Make The Boyish Fall In Love✓

By Hanse_Pen

18.1K 657 217

Marienne Aecy Chandria Ramos is a boyish type of a person. Zhyro Blaine Acosta wants to make her fall in love... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 18

250 15 3
By Hanse_Pen

Marriene Aecy Chandria's Point of View

"Hahahaha."

"Ayaw ko nga kasi."

"Dali na. Isa lang naman. Ang damot mo."

"Ang kulit mo, sabihing ayaw ko nga, 'e."

"Ang arte mo naman, dali na."

Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako sa nakikita ko. Si tukmol at Trish naglalandian, tangina! Parang kahapon lang puro sila awayan pero ngayon daig pa nila ang magjowa. Tangina talaga! Hindi ako nagseselos! Hindi talaga! Bwisit sila! Anak sila ng nanay at tatay nila! Nakakainis! Pero hindi pa rin talaga ako nagseselos. Sakit nila sa mata! Hindi sila bagay!

"Oh? Ano'ng mukha 'yan, Mac? Parang pinagbagsakan ng langit at lupa," natatawang saad ni Cid matapos makita ang mukha kong para nang papatay.

"Manahimik ka nga riyan, Cid! Wala akong oras sa iyo. Lumayo-layo ka sa at baka masapak na lang kita."

"Selos ka na niyan, Mac? Hahaha, halatang-halata sa mukha mo. Dapat kasi talaga binabakuran mo 'yang boyfriend mo. Tignan mo, inaagawan ka na ng pinsan ko. Naku, delikado ka na, Mac. Mukhang maaagawan ka pa ng pinsan ko," aniya.

"Ano'ng maaagawan ka riyan? Akin lang ang tukmol na 'yan! Hindi puwedeng mapunta sa iba 'yan, babangasan ko muna ang mukha nila bago makuha ang tukmol ko."

"Luh, inangkin? Pero sigurado ka bang sa iyo 'yang si Zhyro? Tignan mo nga sila ni Trish, parang hindi ka napapansn ni Zhyro kasi busy siya kay Trish," sabi niya pa.

Napaungos ako sa sinabi ni Cid. Naiinis na ako, akin 'yan, bakit ko ipapaagaw sa iba? Gusto ba nilang masapak ng isang milyong beses? Tatadyakan ko ang mukha nila.

"Tukmol, pumunta ka nga rito."

"Hahaha, mamaya na, babe. Busy pa kami ni Trish dito," aniya at hindi na ako pinansin.

Aba't! Ipagpalit daw ba ako sa kaibigan ko? Gago 'to! Sino bang girlfriend niya? Hindi ba't ako? Ipagpapalit niya ako sa kaibigan ko?

"Tukmol, lumapit ka rito."

"Babe, mamaya na nga," ungot niya pa.

"Isa, tukmol!"

Ang gago hindi ako pinansin, busy pa rin sila ni Trish sa pagbabalat ng mangga. Ah, ganoon? Masyado kang papilit tukmol. Ano'ng tingin niya sa sarili niya? Chix? Ito pala gusto mo, puwes, pagbibigyan kita. Tangina mo!

"Zhyro Blaine, kapag wala ka pa rin dito sa tabi ko pagkatapos kong magbilang ng tatlo, maghahanap ako ng ibang lalaki! Isa!"

"Ayy, shit, babe, walang ganyanan! Akin ka lang. Huwag ganoon, babe. Ayy, tangina! Babe! Gago, nasaan ang tsinelas ko? Ayy baliktad! Bwisit!" Natataranta niyang saad habang hinahanap ang isang tsinelas na nawawala.

"Dalawa! Zhyro!"

"Tangina. Sino'ng kumuha ng tsinelas ko? Gago ka, Cid! Babe, nand'yan na ako!" Sigaw niya.

Bago ko pa mabanggit ang 'tatlo' ay nasa harapan ko na si tukmol. Hinihingal ito at pawisan ang noo. Nakakatawa ang itsura ng tukmol na 'to. Takot ka, p're?

"Babe, shit, bawiin mo ang sinabi mo kanina. Hindi ka maghahanap ng lalaki, hindi pa ba ako sapat? Babe, walang ganyanan. Akin ka, 'di ba? Akin ka lang, 'di puwedeng maghanap ka ng iba. Wala kang kawala sa akin," aniya at hinawakan ang aking pisnge. Bahagya niya pa itong pinisil.

Nakangisi ako at isang matalim na tingin ang ibinigay ko sa kaniya. Para siyang tuta na takot sa kaniyang amo. Takot ka, p're? Tangina nito, samantalang kanina ay wala kang pakialam sa akin at focus na focus ka lang kay Trisha.

"Tukmol, ang akin ay akin. Hindi puwedeng agawin kasi kapag ako inagawan, sisiguraduhin kong pati bungo niya ay mababasag dahil ang kamao ko, singtigas ng bato."

Matapos kong sabihin iyon ay napalunok siya ng ilang beses at nanginginig na niyakap ako patagilid.

"H-he he he he, b-babe. Alam mo namang mahal na mahal kita, 'di ba? B-babe, ikaw lang, wala kang kaagaw sa akin, babe. Iyong-iyo lang ako," nanginginig niyang wika.

"Siguraduhin mo lang, tukmol. Baka pati mukha mo bangasan ko."

"Babe naman. Mahal kita, tandaan mo 'yan, ikaw lang."

Hindi ko alam pero kusa na lang lumabas sa bibig ko ang mga salitang 'yon. Punyemas na magaling naman kasi, nagselos ba ako?

Tangina, nagselos ako sa sarili kong kaibigan? Puwede ba 'yon? Bwisit na letseng buhay 'to! Minsan na nga lang magselos ay sa kaibigan ko pa talaga. Bwisit talaga! Nakakainis, naiinis ako sa sarili ko at nagseselos ako.

"Oh? Mukhang badtrip ka, Mac? Ano'ng nangyari sa iyo?" Tanong ni Tito Rey matapos makita ang mukha kong wala sa mood. Si tukmol naman ay patuloy lang sa pagyakap sa akin. Para tuloy siyang tuko sa gilid ko.

"Huwag ngayon, Tito. Wala ako sa mood na makipaglukuhan sa iyo ngayon kaya manahimik ka na lang diyan. Baka sa iyo ko pa mabaling ang pagkabadtrip ko."

"Ayy, pamangkin naman. Wala akong ginagawang mali sa iyo kaya please lang, ang sama mo sakin, pamangkin. Nakaka-hurt ka talaga, kanino ka ba nagmanang bata ka at ganiyan ka?" Tanong niya.

Siguro naman alam n'yo na ngayon kung kanino magmana ang baliw kong kakambal. Pareho silang baliw ng Tito ko.

"Tsk, manahimik ka nga riyan, Tito. Wala sabi ako sa mood."

"Nakaka-hurt ka talaga, pamangkin. Sige na nga, maiwan na muna kita at babalik na lang ako mamaya, kapag hindi na mainit ang ulo mo," sabi niya at iniwan ako.

Walang imik ko siyang tinignan habang papalayo at pagkatapos ay ibinaling ang tingin kay tukmol na kanina pa nakayakap sa akin. Mula nang sigawan ko siya o mas tamang sabihin na takutin ay hindi niya na ako nilubayan. Kahit pa pagsabihan ko siya ay tanging iling at pout lang ang isinasagot niya sa akin. Para siyang isang tuko na nakabitin sa tagiliran ko.

"Hahahaha. Ano 'yan, Mac? Para kang may alagang sanggol na nakakawit sa bewang mo. Ano'ng ginagawa mo, Zhy?" Natatawang tanong ni Harvey.

"Binabakuran ko lang," patay-malisyang sagot ni tukmol.

"Tanginang bakod 'yan, Zhy. Para kang tuko riyan, alam mo 'yon? Mac, hindi ka ba nabibigatan sa isang 'yan?" Tanong naman ni Glenn.

"Tsk, ang gaan nga ng isang 'to. Parang mas mabigat pa yata ang baliw kong kakambal."

"Babe, palagi mo na lang akong iniinsulto. Hindi mo ba ako mahal? Kasi ako mahal na mahal kita. Babe, ang bad-bad mo sa akin," angal niya.

"Manahimik ka, tukmol. Para kang bata riyan at mahal kita kaya nga akin ka, 'di ba?"

"Shit heart, huwag kang tatalon," mahina niyang bulong ngunit narinig naman naming tatlo.

"Hahaha, ang adik mo, Zhy. Ikaw ang lalaki sa inyong dalawa pero kung umasta ka ay parang ikaw pa ang babae. Ang bakla mo, p're," sabi ni Glenn.

"Manahimik ka nga, Glenn. Panira ka naman ng moment," sabi ni tukmol.

Napangisi ako sa inaakto ng tukmol na 'to. Para siyang takot na takot kung sakali mang mawala ako. Well, pareho lang naman kami, takot akong mawala siya sa piling ko. Nahulog ako ng sobra sa kaniya at hindi ko akalain na mamahalin ko siya ng ganito. Parang hindi ko na siya kayang pakawalan pa kasi ramdam kong akin talaga ang lalaking 'to. Hindi 'to puwedeng maagaw sa akin ng kahit sino, kahit pa ang kaibigan ko.

***

"Babe, what is this?" Tanong ni tukmol nang makita ang igat.

"Igat 'yan."

"Igat? What's that?" Tanong niya ulit at tinitigan ang igat na lumalangoy sa planggana.

"Basta, kinakain din 'yan. Si Zac ang masarap magluto niyan kaya siya ang palulutuin natin mamaya. Masarap 'yan lalo na kapag ginataan."

"Are you sure? Look at them, babe. Buhay pa sila, kawawa naman kung lulutuin lang natin at kakainin," katwiran niya.

"Tsk. Dami mong alam, huwag kang kakain niyan mamaya kapag naluto."

"I swear, hindi ako kakain niyan," aniya at itinaas ang kamay na tila ba ay nanunumpa pa.

"Tignan lang natin."

Ngumisi ako bago tinignan ang tatlong igat na lumalangoy sa planggana. Nahuli ito ni Tito Rey kagabi at ibinigay sa amin. Paborito ni Kuya Levi ang igat kaya paniguradong maiinggit 'yon kapag nalamang ito ang ulam namin.

Tinignan ko si tukmol at kita ko sa kaniyang mukha na para bang naaawa siya sa igat na ngayon nga ay kinakatay ko na. Para siyang tanga dahil sa mukha niya.

"Hoy, ano'ng mukha 'yan?"

"Babe, kawawa talaga sila. Why do you need to kill them?" Tanong niya at mangiyak-ngiyak na tinignan ang mga putol-putol na igat.

"Malamang para may ulam tayo mamaya. Alangan namang asin lang ang ipaulam ko sa inyo."

"I can't! I really can't look," aniya at tinakpan pa ang mata.

OA talaga.

"Ewan ko sa iyo."

Pagkatapos kong linisan ang igat ay naghiwa na ako ng sibuyas, bawang, at luya. Bahala na si Zac ito mamaya na magluto.

"Ano'ng nangyari sa iyo, Zhyro? Bakit parang umiiyak ka? Inaway ka na naman ba ni Mac?" Tanong ni Zac na kapapasok lang sa kusina.

"Luh, ba't ako?"

"Zac, kawawa 'yong igat. Pinatay ni Mac. Mamamatay-igat si Mac," umiiyak na saad ni tukmol.

Tanga naman.

"Jusko, 'yon lang naman pala. Hayaan mo, Zhy, masasarapan ka naman sa luto ko," ani ni Zac at sinalang na ang kawali.

Hinila ko na lang si tukmol palabas ng kusina at baka maglupasay pa kapag nakitang pinakukuluan na ang kaniyang mahal na igat.

"Bakit nakabusangot ka, Zhy?" Natatawang tanong ni Glenn.

"Don't talk to me, nagluluksa ako ngayon," sagot ni tukmol at umupo sa tabi ni Harvey.

Nagkibit-balikat na lang ako bago naupo sa isang bangkong gawa sa kawayan at sinindihan ang TV upang manood.

"Kakain na!" Sigaw ni Zac mula sa kusina.

Halos trenta minuto rin kaming naghintay. Buti nga ay hindi nabored ang mga bugok dahil busy maglaro ng sungka na dala ni Cid. Halos magkadayaan pa nga sila, buti na lang hindi nagsuntukan.

"Ano 'to, Zac?" Tanong ni Ram nang makita ang ginataang igat.

"Ginataang igat 'yan. Maghugas na kayo ng kamay at kakain na tayo," sagot ni Zac at naupo.

Naghugas muna kami ng kamay bago umupo. Nag-uunahan pa sila sa pagkuha ng kanin at ulam. Tsk, parang mga bata talaga.

"Bakit ayaw mong kumuha, tukmol?"

"Babe, I can still remember how you killed that igat. I can't eat that," ungot niya.

"Ano'ng uulamin mo ngayon? 'Yan lang ang niluto ni Zac. Hindi naman puwedeng wala kang ulamin habang kami ay kumakain ng masarap na ulam."

"Kahit walang ulam kakain pa rin ako. No need na ang ulam, I can handle it naman," sagot niya.

"Kaartehan mo talaga, magdadahilan ka pa riyan."

"Itry mo, Zhy. Masarap kaya," pilit ni Glenn.

"No," pagmamatigas niya at sumubo ng kanin.

"Hayaan n'yo na lang kung ayaw niya talaga," sabi ni Zac kaya nagkibit-balikat na lang si Glenn at nagpatuloy sa pagkain.

Napangisi ako at nakaisip ng kalokohan. Tignan lang natin kung hindi ka pa kumain sa gagawin ko.

Kumuha ako ng kaunting sabaw at inilagay sa kanin bago kaunting igat, siniguro ko muna na walang tinik at baka bumara sa lalamunan.

"Tukmol, nganga ka."

"No, alam ko na ang gagawin mo. Kapag ngumanga ako ay isusubo mo sa akin 'yan," sabi niya at itinuro ang laman ng kutsara ko.

"Baby ko, nganga kana. Babe, please."

Hindi ko alam kung gagana itong pagtawag ko sa kaniya ng endearment niya sa akin pero nakita ko na lang na tulala na si tukmol at nakanganga. Mabilis kong isinubo sa kaniya ang nasa kutsara at napangisi. Tagumpay! Kailangan lang pala ng kaunting lambing para isubo ang kanin at ulam.

"What the!? Babe, dinaya mo ako! You're so madaya!" Sigaw niya.

"Nguyain mo na lang."

Kita ko ang inis sa kaniyang guwapong mukha ngunit nang malunok na ang kanin ay bigla itong ngumiti na parang tanga. Oo, mukha siyang tanga dahil sa ngiti niya.

"Babe, is this the igat thingy?" Tanong niya.

"Oo. 'Di ba masarap?"

"Hmm, yes! Super sarap!" Sigaw niya at kumuha na ng ginataang igat sa mangkok.

"Tsk. Akala ko ba ay hindi ka kakain niyan?"

"Huh? Sinabi ko ba 'yon? Bungol ka lang, babe. Here, kumain ka na lang," aniya at kumain na.

Ako pa talaga ang bungol? Baliw na 'to. Sapakin ko kaya siya?

Halos siya na ang nakaubos ng ulam namin. Nagreklamo pa nga si Lyndon dahil kinuha nito ang isang igat sa kaniyang plato.

Scam ka talagang tukmol ka. May paayaw-ayaw pang nalalaman, kakain din naman pala. Kailangan pang subuan para mapilit na kumain.

*****

Hanse_Pen

Continue Reading

You'll Also Like

226K 11.5K 45
A plan. A disguise. A checklist. Time to play cupid. Copyright © 2019 by jayscitylights. All Rights Reserved.
115K 6.8K 101
"Not in front of my tea." Guess which simp created a new book. Yes me, Manyee. DISCLAIMER: SOME QUOTES FROM PINTEREST, GOOGLE, REDDIT, ANY OTHER WEBS...
16.2K 1.3K 70
COMPLETED√ SS#1 Claireez Laurel Delaez, a person who's full of confidence when it comes to the people around her. The moment she was accused... That...