng kanta?"

Ngumisi lang siya sa akin at umupo sa tabi ko. Tsk, huhulaan ko na naman kung ano'ng tutugtugin niya. Parang si Zac lang. Siguro  ay kay Zac niya iyon natutunan dahil ganiyan si Zac sa akin.

Nagsimula na siyang patugtugin ang gitara. At nang masiguro ko nga na 'yon ang kanta ay iniisip ko na ang lyrics. Gago! Bakit 'yon ang kakantahin namin? Nababaliw na talaga ang isang 'to. Parang tanga lang.

Maaari ba natin 'tong pag-usapan
Sa dami-rami na ng ating pinagdaanan
Ngayon mo pa ba maiisipang isuko
Ang lahat ng ating pinagsamahan
Masakit sa damdamin hinigop ng hangin
Ang lakas, pinaghihinaan ng wakas
Pwede bang pag-isipan huwag ka munang lumiban
Baka sakali na ito ay maisalba pa
Lumalamig ang gabi
Hindi na tulad ng dati

Nakapikit ako habang kumakanta at parang walang pakialam sa paligid ngunit ang totoo ay iniisip ko ang dating kami. 'Yong mga panahon na sinabi niya sa akin na suko na siya, na dahil sa letseng oras na 'yan ay sumuko kaagad siya sa akin.

Napakagago niya sa panahong iyon? Sobrang gago niya.

Bumalik na naman sa akin 'yong mukha niyang masaya kahit halos iilang araw pa lang na naghiwalay kami. Na parang wala lang talaga sa kaniya na naghiwalay kami.

Dapat pala kinanta ko 'to sa kaniya noon. Baka kasi sakaling nagkabalikan kami at hindi ako nasaktan ng sobra, baka naiwasan ko 'yong sobrang sakit na naranasan ko sa kaniya. Baka sakaling naayos pa namin 'to. Pero huli na, matagal na kaming wala.

Pagmulat ko ng aking mga mata ay siya kaagad ang nakita ko ngunit wala man lang siyang reaction. Patay ang kaniyang mga mata at parang wala lang talagang sa kaniya.

"Nice. Ang galing-galing mo talaga, Mac,"
nakangising sabi ni JV kaya binato ko siya ng unan.

Alam ko ang gusto niyang iparating sa akin at kay Zhyro ngunit halata namang walang pakialam sa Zhyro sa kinanta ko.

He already move on na talaga. Eh di mabuti.

"Tangina mo talaga, JV!"

Matapos ko siyang murahin ay umalis na ako. Pumunta ako ng garden at doon naupo sa isang bato. Ilang minuto na akong nakaupo sa bato nang may maramdaman akong tao sa likod ko.

Tsk, sino naman kaya ang ugok na 'to?

"JV, kung ikaw lang 'yang nasa likod ko ay umalis ka na. Baka masapak lang kita at mapagalitan ako ni Ate Sam dahil nagkaroon ng pasa iyang mukha mo."

"How are you? How have you been?"

Isang napakalamig na tinig ang narinig ko, nanigas ako dahil sa lamig ng kaniyang boses. Nawala 'yong dating sigla, 'yong masayahin niyang boses. Ano'ng nangyari?

Umupo isya sa tabi ko ngunit hindi ko siya nilingon at ganoon rin siya. Nakatingin lang kami sa mga bulaklak na nasa harapan namin.

"Ayos naman. Natupad ko na ang pangarap ko."

"Are you happy?" Seryoso niyang tanong.

"May dahilan ba para malungkot ako? Masaya ako kung ano man ang narating ko ngayon. Ikaw? Masaya ka ba?"

"Yes, definitely happy. By the way why did you sang that song? Haven't you moved on yet? Are you still in love with me? Ganoon ka na ba kapatay na patay sa akin, Mac?" Tanong nya kaya nilingon ko ito at kita ko ang isang ngisi na nakaplaster sa kaniyang mukha.

Sa mga oras na ito ay parang gusto ko siyang suntukin sa mukha. Ano ang karapatan niya para sabihin sa akin 'yan? Hindi naman makapal ang mukha niya, 'no? Sobrang kapal lang.

"Ang lakas mo rin, 'no? Kinanta ko 'yon dahil iyon ang tinugtog ni JV. Huwag kang masyado mahangin, Sir."

"Hindi ako mahangin. I was just stating the fact, the fact that I can still see through your eyes that you are still in love with me. I know you still do," saad niya at nilingon ako.

"Mali ang nakikita mo kung ganon. Nakalimutan na kita at ang nararamdaman ko sa iyo. Sorry na lang dahil may bago nang laman ang puso ko at hindi na ikaw 'yon. Matagal na kitang kinalimutan."

Matapos kong sabihin iyon ay naglakad na ako ngunit bago iyon ay...

"At nga pala. Hindi mo kailangan na ipamukha sa akin na parang wala lang sa iyo ang pinagsamahan natin. Huwag mo na rin ipilit sa akin na mahal pa kita. Baka kasi kapag tinapat kita, bigla ka na lang umiyak sa isang tabi at masabi mo na sana hindi mo na lang ako tinanong kung ano ba talaga ang tunay kong nararamdaman para sa iyo."

Ang kapal ng mukha niyang mag-assume na may nararamdaman pa rin ako sa kaniya. Lumipas lang ang walong taon ay naging assumero na siya. Masyado siyang naging mahangin at bilib sa sarili. Tangina niya kung ganoon! Ayaw ko na siyang makausap pa at bigla ko na lang siyang masapak dahil sa ugali niyang tangina siya.

Matapos kong sabihin iyon ay pumasok na ako sa loob. Nadatnan ko pa rin doon si Jeicee na nagbabasa at si Zac na kinukulit ang nobya niya.

"Zac, punta ka rito."

"Bakit?" Tanong niya at nilingon ako.

"Lumapit kana lang ditong lintik ka. Dami pang tanong."

Nakabusangot siyang lumapit sa akin at ipinakita ko sa kaniya ang isang buntis na babae. Bibigyan ko siya ng clue at kapag hindi niya pa nagets, ewan ko na lang.

"Oh, bakit? Ano'ng meron diyan sa buntis na babaeng 'yan?" Tanong niya at tinitigan ang babaeng buntis na nasa phone.

"Hindi mo gets? Tangina naman, Zac. Lumayas ka nga sa harapan ko. Nandidilim ang paningin ko sa iyo. Buwisit ka talaga."

"Gago ka, Mac? Tinawag-tawag mo ako tapos ayan lang pala ipapakita mo? Ano bang meron sa buntis na 'yan? Ano? Gusto mong mabuntis? Wala ka ngang jowa. Gago ka ba?" saad niya.

"Medyo gago ako, pero ikaw? Sobra-sobra pa sa gago."

Tanginang 'to. Gabi-gabi niyang ginagapang si Jeicee tapos walang ideya na buntis 'yong isa? Masasapak ko talaga 'to. Tsk, walang kuwenta.  parayng 'yong tao lang sa garden.

*****

Hanse_Pen

Continue Reading

You'll Also Like

961K 18.1K 40
{ major editing - 2018} 18 year old Cassandra Avana did the least expected, have a one night stand with fútbol player Neymar Jr. That's not all. She...
3.3K 62 11
Мы вам помогли и вот это получаем в ответ
4.7K 221 74
☆ - Whatever tf happens in my life. Save so you never miss an update !! ☆ - None of the art I repost are never mine , lmaoo !!
14.7K 861 42
Will she stay on track or just go with The Unplanned? Holy Heart High School Series #1 Katherine Mae × Ryken Josh Book cover is edited by: Sh...