Let's Dance? (COMPLETED)

By Kesh_h

2.3K 1.3K 43

Shanianah is her name. She aspires to be a professional dancer or choreographer, but she has no idea how to g... More

Author's Note.
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE.
Questions.

CHAPTER 21

36 21 0
By Kesh_h

“I won't let you na magiging parte ka ng troupe na ito.”

Napalingon naman ako kay Yzabela na ngayo’y nakaupo sa aking tabi.

Ang asim niya tignan.

I looked at her for almost a minute pero ibinalik ko rin ang aking tingin sa bintana.

“Ayaw ko ng gulo.” I told her as I looked out the window.

Ramdam ko naman na nakatingin sa amin ang lahat ng ka-klase namin.

“Do you like Kean? I can smell it from here.” she whispered kaya napalingon naman ako sa kaniya at kalmadong tinignan siya sa kaniyang mga mata.

She sighed, "Alam mo, 'yung name badge mo?" napatingin naman ako sa aking name badge nang hinawakan niya iyon. "Hindi 'yan nararapat sa 'yo. I don't even know why are you here, it's funny, right?” she hissed.

“It seems like you don't know how to dance." nang dahil sa galit ay napayukom ang aking kamay.

“Bakit? dahil ba guilty ba sa nangyari? you’re guilty—” but she cut me off, “No, I'm not, grabe ka kasi makapatong kay Kean e. Wagas.”

Hindi na ako sumagot, ayaw ko naman kasi ng gulo. ’Tsaka hindi rin ako pumapatol sa maliliit ang utak.

"Ginagawa mo dito? umalis ka nga." Nagulat naman ako dahil malakas na hinila ni Sheyne si Yzabela kaya nadapa ito.

Agad namang sinamaan ng tingin ni Yzabela si Sheyne.

"Aray! ano ba?!"

"Narinig ko 'yung sinabi mo kay Shan. Tigilan mo 'yan, sampalin kita e—”

Hindi na natuloy ni Sheyne 'yung sa-sabihin niya dahil na pansin niyang pumasok si Gelay sa silid.

"Itigil niyo ’yan.”

“Tumayo ka na Yza. Pinapahiya mo lang sarili mo. You're so immature to make scene." walang emosiyon niyang sabi at tumingin sa akin.

Inilagay naman ni Gelay ang kaniyang bag sa kaniyang upuan.

Tumayo naman si Yza at pumunta sa harapan ni Gelay.

Dali-dali naman akong pinuntahan ni Sheyne sa aking tabi at hinawakan ang aking balikat habang nakikinig kay Gelay at Yza.

"Pati ba naman ikaw? ka-kampihan mo siya?” Yzabela glanced at her.

"Tumigil ka, Yza puwede ba? kung ayaw mo na marating ito kay Sir Rex at kay Kean, tumahimik ka, nakuha mo ba ’yung sinabi ko? baka gusto mong matanggal sa pagiging choreographer?"

Hindi naman sumagot si Yzabela sa sinabi ni Gelay, natahimik siya nang sabihin ni Gelay iyon sa kaniya.

Sana naman matanggal 'yan.

"Pinagsasabi mo? don't tell me na mag-susumbong ka?" Yzabela laughed.

Abnormal ba siya?

"Guilty ka ba sa nangyari kahapon?” Gelay asked ber seriously.

Napatingin naman ako sa bandang pintuan at nakita ko roon sina Marzanna, Kofi, Dewei, Skylla na nakikinig.

"Ako? guilty?” Yzabela smirked. “Ahas ka ba Gelay?’" nang dahil sa sinabi ni Yzabela, kinuha ni Gelay 'yung bag ni Yzabela na nasa tabi niya lang at malakas niyang itinapon ’yon sa sahig.

Ngayon ko lang nalaman na mag katabi lang pala sila.

"Ano ba sa tingin 'yung ginagawa mo?! bakit mo tinapon?!"

"Huwag kang tumabi sa akin, umalis ka. Hindi ako tumatabi sa mga ahas." kalmadong sabi ni Gelay at umupo sa kaniyang upuan. She grabbed her phone at kinuha rin ang kaniyang earphones at inilagay sa kaniyang mag-kabilang tainga.

Kinuha naman ni Yza 'yung bag niya. Pero bago iyon tumingin na muna s'ya sa akin at sinamaan ako ng tingin. Pagkatapos non ay lumabas na siya ng classroom.

Bakit ba siya ganoon? nakatakas ba ’yon sa mental? tapos naligaw siya rito?

"Are you okay?" umupo naman ako sa aking upuan ng sinabi 'yon ni Sheyne.

Pumasok naman agad sina Kofi at pumunta sa akin.

"Narinig ko 'yon, gago ngayon ko lang nakita si Gelay na ganoon magalit." narinig kong sabi ni Skylla.

"Oo nga, ngayon ko lang din nakita na ganiyan pala siya magalit. Kasi kapag nag tuturo 'yan ang bait niya e, parang hindi niya alam paano magalit." Marzanna continued.

Napatingin na lang ako sa bintana at iniisip kung hindi nga ba ako nararapat dito? paano kung tama talaga si Yzabela, na hindi ako bagay dito at bakit nga ba ako dito nag-aral?

Hindi ko alam.

"Mamaya na lang Shan ha? balik na kami sa upuan. Bumalik na rin kayo, baka may pumasok na teacher." tumango naman kami sa sinabi ni Sheyne kaya bumalik na sila sa kanilang mga upuan at tumabi naman si Kofi sa akin.

Napatingin naman ako sa upuan nina Kean at Akio, sakto naman at kakarating lang nila.

Umupo naman si Akio at tinignan ako. Umiwas naman ako at tumingin sa bintana.

"Okay ka lang ba? ang sama talaga ni Yza. Ngayon lang lumabas ang totoong kulay niyan." Kofi said.

"True, saan kaya pumunta 'yon." I heard Marzanna dahil mag katabi lang sila ni Kofi.

"Hayaan niyo na ’yon, baka nakakain lang 'yun ng panis na pagkain.” natatawang sambit ni Skylla, kaya tumawa naman sila dahil doon.

Nakikinig lang ako sa kanila habang nakatitig sa bintana. Binuksan ko naman ito at agad ko namang naramdaman ang malakas na hangin na tumatama sa aking mukha.

Napapikit naman ako habang dinadama ito.

"Get out, lahat kayo. Pumunta kayo sa dance room. Kailangan niyo mag practice ngayon dahil Sabado bukas. Sa sunday naman 'yung rehearsal, para sa Monday ready na." agad ko namang binuksan ang aking mga mata at tumingin sa aming harapan.

Nandito si Sir Rex.

"Walang class for now."

Sumigaw naman sa saya ’yung mga ka-klase ko at agad naman silang lumabas papuntang dance room.

Tumayo naman ako at napatingin kay Gelay, wala siyang emosiyon.

Galit pa kaya siya? grabe 'yung ginawa niya kanina. Tinapon 'yung bag ni Yzabela, hindi ko alam kung matatawa ako o hindi.

"Una na kayo nina Sheyne doon sa dance room, Shan. Mag bibihis lang ako." sabi sa akin ni Kofi at umalis.







Lahat sila ay sumasayaw ngayon, ang ga-galing talaga. Halatang hindi sila hinihingal, sobrang bilis ng bawat galaw nila.

"Ang ganda ng music nila 'no? favourite music ko 'yan e." nilingon ko naman si Dewei.

“’Di ba Loyal 'yan? tapos Ayo? kay Chris brown?" tanong ni Sheyne at mabilis namang tumango si Dewei.

Alam nila ah, samantalang ako parang walang pake sa paligid.

Hindi ko nakita si Yzabela ngayon. Siguro nahiya siya dahil sa ginawa ni Gelay.

Bahala na siya, deserve niya naman ’yon. Umaangat dugo ko dahil sa kaniya kanina e.

Nakita ko namang tumingin naman si Kean sa kaniyang relo,"Puwede na kayo mag lunch, balik kayo mga one forty."

Lumabas naman 'yung iba para kumain. "Hindi ka kakain?" tumayo naman si Sheyne at tinanong ako.

Tumayo naman ako, "Tara." wika ko, lumabas naman sila.

Lalabas na sana ako, kaso mag humawak sa aking kamay.

Napatingin naman ako rito at nakita ko si Kean na hawak hawak ang aking kamay.

"B-Bakit?"

"Can we talk? may gusto lang sana akong itanong sa 'yo."

Napatingin naman ako kina Sheyne, naintindihan naman nila ito at sinabi naman nila na hihintayin na lang nila ako sa cafeteria.

Tinignan ko naman si Kean na ngayo'y hawak-hawak ang aking kamay.

Pero mabilis niya rin itong binitawan nang nakita niyang tinitignan ko ang kaniyang kamay na hawak-hawak ang aking kamay.

Napatingin naman ako sa buong dance room at kami na lang pala ang na iwan dito.

"Tungkol saan?" I asked him.

"Sa nangyari kahapon, alam mo ba kung ano 'yung inilagay ni Yza sa tubig ko?"

"H-Hindi ko alam, nakita ko lang siya. Bakit hindi siya 'yung tanungin mo."

Tumahimik naman siya at tinitigan ako. "B-Bakit? may d-dumi ba sa mukha ko?” but he chuckled.

"Nothing. Anyway, thank you for doing that.”

"No problem, ingat sa susunod." sambit ko.

He smiled and I smiled awkwardly.

"You can go out and eat your lunch.”

Umalis naman ako sa kaniyang harapan at bago ako makaalis ng tuloyan sa dance room ay kumaway ako sa kaniya at umalis na.

While I'm walking, I can't stop smiling.

Kung hindi ko ginawa kay Kean 'yon, may possibility na may mangyayaring masama sa kaniya.

Hindi ko rin alam kung ano 'yung inilagay ni Yzabela doon kahit na ako ay nag du-duda sa nangyari.





Kakatapos lang namin kumain at nag-lalakad kami ngayon sa hallway dahil babalik na kami sa dance room.

"Saan kaya nag punta si Yza? guilty talaga siya sa nangyari e.” natatawang sambit ni Kofi.

"Hayaan na lang natin siya, papansin kasi siya kaya siya naging ganoon.” singit naman ni Dewei.

Tumawa naman sila habang nag-uusap tungkol kay Yzabela, at ako naman ay nanatiling tahimik.

Hanggang sa makarating kami sa dance room at pumasok.

Kunti pa lang kami rito, umupo naman sila sa sahig samantalang ako nakatayo lang sa gilid.

"Ang lalim ata ng iniisip mo." napaigtad naman ako nang biglang nag-salita si Akio sa aking tabi.

"Medyo." maikling sambit ko. 

He chuckled, "Okay ka lang?"

"Oo naman. Nga pala, good luck sa competition.”

"Thanks, punta ka ha?” I smiled and I nodded.

"—Wait. Mamaya na lang? tinatawag na ako nina Kean. Take care." pag papaalam niya sa akin.

Ngumiti naman ako, "Ikaw rin."

Umalis naman siya at pumunta kay Kean, kanina pa pala siya tinatawag kaso hindi niya naririnig dahil nag-uusap kaming dalawa.

Sumandal naman ako sa pader samantalang nasa tabi ko sina Sheyne at nakaupo ito sa sahig.

“Take care Shanianah, may ahas sa tabi-tabi mo.”

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
9.3K 202 48
[Completed] Work life Balance ? Ano yun? Trish must be lucky on her career but in love? At the age of 29 she is already a senior manager in one of t...