Let's Dance? (COMPLETED)

By Kesh_h

2.3K 1.3K 43

Shanianah is her name. She aspires to be a professional dancer or choreographer, but she has no idea how to g... More

Author's Note.
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE.
Questions.

CHAPTER 28

27 21 5
By Kesh_h

Paano kung si Jude pala 'yon.

Kung siya man 'yon, ang laki ng pinagbago niya, he changed a lot. Hindi na siya katulad ng dati.

FLASHBACK

Bukas na 'yung kaarawan ko. Sinabi sa akin ni Jude kahapon na magkikita kami ngayon sa puno ng bayabas, malapit lang iyon sa bahay nila.

May sasabihin kasi siya sa akin pero hindi ko alam kung ano iyon.

Inayos ko naman itong sarili ko at humarap sa salamin namin, simpleng t-shirt at short lang itong suot ko.

Nang matapos na ako ay agad naman akong lumabas ng kuwarto para mag paalam kay Papa at Mama.

Hinanap ko sila rito sa buong bahay, pero hindi ko sila makita. Kaya lumabas ako ng bahay upang doon sila hanapin.

Nakita ko naman sina Mama at Papa na nasa labas, nag-uusap at nag ta-tawanan.

Lumapit naman ako sa kanila, na pansin naman ni Mama at Papa 'yon kaya napatigil sila sa pag-uusap at sa pag-tatawanan. "Ma? Pa? aalis na muna ako ha? babalik po agad ako." pamamaalam ko sa kanila.

"Saan ka pupunta Anak? Ingat ka ha? huwag ka magpapagabi. Delikado pa naman dito sa probinsiya, baka ma pa'no ka pa." pag-aalalang sabi ni Papa sa akin.

Tumango naman ako sa kaniya at ngumiti. "Doon lang naman ako sa puno ng bayabas Pa. Huwag rin po kayo mag aalala dahil uuwi po ako agad, wala pang gabi nandito na po ako." tumango naman sina Mama at Papa sa aking sinabi, kaya iniwan ko na sila roon at pumunta na ako sa puno ng bayabas.

Habang nag lalakad ako, nakita ko naman si Jude na nasa puno na ng bayabas, nakasandal siya sa puno habang ang kaniyang mga mata.

I'm so lucky to have him.

Tumakbo naman ako papalapit sa kaniya at tumabi ako sa kaniya, "Love!" pukaw ko rito.

He opened his eyes and he barely smiled at me. "Hey, kumusta araw mo?" tanong niya sa akin.

Ngumiti naman ako sa kaniya, "Ayos naman."
"S'ya nga pala, ano nga pala 'yung sasabihin mo? may... problema ba?" tanong ko rito.

"Aalis na kami dito Shan."

Dahil sa sinabi niya ay nag laho ang aking ngiti mula sa aking labi.

Na para bang binuhosan ako ng maraming yelo sa aking buong katawan.

"Lilipat na kami sa lungsod. Doon na rin ako mag-aaral at lalayo na rin ako sa 'yo."

I stopped.

Umayos naman siya sa pag-upo at hinarap niya ako, hinawakan niya rin ang dalawa kong kamay at tinignan ako sa aking mga mata. "Shan, alam nating pareho na gusto natin maging isang mananayaw. Kailangan kong tuparin 'yon kasi pangarap ko 'yon e, kung hindi pa-palarin siguro maging basketball player na lang ako. Ng dahil sa 'yo, gusto ko na rin maging isang mananayaw. Just promise me na aabutin mo rin 'yung pangarap mo ha? kailangan maging isang sikat na mananayaw ka rin. Promise me."

"Sobrang bata pa natin para sa pag-ibig, love can wait Shan. Pero kung hindi talaga tayo ang para sa isa't isa wala tayong magagawa kung hindi tanggapin na lang na ito na ang huling pagkikita nating dalawa. At kung mag-kikita man tayo ulit, mag-usap muli tayo." pag-papatuloy niya.

He cupped my both cheeks and he kissed my forehead. "Advance happy birthday, my love. Sorry. I love you. Pero kailangan ko kasing lumayo, para din naman sa ating dalawa 'to. Sana magkita tayo ulit. Mahal kita." niyakap niya naman ako ng mahigpit nang matapos niyang sabihin sa akin iyon.

Siguro nga ay tama siya, we need to focus, kinakailangan naming mag focus sa pangarap namin. We need to break up at kailangan din naming lumayo sa isa't isa.

Masaya ako dahil nakasama ko siya ng dalawang taon at naiintindihan ko naman na hanggang dito na talaga mag-tatapos 'yung namamagitan sa aming dalawa.

"Mahal na mahal din kita, mag-iingat ka doon Jude. Mag-aaral ka ng mabuti doon." sabi ko naman sa kaniya habang niyayakap ko siya ng mahigpit at pinipigilan ang aking luha.

"I will, ikaw rin ha? mag-iingat ka rito, lalo na't hindi na kita makakasama pa, alagaan mo sarili mo. Masaya ako dahil nakilala kita, inaamin ko na ang suwerte ko sa 'yo, pero kailangan talaga e... Hanggang sa muli, Shan. Enjoy yourself tomorrow."

He kissed my forehead again at umalis na sa aking harapan. Tinignan ko naman siyang nag-lalakad pa-palayo sa akin.

It hurts.

Pero kailangan.

Napasandal naman ako sa punuan ng bayabas at ipinikit ang aking mga mata, sa dalawang taon na pagsasama namin ni Jude hindi kami nag kahalikan sa labi. Kasi alam naming bawal pa, bata pa kami, kaya sa aking pisngi at sa noo niya lang ako hinahalikan.

Masaya ako dahil nakilala ko ang isang lalaking katulad niya.

END OF FLASHBACK

"Hey, Shan. You okay? kanina pa kita tinatawag kasi may tindahan na akong nakita." niyugyog naman ako ni Dewei kaya natauhan ako dahil sa kaniyang ginawa.

Napatingin muli ako sa direksyon kung saan dumaan si Jude.

Baka talaga hindi siya 'yon.

Nababaliw na talaga ako.

"Kanina ka pa tulala, okay ka lang ba?" Dewei asked me once again.

Tumango naman ako.

Pumunta naman kami sa maliit na tindahan at bumili ng makakain, kumain kami ng kaunti doon at uminom ng softdrinks. Pagkatapos non ay agad na kaming bumalik sa upuan kaharap ang malaking stage.

Natatakpan ito ng malaking kurtina na kulay pula, ito ata 'yung nakikita ko sa pelikula e. 'Yung hihilain mo tapos bubukas 'yung kurtina tapos charan! hahahaha.

Pero pag upo namin doon, marami ng tao ang nandoon. Muntik na kami malito kung saan kami nakaupo, mabuti na lang at nasabihan namin si Sheyne kanina.

"Nandito na pala kayo! bakit ang tagal n'yo?" tanong naman ni Sheyne sa amin.

"May binili lang, nakikipagharutan ka pa kasi, mabuti na lang hindi ka sumama." seryosong sabi ni Dewei kay Sheyne.

Tumawa naman kami ni Stan dahil sa sinabi ni Dewei, nakita ko rin si Sheyne na iniripan si Dewei kahit hindi nakalingon si Dewei sa kaniya.

Habang nag hihintay kami, maya-maya pa ay dumadami na ang mga manonood. At nasa pinakaharap naman 'yung mga judges.

Napatingin naman ako kay Stan na nasa harapan ko, tinititigan ako. "Bakit? may dumi ba sa mukha ko? pasensiya, kakatapos ko lang kasi kumain ng biscuit." sabi ko at kinuha 'yung cellphone ko para gawing salamin at tignan 'yung mukha ko doon kung may dumi ba talaga.

Narinig ko namang tumawa siya, kaya napatingin naman ako sa kaniya dahil doon. "Wala namang dumi, you look so fine."

Ngumiti naman ako sa kaniya. "Salamat." aaminin ko na ang guwapo ngayon ni Stan. Naka blue t-shirt at naka ripped jeans. Ang tangkad niya rin, parang same height lang sila ni Dewei at Luke.

Pero habang nag e-enjoy ako sa jacket ni Akio na suot-suot ko ngayon dahil sa bango nito, bigla namang bumulong sa akin si Dewei.

"Nakita mo ba kung saan dumaan si Kofi?" bulong nito.

Umiling naman ako at bumulong rin sa kaniya. "Hindi ko siya nakita simula kanina e, akala ko ba kasabay mo siya sa bus kanina?" I asked him, pero umiling naman s'ya.

"Hindi, pero nakita ko na kasabay niya si Stan kanina." bulong niya pabalik sa akin, napatingin naman ako kay Stan na ngayo'y masayang nakikipag-usap sa katabi niya.

Akala ko kasama ni Dewei si Kofi kanina pero hindi pala. "E sino 'yung katabi mo kanina?" tanong ko kay Dewei.

"Sino pa ba, edi 'yung katabi mong madaldal."

Tinutukoy niya si Sheyne hahahaha.

Tumawa na lang ako at nag hintay na mag start 'yung competition, tumingin naman ako sa cellphone ko para tignan kung anong oras na. Nine thirty-four na pala, anong oras ba 'to mag-sisimula, ang tagal.

Habang nakatunganga ako rito, bigla namang bumukas 'yung malaking kurtina dahilan para tumahimik kaming mga tao rito.

"Good Evening, esteemed guests!" bati sa amin ng emcee. Nagpalakpakan naman 'yung mga tao at ganoon din kami.

"Thank you to each one of you for being us today. And I want to welcome this three judges, si Ms. Arya... Mr. Kiley... and Ms. Everleigh!" masiglang sabi ng emcee, habang kami naman ay nagpalak-pakan.

"Welcome to Filipino Dance Competition 2016!" nagpalakpakan naman 'yung iba, samantalang ako ay hindi na makapag-hintay.

"So, let's start. Ang unang mag ta-tanghal ay ang... DSA University! put your hands together for DSA University students! let's welcome... Pharynx Troupe!!" nag palakpakan naman kaming lahat sa sinabi ng emcee, umalis naman 'yung emcee sa harapan at biglang dumilim.

Maya-maya pa ay biglang nag-sibukasan ang ilaw. At lumitaw ang grupong ito na naka triangle position. Ang ganda ng suot nila, hindi ko alam kung ano ang tawag dito pero ang angas tignan, color yellow pa, fave color ko.

May mask pa sila.

Pero nabigla ako dahil biglang tinanggal ng isang lalaking nasa gitna 'yung mask niya.

Hindi ako nag-kakamali o namamalik mata kanina, si Jude pala talaga 'to.

Bigla ko naman naalala 'yung pinag-uusapan ng mga kaklase ko kanina na 'yung DSA daw 'yung hindi pa raw natatalo.

Hindi ko rin inaasahan na mapapabilang dito si Jude.

Napangiti naman akong nakatingin sa kaniya kahit alam kong hindi niya ako nakikita, ang galing niya sumayaw.

Proud na proud ako sa kaniya sobra.

Napansin ko naman sina Akio na nasa backstage na nakasilip at tinitignan 'yung sayaw ng DSA.

But I never expected that he will look at me.

Then he smiled at me.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 32.1K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2.3K 212 53
Will always be your fearless tomorrow
6.3K 529 12
Allyson Rodriguez is brave and the breadwinner of their family. She wants to give a good life to the people she loves, and she did not fail to do it...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...