I'M INTO YOU SEASON 1

By bluereinventhusiast

6.4K 2.1K 1.2K

They say, if you are in love with someone. Time stops and slows down whenever you see him, it almost feels l... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Author's Note

Chapter 22

27 14 12
By bluereinventhusiast

1:43 PM

"Oo naman Kuya, alam ko naman kung kailan ako dapat lumaban o manahimik." nakangiting sabi ko kay Kuya.

"Sabihin mo sa akin kapag may mga babaeng ginanyan ka. Akong bahala." seryosong sagot ni Kuya sa akin.

"Masusunod Kuya. Next na, may apat pang hindi nakakasagot." malumanay kong sabi kay Kuya.

Matapos ang usapan naming iyon ni Kuya ay sumagot na yung mga natitira.

"Ang yaman niyo no? Wala ka nga lang kasamang parents." nalulungkot na sagot ni Nathan sa tanong ni Kuya Zach.

Isa ito sa mga reyalidad ng isang anak na may mga workaholic na mga magulang. Marami silang hindi alam sa mga pinagdadaanan nila. Hindi nila nakikitang lumaki ang mga anak nila.

Kung hindi naman magtra-trabaho ang mga magulang nila. Wala silang kakainin at baka mamatay naman sila sa gutom. Wala ka talagang choice kundi magbanat ng buto para lang mabuhay kayo. Hindi naman madali ang bumuhay ng isang anak o bata.

Bilang magulang, rensponsibilidad mo na pakainin, bihisan at pag-aralin ang anak mo. Naiintindihan ko ang mga magulang na kinailangang malayo sa anak nila para lang buhayin ito.

Nakakalungkot isipin na habang patanda ng patanda ang mga magulang natin ay hindi nila naabutan ang paglaki natin.

"Ang galing mo namang magmemorize, para kang robot!" nakangiting sagot ni Yvonne sa tanong ni Kuya Zach.

Wala namang masama kung magaling kang magmemorize dahil nagbe-benefit naman sayo yun pero sa mga taong inggit, wala silang gagawin kundi ang pabagsakin ka.

Sigurado ako na kahit isang robot ka, minsan may mas maganda ka pang maidudulot kesa sa mga ganiyang tao.

"Bagay ka maging professor, turuan mo yung mga mahihina ang utak na kagaya mo." malungkot na sabi ni Yohannes sa akin.

Kung tutuusin, mahalaga naman talaga ang isang professor sa isang unibersidad.

Kung wala mga professor, walang magtuturo ng mga estyudyante. Edi sana walang doctor, engineer, architect, flight attendant, lawyer at kung ano-ano pa.

Yung mga magulang na may propesyon ngayon. Hindi naman sila makakapagtapos kung hindi sila tumungtong ng kolehiyo at nag-aral. Ang professor nila ang mga nagturo at naging daan para maging kung sino sila ngayon.

Walang mahina ang utak, mayroon lang talagang tinatawag na fast learner at late bloomer.

"Ano pre? Resbakan ba natin? Hindi naman mahina ang utak mo, naiinggit lang siguro yan sayo." kalmadong sabi ni Vincentius kay Yohannes.

"Well, hindi naman kataka-taka na naiinggit sila sa kaibigan natin. Si Yohannes, isang dean lister. Yung grades niya nga ngayon, pwede raw mapasama sa Summa Cumlaude." kalmadong sabi ni Kuya sa aming lahat.

"Hindi pa naman sigurado yung sa Summa Cumlaude. Dean lister pa lang naman ako ngayon." nahihiyang sagot ni Yohannes kay Kuya.

"Well, sino ba rito ang mga dean's lister or may honors ngayon?" mausisang tanong ni Kuya Zach sa aming lahat.

"Dean's lister ako ngayon. Pinagsasabay ko siya noon sa mga business ko at pagmamake-up ko sa mga kilalang tao. Mabuti na lang, mabait yung mga professors ko. Naiintindihan nila ang sitwasyon ko." nakangiting sagot ni Ate Cherry kay Kuya Zach.

Hindi na talaga ako magtataka kung Dean's Lister si Ate Cherry. Madami siyang kaibigan at madalas silang gumimik pero alam niya kung ano mga rensponsibilidad niya.

Hanga ako sa mga babaeng katulad niya na nagtra-trabaho pero nakakapag-aral pa rin ng mabuti.

Hindi madali maging Dean's Lister. Yung mga grades na kailangan mong i-maintain kada semester. Yung ilang kape ang iinumin mo para lang hindi ka dalawin ng antok. Yung mga projects mo na kailangan tapusin. Mga presentations at reports na kailangan mong gawin at talagang araw-araw kailangan mong mai-survive ang ganong routine.

"Dean's Lister din ako. Nagmu-mukhang panda na nga ako kakagawa ko ng mga plates at sa pag-aaral ko ng mga subjects pati mga projects, reports, reviewers at kung ano-ano pa para lang mai-pasa ko itong kurso ko. Gusto ko lang naman ma-proud din sakin ang parents ko kahit busy ang schedules ko. May basketball team na tapos may banda pa. Buti na lang mababait at maunawain ang mga professors ko ngayong college. Kung hindi baka out of the school youth ako ngayon." kalmadong kwento ni Kuya.

Ang hirap talagang maging isang Engineering student no? Yung pagod ka na sa mga extracurricular activities mo tapos may mga academics pang ginagawa.

Bilib talaga ako sa Kuya ko kung paano niya nagagawa ang lahat ng iyon. Bilang isang babae, nakakamangha na ang isang lalaki ay may pangarap sakaniyang buhay at ginagawa ang lahat para maabot yun.

Yung iba, walang ginawa kundi maglakwatsya. Lustayin ang mga baon nila sa mga walang kwentang bagay. Sobrang mabarkada kahit mga bad influence naman. Nagkaroon din ng mga adiksyon o hindi kaya ng mga bisyo.

"Kagaya ng sabi ko kanina ay Dean's Lister ako. Mahilig talaga akong mag-aral. Madalas kapag break ko ay pumupunta ako ng library. Minsan nakikita ko ring dumadaan doon si Xeinna. Mahilig ako mag-turo kaya Education talaga ang pinili ko. Buti na lang at meron dito sa university na talaga inii-specialize yung mga ganoong course lalo na sa behavior ng mga future students mo kapag may lisyensya ka na. Maraming performance tasks and written works at halos ilang kape ang iniinom ko para lang matapos lahat ng gawain ko." kalmadong sagot ni Yohannes kay Kuya Zach.

"Dean's Lister ako. Madalas talaga hawak ko yung mga law books ko. Kahit saan yata mine-memorize ko yung mga rights ng mga tao. Bago ka kasi maging judge ay parang pagdadaanan mo yung mga ganoong scenario ng buhay mo. May isa rin kaming terror na professor kaya kahit naglalakad o anong ginagawa ko ay doon ako nag-aaral at nagbabasa ng mga kailangan kong aralin dahil kapag nag-umpisa na yung terror na professor namin mag-turo. Kailangan focus at nakikinig ka. Mamaya bigla kang tawagin tapos parang lipad na naman ang isip mo. Mapapalabas ka talaga ng wala sa oras. Sobrang istrikto rin pagdating sa oras. Malate ka lang ng konti, kung ano-anong sermon na ang aabutin mo sakaniya." buntong-hiningang kwento ni Vincentius sa amin habang inaalala ang mga moments niya bilang future judge.

Well, hindi ko rin naman talaga masisi si Vincentius kung bakit. May mga ganoong professor daw talaga sa college na kailangan mong pakisamahan. Bawat oras ay dapat sulitin mo dahil yung mga kaalaman na natutuhan mo sa pagaaral mo sa loob ng ilang taon ay gagamitin mo sa trabaho. Hindi man eksakto sa kung ano ang ginagawa mo noon sa ngayon pero maari mong gamitin iyon sa mga decisions mo in life o sa future.

"Kung ako ang tatanungin ninyo, nung nagaaral pa ako ay isa ako sa mga Dean's Lister nung college pa ako. Wala akong inatupag noon kundi ang mag-aral. Hindi rin naman kasi madali talaga ang mag-aral ng Engineering tapos yung thesis mo na kailangan mong i-present sa panels. Sa College mo mararansan yung point na makakuha ka lang ng uno o dos na grado mula sa professor mo ay talagang para kang nanalo sa lotto. Kapag tres hanggang singko ay talagang kabahan ka na, minsan naalala ko may nag-iiyakan na dahil baka mabigyan sila ng professor namin ng tres. Delikado kasi ang mga gradong yon lalo na kapag Dean's Lister ka." nakangiting kwento ni Kuya Zach sa amin.

"Pero kahit naman mahirap Kuya, nag-bunga naman lahat ng pinaghirapan mo. Noong grumaduate ka ng College, isa kang Summa Cumlaude. Ngayon isa ka ng lisyensyadong Engineer at nagtra-trabaho sa isang sikat na kumpanya sa buong mundo." nakangiting sagot ko sa kwento ni Kuya Zach.

"Oo nga eh, naalala ko noon si Kuya kapag wala siyang kasama sa bahay nila. Sa atin siya nagre-review para hindi niya ma-feel ang lungkot kapag wala ang parents niya. Isa rin si Kuya Zach kung bakit pinursue ko ang Engineering. Hindi madali ang proseso pero alam kong worth it naman lahat ng pagod mo kapag naabot mo na yun." nakangiting sagot naman sa akin ni Kuya sa kwento ni Kuya Zach bilang isang Dean's Lister noong siya ay isang college student.

"Ay talaga ba Xennus? Di ko alam yan ah. Parang ngayon ko lang narinig sayo yan pero masayang-masaya ako sa naaabot niyong magkapatid kaya ginusto ko talagang umuwi sa Pilipinas. Kayo ang pamilya ko rito eh. Ang hirap din naman kasi sa ibang bansa kahit na kasama ko roon ang mga magulang ko. Mas gusto ko talaga dito, mas simple lang." nakangiting sabi ni Kuya Zach kay Kuya.

"Totoo yan, gusto ko lang din talaga mamuhay dito sa Pilipinas kasama ang mga taong mahal ko. Nung nalaman ko na uuwi kami dito ay hindi na talaga ako nagdalawang-isip na mag-impake ng gamit. Masaya naman ako sa buhay namin noon sa ibang bansa kaya lang iba pa rin dito sa Pilipinas na simple lang ang pamumuhay ng mga tao lalo na kapag makikila niyo yung mga taga-probinsya. Hahanga kayo sa kung anong pamumuhay na meron sila. Yung mga nagtatanim ng gulay pagkatapos nangingisda sa ilog. Ang saya lang talaga ng ganoong buhay." nakangiting sagot ni Ate Cherry kay Kuya Zach.

"Oo Kuya Zach, isa ka sa mga dahilan kung bakit pinursue ko ang Engineering. Isa ka sa mga taong nilu- look up ko bilang isang successful na tao. Hindi ka lang matagumpay pero kung sino ka noon at ngayon. Walang pinagbago. Lumaki ako ng wala akong kinakagisnan na Kuya dahil ako ang panganay saming dalawa ni Xeinna pero dahil sayo ay natagpuan ko kung paano magkaroon ng isang nakakatandang kapatid na aalalay sa akin kapag nadadapa ako. Salamat Kuya Zach. Sobra pa sa sobra." nakangiting sagot ni Kuya kay Kuya Zach.

"Well, ako nga dapat magpasalamat sainyo ni Xeinna eh. Kapag kailangan ko ng tulong, isang tawag lang. Andiyan na agad kayo. Hindi sapat ang salitang salamat para sainyong dalawa. Tanda niyo ba noong wala akong alam doon sa Maynila? Kayo ang nag-guide sa akin noon. Kapag wala akong kasama sa bahay. Minsan pinapupunta niyo ako para lang hindi ako mag-isa o kayo ang pupunta sa bahay namin. Ngayon, nakakatuwa na kahit mas ahead ako ng ilang taon sainyo. Hindi nawala ang closeness nating tatlo simula pagkabata." nakangiting sabi ni Kuya Zach kay Kuya.

"Kuya Zach, malaki rin naman ang pasasalamat namin sayo ni Kuya. Madali lang pakisamahan kaya pati mga kaibigan ko naging ka-close mo kahit mga kaibigan ni Kuya naging ka-close mo rin na kahit na ngayon mo lang ulit nakita sina Ate Cherry at Trevyn. Tinanggap mo sila agad. Nakakatuwa nga na kahit sa ganyan mong edad ay hindi nawala ang closeness nating tatlo at nadagdagan pa. Marami ka ng kaibigan ngayon, hindi ka na nag-iisa Kuya Zach. Nandito na kami sa tabi mo. Salamat sa pagpasok sa mga buhay namin." nakangiting pasasalamat ko kay Kuya Zach.

"Ay wait lang may isha-share ako sainyo nung na-meet ko si Kuya Zach. Napaka-bait niya sa akin. Naalala ko nung nasiraan kami ng kotse tapos kailangan ko ng umuwi dahil naulan noon. Yung kotse naman namin ay nasa talyer dahil pinapagawa pa sa mekaniko kaya walang maghahatid sa akin. Kung sino-sino tinatawagan ko dahil gumagabi na. Magaalala sa akin si Mommy at Daddy pero biglang dumaan ang kotse ni Kuya Zach at hinatid ako sa amin. Hindi siya nag-hesistate na tulungan ako. Inabutan ako ng payong para hindi ako mabasa ng ulan. Nagdrive-thru pa kami noon dahil baka raw hindi pa ako kumakain. Napaka-thoughtful lang niya." nakangiting kwento ni Chezka tungkol kay Kuya Zach at sakaniyang kabaitan.

"Papunta kasi ako sa meeting noon at saktong madadaanan ang university niyo. Napalingon lang ako dahil ikaw na lang halos ang tao sa may waiting shed tapos ang lakas ng ulan. Buti na lang at kinansel nung ka-meeting ko dahil sa lakas ng ulan. Buti na lang at hindi ka nabasa noon kung hindi baka magkasakit ka pa. Dinala na rin kita sa drive-thru noon dahil gumagabi na ay baka hindi ka kumakain. Alalang-alala na siguro ang mga magulang mo noon dahil anong oras ay hindi ka pa umuuwi kaya hinatid na rin kita sainyo." nakangiting sagot ni Kuya Zach sa kwento ni Chezka.

"Sa akin naman, ang ginawa niya ay binili niya akong pagkain. May tatapusin pa kasi akong mga plates at structures noon ng bahay na hinihingi ng professor ko. Tinanong ako ni Kuya Zach kung kumain na daw ba ako? Ang sagot ko noon ay hindi pa dahil tinatapos ko pa ang mga gawain ko. Ang ginawa niya ay bumili siya ng pagkain sa cafeteria at pinakain niya muna ako. Siya ang gumawa ng ibang parts sa project ko habang kumakain ako. Malimit kasi ng mga ginagawa ng isang Architect at gawain na rin ng isang Engineer kaya nagkasundo talaga kami. Malaking tulong talaga yun sa akin dahil baka kung hindi ako nakakain ay magpast-out ako dahil bukod sa matagal akong kumain ay marami din akong tatapusin." nakangiting kwento ni Ysabel tungkol kay Kuya Zach.

"Kanina pa kasi kitang tinitingnan. Hindi ka pa umaalis sa pwesto mo simula nung ginalaw mo yung laptop mo. Inisip ko lang na baka hindi ka pa kumakain. Masama sa kalusugan ang nagpapalipas ng gutom kaya inorder na kita ng pagkain noon. Wala namang masama kung kakain ka muna bago mo tapusin ang project mo. Sabihin na nating natapos mo ang project mo pero nagpast-out ka naman dahil sa gutom, paano mo ipapasa yang project mo sa professor mo? Naiintindihan kong mahirap talaga ang course na pinasok mo Ysabel pero wag mong kalimutan alagaan ang sarili mo. Walang magagawa yang katawan mo kung inaabuso mo. Walang sapat na tulog at lipas lagi ang mga kain." nakangiting paalala ni Kuya Zach sa kwento ni Ysabel.

"Akala ko sa mga sine lang ito nangyayari pero nangyari din sa akin, nagpunta kasi akong mall para bumili ng mga ingredients ko pero nakalimutan ko yung wallet ko. Ibabalik ko sana ang mga pinamili ko pero huminto siya at ginamit niya ang card niya para mabayaran yung mga ginastos ko. I was very thankful to him that time. Kailangan na kailangan ko kasi talaga iyon at magsasarado na ang mall at kung babalik pa ako ay baka wala na akong mabilhan. Hinatid pa niya ako malapit sa driver namin tapos siya din ang nagdala ng mga pinamili ko. Malaki ang pasasalamat ko sakaniya noon dahil kung wala akong nabiling ingredients ay wala akong magagawang output." nakangiting kwento ni Nicole tungkol kay Kuya Zach.

"Nalaman ko kasi sa cashier na nakalimutan mo daw ang wallet mo. Nakita ko na ang lungkot mo sa mga mata mo at ang pagka-stress mo base sa facial expression kaya para hindi ka na ma-stress at malungkot ay ako na ang magbayad at para maligtas ka sa kahihiyan. Pinagtitinginan ka na rin kasi ng ibang namimili noon kaya para matigil na sila ay binayaran ko na lang para matapos na. Gabi na rin kasi noon kaya hinatid na rin kita sa driver mo para naman alam kong safe ka makakauwi." kalmadong sagot ni Kuya Zach sa kwento ni Nicole.

"Hindi ko na iisa-isahin ang mga nagawa para sa akin ni Kuya Zach pero sobrang blessed ako na dumating siya sa buhay ko." nakangiting sabi ko sakanilang lahat.

"Grabe kayo, sobrang saya ko na sa simpleng tulong ko ay malaking bagay na para makagaan sa mga buhay niyo. Nagdaan din naman ako sa ganiyang stage noon. Yung uuwi ng basa kasi walang payong tapos walang driver. Yung mawalan ng pera sa gitna ng mahahalagang gastusin. Yung hindi makakain dahil sa overload na pinapagawa sayo. Hangga't kaya kong tumulong sainyo, gagawin ko. Sabihan niyo lang ako. Wag kayong mahihiya, ngayon lumalaki na ang pagkakaibigan at pagmilyang binubuo natin. Sana madagdagan pa at walang magbago." nakangiting sabi ni Kuya Zach sa amin.

"Marami na talagang naitulong si Kuya Zach sa amin, hindi ako magtataka kung bakit ang dami niyang projects until now. Ang daming clients na gusto siyang kunin na Engineer sa kumpanya nila. Yung iba naman ay gusto sakaniya magpagawa ng bahay. Sobrang blessed niya ngayon sa buhay dahil talagang wala siyang pinipili na tutulungan. Mapa-babae o lalaki. Mahirap man o may kaya sa buhay. Kung kaya niyang tumulong, gagawin niya. Hindi siya nagdadalawang-isip pa. Wala rin siyang hinihinging kapalit kaya saludo ako sakaniya." nakangiting sabi ni Kuya sa aming lahat.

"Halata naman sakaniya dude. Hindi nga niya ako kamag-anak pero tinutulungan niya ako sa paraang kaya niya." nakangiting sabi ni Yohannes sa aming lahat.

"Hoy grabe kayo sakin! Ang saya ko na nagkaroon ako ng maraming kapatid at kapamilya dito sa Pilipinas. Minsan lang din ako makauwi noong nagaaral pa ako. Kung hindi pa nga ako kinukuha ng kumpanya dito sa Pilipinas, mukhang hindi ako pakakawalan ng magulang ko sa ibang bansa." nakangiting sabi ni Kuya Zach sa aming lahat.

"Nandito lang kami palagi Kuya Zach, kung kailangan mo ng bahay at makakasama. Tawagan mo lang kami o magpunta ka sa bahay namin. Welcome na welcome ka doon, alam mo namang tinuturing ka na rin na anak nila Mommy at Daddy." nakangiting paalala ko kay Kuya Zach.

"Salamat, hindi niyo alam kung gaano ako kasaya kapag natutulungan ko yung mga tao na talagang may pangangailangan." nakangiting sagot ni Kuya Zach sa akin.

"Alam mo naman na tinuturing ka na rin namin na isang miyembro ng pamilya namin. Walang-wala yung naibigay mo sa amin ni Xeinna hanggang ngayon." nakangiting sabi ni Kuya kay Kuya Zach.

"May tanong lang sana ako Kuya Zach, dito ka na ba for good? Paano ang buhay mo sa ibang bansa? Hindi ba magagalit ang parents mo na ikaw lang mag-isa dito sa Pilipinas. Mahirap pa naman yung mga pamilyang magkakahiwalay ngayon." nakangiting tanong ni Ysabel kay Kuya Zach.

"Sinabi ko naman kina Daddy at Mommy kung ano talaga ang plano ko sa buhay. Gusto ko talaga ng simpleng buhay lang at kung lagi lang din akong nakasunod sa mga magulang ko ay wala talaga akong mararating sa buhay. Gusto ko rin naman matuto sa sarili kong mga paa kaya pinaliwanag ko sakanila na dito na ako sa Pilipinas for good. Masaya ako sa Pilipinas at nandito ang trabaho ko. Wala naman kaming naging problema dahil ipinaliwanag ko naman sakanila ng maayos at sumang-ayon naman sila sa mga plano ko sa buhay. Lisyensyado naman ako at nakapagtapos, hindi naman ako mawawalan ng trabaho kung sakali." nakangiting sagot ni Kuya Zach sa tanong ni Ysabel.

"Mabuti naman kung ganoon, dito ka na pala for good Kuya Zach! Madalas na tayong makakapagbonding niyan. Malapit ka na sa amin ngayon." nakangiting sabi ni Nicole kay Kuya Zach.

"Oo nga eh, someday gusto ko makapagpatayo ng sarili kong bahay dito sa Pilipinas. Ako ang magiging Engineer ng sarili kong bahay. Ngayon, gusto ko lang muna mag-enjoy sa buhay ko pero nagiipon naman ako para sa future na paparating. Bina-budget ko talaga ang pera ko sa tuwing sasahod ako. Ayoko rin kasing humingi pa ng pera sa parents ko. Gusto ko mag-enjoy na nila ang mga sarili nilang pera na hindi ako ginagastusan. Gusto ko sila naman ang gumastos para sa mga gusto nila at sana pagdating ng panahon ay magretiro na rin sila sa pagtra-trabaho. Hindi na rin naman sila bumabata." nakangiting sagot ni Kuya Zach kay Nicole.

"Lahat naman talaga siguro ng anak ay gustong masuklian ang paghihirap ng kanilang mga magulang simula noong mga bata pa sila. Lahat ng tagumpay ay may proseso kung paano mo ito makakamit. Hindi minamadali pero hindi rin sobrang bagal ng usad." nakangiting sabi ko sakanilang lahat.

"Totoo iyon, walang madaling proseso sa pagkamit ng tagumpay mo sa buhay. Nariyan ang mga pagsubok kung paano ka palalakasin at huhubugin para maging kung sino ka ngayon." nakangiting sagot ni Kuya Zach sa akin.

"Bilang isang make-up artist at isang CEO ng isang cosmetics business ay talagang mahirap ang pinagdaanan ko lalo na pinagsasabay ko sila ng pagaaral ko. Wala eh, pangarap ko talaga yun eh. Ito ang nakatadhana talaga para sa akin ay malugod ko iyong tinatanggap. Ilang beses akong umiyak, nagtanong at nagduda sa sarili ko kung kakayanin ko ba ang lahat iyon? Hindi ako ka-confident dati lalo na noong nagsisimula pa lang ako sa industriyang pinasok ko. Walang kasiguruhan ang mga mangyayari sa hinaharap pero handa akong sumugal para maabot ko ang pangarap ko noon." nakangiting kwento ni Ate Cherry sa aming lahat.

"Actually nakakamangha ka talaga Ate Cherry, ang istorya mo ay nakaka-inspire ng mga tao para nagpatuloy sila sakanilang pangarap." nakangiting sabi ni Chezka kay Ate Cherry.

"Sa mga pangarap natin, kailangan tayong sumugal. Kumbaga parang lotto lang yan, paano ka mananalo kung hindi ka nataya diba? Wala namang masama kung susubok ka. Kung madapa ka man, matuto kang bumangon at tumayo sa sarili mong paa. Lahat ng tao ay nagkakamali, walang perpekto pero atleast diba? Sinubukan mo ang mga bagay na tunay na makakapagpasaya sayo at yung pangarap na gusto mong maabot." nakangiting sagot ni Ate Cherry kay Chezka.

"Actually ganyan din ako, pangarap ko noon maging kasama sa mga honorable students. Nagstrive-hard talaga ako para maabot yun. Araw-araw ay nagaaral ako. Nire-refresh ko palagi ang utak ko sa mga topics namin. Nagre-review ako bago mag-exam. Nakikinig ako sa mga teachers ko at talagang nagte-take notes ako para lang may mapag-aralan ako kapag may quizzes kami. Sayang din kasi mga points na nakukuha ko doon. Lagi din akong tambay sa library para tahimik akong makapag-aral. Tignan niyo ako ngayon diba? Dean's Lister ako ng school pagkatapos ay running pa ang grades ko sa pagiging Summa Cumlaude." nakangiting kwento rin ni Yohannes sa aming lahat.

"Oo nga dude, naalala ko noon ay nakakailang kape ka pa para matapos ang mga presentations mo at mga reports mo. Iba rin talagang ang tatag mo noon na halos minsan inuumaga ka na nga e. Minsan tinutulungan ka na rin namin ni Xennus noon para lang matapos mo lahat ng gawain mo. Well, nag-bunga naman lahat ng paghihirap mo noon. Dean's Lister tayong magkakaibigan, ang saya lang nun diba? Hindi man tayo magkakaparehas ng course pero hangga't kaya tumulong ay gagawa ng paraan." nakangiting sagot ni Vincentius kay Yohannes.

"Oo dude, ang galing lang talaga. Minsan nga kahit di kayo marunong sa plates, nakakagawa ako ng magandang output dahil sa mga creativity niyo lalo na sa mga sulat, sobrang laking tulong noon sakin. Kung alam niyo lang, ang laking parte noon sa mga grades ko noon. Minsan may mga sapak pa mga professors kapag late ka magpapasa kaya ginagawa ko na talaga advance yung mga plates. Araw-araw magaaral para hindi ka bumagsak, grabe naman kasi kapag nagkaroon ka ng tres. Iniingatan ko pa naman ang pwesto ko sa pagiging Dean's Lister." nakangiting sagot ni Kuya kay Vincentius.

"Kuya ginagabi ka nga noon sa pag-uwi sa bahay, hinahanap ka nila agad sakin. Anong oras na daw? Hindi ka pa nauwi. Minsan ako pa ang nagbubukas ng pinto para lang makapasok ka. Buti na lang hindi ka nahahalata nina Mommy at Daddy kung hindi mapapagalitan ka talaga." buntong-hiningang sabi ko kay Kuya.

"Ayoko kasing magaalala pa sakin sina sina Daddy at Mommy sa akin. Anong oras na rin ba noong mga panahon na umuuwi ako ng late. Ayoko ng maabala pa ang parents natin. Sa gabi na nga lang sila makapagpahinga tapos guguluhin ko pa?" kalmadong sagot ni Kuya sa akin.

"Gawain ko din yan nung College days ko, anong oras na ako nakakauwi? Sobrang late na talaga. Grabe naman kasing magpagawa ng plates yung mga professors ko noon. Sunod-sunod. Hindi naman kaya madali na matapos yun, yung mga architecture at engineering student ay talagang makakarelate dito. Kapag hindi mo ginawa ay talaga namang haharap sayo ang singko ng professors mo kapag hindi ka nakapagpasa. May deduction pa kapag na-late ka. Sobrang strict ng standard nila pagdating sa mga architecture and engineering students." kalmadong kwento ni Kuya Zach sa College life niya noon.

"Sinabi mo pa Kuya Zach, wala ka talagang takas. Mga structures nga namin noon pati mga plates grabe. Walang pinapalampas ang mga teachers namin na kahit sinong estyudyante." buntong-hiningang sagot ni Ysabel kay Kuya Zach.

"Well, ito ang buhay ng isang architecture at engineering student. Lahat kakayanin upang magtagumpay sa pangarap." nakangiting sagot ni Kuya kay Ysabel.

Dream without fear, love it without limits.

Thanks for reading! Please leave your thoughts and reactions so i can read it! Lovelots!

Your author, bluereinventhusiastwp.

Continue Reading

You'll Also Like

225K 4K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
100K 2.8K 17
[ON HOLD] ยป Teen Fiction Axerylle Lilac Virtudazo is an academic achiever and ready to compete with anyone just to maintain her grades high. Having...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...