He Betrayed Me

By Eliesyanna

3.9K 403 81

[ He Betrayed Me ] In a world full of betrayal they gave me a reason to keep going and face new lies. - Ashia... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39

Chapter 9

96 13 4
By Eliesyanna

'I'm leaving'

~•~

Sa nakalipas ng ilang linggo laging pumupunta dito si nikkolo, kulang na lang nga ay dito na siya tumira dahil araw araw na itong dumadalaw dito sa condo ng kapatid ko. Pabor na pabor din naman para sakin kung lagi siyang naandito dahil siya ang nakakapuno ng puwang sa buhay namin ng magiging anak ko na dapat ay si tristan ang gumagawa. Nung mga nakaraang araw kasi medyo ang dami kong cravings  at napapansin ko rin sa sarili ko na gustong gusto kong laging nakikita si nikkolo. Gustong gusto kong nakikita siya lalo na sa tuwing ngumingiti ito lumalabas lalo ang dimple nya nakakagigil grr.

Kabaliktaran naman ito ng nararamdaman ko kay tristan kasi tuwing pumupunta siya dito ay inis na inis ako sa pag mumukha nito. Ewan ko ba bakit pa pumupunta ang gagong yun kahit na pinaparamdam ko na sa kanya na di siya welcome dito.

Tungkol dun sa mga sinabi ni nikkolo nung nakaraan ay di na namin pa napag usapan ayaw ko rin naman pang pag usapan ang tungkol dun. Ayaw kong maging selfish, oo gusto ko ng kumpletong pamilya para sa anak ko pero ayaw kong madamay ang ibang taong alam kong inosente lalo na kung si nikkolo. Oo mabait siya, ideal husband siya lalo na sa mga pinapakita niya sa akin noong mga nakaraang araw, pero ayaw kong ikulong siya sa responsibilidad na di naman para sa kanya.

"Yanna!"

Napabalikwas ako sa pag kakahiga ko ng dahil sa sigaw ng kapatid kong tukmol. Shitt! Ang aga pa para bumangon at syaka parang ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Ano ba naman yan.

"Ano ba?" galit na sigaw ko dito.

"Lumabas ka na jan sa kwarto mo at nag hihintay na si nico sa baba."

Nang marinig ko ang pangalan ni nikkolo ay dali dali akong nag ayos ng sarili. Pag dating ko sa baba napangiti ako ng maabutan ko siya sa sala na may hawak ng isang balot ng manggang hilaw. Shit ang aga naman ng lalaking ito para samin ni baby. Mas lalo akong napangiti ng sumulyap ito sakit dahilan ng pag labas ng dimple nito.

"Aga mo naman wala ka bang ibang inaasikaso bukod sa pag pupunta dito?" Kahit na masama ang aking pakiramdam ay pinilit kong maging masigla sa harapan niya.

"Meron naman pero alam ko kasing pag katapos mo ng agahan nag hahanap agad kayo ni baby ng maggang hilaw, so I brought you some fresh green manggo."

If I don't have nikkolo I don't know what will happened to me and my baby. Si kuya kasi di ko maasahan na masyado sa pag bubuntis ko at busy din siya sa pinapagawa ni daddy. Simula kasi ng paalisin ako ni dad si kuya na ang pinapahirapan niya. I'm lucky to have a best friend like nikkolo.

"Thank you nico." I sincerely said.

"You know I will do anything for you yanna."

Yeah I know pero ayaw kong maging abusado kasi alam ko na darating ang oras na iiwan mo din ako.

"Ehemmm!"

Napabaling kaming dalawa ni nikkolo sa kapatid ko na ngayon ay nag papalit palit ang tingin saming dalawa ng kaibigan ko. Ano naman ang naisip ng tukmol kong kapatid.

"What?" Masungit na saad ko dito.

"Sungit." bulong nito pero narinig ko naman.

"Ano ngayon kung masungit ako ang pangit mo kasi."

"Ouchhh..." Kumapit pa ito sa dibdib niya na parang nasasaktan talaga. Baliw. "Sakit mo naman mag salita parang di kapatid ah! Kung makapangit ka kala mo di kita kapatid syaka kung pangit ako mas pangit ka kasi ikaw yung bunso and for your information di ako pangit marami ngang nag hahabol sakin."

"Oo, maraming nag hahabol sayo, aso nga lang."

"You!" Pinkon na duro nito sakin. Binelatan ko lang ito para mas lalo pa itong mapikon. "Hintayin mong mapanganak mo yang pamangkin ko makakatikim ka talaga sakin."

"Ow! Kailangan ko na bang matakot mister?"

"Kailangan mo talagang matakot."

Napatigil kami sa pagtatalo ng kapatid kong isip bata ng marinig naman ang pagtawa ni nikkolo. Shitt nakalimutan kong andito parin pala siya.

"Ang cute niyong magkapatid." Natatawang saad nito.

"Hindi cute si kuya!"

"Pangit si yanna!"

Sabay na sigaw namin sa kanya.

Sinamaan naman ito ng tingin ng kapatid ko kaya itinaas nito ang kamay na para bang pinapakita niya na titigil na siya.

"Wag kang ta'tawa tawa jan niko di ka naman gusto ng kapatid kong pangit."

What the...

"Kuya!" Asik ko sa kanya.

Kala ko yung mukha niya ang ang masamang tingnan pati pala ugali nya. Kung gaano kasama ang mukha niya ganun din kasama ugali nya, mag sama sila ng kaibigan nya.

"What? I'm just teasing him."

"Pwede ba umalis ka nalang di ka na nakakatawa." Nauubusang pasensyang saad ko. Di marunong mag biro kaya hanggang ngayon walang jowa.

"Pikon! Ito naman..."

"Sasagot pa talaga, pwede ba umalis ka nalang kuya baka manganak ako ng wala sa oras pag tumagal ka pa dito ng ilang minuto."

"Mauna na nga ako at may trabaho pa akong aasikasuhin, utos ni dad nung nakaraan." Paalam nito samin. May trabaho naman pala pero nagagawa pang makipag - asaran sakin. "Kung palayasin ako kala nya unit nya 'to." Bulong bulong pa nito.

"Nico ikaw na bahala dito sa pasaway na buntis na to. Syaka yung kanina biro lang yun." He said then ginulo pa nito ang buhok ko.

"I know and don't worry ako na bahala sa kanila ni baby."

"Thanks bro."

"Cute nyo mag usap na magkapatid." Saad niya nang makalabas na si kuya.

Nang kami nalang  dito ay tinawag ko na si manang para ilagay sa kitchen yung dala niyang mangga. Sinunod naman nito ang inuutos ko.

"Yanna!"

"Bakit?" I asked. 

"Wala tara sa kusina mag alamusal kana."

Ewan ko parang may iba ngayon Kay nikkolo. There something that bothered him. Pero dahil ayaw ko naman manghimasok sa buhay niya ay di ko na inusisa kung ano man ang bumabagabag sa'kanya kaya tumango nalang ako bilang pag sang-ayon sa kanya at dahil nagugutom na rin naman kasi ako.

Pag pag dating sa kusina may nakahain na si manang sa hapag. Pinag hila ako no nikkolo ng upuan. Siya  na rin nag lagay ng pakain sa Plato ko nq nakasanayan ko na, lagi kasi siya ganyan tuwing bumibisita dito.

"Tama na yan di ko na yan mauubos." Nakasimangot na puna ko dahil ang dami niya ng inilagay na pagkain sa Plato ko.

I heard him chuckled. Shit bakit parang ang sexing pakinggan.

Kaharutan.

"Ubusin mo yan para maging malusog  si baby pati na rin ikaw."

"Fine para kay baby uubusin ko yan." Pag suko ko dito. Ayaw ko narin makipagtalo kasi may point naman siya para naman sa baby ko rin ito.

Habang nag kakain ako naririnig ko siyang laging bumubuntong hininga. Ano ba kasing problema ng isang 'to.

"May sasabihin ka ba?" tanong ko. Dahil di na ako makatiis.

"Schedule ng check up mo next week, right?"

"Hmmm... Yeah why?"

"Ano kasi.... Baka di kita masamahan."

Nabitawan ko ang kubyertos na hawak ko sa sinabi niya. Okay lang naman na di siya makakasama kasi di naman niya obligasyon yun pero I feel disappointed to hear that.

"Okay lang di mo naman kalingan na samahan ako at syaka andiyan naman si kuya para sumama." Malungkot akong ngumiti sa kanya.

"I know that your brother is there for you but di lang ako sa araw na yun di makakadalaw sayo." Nahihimigan ang lungkot sa boses nito pero ngumiti parin siya sakin.

"Why?" Naguguluhang tanong ko. Anong ibig niyang sabihin.

"Aalis ako for business and one month akong mawawala." Sabi niya sa mababang tono.

One month? Kaya ko ba ng di siya nakikita ng ganoon katagal? Parang di ko kaya. Sinanay niya ako na lagi siyang andiyan tapos aalis rin naman pala siya.

Lahat nalang umaalis.




Itutuloy.......

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...