I'M INTO YOU SEASON 1

By bluereinventhusiast

6.4K 2.1K 1.2K

They say, if you are in love with someone. Time stops and slows down whenever you see him, it almost feels l... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Author's Note

Chapter 24

28 13 13
By bluereinventhusiast

3:56 PM

"Okay, last two questions! Sobrang intense ng mga ganitong tanong para sa mga teenagers usually." nakangiting sabi ni Kuya Zach sa aming lahat.

"Kakabahan na ba kami sa tanong mo Kuya?" natatawang tanong ni Ysabel kay Kuya Zach.

"Wala kayong dapat ikakaba. Matitino pa naman tayong tao." natatawang sagot ni Kuya Zach kay Ysabel.

"Ito ang dahilan kung bakit gusto ko na lang maging hotdog sa freezer eh. Masyadong mainit ang mga tanungan." nakangiting sabi ni Kuya sa aming lahat.

Nagsi-tawanan ang lahat pagkatapos ay binitaw ni Kuya Zach ang pangalawa sa huling tanong.

"So eto na, kalma guys. Ako lang to. Ibibitaw ko na ang tanong." natatawang sabi ni Kuya Zach sa aming lahat.

Nag-seryoso na ang lahat ng marinig ang hudyat ni Kuya Zach.

"Ang se-seryoso niyo namang lahat, chillax lang kayo. Magjudge muna kayo!" natatawang biro sa aming lahat ni Yohannes.

"Magiging judge naman talaga ako ah." pasimpleng pambabara ni Vincentius kay Yohannes.

"The question that you've all waiting for, if you experienced online gaming addiction. How will you overcome it?" kalmadong tanong sa amin ni Kuya Zach.

"Eto pa lang yung tanong, pang Miss Universe na! Iba talaga magbato ng mga questions si Kuya Zach." natatawang sabi ni Ate Cherry kay Kuya Zach.

"Well, I am one of those people who really loves online games. Siguro depende din talaga sa point of view mo bilang ikaw as a player. You must know your limitations and priorities in life. Siguro kung mae-experience ko na ma-addict sa online games, maari ko siyang ma-overcome kapag naglagay ako ng mga time limits and boundaries about the online games I play." kalmadong sagot ni Trevyn sa tanong ni Kuya Zach.

"Agree ako kay Trevyn, may choice ka naman kung magpapa-adik ka sa mga laro. Wala namang masama na maglaro ng mga ganoon pero tandaan naman natin na kapag sobra ay nakakasama. Madaming pwedeng maging complications ang makuha doon lalo na sa mental health ng isang tao. Pwede siya ma-overcome kung may mga bagay din siyang ginagawa na labas sa laro. Just like playing other sports and jamming to the music." nakangiting sagot ni Shai sa tanong ni Kuya Zach.

"Totoo yon, marami talagang naapektuhan hindi lang sarili mo. Minsan kailangan din kasi attention and efforts yung mga ganitong serious cases. Dapat matulungan ka ng family, friends at sarili mo para maagapan agad yung condition mo. Prevention is better than cure. Mao-overcome mo yung addiction mo sa online games if you really push yourself to change for you to be a better person." nakangiting sagot ni Ysabel kay Kuya Zach.

"In my perspective, siguro maganda na ipa-consult siya sa isang psychologist to treat him/her well para ma-overcome niya yung addiction sa online games. Minsan sa buhay natin, kailangan lang talaga natin ng makakausap at makakaintindi ng mga hinaing natin sa buhay. Aminin man natin o hindi, lahat ng tao kailangan ang kapwa niya upang makasama nating mabuhay sa reyalidad ng mundo." kalmadong sagot ni Vincentius sa tanong ni Kuya Zach.

"Totoo yon, naniniwala ako sa kailangan ng isang tao ang kapwa niya upang makasama nating mabuhay sa reyalidad ng mundo. Isipin niyo yung mga pamilya at kaibigan niyo. Those people who always there for you and who always understands you in the darkest times and sleepless nights. Mao-overcome mo talaga ang isang bagay kapag alam mong hindi ka nag-iisa, mag-fail ka man o mag-succeed sa buhay." nakangiting sagot ni Nicole sa tanong ni Kuya Zach.

"Isa talaga sa nagiging factor para ma-overcome natin yung fears o addiction natin ay mga nakakasama at tumanggap satin ng buong puso. Minsan may mga taong kaya sila nagiging addicted sa mga ibang bagay dahil tayo mismong nakakakilala at dapat na nakakaunawa ay hindi natin matanggap. Minsan sa addiction nila sa ibang bagay nahahanap yung pagtanggap at pagmamahal na dapat tayo ang nagbibigay sakanila." nakangiting sagot ni Kuya Zach sa kaniyang katanungan.

"Totoo yon, maraming tao ang nagiging adik hindi lang sa online games pati sa ibang bagay. May mga tao kasing nangangailangan ng suporta natin pero hindi natin naiipakita o naipaparanas ang mga bagay na iyon sakanila. Kung may suporta tayo sa kapwa natin, mao-overcome nila yung mga addiction na pinagdadaanan nila. malumanay na sagot ni Chezka sa tanong ni Kuya Zach.

"Minsan po yung mga nagkakaroon po ng mga ganiyang kondisyon, madalas sila po yung parating gustong may mapatunayan. Yung tipong sila naman po yung sasabihan ng mga papuri ng ibang tao. Hindi po nila namamalayan na unti-unting nilalamon ang pagkatao nila. Dapat po maituwid at pagtuunan ng pansin yung mga ganitong bagay para ma-overcome nila yung addiction nila." nakangiting sagot ni Nathan sa tanong ni Kuya Zach.

"Sa tingin ko mao-overcome ng isang tao ang addiction niya kapag nanalig siya sa Diyos. Hindi man ganoong kaeksakto ang solusyon na pinapalangin natin pero may mga tao o bagay na ginagawa niyang instrumento para maging tulay nila sa pagbabago." nakangiting sagot ko kay Kuya Zach.

"Sakin kung makaka-experience ako ng pagka-adik sa laro? Siguro para ma-overcome ko yung addiction, simple lang. Kailangan dapat willing ako magbago at tulungan ang sarili ko. Kahit anong sabihin ng ibang tao kung ayaw mo talaga na magbago o tulungan man ang sarili mo para makapagmove-forward. Wala kasing mangyayari kung hindi naman sila nakikinig sa advice mo." kalmadong sagot ni Kuya kay Kuya Zach.

"Actually isa yun talaga sa factor para ma-overcome mo yung addiction mo. Mas kilala mo kasi ang sarili mo more than anyone. Kapag sarado kasi ang utak mo para makinig kahit sabihin naming magbago ka, hindi mo gagawin. Kailangan may will ka rin talaga na magbago para sa sarili mo. Hindi naman para sa ibang tao yon kundi para sa sarili mo ring kapakanan." nakangiting sagot ni Ate Cherry kay Kuya Zach.

"Lahat ng mga sagot niyo ay agree ako. Bilang future lawyer, may choice ka naman kung ikukulong mo ang sarili mo sa isang sulok. Kung lagi ka na lang magtatago sa ganda ng mundo. Kung sa addiction mo na lang ba iikot ang mundo mo." malumanay na sagot ni Yvonne kay Kuya Zach.

"The last question, maraming girls sa generation natin ang makakarelate dito." nakangiting sabi ni Kuya Zach sa aming lahat.

"Ibato mo na yung last question, masyadong malakas na ang kabog ng dibdib namin." natatawang sagot ni Kuya kay Kuya Zach.

"Paanong kabog ng dibdib? Yung papalapit yung crush mo pagkatapos natulala ka lang." natatawang sabi ni Kuya Zach kay Kuya.

"Ibitaw mo na ang question kanina, last one na. May activities pa tayong gagawin mamaya." nakangiting sabi ni Ate Cherry kay Kuya Zach.

"The last question, if you are pregnant or you impregnate a woman in a wrong time. What will you do?" kalmadong tanong ni Kuya Zach sa aming lahat.

"Oohhh! Ang interesting ng question! Grabe!" naamaze na sabi ni Vincentius sa tanong ni Kuya Zach.

"Siguro, kung mabubuntis ako ng mali ang panahon. Una kong gagawin ay kausapin ang ama ng anak ko kung paninidigan niya yung anak namin o hindi. Pangalawa kong gagawin ay kausapin ang parents ko. Siguro magagalit at madi-dissapoint sila pero alam kong sooner or later ay maiintindihan nila. Kung paninidigan naman ako ng ama ng anak ko at kung mahal namin ang isa't-isa, magpapakasal kami. Kung hindi naman namin mahal ang isa't-isa, maari namang i-practice ang co-parenting." malumanay na sagot ni Ysabel sa tanong ni Kuya Zach.

"Kung ako ang nakabuntis pagkatapos ay may nabuo, pananagutan ko yung mag-ina ko. Magpapakalalaki ako kahit itakwil pa ako ng pamilya ko. Parehas niyo namang ginusto na magsalo ng sarap sa kama kaya dapat handa rin kayo sa mga rensponsibilidad ng bilang isang ina o ama sa isang bata." kalmadong sagot ni Trevyn kay Kuya Zach.

"Siguro kung may nabuntis ako tapos hindi pa tamang panahon, pananagutan ko pa rin yung bata. Mahirap kasi na walang kilalaning ama yung bata. Isipin mo mabu-bully siya kasi walang kinikilalang ama na magtatanggol at po-protektahan siya." kalmadong sagot ni Vincentius.

"Isa rin ito sa mga nagiging kung bakit ang daming broken family ngayon. Yun nabubuntis ka ng maaga o nakabuntis ka. Sa kultura natin, gusto agad ng mga pamilya na maipakasal ang anak nila doon sa nakabuntis o binuntis ng anak nila. May mga taong nagpapakasal na para lang sa bata pero hindi naman talaga mahal ang isa't-isa. Eto yung habang-buhay na sumpaan sa harap ng Diyos at pangako sa magiging mister o misis mo. Sagrado ang kasal kaya dapat pinagiisipang mabuti. Dapat talaga malaman ng ama ng anak mo at ng parents mo para malaman niyo kung ano ang tamang gawin." kalmadong sagot ko sa tanong ni Kuya Zach.

"Actually kung maaga nga akong mabubuntis, unang-una makakaalam talaga yung parents ko. Sa lahat ng tao, sila ang unang makakaintindi sa akin. Maaring magalit o itakwil nila ako pero papatunayan ko sa magulang ko na hindi hadlang ang anak ko para matupad ang pangarap ko." malumanay na sagot ni Ate Cherry sa tanong ni Kuya Zach.

"Bilang isang lalaki, kung makakabuntis man ako ng babae sa maling panahon. Paninindigan ko yung mag-ina ko. Wala namang kasalanan yung bata kung bakit siya nabuo. Hindi rin siya makakapamili ng magulang na gugustuhin niya. Kahit anong gawin ko, dugo't laman ko pa rin naman ang batang dinadala niya. Kahit pagbali-baligtarin pa natin ang mundo, hindi maitatangging anak ko pa rin ang nasa loob ng tiyan niya." kalmadong sagot ni Yohannes sa tanong ni Kuya Zach.

"Actually kung makakabuntis ako, hindi magiging problema yun sakin. Isa akong engineer kaya pagaaralin ko na lang yung magiging ina ng anak ko para maging katuwang ko sa buhay sa pagpapalaki ng anak namin. Matagal ko na talagang gustong mag-anak at mag-asawa. Matagal kong pangarap ang magkaroon ng isang pamilya. Kung ibibigay man ni God, yun ang pinakamagandang blessing na ibibigay niya sa akin." nakangiting sagot ni Kuya Zach sa kaniyang katanungan.

"Kung mabubuntis man ako ng maaga, tatanggapin ko yung anak ko ng buong-buo. Hindi ko siya ikakahiya sa mundo. Every child deserves to see the beautiful tomorrow we have. Lahat gagawin ko para sa anak ko kasama ng magiging ama niya." malumanay na sagot ni Nicole sa tanong ni Kuya Zach.

"Anong gagawin ko kung sakali na mabuntis ako sa maling panahon? I will ask God's guidance to guide me with this child. Gusto ko ring malaman ang thoughts ng magiging ama ng anak ko pero hinding-hindi papasok sa utak ko ang ipalaglag ang bata. Sasabihin ko rin sa parents ko to help me become a better mother for my child." malumanay na sagot ni Chezka sa tanong ni Kuya Zach.

"Alam ko pong napaka-impossible pa na makabuntis po ako ng isang babae pero alam ko po na papangaralan ako ng ni Ate Nicole para sa rensponsibilidad na meron po ako. Dapat ko pong panagutan po yung bata. Ayoko po lumaki siya sa broken family. Marami po akong classmates na hiwalay po parents nila tapos lagi pong nag-aaway. Gusto ko po kapag nagkaroon po ako ng anak, hindi ko po hahayaan na magaya po siya sa iba kong classmates." nalulungkot na sagot ni Nathan sa tanong ni Kuya Zach.

Niyakap ni Nicole si Nathan upang pakalmahin ang emosyon ng kapatid niya na tila'y maiiyak na sa pagsagot ng tanong.

Sumenyas si Nicole na ipagpatuloy ang usapan habang inaalo si Nathan sakaniyang mga bisig.

"Kung makakabuntis ako ng maaga? Paniguradong magagalit sina Mommy at Daddy for sure. Alam ko ang unang makakaintindi sa pamilya namin, ang kapatid ko. Siya ang unang makakaalam if ever na magkaanak ako ng maaga. Every secrets we keep, it lasts. Magpapatulong din ako sakaniya na hanapin o suyuin ang magiging ina ng anak ko at panghuli ay kausapin ang magkabilang kampo. Ang pamilya ko at ang pamilya ng magiging ina ng anak ko." kalmadong sagot ni Kuya sa tanong ni Kuya Zach.

Tutulungan ko siya hanggang sa makakaya ko dahil yun naman talaga ang ginagawa ng magkapatid. Maghilaan pataas upang maging matagumpay.

Mommy and Daddy always tell us don't be against to each other. Always be on the side of his/her team.

"Kung mabubuntis ako ng maaga, siguradong magagalit ang Lola ko. Iisipin niya na mali ang pagpapalaki na ginawa niya sa akin. Papatunayan ko sa Lola ko na hindi porket may anak na ako ay mali ang pagpapalaki niya sa akin. Bubuhayin ko ng tama ang bata at gagawin ko ang rensponsibilidad ko bilang ina dahil yun ang nararapat kong gagawin." malumanay na sagot ni Shai sa tanong ni Kuya Zach.

"Siguro bilang isang future lawyer, I really don't promote teenage pregnancy. Hangga't maari ay iniingatan ko ang sarili ko. Kung mangyari na mabuntis ako ng maaga, kakausapin ko talaga ang ama ng anak ko. If he doesn't want our child and he will not help for raising our child. I will sue him, swear! Kakausapin ko din ang parents ko para mapalaki ko ng maayos yung magiging anak ko." maawtoridad na sagot ni Yvonne sa tanong ni Kuya Zach.

"Finally, we're done na sa questions! Let's play!" nakangiting paanyaya ni Ate Cherry sa aming lahat.

"Anong laro kaya maganda?" inilagay ni Kuya Zach ang isang daliri niya sa kaniyang baba na tila'y nagiisip.

"Banggit bola! May dala akong bola pang beach. Gusto niyo kunin ko?" nakangiting tanong ni Shai kay Ate Cherry at Kuya Zach.

Tumango sina Ate Cherry at Kuya Zach pagkatapos ay bumaba ng kubo upang kunin ang bola niyang pang beach.

"Ay oo nga! Maganda nga yun! Ang tagal ko na din kasing hindi nakakapaglaro ng banggit bola. Ang huli kong natatandaan ay mga bata pa kami ni Xeinna." nakangiting sabi ni Ysabel sa amin.

"Oo, marami din tayong mga bata kalaro noon eh. Sobrang simple pero masaya ang larong kalsada eh." nakangiting sagot ko kay Ysabel.

"Naalala ko noon, mayroong bata na sobrang generous sa atin eh. Lagi siyang namimigay ng lollipop tapos mahilig siyang ngumiti." nakangiting kwento ni Nicole sa amin.

"Ay oo, tanda ko siya. Hindi ko lang maalala kung anong pangalan noon. Ilang taon na rin kasi ang nakalipas noong magkakalaro pa tayo." nakangiting sagot ni Chezka kay Nicole.

Bumalik si Shai na may dalang bola na pang beach at ipinasa iyon kay Yvonne pagkatapos ay agad nitong sinalo.

"Magready na kayo, maglalaro tayo ng banggit-bola!" masiglang sabi ni Ate Cherry sa aming lahat.

Naghiyawan kami at pumwesto na sa buhanginan.

"Ate, what's banggit-bola po?" inosenteng tanong sa akin ni Nathan.

Natawa ako sa tanong ni Nathan pero sinagot ko pa rin ito.

"Yung banggit-bola ay nilalaro ng maraming tao. Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo. Yung isang grupo babanggitin ang kabilang grupo tapos kapag natamaan ka ng bola ay out ka na." nakangiting sagot ko kay Nathan.

Nagsimula kaming mag-banggit bola at hinati kami sa dalawang grupo.

Ang magkakagrupo sa unang grupo ay Ate Cherry, Kuya, Ysabel, Nicole, Vincentius and Yohannes.

Sa pangalawang grupo naman ay kami nina Yvonne, Kuya Zach, Trevyn, Shai tsaka si Chezka.

Labing-tatlo kami kaya kung hahatiin sa dalawa ay may lalabis na isa.

"Paano kaya ito? Labis tayo ng isa. Kanino mapupunta ang isang miyembro para makapag-start na tayo?" kalmadong tanong ni Kuya Zach sa aming lahat.

"Ganito na lang, si Nathan naman ang pinaka-bata sa ating lahat. Papiliin niyo na lang siya kung kanino siyang grupo sasama." nakangiting suhestyon ko sakanila.

"Tama! Nathan, kaninong grupo ka sasama?" nakangiting tanong ni Ate Cherry kay Nathan.

"Sa grupo po nina Ate Xeinna ako sasama." nakangiting sagot ni Nathan.

Pumwesto na kaming lahat at nagsimula ng mag-banggit bola.

Sa simula ng laro ay natanggal agad si Yohannes at Shai pagkatapos ay sina Vincentius at Kuya Zach.

Noong nasa kalagitnaan na kami ng laro ay natanggal sina Nicole, Ysabel at Ate Cherry.

Ilang banggit-bola pa ay natanggal rin si Kuya at Trevyn.

Kami ang nanalo sa banggit-bola! Nag-apir kami ng mga kagrupo ko at sabay-sabay na nagtawanan.

Kahit natalo ang grupo nina Kuya ay masaya pa rin sila sapagkat nag-enjoy naman ang lahat sa laro.

Natanaw ni Ysabel na may namamangka sa dagat kaya na-excite ang lahat na sumakay roon.

"Tara mag-bangka! Ang daming sumasakay oh! May mga para sa pairs at para sa squad na katulad natin." nakangiting sabi ni Ysabel sa aming lahat.

"Oo nga! Tara-tara! Maglinis lang tayo ng mga katawan natin dahil puno tayo ng buhanginan. Mamaya kakausapin ko ang mga staffs dito kung pwede ba tayong sumakay at kung magkano per bangka." nakangiting sabi ni Kuya Zach sa aming lahat.

"Ayun oh! Iba na talaga kapag Engineer! Gusto ko din magtayo ng ganitong business tayo si Kuya Zach ang Engineer. Bibili lang tayong private island tapos siya ang magaasikaso ng mga pagtatayo." magiliw na sabi ni Kuya sa aming lahat.

"Oo nga! Sure ako magiging successful yun. Bukod sa marami naman tayong engagements lalo na si Adrixeinna sa kaniyang account. We can promote it!" nakangiting sagot ni Ate Cherry kay Kuya.

Nagpunta sila sa gripo at kumuha ng tabo upang maglinis ng katawan na nalagyan ng buhangin.

Tinawag ni Kuya Zach ang isang staff kung maaring sumakay kami sa bangka.

"Hello, ilang persons ang nao-occupy ng isang bangka for squad?" kalmadong tanong ni Kuya Zach sa isang staff ng resort.

"Sir, ang isang bangka for squad po nakaka-occupy ng 10 persons. Kapag pair syempre po ay dalawa lang." magalang sabi ng staff Kay Kuya Zach.

"We'll have one pair and one squad boat. Sasakay kami. Magkano pala ang fee kapag sumakay sa bangka?" nakangiting tanong ni Kuya Zach.

"Kapag squad boat po ay umaabot ng 10,000 kapag pair naman po ay 4,000." magalang na sagot ng staff kay Kuya Zach.

"Sige po, sasabihan ko na po yung rensponsible for boats. Thank you so much and enjoy your stay Sir!" nakangiting sabi ng staff kay Kuya Zach.

Nginitian na lamang din ni Kuya Zach ang staff pagkatapos ay agad na rin itong kumilos upang asikasuhin ang request ni Kuya Zach.

Ilang minuto pa ang lumipas ay tinawag na kami ng nagba-bangka.

"Sinong sasakay sa by pair na boat?" kalmadong tanong ni Manong sa amin.

"Kami po!" hinila ni Trevyn ang kamay ko papalapit sa bangka pagkatapos ay inalalayan akong makasakay sa bangka.

"Ako na ang magsa-sagwan, wag kang matakot. Nandito lang ako." nakangiting sabi ni Trevyn ng makasakay sa bangka.

Sumakay na rin sina Kuya at nagkasya ang labing-isang tao roon dahil maliit lang naman si Nathan.

5:18 PM

Nagsimula ng mag-sagwan si Trevyn at nag-umpisa kaming mag-kwentuhan habang nakasakay sa bangka.

"Ngayon lang ulit ako nakasakay ng bangka, ang sarap sa feeling." nakangiting sabi ko kay Trevyn.

"Oo nga, wala din kasi kaming ganiyan noong nasa ibang bansa kami nina Daddy." mahinahong sagot ni Trevyn na patuloy pa rin sa pag-sagwan sa bangka.

"Nakaka-inspire ang mga kwento nila kanina sa Question and Answer no? Ang dami kong natutunan from them. Hindi ko akalain na magiging ganito kasaya ang bakasyon namin." nakangiting sabi ko kay Trevyn.

"Oo nga eh, hindi ko rin akalain na ang bakasyong ito ang magle-lead para magkita ulit tayong dalawa. Ilang taon na ang nakalipas pero muli pa rin tayong nagtagpo." nakangiting sagot ni Trevyn sa akin habang patuloy na nagsa-sagwan.

"Iba talaga magbiro ang tadhana. I really believe those best surprises comes from the unexpected ones." nakangiting sabi ko kay Trevyn.

"Minsan kung ano pa yung mga bagay na hindi natin hinihiling pero yun ang dumating." nakangiting sagot ni Trevyn sa akin.

Ilang minuto pa kami nag-kwentuhan, nag-asaran at nagtawanan.

5:59 PM

Palapit ng palapit ang mga mukha namin ni Trevyn sa isa't-isa.

Malalim na kaming nagtitigan na tila'y ang mga mata ang kumikilala sa aming dalawa.

Ang lakas ng kabog ng puso ko. Hinawakan ni Trevyn ang kamay ko at nilagay ito sa kaniyang puso.

"Pakinggan mo ang tibok ng puso ko, malalaman mo kung sino nilalaman nito." malambing na sabi ni Trevyn.

Ilang pulgada na lang ay magdidikit na ang mga mukha namin.

Agad kong itinuro ang araw na papalubog na.

"Sunset na pala! Tara magpicture!" nakangiting sabi ko kay Trevyn.

"Tara!" kinuha ni Trevyn ang polaroid na camera niya at nag-take kami ng dalawang picture para sa aming dalawa.

Kumuha pa rin kami ng ibang pictures habang papalubog ang araw.

Napakaganda talagang pagmasdan ng araw habang lumulubog ito.

Nagkatinginan kami ni Trevyn at sabay na tumawa. Payapa ang aking puso at ang aking isipan sa tuwing kasama ko siya.

Nag-sagwan na pabalik si Trevyn para bumalik na sa kubo.

Habang nagsa-sagwan si Trevyn ay napapikit ako at ninanamnam ang bawat sandali.

Hindi pa rin ako makapaniwala na ang matagal ko ng hinahanap ay natagpuan ko na, sa wakas.

This is the best part. Experiencing sunset with a special person of your life.

Thanks for reading! Please leave your thoughts and reactions so i can read it! Lovelots!

Your author, bluereinventhusiastwp.


Continue Reading

You'll Also Like

136K 3.6K 54
One night changed everything between Francesca and Marco. Ang isang gabing hindi nila pareho sinasadya ay naging dahilan para matali sila sa isa't-is...
Study Buddies By ♡

Teen Fiction

8.2K 370 16
Nagkrus ang landas nilang dalawa nang pinag-partner sila para ilaban sa Science Quiz Bee. Una palang ay hindi na sila nagkasundo dahil panay sila asa...
224K 4K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...