Let's Dance? (COMPLETED)

By Kesh_h

2.3K 1.3K 43

Shanianah is her name. She aspires to be a professional dancer or choreographer, but she has no idea how to g... More

Author's Note.
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE.
Questions.

CHAPTER 25

30 21 1
By Kesh_h

“I’m truly sorry for what she did to you last time. I'm very very sorry about that.”

Hinawakan niya naman 'yung balikat ko dahilan upang mapatingin ako sa kaniya.

"H-Hayaan mo na, ’tsaka bakit ikaw 'yung humihingi nag pasensiya?” I chuckled awkwardly. “Okay lang 'yon, ’tsaka bumalik ka na sa dance room baka hinahanap ka na. Competition niyo na bukas." I said.

"Sorry talaga sa ginawa ni Yzabela sa ’yo. But if you need me, I'm always here for you.” she grinned.

Nginitian ko naman siya, "Good luck bukas." nakangiti kong sambit kaya nag paalam na siya sa akin at umalis upang bumalik sa dance room.

Kaya na iwan naman akong mag-isa rito sa bench, I decided na dito na muna ako upang mag pahangin.

Inangat ko naman ang aking tingin at tinignan ang maliwanag na kalangitan, dinadama ang hangin na dumadaloy sa aking katawan.

Napapikit naman ako at napasandal dahil doon sa masarap na hangin na tumatama sa aking katawan.

Kumusta na kaya sina Mama at Papa? gusto ko sila makausap ulit, gusto ko ulit marinig ang kanilang boses. 

Mabuti na lang at nakapag negosyo na si Mama dahil gusto niya talaga mag benta ng mga bulaklak. Pangarap niya iyon.

"Shan andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap e." minulat ko naman ang aking mga mata at tinignan 'yung tumabi sa akin.

Si Kofi lang pala.

"Nakauwi ka na pala? saan ka pala galing?" I asked her.

"Gumala kami."

"Kami?" may kasama pala sya kanina?

"Si, Dewei."

"Kayo na ba? may something talaga sa inyo e." natatawang ani ko.

Umiling naman siya habang natatawang tumingin sa akin. "Hindi hindi, walang kami. We're just friends."

I grinned, “I see.”

"By the way, sa-sama ka bukas? competition namin."

"Oo naman, teka— 'di ba may rehearsals kayo ngayon? bakit umalis ka? okay lang ba sa kanila?" tanong ko sa kaniya.

"Sabi ni Kean may rehearsal pa mamayang gabi, mga six ng gabi at matatapos siya mga seven thirty. Papasok na sana ako sa dance room e, kaso nakita ko na nag lu-lunch pa pala sila, kaya umalis ako, umalis rin si Dewei at pumunta sa dorm niya. Kaya nag-lakad ako sa hallway, hanggang sa nakita kita rito.” she explained.

Ano? six hanggang seven thirty? nakakapagod 'yon. "Nakakapagod naman ’yon, six hanggang seven thirty? mabuti naman at nakakaya niyo.”

"Oo naman. Kung mananalo kami bukas, makakasali na naman kami sa isang competition ngayong November or December."

I smiled.

"Galing naman! sana talaga manalo kayo bukas, good luck." ngumiti uli ako.

"Sana nga. Sana walang dayaan ang mangyari, last time kasi nung sumali kami may dumaya. Hindi ko alam bakit nangyari 'yon, pero ginagawa namin ang best namin ngayon para manalo bukas. We prayed na sana walang dayaan ang mangyari."

Dayaan? totoo nga pala ang mga ganiyan? akala ko sa mga pelikula lang ’yan nangyayari.

"Nag lunch ka na ba Shan?"

Umiling ako, "Hindi pa, pero busog pa naman ako. Mamaya na lang siguro." at tumango naman siya sa aking sinabi.

"May sa-sabihin pala ako tungkol kay, Yza. Nag sorry na siya kay Kean pero ewan, hindi naman ata sincere 'yon ’tsaka sana naman huwag na niyang gawin 'yon. Baka mamaya malalaman na lang natin na matatanggal na siya sa troupe e.” pinilit ko naman na hindi matawa, ano ba kasi, bakit ba ginawa ni Yza 'yon, 'yan tuloy.

Napatingin naman ako sa aking cellphone at tinignan kung anong oras na, two twenty-three na ng hapon.

Lumingon naman ako kay Kofi. "Tara na? baka nag simula na sila doon sa dance room. Kailangan mo nang pumunta, hatid na lang kita. Pupunta na rin ako sa dorm e." nakangiting sabi ko sa kaniya at sabay kaming tumayo at nag-lakad papuntang dance room.





Gabi na at nasa dorm lamang ako, nakahiga.

Nakauwi na rin si Sheyne at nasa cr siya ngayon, naliligo.

Sinabi niya rin sa akin kanina na ang saya niya kasama si Luke.

Mabuti naman at pinasaya siya ni Luke.

Kailan kaya ako makakaranas ng ganiyan? char.

Tumayo naman ako mula sa aking higaan at pumunta sa banyo para kumatok. "Sheyne? la-labas muna ako ha? saglit."

"Sige Shan! ingat!" malakas na sabi niya mula sa banyo, kaya pagkatapos niyang sabihin sa akin ’yon ay lumabas na ako ng dorm.

Eight forty-two pa naman ng gabi, siguro wala ng tao sa labas. ’Tsaka maganda rin 'yung kalangitan ngayon, gusto ko sana makita.

Bumaba naman ako at pumunta sa bench kung saan doon ako palaging umuupo para tignan ang kagandahan ng kalangitan.

Umupo naman ako at sumandal.

"Ang ganda talaga." hindi ko maiwasang magandahan sa kalangitan ngayon, ang daming bituin na kumukinang. Kasabay ng masarap ng ihip ng hangin.

Competition na bukas, mananalo kaya sila? sana naman at manalo sila.

"Anong ginagawa mo dito? bawal na lumabas sa ganitong oras. Kailangan mo nang bumalik sa dorm mo." Nabigla naman ako at dali-daling tumayo.

Yumuko naman ako, hindi ko alam kung nasaan siya kasi madilim. Ang importante humihingi ako ng tawad. Bawal na pala lumabas sa ganitong oras, hindi na talaga ako uulit pa.

"P-Pasens'ya n-na p-po—” Inangat ko naman 'yung tingin ko at hinanap kung saan siya.

Familiar ’yung boses niya.

Then I saw him.

Si Kean pala.

Nasa gilid nakatayo at nakatingin sa akin, napakagat na lang ako sa aking ibabang labi dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Aalis na po ako, pasensiya na." aalis na sana ako at pupunta sa hallway, kaso hinawakan niya nang biglaan 'yung kamay ko dahilan para makaharap ko siya.

"A-Anong ginagawa m-mo?" nauutal naman ako nang sabihin ko iyon sa kaniya.

"I have a one question for you. Gusto ko lang ma sigurado kung ikaw ba talaga 'yung nakita namin sa Mall noong kasama ko si Akio?"

Oo, malamang, hindi ba obvious?

"Bakit mo natanong?"

"Gusto ko lang makasiguro, baka kasi namamalik mata lang ako. At baka hindi ikaw 'yon." sabi niya naman.

Natahimik naman ako ng ilang segundo. "Oo ako 'yon." wika ko.

Dahan dahan naman siyang lumapit sa akin at ako naman ay dahan-dahang umatras dahil sa ginagawa niya. Hanggang sa wala na akong maatrasan pa at naramdaman ko ang pader na tumama sa aking likuran.

"Ano bang ginagawa mo?" Iritadong sabi ko.

"Ano nga ulit surname mo?"

"Velenuava. Bakit ba? may problema ka ba?"

"Ka ano6ano mo si Levin?" nagulat naman ako sa kaniyang sinabi.

Ano? kilala niya si Levin?

"P-Pinsan ko s-siya."

Tumango naman siya at lumayo sa akin. "Ah, okay. You can go. Have a nice night." he said habang nakalagay ang kaniyang kamay sa kaniyang bulsa.

Umalis naman ako agad sa kaniyang harapan at pumunta ng dorm, hindi ko alam pero ang weird niya.

Kilala niya 'yung pinsan ko. Ibig sabihin, mag kaibigan sila.

Hindi ko alam, ang creepy niya kanina. Guwapo siya ah, pero ang creepy nung pumunta siya papalapit sa sakin.

Ka ano-ano niya kaya si Levin?

Hindi ko nga rin alam kung ano ang mangyayari bukas. Kung ma e-excite ba ako o kakabahan.

Continue Reading

You'll Also Like

3M 184K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
378K 19.7K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
19.7K 659 46
AGIABS GENERATION! #698 in Teen Fiction #488 in Teen Fiction #460 in Teen Fiction #444 in Teen Fiction Aug 19 2020-Oct 28 2020
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...