Aya

By MCallMeM

4.3K 503 1.3K

Bata pa lamang ay taglay na niya ang isang kakayahan na wala sa isang pangkaraniwang tao lamang; iyon ay ang... More

Foreword
Prologue : The Beginning
Chapter 1 : Weird
Chapter 2 : Stranger
Chapter 3 : Encounter
Chapter 4 : Friends
Chapter 5 : Warning
Chapter 6 : Holding Hands
Chapter 7 : Bonding
Chapter 8 : Perfect
Chapter 9 : Jealousy
Chapter 10 : Apology
Chapter 11 : Not the Last
Chapter 12 : Family
Chapter 13 : That Guy
Chapter 14 : Unexpected
Chapter 15 : A Hug of Happiness
Chapter 16 : Creature at Darkness
Chapter 17 : His Farewell
Chapter 18 : Rainy Day
Chapter 19 : Am I Inlove?
Chapter 20 : Confession
Chapter 21 : The Truth
Chapter 22 : A Letter
Chapter 23 : Zinotes
Chapter 24 : Invisible
Chapter 25 : Hiraya
Chapter 26 : Trapped
Chapter 27 : Behind the Man in White
Chapter 28 : New Home
Chapter 29 : Rescue
Chapter 30 : Reunion
Chapter 31 : Too Much
Chapter 32 : It's Not Done Yet
Chapter 33 : Hayana
Chapter 34 : He's Back
Chapter 35 : Lost
Chapter 36 : The Plan
Chapter 37 : Sacrifice
Chapter 38 : The Origin
Chapter 39 : Calm
Chapter 41 : Love
Chapter 42 : Questions
Chapter 43 : Backstory
Chapter 44 : Backstory II
Chapter 45 : Backstory III
Chapter 46 : Backstory IV
Chapter 47 : Backstory V
Chapter 48 : Backstory VI
Chapter 49 : End of Backstory
Chapter 50 : Changed
Chapter 51 : A Dream
Chapter 52 : Special
Chapter 53 : New Opponent
Chapter 54 : Running Away
Chapter 55 : His Twin Brother
Chapter 56 : Brain or Heart
Chapter 57 : Promise of True Love
Chapter 58 : Meeting Them
Chapter 59 : The Face-Off
Chapter 60 : The Big One
Epilogue : The Ending
Special Chapter 1 : New Life
Special Chapter 2 : A Mark
Special Chapter 3 : She's Alive
Special Chapter 4 : Come Back
Special Chapter 5 : End Everything
Special Chapter 6 : The Finale
Author's Note
BONUS CHAPTER

Chapter 40 : Symbol

35 3 11
By MCallMeM

PAGKATAPOS naming kumain ay napagpasyahan namin na mag-ensayo. Kailangan naming maging handa sa muli naming pagharap sa mga kalaban. Alam kong kailangan namin ng matinding pagsasanay para hindi nila kami mabilis na mapatumba. Lalo pa't malalakas at makapangyarihan ang makakaharap namin. Lalong-lalo na si Cassandra, hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang kapangyarihan na meron siya.



Hinugasan ko muna ang mga pinagkainan namin samantalang si Zin naman ay nasa labas at naghihintay. Nabanggit ko kasi sa kaniya na may lugar na pwede naming puntahan para sa pagsasanay.



Nang matapos akong maghugas ay pumasok na muna ako sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gagawin ko dito sa loob hanggang sa matagpuan ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa harap ng salamin at nakatitig sa sarili kong repleksiyon.



Sa kabila ng lahat ng mga nangyari, masasabi kong marami ang nagbago. Pagod na pagod ang hitsura ko at malayo sa dating maaliwalas. Medyo namumugto rin ang mga mata ko at lumitaw na rin ang kaunting eyebags dito. Napahinga ako ng malalim at saka nginitian ang sarili ko.



"Kaya mo 'to, self... Magiging maayos din ang lahat." sabi ko habang nakatingin pa rin sa aking repleksiyon. Bigla akong napalingon nang may kumatok sa pinto. Mabilis akong nagtungo ro'n at bumungad siya sa harapan ko.



"Let's go?" anyaya niya sa'kin kaya tumango lang ako at lumabas ng kuwarto. Hinawakan niya ang kamay ko saka kami sabay na naglakad palabas ng bahay. Ang sarap lang sa pakiramdam na hawak ko ang napakalambot niyang kamay. Wait lang, babae ba 'to? Mas malambot pa yata ang kamay niya kaysa sa'kin, eh!






×××





"You can do it. Just trust me. Huwag kang mag-aalala sa'kin..." pagpupumilit niya pa pero hindi ako pumapayag. Gusto niyang maglaban kami para raw mas makita namin kung ano ang naging resulta ng ilang oras naming pag-eensayo. Paano kung mapuruhan ko siya? Paano kung hindi niya kayanin? Hindi naman sa pagmamayabang pero alam ko na pwedeng mangyari ang mga 'yon dahil sa kapangyarihan na meron ako. Ayoko, natatakot ako.



Kanina pa kami nag-eensayo rito sa Guidiguid at sobrang saya ko dahil kahit papaano ay mas lalo kong nakilala ang buong kapangyarihan ko. Bukod sa kakayahang makakita ng hinaharap, manggagamot ng sugat, paggamit sa mga elemento, makabasa ng isip, at maglaho ay nagagawa ko na ring lumipad, magpalit ng anyo, maging maliit o malaki, magmanipula ng mga nasa paligid ko, kuryente, pahintuin ang oras, at marami pa akong nadiskubre pero medyo nahihirapan lang ako kasi kapalit ng paggamit ko ng mga 'yon ay ang sarili kong lakas. Nakakaramdam ako na unti-unting nako-consume ang enerhiya ko kaya nag-iingat talaga ako sa paggamit. Lalo na kapag 'yung mga mabibigat ang ginagawa. Pero ang nakakapagtaka lang, kanina kasi nagkamali ako at natumba sa mga bato-bato. Akala ko nasugat ako pero pagtingin ko, wala naman. Bakit kaya?



"Ayoko. Tumigil ka! Paano kung may mangyaring masama sa'yo? Anong gagawin ko? Ayoko talaga!" pagtanggi ko pa pero tinawanan niya lang ako. Napairap nalang tuloy ako sa kaniya dahil hindi niya ako sineseryoso. Nakakainis...



"So, you're afraid of losing your handsome boyfriend?" pang-aasar niya pa kaya binato ko siya ng bato na agad naman niyang naiwasan. Nang-iinis pa talaga siya akala mo naman kung sinong malakas!



"Hey, alam ko na malakas ka but paano natin malalaman kung hindi natin susubukan sa pakikipaglaban 'di ba? Iba kapag ginamit mo na ang kapangyarihan mo sa kalaban. Kaya sige na, don't worry about me." seryosong sambit niya kaya muli ko siyang nilingon. Napaisip ako, tama nga naman siya. Hindi namin malalaman kung ano ang epekto nito sa isang tao. Parang mas madali kasi kapag sa bagay lang ginagamit ang mga kapangyarihan ko.



"Pero..."



"No more buts, baby. Time is gold." sabi niya saka hinalikan ang noo ko. Wala naman na akong magagawa kaya niyakap ko na lang siya. May tiwala ako sa kaniya kaya sige, pumapayag na ako.



"Remember, you are more powerful than anyone. And don't worry, I'll use my clones kung natatakot ka na ako mismo ang lumaban. But, gagawa ako ng marami and be ready..." natuwa naman ako dahil sa naisip niya. Oo nga, bakit hindi ko naisip 'yon? Pero clones? Baka madali ko lang na mapaputok ang mga 'yon?



"Are you ready?" nabalik ako nang sumigaw siya. Hindi ko namalayan na nakatayo na pala siya sa malayo. Napatango na lang ako at naghanda na.



Maya-maya pa nakita ko na lang ang sandamakmak na clones na ginawa niya. Napailing ako nang makita kong ngumiti ang mga ito. Hindi ko na alam kung sino si Zin sa kanila pero pakiramdam ko, nanonood lang siya.



Isa-isa silang lumapit at wala man lang kahirap-hirap na napaputok ko sila. Sinenyasan ko pa ang mga ito na sumugod sa akin. Pero bigla akong nakaramdam ng kakaiba dahil parang hindi lang sila basta clones.



May isang clone ang lumapit sa akin at kumindat pa. Napakunot naman ang noo ko dahil sa kalokohan ni Zin. Pero nagulat ako nang biglang may tumulak sa akin dahilan para halos mapasubsob ako sa lupa. Nagtawanan ang dalawang clones kaya nainis ako at mabilis na bumangon sa tulong ng hangin at hinarap sila.



"Mali kayo ng kinalaban." nakangising sabi ko at itinaas ang dalawang kamay ko. At dahan-dahang silang umangat sa ere habang nagpupumiglas. Hindi ko na pinatagal pa at pinaputok sila, pero nagtaka ako dahil hindi sila pumuputok.



"Hindi kami basta clones lang. Para lang din kaming may totoong katawan na katulad niyo." napanganga ako sa sinabi nila. As in, sabay pa silang dalawa. Pero, paano nangyari 'yon?



Nag-iisip pa lang ako nang sugurin nila akong lahat. Nabitawan ko tuloy 'yung dalawang clones dahil sa pagkabigla. Ngayon ay pinapalibutan na nila ako at pare-pareho pa silang nakangiti.



Kung hindi na sila basta-basta hangin o lobo na isang tusok lang ay puputok na, then hindi ko sila mapapatumba nang basta-basta. Kailangan ko talagang makipaglaban gamit ang pwersa, isip at ang kapangyarihan ko. Mamaya ko na tatanungin si Zin kung paano at bakit niya nagawa iyon. Pakiramdam ko ay may hindi pa siya sinasabi sa'kin.



Pinakiramdaman ko lang sila at nararamdaman kong walang ano-ano ay susugurin na nila ako. Salamat sa malakas na senses ko na napag-aralan ko na rin. Maya-maya pa ay halos sabay-sabay silang sumugod kaya mabilis akong kumilos.



Nakakatuwa lang dahil kahit ang dami nila ay nagagawa ko pa rin silang patalsikin hanggang sa maghiwa-hiwalay na sila. Totoo nga, napansin kong hindi na lang sila basta-basta isang clones. Kailangan talagang ipaliwanag sa'kin ni Zin ang tungkol dito.



At dahil nga parang may katawan na sila, kailangan ko nang gamitin ang mga kapangyarihan na meron ako.



Ginamit ko ang apoy, tubig, hangin, kidlat, at ang lahat ng kaya kong gamitin para lang mapatumba ko ang mga clones na ito. At sa huli, ako pa rin ang nagwagi. Napangiti ako dahil masasabi kong mas naging malakas na ako ngayon. Kabisado ko na ang sarili kong pagkatao at ang paggamit sa Hayana.



"Very good! Ang galing-galing na ng girlfriend ko!" yayakapin na sana niya ako pero umiwas ako at sinamaan siya ng tingin. Baka nakakalimutan niya?



"Hoy! Ipaliwanag mo nga kung bakit at paano naging gano'n ang mga clones na ginawa mo? Ha? May itinatago ka pa ba sa'kin? Sabihin mo na sa'kin kung meron pa kung hindi..." natawa siya dahil sa mga sunod-sunod kong sinabi pero napaseryoso rin nang mapansin niyang seryoso ako.



"Hey, don't be mad. Nalaman ko lang din 'to kanina. At hindi pa ako gano'n kagaling to use. Well, sa tingin ko mas nag-improve ang paggawa ko ng mga clones. And one more thing, may kakaiba rin akong bilis na hindi ko nabanggit sa'yo dati. Sasabihin ko sana sa'yo pero umalis kana no'n, remember?" napangiwi na lang ako nang muli kong maalala ang pagtatapat niya sa'kin sa totoo niyang pagkatao.



"Hey, your hands..." napakunot ang noo kong tumingin sa kaniya. Anong sinasabi niyang my hands??



Sandali.... Anong nangyayari?!



"A-anong nangyayari?" hindi makapaniwalang usal ko habang nakatingin sa palad ko na nagliliwanag kasabay niyon ang pagkaguhit ng isang bagay.








Ginintuang puso iyon na napapaligiran ng iba't-ibang kulay ng usok, o mas magandang sabihin na... kapangyarihan?













Ano naman ang meron sa simbolo na 'to?

;














Continue Reading

You'll Also Like

11.3M 506K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
89.2K 1.7K 62
UNDER EDITING [ A not so ordinary story of demons and angels | Fallen book #1 | Tagalog ] Not all those who has white wings are good, and not all tho...
1.3M 31.7K 86
Missaki Sakura Omoyama-Cross. A girl with a doll-like features on the outside but a ripper in inside. A Game. A contest that has a certain rules to d...
18.3K 896 53
Astrid Fay Velon a not so ordinary girl. She has the ability to see ghosts and life time marks of people, that are not normal in the eyes of others. ...