Make The Boyish Fall In Love✓

By Hanse_Pen

18.1K 657 217

Marienne Aecy Chandria Ramos is a boyish type of a person. Zhyro Blaine Acosta wants to make her fall in love... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 19

243 12 0
By Hanse_Pen

Marriene Aecy Chandria's Point of View

"Uy, pamangkin, mag-iingat kayo roon. Ang alam ko ay maraming manloloko roon," nakangiting sabi ni Tito.

"Opo, Tito. Takot lang po sa amin no'ng mga manloloko na 'yon," sagot naman ni Zac. Yabang din, akala mo naman lumalaban talaga ng suntukan.

"Ikamusta n'yo na lang ako sa dalawa n'yong Kuya," sabi pa ni Tito kaya napatango na lang ako.

"Sige po, Tito," sagot uli ni Zac.

"At ikaw naman, Mac, huwag kang magpapabuntis ng maaga," paalala niya sa akin kaya mahina akong napatawa.

Watdapak? Magpapabuntis ng maaga? Mas malabo pa sa tubig ng kanal 'yon. Bata pa ako para sa buntis-buntis na 'yan.

"Problema ba 'yon, Tito? Eh di sa gabi ako magpapabuntis, beysik!"

"Ay, gago! Wala ka talaga k'wentang kausap, Mac. Ikaw na nga lang, Zhy. Huwag masyadong maglaro ng apoy, baka mapaso kayo at hindi kayanin," kumakamot si Tito ng kaniyang batok habang sinasabi niya iyon kay tukmol na busy sa pagkain ng lollipop na ninakaw niya yata kay Lyndon. Nakanguso at masama kasi ang tingin ni Lyndon sa kaniya.

"Po? Apoy? Hindi naman po ako naglalaro ng apoy. Mainit 'yon saka for sure pagagalitan ako ni Mom or Dad. Baka masunog ko ang bahay namin," nagtatakang sagot naman ni tukmol kaya napatawa kaming lahat. "May problema ba? Bakit n'yo ako tinatawanan? May mali ba akong nasabi? Mainit naman talaga ang apoy. Hindi pa ba kayo napapaso no'n?" Katwiran niya pa kaya napatawa ulit kami.

"Tanginang magjowa 'to! Sarap din batukan. Anak ka ng kagang, Zhyro. Ikaw pa mandin ang lalaki sa inyong dalawa tapos hindi mo alam ang mga bagay na 'yon? Hahaha, panatag na ako, pamangkin. Panatag na akong hindi ka talaga mabubuntis ng maaga," napangisi ako dahil sa sinabi ni Tito,

Tsk, inosente ang tukmol ko. Mas maganda 'yon.

"Sige na, Tito. Bye na. Baka mahuli pa kami sa biyahe at uminom kayo ng gamot n'yo."

"Hindi n'yo ba aantayin si Trish at Cid?" Tanong niya.

"Hindi na po, Tito. Sa isang araw pa raw sila uuwi. Sasama na rin si Trish sa kaniya at doon na rin mag-aaral."

"Gano'n ba? Oh sige, mag-iingat kayo," paalala niya uli.

Nakailang sabi na ba siya na mag-iingat kami?

"Bakit sa amin mo 'yan sinasabi, Tito? Hindi naman kami ang magdadrive ng van, hindi naman kami ang kapitan ng barko. Kaya dapat sila ang sabihan mo."

"Ewan ko sa iyo, Mac. Umuwi ka na nga lang," sabi niya kaya napatawa na lang ako.

Talo ka, Tito? Kalma, ako lang 'to.

Ngayong araw ay uuwi na kami, malapit na ulit magpasukan at pinapauwi na rin kami nila Kuya. Tinagawan nila ako noong isang araw at sinabing umuwi na raw kami. Tsk, namimiss na siguro ako ng mga 'yon. Hayysss mga Kuya ko nga naman, mangangatwiran pa. Puwede namang diretsong sabihin sa akin na miss na nila ako.

"Babe?" Mahinang bulong sa akin ni tukmol.

"Hmm?"

"Kailan ang birthday mo?" Tanong niya at isinandal sa akin ang ulo niya.

"Bakit mo naitanong?"

"Wala naman. Boyfriend mo kasi ako pero hindi ko alam ang mga bagay-bagay na tungkol sa iyo. Ni hindi ko nga alam ang paborito mong kulay," sagot niya at parang bata na pinaglalaruan ang kaniyang kamay.

"Paborito kong kulay? Kulay blue, lalo na kapag pera. Hahahaha."

"Tsk. Mukha kang pera, babe," aniya.

"'Yon nga paborito ko, blue."

"So, kailan nga birthday mo?" Tanong niya ulit.

"Next month, sa 29. Malayo-layo pa 'yon, tukmol. Bakit? Ano'ng binabalak mong gawin?"

"Next month? Malapit na 'yon, babe," wika niya.

"Eh ikaw? Kailan ang birthday mo?"

"Malayo pa, babe. After 3 months pa," sagot niya. Malayo pa nga.

"Ahh."

"Malapit na monthsary natin. Date tayo?" Tanong niya.

Hindi ba inaantok ang isang 'to? Kanina pa siya tanong nang tanong. Bakit hindi niya na lang gayahin ang mga kaibigan niyang natutulog na?

"Gago ka ba, tukmol? Alam mo naman na may pasok tayo."

"Minsan lang naman tayo magdate, dali na," pamimilit niya at sinundot-sundot pa ang aking pisnge.

"Oo na."

Nasa van kami ngayon at magkatabi sa upuan, ang mga kasama namin ay tulog na. Kaming dalawa at ang driver na lang ang gising. Antok na ang kaniyang boses pero pinipilit pa rin makipag-usap sa akin.

"Matulog kana. Malayo pa ang biyahe natin. Alam kong inaantok kana rin."

"Paano ka?" Tanong niya.

"Ano'ng paano ako?"

"Mangangalay ka sa akin, babe," katwiran niya at bahagyang iniangat ang ulo. Tumawa lang ako ng mahina bago hinawakan ang kaniyang pisnge at hinalikan ang kaniyang noo.

"Okay lang, tukmol. Matulog ka na lang."

Ngumiti siya sa akin kaya't ngumiti na rin ako. Umayos siya ng upo at isinandal uli ang ulo sa aking balikat.

"Babe..."

"Hmm?"

"Mahal kita."

Matapos niyang sabihin iyon ay unti-unti nang pumikit ang kaniyang mga mata. Napangiti ako kaya't inayos ko ang buhok niya na medyo tumatama sa kaniyang mata. Mahaba-haba rin kasi ang buhok ng isang 'to, panahon na siguro para pagupitan ko siya. Matapos kong ayusin ang buhok niya at hinalikan ko ulit siya sa noo.

Mahal din kita, tukmol ko...

***

"Kuya, may pupuntahan kami ni tukmol sa linggo. Inaya niya ako."

"At saan naman, aber?" Tanong ni Kuya Levi habang nanonood ng TV.

Balik pasukan na kami sa lunes kaya naisip naming magdate ni tukmol. Gusto ko nga sanang magbasketball pero inaya niya naman ako.

"Magdadate 'yan sila ni Zhyro, Kuya," singit naman ni Zac na may kinakain na krimstick at sa kabilang kamay niya naman ay ang garapon.

"Magdadate kayo? Sige, ingat," sabi naman ni Kuya Levi kaya napa-facepalm ako. Kuya ko ba talaga 'to? Parang walang pakialam sa akin.

"Sige lang, Mac. Basta ay alam n'yo kung hanggang saan lang ang limitasyon n'yong dalawa," sabi naman ni Kuya Rhex kaya napangiti ako. Buti pa 'to, may pakialam sa akin.

"Naku, Kuya Rhex, kung alam mo lang. Hindi mabubuntis ng maaga itong si Mac. Pure na pure ba naman si Zhyro. Masyadong inosente ang isang 'yon," sabi ni Zac na nakapasak ang krimstick sa bunganga niya at dahil nga tawa siya nang tawa hayun, sumuot 'yong plastick ng krimstick sa lalamunan niya kaya napaubo-ubo ang gago. Deserve mo 'yan, Zac. Daldal mo kasi.

"Hahaha. Ambilis ng karma, ano? Manahimik ka na lang kasi riyan, Zac."

"Ang sama mo talaga, Mac," nakasimangot na sabi niya ngunit tumawa lang ako.

Lumabas ako ng bahay at naglakad-lakad at dahil sa may katangahan nga akong taglay, hayun may nakabanggan ako.

"Punyemas na magaling nga naman! Arghhh, ansakit na naman ng balakang ko."

"Miss, okay ka lang ba?"

"Tanga ka ba o sadyang tanga lang? May nakita ka bang nabangga at masakit ang balakang pero okay? Bwisit!"

"Sorry, hindi ko sinasadya."

Napaangat ako ng tingin at nagtilt ng ulo. Pamilyar ang isang 'to. Saan ko nga ba siya nakita? Sa basketball court? Sa plasa? Kaklase ba namin 'to? Ang tangkad, mas matangkad kay tukmol, maliit nga lang kasi si tukmol.

Pilit kong inaalala kung saan ko nga ba siya nakita, nakatingin lang ito sa akin at nakakunot ang ulo samantalang ako ay nakabusangot ang mukha.

"Ah! Tama! Tama ako! Tama nga ako!"

"Ano'ng tama? May tama ka?" Nag-aalala niyang tanong kaya halos batukan ko siya. Muntanga rin pala ang isang 'to.

"Tanga, hahahaha! Ikaw 'yong kasama no'ng Samantha Ortega! Ikaw 'yon, 'yong vocalist!"

"Ah, oo ako nga iyon. Ako si Jaxel Ortega, at pinsan ko si Ate Sam," sagot niya at parang nahihiya pang nagkamot ng batok.

"Sabi na nga ba!"

"Ikaw si Marienne, 'di ba?" Tanong niya kaya napaasik ako.

"Mac, ayaw ko ng Marienne. Masyadong pambabae ang pangalang iyon."

"Ah, hahahaha. Siya nga pala, Mac, bakit hindi mo inaccept ang alok ni Ate Sam?" Tanong niya at nagsimula na kaming maglakad.

"Ayaw ng boyfriend ko."

"Porke ba ayaw ng boyfriend mo, ayaw mo na rin?" Tanong niya.

"Hindi naman. Actually ay pangarap ko nga 'yon. Maging isang international singer pero siguro hindi pa ito 'yong time. Gusto ko muna na makasama si tukmol. May tamang panahon para sa mga ganiyan."

"Tukmol?" Nagtataka niyang tanong.

"Oo, tukmol naman talaga ang isang 'yon. Tukmol ko. Ikaw ba? Inaya ka rin ng pinsan mo?"

"Oo," sagot niya.

"Inaccept mo?"

"Oo naman! Kahit ayaw ng Mama ko ay tinanggap ko pa rin, sayang ang opportunity," sagot niya ulit.

"Tatanggapin mo ang opportunity na iyon kahit pa ang kapalit ay galit ng Mama mo?"

"Wala namang magagawa si Mama. Ito ang gusto ko, siguro naman kalaunan ay matatanggap niya rin na ito ang pangarap ko. Kung mahal niya ako, susupurtahan niya ang mga desisyon ko sa buhay," aniya kaya napatango na lang ako.

May point naman ang sinabi niya pero magkaiba kami ng desisyon sa buhay. Gusto ko pa kasing makasama kahit papaano si tukmol bago ko tuparin ang pangarap kong 'to.

Per napaisip ako dahil sa sinabi ni Jaxel, posible kaya na payagan din ako ni tukmol? Pangarap ko ito, gustong-gusto kong tanggapin ang alok ni Ate Samantha pero pinipigilan ko ang sarili ko para kay tukmol, kasi gusto ko pa siyang makasama.

"Sige, Mac, mauna na ako sa iyo. Bye, sa susunod na lang uli," aniya.

"Sige, Jaxel."

Ngumiti siya sa akin at kumaway, tinanguhan ko naman siya. Umuwi na rin ako, baka kasi hinahanap na ako nila Kuya. Habang pabalik ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Jaxel.

Kung mahal niya ako, susupurtahan nia ang mga desisyon ko sa buhay.

Susupurtahan mo kaya ako, tukmol? Nasa tabi pa rin kaya kita kapag tinupad ko na ang pangarap ko? Gusto kitang makasama sa lahat ng achievement na matatanggap ko, tukmol. Sana supurtahan mo ako kasi 'yon din naman ang gagawin ko sa iyo, susupurtahan din kita sa mga desisyong gagawin mo.

*****

Hanse_Pen

Continue Reading

You'll Also Like

68.7K 2.2K 200
Just funny interactions between the descendants characters. Pairings are bal, devie, Jonnie, jarlos, huma, gaudrey, Chad and Freddie. Warning: conta...
27.3K 2.9K 104
Male Lead pr ဇာတ်လမ်းအကျဥ်း အရှေ့ဘက်နဲ့ဝေးတဲ့မြေမှာ မီချယ်လင် ကြယ်သုံးပွင့်အဆင့်သတ်မှတ်ချက်ကို အကြိမ်ကြိမ်ငြင်းဆိုထားတဲ့ ထူးဆန်းတဲ့စတိုးဆိုင်တစ်ခုရှိ...
115K 6.8K 101
"Not in front of my tea." Guess which simp created a new book. Yes me, Manyee. DISCLAIMER: SOME QUOTES FROM PINTEREST, GOOGLE, REDDIT, ANY OTHER WEBS...
14.1K 610 26
Sean Lew is a famous singer but people talk about him as the playboy who ends every night drunk or with a black eye. Kaycee Rice is an actress who...