Make The Boyish Fall In Love✓

By Hanse_Pen

18.1K 657 217

Marienne Aecy Chandria Ramos is a boyish type of a person. Zhyro Blaine Acosta wants to make her fall in love... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 28

263 9 1
By Hanse_Pen

Marriene Aecy Chandria's Point of View

"Hoy, gago. Ano'ng mukha 'yan, Mac? Pagod na pagod ka. Tumakbo ka? Saan ka galing? Pawis na pawis ka. Ano'ng ginawa mo? Ayiieee, baka naman may kinita ka? Sino ba 'yan? Bakit hindi mo sinasabi sa amin na magkikita pala kayo ngayon? Aba! Ikaw, 'a. Naglilihim ka na sa akin, Mac. Nakakatampo kana talaga," nakangusong saad sa akin ni Zac bago ako inabutan ng towel na pamunas ng aking pawis.

"Tsk. Manahimik ka nga riyan, Zac. Ang ingay mo talaga. Wala namang katuturan ang sinasabi mo."

"Eh bakit kasi ganiyan ang mukha mo? Ano'ng nakita mo? Multo? O baka naman si Jeicee na nag-oorasyon sa kuwarto?" Natatawa niyang tanong.

Tsk. Isumbong ko kaya siya kay Jeicee at nang hindi siya pansinin ni Jeicee ng isang linggo? Tignan ko lang kung hindi matanggal ang angas mo. Baliw din kasi, 'e.

"Gago, hindi! Nakakita ako ng pangit na mukha kanina, sobrang pangit na mukha. At hindi ko na iyon gustong makita pa."

"Pangit na mukha? Si Ram ba? Lyndon? O JV? Imposible namang ako kasi guwapo ako. Ah! Alam ko na, si Zhyro, 'no?" Natatawa niyang tanong at sinundot pa ang aking pisnge.

Naiinis ko itong iniwas sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. Talaga naman. Isusumbong kita kay Jeicee, tamo.  

"Tanga! Unggoy 'yon! Si Glenn ang nakita ko, kaibigan ng unggoy."

"Glenn? 'Yong kaibigan ni Zhyro?" Nagtataka niyang tanong.

"Bakit? May iba ka pa bang kilala na Glenn dito sa Pilipinas? Kasasabi ko nga lang ng kaibigan ng unggoy, 'di ba? Bungol ka ba, Zac? Maglinis ka na nga ng tenga mo at puro tutule na. Tsk."

"Wala na. Oh? Eh bakit naman? Ano naman kung nakita mo si Glenn? At saka, kalilinis ko lang kaya ng tenga ko noong nakaraang linggo," ungot niya.

"Wala lang. Ang pangit niya kasi a ayaw ko siyang makita."

"Aysus! Tigilan mo ako, Marriene Aecy Chandria Ramos!" Banggit niya sa buo kong pangalan kaya mas lalo akong nainis.

Bakit kasi kailangan pang banggitin ang buo kong pangalan? Puwede namang Mac na lang. Baliw talaga.

"Oh? Problema mo na naman, Zachary Aero Chandrix Ramos?"

"Mahal mo pa, ano?" Natatawa niyang tanong na inirapan ko lang.

Maissue siya masyado. Madalas talaga ay gusto ko siyang suntukin sa panga dahil sa mga sinasabi niya. Masyado na talagang pasmado ang kaniyang bibig.

"Hindi na!"

"Pero minahal mo?" Tanong niya ulit.

"Malamang! Unggoy si Zhyro. Animal lover kasi ako kaya minahal ko. Parang ikaw lang, unggoy ka rin kaya mahal rin kita."

"Tangina. Hindi ko alam kung maiinis ako sa iyo o mata-touch sa sinabi mo," parang bata niyang saad.

Ngumisi lang ako sa kaniya at iniwan na siya roon. Pumunta ako sa recording room. Ang sabi ni Ate Sam, kaya raw kami nandito ay para sa concert namin at hindi para balikan ang nakaraan.

Tsk, sino ba ang may sabi na babalik pa ako sa nakaraan? Tama na ang sakit, ayaw ko na uling masaktan. Hindi ako marupok. Hindi talaga. Matagal na akong naka-move on sa unggoy na 'yon at kahit ano'ng mangyari ay hinding-hindi na ako babalik pa sa kaniya. Tama na ang sakit, baka sa susunod ay hindi ko na kayanin.

Naabutan ko sa recording room si Ate Sam na nakahawak sa kaniyang ulo na animo ay may anak siyang limang nakukulit na bata at ipapatawag sya sa school dahil sa kakulitan ng mga anak niya.

Ano'ng problema ng isang 'to? Imposible namang ako dahil mabait akong bata, sa sobrang bait ko nga binigyan ko ng isang chichirya si Ram noong isang araw, isang piraso lang talaga. Ano siya sinuswerte? Bumili siya ng kaniya kung gusto niya. Hirap kaya makabili ng chichirya ngayon.

"Ano'ng mukha 'yan, Ate Sam? Halatang problemado ka, 'a. Bakit? Ano'ng meron? Wala ka namang dalaw ngayon, 'di ba? Malayo pa, 'di ba? Hindi rin naman kayo nag-away ng jowa mo. Ayy, nakalimutan ko, wala ka nga palang jowa."

"Masyadong pasmado ang bibig mo, Mac. Gusto mong lagyan ko 'yan ng packing tape?" Inis niyang saad at tinignan ako ng masama.

Agad kong itinaas ang aking kamay, para bang susuko ako dahil iba ang tingin niya sa akin ngayon.

Madalas na mastress sa amin si Ate Sam dahil nga sobrang kukulit naming lahat. Sorry na lang dahil dati na kaming ganito at hindi ito basta-basta na lang mabago.

"Joke lang naman. Eh bakit nga kasi problemado ka riyan? Nawawala ba si Jaxel? Nakuuuu, malamang nandoon lang 'yon kay-"

Hindi ko pa man natatapos ang aking sinasabi ay ipinakita niya na sa akin ang hawak niyang cellphone. May picture, picture ko kanina sa mall at may hawak akong damit.

Guwapo ko naman dito. Oo, guwapo at hindi maganda. Nakasumbrero kasi ako rito at nakatago ang buhok. Kamukha ko si Zac dito kaya ang guwapo. Oo na, guwapo na si Zac, malamang mana sa akin 'yon kaya guwapo.

"Naks, guwapo ko naman dito, Ate. Kanino galing 'yan? Balit hindi ko alam 'yan? Sino kumuha niyan? Photographer ba? Hanapin mo nga tapos kunin mong photographer natin. Ganda ng kuha niya, 'o. Kuhang-kuha kaguwapuhan ko."

"Marriene Aecy Chandria Ramos!" Sigaw niya kaya bigla kong naitikom ang aking bibig. Galit na nga siya dahil tinawag niya na ako sa buo kong pangalan.

"Aw, sorry. Peace tayo, Ate."

Napayuko ako dahil sa biglaang pagsigaw niya. Ngayong tinawag niya ako sa buo kong pangalan ay alam kong may malaki kaming problema na kakaharapin. Tsk, daldal mo kasi, Mac.

"Alam mo ba kung ano'ng gulo ang ginagawa mo, Mac? Hindi ba't sinabi ko sa inyo na huwag munang lalabas ng bahay hangga't hindi pa naglalabas ng instructions ang kompanya? Ngayon alam na ng mga tao na nandito kayo sa Pilipinas," pagalit niyang saad kaya mas lalo akong napayuko.

Mukhang mapapahawak na naman si Ate Sam sa agency nang dahil sa akin. Bakit kasi sobrang gala ko?

"Malalaman din naman nila 'yon kaya bakit ba patatagalin pa natin? Dami talagang alam ng kompanya."

"Mac naman! Dahil sa ginawa mong paglabas ay nanganganib ang buhay n'yo. Nakakalimutan mo na ba ang nangyari sa inyo rati sa Australia? Muntik na kayong makidnap dahil lang sa nagkayayaan kayong lumabas ng hotel. Mac, alam mo naman dito sa Pilipinas, 'di ba? Hindi natin alam kung ano'ng puwedeng mangyari sa inyo once na lumabas kayo ng bahay na 'to. Puwede kayong makidnap o pagkaguluhan ng mga tao. Maaari kayong masaktan kapag lumabas kayo. Sabihin mo nga sa akin, Mac. Nag-iisip ka ba?" Seryoso niyang tanong.

"Sorry, Ate. Gusto ko lang namang gumala dahil nabobored na ako rito sa bahay."

"Wala nang magagawa iyang sorry mo, alam na ng mga tao na nandito kayo. Hindi na ako magtataka kung bigla na lang may makahanap nitong tinitirhan n'yo," mahinahon nitong saad.

Iniangat ko ang aking ulo at doon ay nakita kong hinihilot niya ang kaniyang ulo. Siguro ay stress na siya dahil sa ginawa kong gulo.

"Sorry na, Ate. Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako? Gusto mo blind date ko kayo ni Yeil?"

Napangisi ako dahil sa biglang paghinto niya na hilutin ang kaniyang noo. Crush na crush niya kasi si Yeil at ganoon din naman si Yeil sa kaniya. Sadyang torpe lang ang mokong at hindi alam kung paano kausapin si Ate Sam.

Inaalok ko nga siya rati na magdate sila ni Ate Sam pero sadyang torpe talaga ang isang 'yon. Parang mas lalaki pa nga ako minsan kung kumilos.

"Hindi mo ako madadala sa mga ganiyang galawan mo, Mac, kaya tigilan mo ako," aniya ngunit bakas sa boses nito ang saya nang marinig ang pangalan ni Yeil.

Tsk, pakipot pa siya. Gumagawa na nga ako ng paraan para makadate niya ang kaniyang crush. Kapag ako tinopak, baka bawiin ko pa 'yan. Pero dahil may kasalanan ako sa kaniya ay kailangan ko siyang lambingin. Baka hindi na ako makaulit ng labas sa susunod, mahirap na.

"Ako magbabayad ng restaurant n'yo, ako mag-aayos ng date nyo. Ako sasagot ng hotel na tutuluyan n'yo, you know what I mean. Ano? Deal?"

Dahan-dahan naman siyang lumingon sa akin at ngumiti kaya ngumiti rin ako sa kaniya pabalik. Lusot na si ako.

Nice one, Mac. Ang galing mo talagang mang-uto ng tao.

"Deal!"

***

"Ano bang mayroon, Zac? Bakit tayo ipinatawag dito ni Ate Sam? Badtrip naman, nanonood ako ng Kuroko no basket. Ang astig na ng laban ng Seirin at Yosen. Matatalo na nila ang Yosen at papasok na sa zone si Atsushi."

"Manahimik ka nga riyan, Mac. Hindi ka ba nananawa panoorin 'yang anime na 'yan?" Nakabusangot na tanong ni Zac habang nakahiga sa hita ni Jeicee na kumakain ng manggang hilaw. Parang wala itong pakialam sa paligid niya dahil busy siya kumain ng mangga.

Tama nga hinala ko, buntis nga ang isang 'to. Ilang beses ko na rin siyang nakikitang nagsusuka at kung minsan ay nahihilo pa. Pero mukhang wala pa silang alam sa kalagayan ni Jeicee. Dapat ko na bang ipaalam para manganib ang buhay ni Zac sa mga kamay ni JV?

"Hindi, pero sa mukha mo? Sawang-sawa na."

"Gago!" Sigaw nya at binato ako ng unan. "Babe, si Mac inaaway ako," sumbong nya kay Jeicee na busy pa rin sa pagkain ng mangga. Tinignan ito saglit ni Jeicee bago bumalik sa pagkain.

"Awayin mo rin siya para kwits kayo," simpleng sagot ni Jeicee.

Natawa ako sa sinabi ni Jeicee kaya lalong napasimangot si Zac. Magiging tatay na, asal bata pa rin ang loko. Dapat nga ay magbago na siyadahil hindi biro ang maging magulang.

"Okay. Guys, nandito na ba ang lahat?" Biglang sumulpot si Ate Sam sa pinto at lahat kami ay napatingin sa kaniya.

"Oo, Ate Sam," sagot ni JV.

Napahilata na lang ako habang sinisipa ang paa ni Zac na naiinis sa kaniya at bumubulong-bulong kay Jeicee na halata namang walang pakialam sa kaniya. Si JV ay nakikinig kay Ate Sam. Si Ram na katulad pa rin ng dati, mukhang lollipop pa rin at si Lyndon na tulog na naman na katabi ni JV.

"Alam n'yo naman ang gulong ginawa ni Mac, hindi ba?" Tanong ni Ate Sam at binigyan ako ng isang nakakatakot na tingin kaya't naitaas ko na lang ang dalawa kong kamay. "So we, the company, we ask for the help of the police to keep an eye on and make sure you are safe at all times. And today, pupunta nga rito ang mga naatasan na magbantay sa inyo hanggang sa matapos ang concert na magaganap next month. They will be here any minute"

Ilang minuto pa kaming nag-antay bago nag-antay ng mga pulis kuno na magbabantay sa amin. Nang marinig ni Ate Sam ang doorbell ay pinuntahan niya na ito. Busy ako sa panonood ng video clip nila Kuroko at Kagami.

Sobrang cute talaga nilang dalawa. Unang panood ko pa lang sa kanila ay talagang ship ko na silang dalawa. Ayaw ko kasi kay Aomine, masyado siyang mayabang at iniwan pa si Kuroko. Masyado siyang naging mataas sa kaniyang sarili at nakalimutan niya kung saan siya nagmula.

"Owww, sh*t!" Biglang mura ni JV ngunit tawa ako nang tawa kay Kagami kaya hindi ko na nilingon pa kung sino mang minura niya.

Bahala sila riyan, masyado akong nasisiyahan kay Kagami at Kuroko kaya wala akong oras para sa kanila. Mas importante itong pinapanood ko.

"What the actual fcck? Is this even for real?" Mura naman ni Ram kaya nagtaka ako.

Nakakita ba sila ng multo? Alas dose pa lang naman ng tanghali kaya imposibleng may multo.

"Mac! Mac! Mac! Mac! Mac! Mac!" Kinakalabit ako ni Zac pero wala akong pakialam sa kaniya kasi mas mahalaga ang tawa ni Kagami.

"Ano ba, Zac? Sasapakin na kita riyan! 'Di mo ba nakikita, nanonood ako! Papasipa kita kay Murasakibarra kapag hindi mo ako tinigilan diyan."

"Gago ka, Mac! Lumingon ka kasi muna, tama na 'yang Kagami mo! Mas mahalaga 'to sa Kagami mo," naiinis na ako kay Zac kaya lumingon na ako sa harapan ko at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko dahil sa taong nakatayo ngayon sa harapan ko

"Police Captain Zhyro Blaine Acosta at your service, Madame."

What the fuck!?

*****

Hanse_Pen

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 178 33
[COMPLETED] 'Yong hobby mo nang I bully siya hanggang sa hindi mo namamalayang unti-unti ka na palang nahuhulog sa kaniya. Siya si Clarkson Benavidez...
720M 11.4M 114
Tessa Young is an 18 year old college student with a simple life, excellent grades, and a sweet boyfriend. She always has things planned out ahead of...
14.7K 861 42
Will she stay on track or just go with The Unplanned? Holy Heart High School Series #1 Katherine Mae × Ryken Josh Book cover is edited by: Sh...
69.7K 1.3K 14
Riley Fields is a greaser with a paranormal secret. Is it possible to be soulmates with someone who is already dead? Rights go to SE Hinton