Let's Dance? (COMPLETED)

By Kesh_h

2.4K 1.3K 43

Shanianah is her name. She aspires to be a professional dancer or choreographer, but she has no idea how to g... More

Author's Note.
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE.
Questions.

CHAPTER 22

32 21 4
By Kesh_h

Nilingon ko naman si Marzanna sa aking tabi.

Naalala ko na siya pala 'yung nag sabi sa akin na kailangan ko raw mag-ingat.

Pero ang tanong, saan? saan aki nag-iingat?

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kaniya, tumabi naman siya sa akin at sinandal ang kaniyang sarili sa pader.

“Shan? hindi ka ba uupo sa tabi namin?” narinig ko naman si Kofi kaya napalingon ako sa kaniya at umiling habang nakangiti.

I faced Marzanna again and I asked her, “Why? ano ba pinagsasabi mo?”

"Nakakabigla 'yung nangyari kahapon 'di ba? huwag ka masiyadong mag tiwala sa mga nakikilala mo rito. Pero na sa iyo lang naman kung pagkakatiwalaan mo ako. Careful." pagkatapos niyang sabihin sa akin ’yon ay umalis na siya sa aking tabi at pinuntahan sina Skylla na nasa unahan ko lang.

She's beautiful, but weirdo.

Hindi ko makuha kung ano ang ibig niyang sabihin doon sa sinabi niya sa akin.

"Where's Yza?" bigla namang nag-salita si Kean kaya lahat kami na narito ngayon ay napalingon sa kaniya.

Sumagot naman 'yung iba at sinabi nilang, hindi namin alam.

“Practice na, tumayo na kayo para rehearsal na natin sa sunday.”

Tumayo naman silang lahat kaya pinuntahan ko si Sheyne na ngayo’y nakatayo rin kaya tinabihan ko siya.

"Shan, punta na lang kaya tayo sa basketball court? maraming guwapo doon!" tili naman siya nang tili habang sinasabi niya iyon sa akin.

"Yuck, guwapo hanap. Nandito naman ako ah.” singit naman ni Dewei pero iniripan lang siya ni Sheyne.

"Ang hangin mo naman.” sabi ni Sheyne kay Dewei, pero si Dewei naman ay mahinang napatawa.

Hinawakan naman ni Sheyne ang aking kamay at sabay kaming lumabas sa dance room.

Hindi na rin kami nag-paalam kay Kean dahil wala pa rin naman kaming gagawin doon.

Pero gusto ko sanang doon na lang sa dance room, dahil gusto ko makita ang sayaw nila. Pero namimilit kasi itong si Sheyne e, wala na rin akong magawa kaya sasamahan ko na lang siya.

"Sheyne, seryoso ka ba rito? baka nakaka-istorbo tayo sa mga basketball players doon." paninimula ko.

"Hindi ’yan, trust me."

Hinayaan ko na lang siya at nag paubaya na lang ako, hanggang sa makarating kami sa basketball court.

Nang makapasok kami ay agad niya akong hinila sa bleacher seat kung saan malapit lang kami sa mga basketball players.

Naiilang naman akong umupo rito dahil sobrang dami ng mga basketball players, nakakahiya rin, pero hindi ko kasi matiis itong si Sheyne e.

"Kita mo 'yan? siya si Luke. Siya 'yung captain ng team." sambit ni Sheyne at tinuro ’yung lalaking nasa unahan lang namin.

Ako ’yung nahihiya sa kaniya dahil turo siya nang turo.

"Siya naman si, Stan. Galing daw mag laro niyan e, guwapo talaga!" tumatango na lang ako sa kaniyang mga sinasabi kahit ako ay naiilang na.

Mabuti na lang at hindi kami tinitignan ng mga basketball players dito, nakakahiya talaga itong si Sheyne e, panay turo.

Taray, kakalipat pa lang ni Sheyne pero marami na agad siyang nakilala rito.

"Huh? 'di ba kakalipat lang natin? bakit kilala mo na silang lahat?” kumunot naman ang aking noo nang sabihin ko iyon sa kaniya.

"Nakita ko name badge nila one time e, kaya tinignan ko at doon ko nalaman kung ano ang mga pangalan nila. Guwapo 'no? sila naman lahat." she giggled.

Tama nga siya, guwapo naman.

Napakalmot na lang ako sa aking batok dahil naiilang na talaga ako.

May mga nanonood din dito, pero kadalasan mga babae. Panay sigaw pa, tanginang 'yan.

Ano bang meron sa mukha ng mga basketball players dito? e tao pa rin naman ’yan sila e.

I sighed.

Kinuha ko na lang ang aking cellphone sa aking bulsa, tinignan ko naman kung may miss calls ba akong natanggap mula kina Mama, pero wala.

Baka busy lang sila.

Napag-isipan ko na lang mag laro ng subway surfers at habang nag lalaro ako bigla namang tinapik ni Sheyne 'yung balikat ko dahilan para mairita ako.

Ganda na nung laro ko e, na game over tuloy.

"Gago papunta sa atin si Stan!" bulong niya sa akin kaya ibinulsa ko naman itong cellphone ko at tinignan ang tinutukoy ni Sheyne.

She's right, he's coming.

Nasa harapan ko siya habang dala-dala ang bola. "Newbie?" he asked.

But I remain silent, I don't know what to say

"Bago ka ba raw dito?" pukaw sa akin ni Sheyne.

"A-Ah oo, k-kakalipat ko lang.” naiilang kong sagot kay Stan.

"What's your name?" he asked me again habang nilalaro ang bola sa kaniyang kamay.

"Shanianah. Shan for short."

"Nice name. Nice to meet you, Shan." Inabot niya naman 'yung isang kamay niya para makipag shake hands. Tinanggap ko naman ito and I smiled slightly.

“See you next time.” nakangiting sambit niya sa akin at umalis sa aking harapan.

Nang makaalis na si Stan sa aking harapan ay tumayo naman ako at inayos ang aking uniporme.

At habang inaayos ko ito ay naramdaman ko namang napatingin sa akin si Sheyne, "Aalis kana?" she asked me while I'm not looking at her.

"Hindi pa naman, pero kung gusto mo, umalis na lang tayo rito. Sinamahan lang kita dito—” but I stopped talking nang maramdaman kong may tao sa aking likuran kaya nilingon ko ito at pumunta ako sa tabi ni Sheyne.

"Sheyne, hi. Section A? kakalipat lang?" he asked her at tumango naman si Sheyne.

Hindi ako nag-kakamali at si Luke ito, ito ang tinuro sa akin ni Sheyne kanina.

His lips curved upwards, "Free ka ba sa Saturday? or Sunday? gala sana tayo." sabi naman nitong lalaking nasa harapan ko at nakatitig lamang siya kay Sheyne.

Napatingin naman ako kay Sheyne at nakita ko naman sa kaniyang mga mukha kung gaano siya kinikilig na halos nagiging kamatis na ang kaniyang mukha.

Pinigilan ko namang hindi matawa dahil baka masabihan akong baliw dito.

"Ito naman, siyempre oo, basta sa ’yo.” pabebeng sabi ni Sheyne.

I gave her a dirty look kahit hindi niya ito nakikita.

Grabe na talaga ang mga tao ngayon.

He chuckled, "Sa Sunday na lang? simba tayo. I’ll see you there, take care." he winked at Sheyne then he walked away para mag practice ulit.

Nabigla naman ako dahil hinila na naman ako ni Sheyne palabas sa court.

At nang makalabas kami ay bigla naman siyang tumatalon dahil sa sobrang kilig. Nakatayo lang naman ako sa gilid tinitignan siyang nag mu-mukhang tanga.

"Omg!! narinig mo ’di ba ’yung sinabi niya? kinikilig ako grabe 'yan. Kalma kalma." sabi niya naman habang hinaplos ang kaniyang dibdib upang ito ay kumalma, pero ako naman ay nanatiling kalmado at tinititigan lamang siya.

Nawa’y lahat.

Napabuntong hininga naman ako at hinawakan ang kaniyang kamay, "Okay ka na? tapos ka na? punta na tayo sa cafeteria, kain lang tayo." sabi ko naman rito, hanggang ngayon ay kinikilig pa rin talaga siya sa nangyari.







Kinakausap ako ni Sheyne ngayon habang kami ay nasa Cafeteria.

"Hanggang ngayon, kinikilig pa rin talaga ako sa nangyari kanina. Biruin mo, niyaya ako ng isang varsity player? tapos shet, ito na ata ang magandang biyaya na hinanda para sa akin." mukha naman siyang uod na inasinan, ang likot, tili nang tili.

Ininom ko naman ’yung mineral water at tinitigan lang si Sheyne habang siya ay kinikilig pa rin.

Kailan ba ’to matatapos itong tili niya? parang walang katapusan.

Pero naalala ko na mag go-grocery pala kami sa Sunday. Kaso aalis pala si Sheyne kasama si Luke.

"Mag go-grocery sana ako sa Sunday kasama ka, pero may alis ka kasi kasama si Luke, pero huwag ka na lang mag-aalala. Ako na ang bahala sa bi-bilihin. Enjoy yourself with Luke." I said without hesitation.

Bigla namang nag seryoso ang mukha ni Sheyne at tinignan ako. "Sure ka? puwede naman kita samahan, sa-sabihan ko na lang si Luke na sa Saturday na lang kami aalis—"

“Huwag na. Ako na nga ang bahala. Enjoy yourself with Luke, minsan lang ’yan, kaya sulitin mo na.” singit ko.

Pero paano naman ako mag go-grocery nito e ku-kulangin pera ko.

Saan ako ku-kuha? hindi pa tumatawag sina Mama o Tita.

Gusto ko sila kamustahin.

"Balik na kaya tayo? anong oras na ba?" I asked Sheyne.

"One fifty-six.”

“Ang bilis ng oras ngayon ah.”

"Kaya nga, ganiyan talaga ang buhay. Tara na, baka kung ano na ang ginagawa nila doon. Hindi pa naman tayo nag paalam kay Kean.”

Labas naman kaming lumabas ng cafeteria at bumalik sa dance room.

Ang tagal pala namin nawala, hindi naman siguro na pansin ni Kean ’yon e at saka wala rin naman kaming gagawin doon sa dance room.







Gabi na pero nasa dance room pa rin ako, sinabi ko kay Sheyne kanina na mauna na siya pumunta sa dorm kasabay sina Kofi.

Umalis naman sila.

Wala rin akong alam kung bakit ako nandito, dapat nasa dorm na ako e.

Umalis na rin sina Kean at 'yung mga ka-klase namin, pagod na pagod din sila dahil hindi raw sila huminto kaka-ensayo kanina.

Nakita ko namang lumapit si Akio sa akin, “Six forty-three na ah, hindi ka pa pupunta sa dorm mo?” he asked me.

“Aalis na talaga dapat ako papuntang dorm.” pag-aamin ko.

Tumango naman siya sa aking sinabi kaya sabay na kaming lumabas ng dance room. May na iwan naman doon sa dance room, sina Gelay at Skylla.

Habang nasa hallway naman kami ni Akio, hindi ko naman maiwasan mapatingin sa kaniya.

Panay sulyap ako sa kaniya hanggang sa nahuli niya akong tinitignan siya kaya napaiwas ka agad ako doon.

"Free ka bukas?" he suddenly asked me kaya napalingon muli ako sa kaniya.

"Hindi ako sure, bakit?"

"Labas sana tayo, kung puwede."

"Susubukan ko.”

Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa dorm ko. Hinatid niya ako pero sa hagdan lang.

Nag-pasalamat naman ako sa kaniya at umakyat na.

Nang makapasok ako sa dorm, agad kong nakita si Sheyne na humihiga na. Ang aga niya talaga matulog.

Tapos na siguro ito kumain

Hindi na din ako kumain. Bukas na lang siguro.

Nag half bath naman ako at nag bihis ng terno pajama. Agad na rin akong humiga sa aking higaan.

Ipipikit ko na sana itong mga mata ko pero biglang nag vibrate 'yung phone ko. Napatingin naman ako dito.

Tumawag si Tita! mabuti naman!

Sinagot ko naman agad ito. "Hello, Tita? kamusta kana po?" sagot ko gamit ang mahinang boses ko dahil natutulog na si Sheyne at baka magising pa ito.

"Hello Shan! okay lang kami dito, pati
'yung Mama mo at Papa mo, okay na okay kami rito. ’Tsaka bukas, pupunta ako jan. Sasama si Levin, gusto ka raw makita e."

Finally, makikita ko na siya...

"Talaga po?”

“Yep, excited na raw siya na makita ka ulit pagkatapos ang ilang taon na hindi kayo nag-kita.”

Napangiti naman ako dahil sa aking narinig. “Anong oras po punta mo dito bukas Tita?"

"Mga twelve thirty siguro? seven hours kasi bago makarating jan. Basta ta-tawag lang ako ha? kapag nanjan na ako bukas. Pahinga ka na, Shan. I'll see you tomorrow.”

"Pakisabi na rin po kina Mama at Papa na ayos na ayos lang ako rito. Maraming salamat Tita, have a wonderful night." ani ko.

“Sure, no problem, sa-sabihin ko ’yan sa kanila. Have a good night Shan.”

Pagkatapos non ay pinatay na niya 'yung tawag.

Ngumiti naman ako. Mabuti naman at mag-kikita na kami ni Levin.

Before I sleep nag dasal muna ako.

Na sana kung may mga problema man akong mahaharap dito, sana ay malampasan ko iyon agad upang hindi na ako mahirapan, na sana kaya kong makamit itong pangarap ko.

Continue Reading

You'll Also Like

877K 39.8K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
6K 359 39
Tauri, A Volleyball player who is a rising star. who wants to be an aspiring Fashion Designer who studies at De La salle. As she meets a guy from Ate...
25.4K 638 55
He didn't want those eyes to meet again, because when his eyes met those eyes he didn't want to lose sight of those girl who have a curse eyes- Her e...
128K 9.2K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...