Let's Dance? (COMPLETED)

By Kesh_h

2.4K 1.3K 43

Shanianah is her name. She aspires to be a professional dancer or choreographer, but she has no idea how to g... More

Author's Note.
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE.
Questions.

CHAPTER 12

48 30 1
By Kesh_h

Sabi ni Kean ay pupunta kami sa classroom. Tapos ngayon nandito na kami, wala pala siyang sa-sabihin.

O baka hindi lang ako makapag-hintay.

Nakita ko namang pumunta si Kean sa aming harapan. Ito na pala, sasabihin na niya. "Nandito na ba lahat?" tanong nia sa amin at tumango naman 'yung iba.

"Next week na 'yung competition, sa Monday. Na moved. Pero sa-sama 'yung transferees sa Monday. May bayad 'yon kapag merong manonood, pero si Sir Rex na ang bahala. Kailangan na natin mag practice hanggang Saturday. Then, Sunday is our rest day." seryosong sabi niya.

’Yon lang pala.

Ibig sabihin, makakasama kaming transferees? at ma papanood namin ’yung performance nila?

Ang bilis ng oras at panahon, next week na agad. Tuesday pa naman ngayon.

"Punta na kayo sa dance room, 'yon lang naman 'yung sasabihin ko." agad na rin siyang lumabas, sumunod naman sa kaniya sina Gelay at Yzabela, tapos si, Akio.

"Hindi ka ba tatayo para lumabas?" napatingin naman ako kay Kofi. Kami na lang pala ang na iwan dito, sila Sheyne at Dewei lumabas na.

"Una kana, su-sunod lang ako." ngiting sabi ko sa kaniya, pero tinitigan niya lang ako.

Tumayo naman siya at humarap sa akin, napaangat naman ako ng tingin sa kaniya.

"Okay ka lang ba? parang may problema ka ah?” pag-aalalang tanong niya sa akin.

Hindi naman talaga ako okay araw-araw. Marani akong problema, sa buong buhay ko hindi ko nasubukan mag sabi ng problema, kahit sa pamilya ko. Mas prefer ako na i-keep na lang 'to, kasi nakakaya ko naman kimkimin ’to.

"Oo naman, okay naman ako palagi. ’Tsaka baka pagod lang 'to o baka gutom, kunti lang kasi 'yung kinain ko kanina." pagsisinungaling ko sa kaniya.

"Gusto mo punta muna tayo sa Cafeteria? kain tayo doon, sasamahan kita." agad naman akong umiling.

"Huwag na, mamaya na lang siguro. ’Tsaka may practice pa kayo, baka magalit si Kean sa 'yo kapag na late ka." sabi ko sa kaniya, agad din naman akong tumayo at kinuha ang bag ko. "Tara na? sabay na lang tayo sa dance room, baka hinahanap ka na nila." pagpapatutuloy ko, lumabas na din kami ng classroom at sinara ang pintuan.

Gusto mo punta muna tayo sa Cafeteria? kain tayo doon, sasamahan kita.

Ang bait ni, Kofi. Sobra, ang sarap pala sa pakiramdam na may kaibigan kang ganito.



Nang makarating na kami sa dance room ay agad akong umupo sa gilid katabi sina Sheyne at Dewei. Habang si Kofi naman ay nasa gitna at nag pa-practice.

Kanina pa sila nag-simula, pero napapansin ko si Akio na sumulyap sa akin. Pero sa tuwing nahuhuli siya ng aking tingin ay umiiwas siya agad.

Napatingin naman ako sa katabi ko na sina Dewei at Sheyne, pero na out of place ako. Kaya lumayo ako kunti sa kanila.

Punta muna kaya ako sa cafeteria, doon na lang muna ako. Gusto ko mapag-isa ngayon.

Agad naman akong tumayo at pumunta kina Dewei at Sheyne. "Punta na muna ako sa Cafeteria ha? sasama kayo? o dito na lang kayo?" tanong ko sa kanila.

Ngumiti naman si, Sheyne sa akin. "Dito na lang siguro kami, mag-iingat ka doon ha. Nagugutom ka ata, eat well Shan.” Sheyne smiled.

"Oo, okay lang kami rito. Balik ka agad ah? para tatlo tayo dito." sabi naman ni Dewei. Tumango na lang ako at lumabas, hindi na rn ako nag paalam kay Kofi kasi nag pa-practice sila.

Habang nasa Hallway ako, medyo kunti lang 'yung estudyante na lumabas ngayon. Ang iba may klase.

Nag-lalakad ako ng biglang may nag vibrate sa bulsa ko. Agad ko namang tinignan kung ano ito.

Si, Mama!

Agad ko namang sinagot ito. "Hello Ma? kumusta na kayo diyan? okay lang ba kayo riyan?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

"Okay lang kami dito ng Papa mo, Anak. Nasa bahay nga kami ng Tita mo ngayon.”

“Po? anong ginagawa niyo diyan?”

“Naka-uwi na si Levin, Anak. Tapos may kaunting pag-sasalo dito sa bahay ng Tita mo. Sayang nga lang kasi hindi kayo nag-kita ni Levin." sabi sa akin ni Mama mula sa aking cellphone.

Nakauwi na pala si Levin.

Sayang naman at hindi ko siya makikita.

Ngumiti naman ako na para bang nasa harapan ko ngayon si Mama. "Mabuti naman Ma. Pakasaya kayo jaan, mag-iingat din kayo sa pag-uwi niyo ha? baka gabihan kayo diyan. ’Tsaka pakisabi kay Levin, Ma na kumusta na siya—" hindi na ako pinatapos mag-salita ni Mama.

"Gusto mo ba siya maka-usap? nandito siya ngayon."

Nakaramdaman naman ako ng hiya habang mag-isa akong nag-lalakad dito sa hallway.

"S-Sige, Ma."

"Teka, ibibigay ko sa kaniya itong cellphone ko para maka-usap ka niya." narinig kong sabi ni Mama.

Nag-hintay naman ako pero maya-maya pa ay biglang nag-ingay ang kabilang linya.

"Hi Shan! how are you? naaalala mo pa ba ako? it's me, Levin!”

"Oo naman, siyempre. Minsan naiisip kita kung kumusta ka na ba. Tagal na natin hindi nag-usap ah. Kumusta ka na rin ba?" I asked him.

"Okay naman ako, nakakapagod lang mag-aral doon. By the way, how are you? okay ka lang ba jan? sa bagong paaralan mo?” tanong niya muli sa akin.

"Oo naman, kaso hindi pa kami nakapag-practice ng sayaw, tatlo kaming transferees dito kaso hindi kami kasali sa mga nag pa-practice ngayon kasi next week na raw ’yung competition nila." I said.

"I see, ingat ka diyan. Galingan mo, proud na proud kami sa 'yo dito oh." napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.

"Anyway, diyan na rin ako mag-aaral."

I gulped.

Makakasama ko na ulit siya!

"E-Edi mabuti 'yon. Makikita na kita rito. Ano pala gagawin mo rito?"

"Lilipat siyempre, gusto ko rin maging varsity player. Sasali ako, o kung hindi ako pa-palarin, sasali ako bilang mang-aawit. Wala namang masama kung susubukan ko 'di ba?"

Magaling mag basketball si Levin, magaling din siya kumanta, kaya sigurado ako na magiging varsity player siya dito at magiging isang mang-aawit.

"Tama ka, subukan mo. Su-suportahan kita rito." wika ko.

“Thank you Shan— Ibibigay ko na ito kay Tita ha? ta-tawag na lang ako ulit sa 'yo, nandito naman sa akin ang number mo. Tatawag lang ako kapag lilipat na ako d'yan, ingat ka jan ha? take care of yourself, Shan. Eat some healthy foods para hyper palagi."

"Hmm, ikaw rin. Ingat ka! sa susunod ulit, Levin. Mag pahinga ka na rin muna, kakauwi mo pa lang siguro." sabi ko sa kaniya, agad naman s'yang sumang ayon sa sinabi ko at ibinigay na niya kay Mama 'yung cellphone.

"Papatayin ko na, Anak ha? lowbat na kasi cellphone ko. Mag-iingat ka jan palagi, Anak. ’Tsaka pinapasabi rin ng Papa mo na alagaan mo sarili mo jan. Tatawag lang kami kung may time kami, Anak ha? busy na rin kami ni Papa mo kasi nag-bebenta na kami ng mga bulaklak rito sa bahay." sabi ni Mama sa akin.

"Opo, Mama. Ingat ka rin po jaan, kayo ni Papa. Mahal ko kayo Ma."

"Mahal din kita, Anak." ngumiti naman ako nang sinabi iyon ni Mama.

Agad na ring pinatay ni Mama ang tawag.

Hindi ko rin namalayan na nasa harapan ko na ang pintuan ng cafeteria. Agad na rin akong pumasok doon.

Pag pasok ko, kunti lang 'yung nandito ngayon. Lahat sila may kasama, tapos ako mag-isa.

Bahala na.

Agad naman akong pumunta sa counter para bumili ng maiinom.

"Ate pabili nga po, apple juice 'yung nasa plastic bottle." agad naman akong nag bayad para sa apple juice.

May three thousand na lang pala ako, kailangan kong tipirin 'to.

"Ito na Hija." Inabot naman sa akin ni Ate 'yung apple juice. Nagpa-salamat naman ako rito.

Umupo naman ako sa bakanteng lamesa at doon ininom ang apple juice.

Napaigtad naman ako nang may biglang umupo sa aking harapan.

Nakita ko namang si Akio ito, kaya napatigil ako sa pag-inom at tinitigan lang siya.

“Anong ginagawa mo rito? ’di ba dapat nasa dance room ka?”

Tinignan niya naman ako na para bang wala lang sa kaniya ang aking sinabi. ”Why not? nauuhaw lang kasi ako, kaya napag-isipan kong pumunta rito. Hindi ko rin inaakala na narito ka." he said at ininom ang hawak-hawak niyang tubig.

Agad din naman siyang tumayo kaya napa-angat ang aking tingin dahil doon sa ginawa niya.

“Tungkol pala sa ballpen mo—" I cut him off, “Kahit huwag mo nang ibalik, ayos lang, marami pa naman akong extra.” singit ko.

He nodded, “Anyway, kailangan ko nang umalis. Baka hinahanap na ako. I’ll see you later." mabilis niyang sabi at dali-daling umalis sa cafeteria.

Sinundan naman siya ng aking mga tingin hanggang sa makalabas siya sa cafeteria.

He's acting weird.

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 58.6K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
6K 359 39
Tauri, A Volleyball player who is a rising star. who wants to be an aspiring Fashion Designer who studies at De La salle. As she meets a guy from Ate...
1.3M 19K 41
Dice and Madisson
127K 9.2K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...