Aya

By MCallMeM

4.3K 503 1.3K

Bata pa lamang ay taglay na niya ang isang kakayahan na wala sa isang pangkaraniwang tao lamang; iyon ay ang... More

Foreword
Prologue : The Beginning
Chapter 1 : Weird
Chapter 2 : Stranger
Chapter 3 : Encounter
Chapter 4 : Friends
Chapter 5 : Warning
Chapter 6 : Holding Hands
Chapter 7 : Bonding
Chapter 8 : Perfect
Chapter 9 : Jealousy
Chapter 10 : Apology
Chapter 11 : Not the Last
Chapter 12 : Family
Chapter 13 : That Guy
Chapter 14 : Unexpected
Chapter 15 : A Hug of Happiness
Chapter 16 : Creature at Darkness
Chapter 17 : His Farewell
Chapter 18 : Rainy Day
Chapter 19 : Am I Inlove?
Chapter 20 : Confession
Chapter 21 : The Truth
Chapter 22 : A Letter
Chapter 23 : Zinotes
Chapter 24 : Invisible
Chapter 25 : Hiraya
Chapter 26 : Trapped
Chapter 27 : Behind the Man in White
Chapter 28 : New Home
Chapter 29 : Rescue
Chapter 30 : Reunion
Chapter 32 : It's Not Done Yet
Chapter 33 : Hayana
Chapter 34 : He's Back
Chapter 35 : Lost
Chapter 36 : The Plan
Chapter 37 : Sacrifice
Chapter 38 : The Origin
Chapter 39 : Calm
Chapter 40 : Symbol
Chapter 41 : Love
Chapter 42 : Questions
Chapter 43 : Backstory
Chapter 44 : Backstory II
Chapter 45 : Backstory III
Chapter 46 : Backstory IV
Chapter 47 : Backstory V
Chapter 48 : Backstory VI
Chapter 49 : End of Backstory
Chapter 50 : Changed
Chapter 51 : A Dream
Chapter 52 : Special
Chapter 53 : New Opponent
Chapter 54 : Running Away
Chapter 55 : His Twin Brother
Chapter 56 : Brain or Heart
Chapter 57 : Promise of True Love
Chapter 58 : Meeting Them
Chapter 59 : The Face-Off
Chapter 60 : The Big One
Epilogue : The Ending
Special Chapter 1 : New Life
Special Chapter 2 : A Mark
Special Chapter 3 : She's Alive
Special Chapter 4 : Come Back
Special Chapter 5 : End Everything
Special Chapter 6 : The Finale
Author's Note
BONUS CHAPTER

Chapter 31 : Too Much

32 4 12
By MCallMeM

"PAANO kayo nakapasok dito?"



"Hindi na 'yon mahalaga, Zay. Kailangan na nating umalis dito kasama ang iba pang bihag." pag-iiba ko ng usapan dahil tumatakbo ang oras. Baka mahuli pa nila kami.



"Oo nga. Akala namin papatayin na nila kami pero hindi pala. Hinahanap ka nila, Aya at gusto ka nilang patayin." nag-aalalang sambit pa ni Zay kaya hinawakan ko lang siya sa balikat.



"Hindi nila magagawa 'yon sa'kin. Kaya kailangan na nating umalis dito bago pa mahuli ang lahat. Let's go." niyakap pa ulit ako ni Zay saka kami naghiwa-hiwalay para ilabas ang lahat sa selda.



Lahat sila ay nakasuot ng puti kaya angat na angat ang kulay na puti. Hindi rin ako makapaniwala na sobrang lawak at sobrang dami na pala ng mga binihag ng Zinotes. Dalawang column lang ang selda pero tabi-tabi at mahaba.



"Napakawalan ko na ang kabilang side." si Vino iyon at lumapit sa amin.



"Ikaw 'yung kapatid ni Selene na snobber 'di ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Zay nang makita si Vino.



"Mamaya na natin 'yan isipin, kailangan na nating umalis." iniba ni Vino ang usapan at saka kami lumapit sa kinaroroonan ni Fina.



"Ano'ng nararamdaman mo?" tanong ko agad kay Fina nang makalapit ako sa kaniya. Nasa tabi na niya ang kambal niyang kapatid.



"Wala naman akong kakaibang nararamdaman pero nandoon pa rin ang mga nagbabantay." sagot niya kaya tinanguan ko siya. Hinarap ko ang iba pang mga bihag.



"Makinig kayo sa'kin, ako si Aya. At tatakasan tayong lahat dito. Sobrang dami niyo at hindi ko kakayanin na itakas kayong lahat kaya kailangan ko ng kooperasyon ninyo. Alam kong may mga kapangyarihan kayo at gamitin niyo iyon para makatulong." anunsyo ko sa kanilang lahat. Tumango lang naman sila at ramdam ko ang saya na sa wakas ay makakalaya na rin sila.



"Pero Aya, may mga bihag pa na wala ng mga kapangyarihan na ikinulong nila sa ibang lugar at papatayin." muli kong hinarap si Fina.



So, ibig sabihin marami pa sila. Ang pinagkaiba lang, lahat ng nandito may kapangyarihan pa at kung magtatagal ay sila na ang isusunod. Kaya kailangan na naming tumakas ngayon.



"Sige, ganito na lang. Sama-sama tayong lalabas dito at kapag nasa labas na tayo, tumakas na kayong lahat. Wala ng bantay sa labasan kaya malaya kayong makakalabas." napahinto ako nang magsalita ulit si Fina.



"Tutulong kami." suhestiyon niya kaya tinanguan ko lang siya. Gano'n din naman ang mga kambal niyang kapatid.



"Ako si Lego, ako na ang bahala sa mga kasama kong tatakas para hindi maging magulo." isang lalaki ang lumapit sa sa harap at nagsalita. Kasing-edad ko lang yata siya at kakaiba ang kulay ng mga mata niya.



"Sige, kaya mo ba silang itakas?" tanong ko sa kaniya. Hindi kasi pwedeng basta-basta ko na lang na hayaan sila. Kailangan din silang maging ligtas habang tumatakas.



"Oo, kaya ko silang likumin lahat at ipasok sa bolang ito." tugon niya saka inilabas ang malaking kakaibang bola. Transparent iyon at sa loob ay may mga iba't-ibang kulay.



"Sige, dito mo na gawin para madali tayong makalabas mamaya." utos ko sa kaniya na agad naman niya sinunod. Pinanood lang namin siya na ikumpas ang mga kamay niya at sa isang iglap ay nawala na ang mga bihag, nasa loob na sila ng bola. Ako, si Vino, Zay, Blanca, Jerome, Asion, Fina, Efil at Thead na lang ang nandito ngayon kasama si Lego na hawak ang bola na kinaroroonan ng mga bihag.



"Ngayon na tayo na lang ang nandito, patutumbahin na natin ang dalawang bantay sa labas kaya maghanda kayo." sabi ko pa sa kanila.



"Ako na po ang bahala sa dalawang iyon." napalingon kami kay Thead. Oo nga pala, kaya niyang pumatay ng kahit na sino sa isang hawak lang. Kaya pala siya naka-gloves na ngayon ko lang din napansin.



"Sige, pero mag-iingat ka. Tara na." nagpauna na akong maglakad paakyat sa hagdan at tulad ng napag-usapan ay si Thead ang unang lumabas para itumba ang mga bantay.



"Ayos na po." senyas niya pa kaya nagmadali na kaming umakyat. Nang makaakyat na kaming lahat ay saka kami tumakbo palabas.



Hindi ko alam kung nando'n na ba sila Inang Hiyas at Selene dahil hindi ko nakitang umilaw ang kuwintas na suot namin.



Hanggang sa marating na namin ang puwesto namin kanina bago magkahiwalay. Pero wala pa rin sina Inang Hiyas at Selene.



"Nasaan na sila?" tanong ko kay Vino at siya ay hindi rin mapakali dahil wala pa ang lola at kapatid niya.



"I'll go find them." turan ni Vino pero mabilis ko siyang pinigilan.



"Hindi pwedeng mag-isa ka lang. Sasama ako. Kailangan ko ring hanapin si Zin." sambit ko kaya umiling siya pero kalauna'y napahinga ng malalim.




"Fine. Pero pauunahin na ba natin sila?" tanong niya at itinuro ang mga kasama namin. Magsasalita na sana ako pero napatigil kaming lahat ng may magsalita sa isang lugar.




Ang boses na iyon...




"I didn't know you are that smart, Aya. You're impressive. I like it. Pero, sila ba ang hinahanap niyo?" mabilis kaming napalingon sa kinatatayuan ni Zino at naroon ay hawak niya si Inang Hiyas at Selene na sugatan. Walang malay si Inang Hiyas habang umiiyak naman si Selene. Nasaan si Zin?



"F*ck you! Ano'ng ginawa mo sa kanila?!" susugod na sana si Vino pero mabilis ko siyang pinigilan.



"Ano bang ginagawa sa mga taong pakialamero? Hindi ba ganito?" sarkastikong sabi niya saka itinuro sina Selene at Inang Hiyas.



"Napakawalang hiya mo talaga! Papatayin kita! Hayop ka!" galit na galit na sigaw ni Vino pero pinipigilan ko siya sa pagpupumiglas niya.



"Calm down, bata. Pinatay ko lang naman ang lola mo dahil masyado na siyang maraming nalalaman." ang kapal ng mukha niyang sabihin 'yon! Hayop talaga siya! Wala siyang sinasanto!



"Hayop ka, Zino! Bakit mo ba 'to ginagawa?!" ako na ngayon ang sumigaw. Umalingawngaw iyon sa buong lugar. Tinawanan niya lang ako.



"Sinabi ko na sa'yo, Aya. Pero matigas ang ulo mo kaya maraming nadadamay. Sorry." wika niya pa sa nang-iinis na tono kaya may lalong uminit ang ulo ko. Wala siyang puso!



"Kung nakinig ka lang sana sa'kin, edi sana walang nangyaring ganito." patuloy niya pa.



"Tama na! Pakawalan mo sila at sasama ako sa'yo ng maayos." alam kong hindi madali ang gagawin ko pero kailangan kong mailigtas si Inang Hiyas at Selene.



"Sandali lang, ang bilis naman yata? Ayaw mo bang makipaglaro muna sa'kin?" takte! Akala ko ba gusto na niya akong makuha agad?! Eh, bakit may ganito pa siyang nalalaman?!



"Pakawalan mo na sila! Ako lang naman ang kailangan mo kaya pakiusap, pakawalan mo na sila." naluluhang sambit ko at saka lumuhod. Ayoko man 'tong ginagawa ko pero wala akong ibang choice.



"Aya! Stand up! Don't beg for that stupid man!" galit na sigaw ni Vino at pilit akong pinapatayo. Pero hindi ko siya sinusunod. Kung pwede ko lang sabihin sa kaniya na hindi ito totoo, pero hindi pwede. Mahahalata ni Zino kaya sana maintindihan niya ako.



"Aww, I'm touched. Akala ko pa naman mahal mo rin ang anak ko pero hindi pala. You just fooled him kaya niya ako nagawang pagtaksilan!" sigaw ni Zino at ramdam ko ang matinding galit na nararamdaman niya.



"Aya, hindi na kinakaya ng bola ko ang mga kasama natin." narinig kong bulong ni Lego. Sh*t! Bakit naman sumabay pa. Nakakainis talaga!



"Sige na, Zino. Pakawalan mo na ang mga kasama ko at pangako, sasama ako sa'yo." pagmamakaawa ko pa kay Zino. Si Vino naman ay pilit pa rin akong pinatatayo.



"You think you can easily fool me, huh?" napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?



"I'm not stupid, lady. Kaya hindi mo ko madadala sa paluhod-luhod mo. At pasensya na..." napanganga ako nang titigan ni Zino si Selene at unti-unti itong nagiging bato! Hindi pwede 'to!



"Selene! Inang! Hayop ka talaga, Zino! Papatayin kita!!!" halos pumiyok na si Vino sa kakasigaw at wala akong nagawa nang sumugod siya sa kinaroroonan ni Zino.



Pero bago pa man makalapit si Vino ay mabilis na naglaho si Zino sa paligid. Kailangan kong mahanap si Zin.



"No! Hindi pwede 'to! Pagbabayaran mo 'to, Zino! Lumabas kang gago ka! Selene! Inang!!!" wala akong magawa kung 'di ang panoorin si Vino sa matinding paghihinagpis niya. Nasasaktan ako dahil nakikita ko siyang nasasaktan. Hindi ako makapagsalita na tila pinutulan ako ng dila.




Patawarin niyo ako, Selene at Inang Hiyas kung hindi ko kayo nagawang iligtas. Patawad.




"Aya! Nandito na sila!" narinig kong sigaw ni Fina kaya dali-dali akong lumingon sa kanila.



Nakita ko ang mga grupo ng naka-itim na tao at papasugod na sila sa kinaroroonan nila. Mabilis akong tumayo para puntahan sila.



"Sumuko na kayo! Hindi na kayo makakalabas pa rito!" sigaw nu'ng lalaki na nasa gitna ng mga kasama niya. Kulay pula ang buhok nito at ang mga mata niya.



Naramdaman ko na lang na lumapit sa tabi ko si Vino. Tinitigan ko siya at kitang-kita ko ang paghihiganti sa mga mata niya. Basang-basa rin ang mukha niya dahil sa matinding paghagulgol niya. Muli kong hinarap ang mga kalaban namin.



Sampu laban sa sampu.



Naglabas ng apoy 'yung lalaki kanina at mabilis na ibinato sa amin. Kaagad naman iyong nasalo ni Jerome at naghagis din sa kalaban. Naghanda naman kaming lahat dahil sa isang matinding laban na haharapin namin.



"Kailangan nating umalis dito. Lego, mauna ka na para makatakas ang mga kasama natin." utos ko at tatakbo na sana si Lego papunta sa exit pero agad na may humarang sa kaniya. Isang lalaki na sa tingin ko sa ka-edad lang din niya. Kulay asul ang buhok nito katulad ni Lego.



"Hindi na kayo makakatakas dito kahit ano pang gawin niyo. Kaya hangga't maaga pa, sumuko na kayo." pag-uulit nu'ng lalaking nasa gitna. Tinitigan ko siya pero hindi ko mabasa ang nasa isip niya, parang may kumokontra sa'kin.



"Lord Firo, kaya niya pong makapagbasa ng isip." hindi nakatakas sa'kin ang bulong ng lalaking nasa tabi ng sinasabi niyang Lord Firo. Lord huh? So, siya ang kumokontra sa'kin para hindi ko mapasok ang isip ni Firo. Magaling.



"Oh, huwag mo nang tangkain pang basahin ang isip ko, Aya. Kung ako sa inyo, sumuko na kayo." pang ilang ulit na niyang sinasabi sa amin ang sumuko as if naman susuko kami. Not on my watch, bitch!



"Well, mukhang hindi naman kayo sang-ayon kaya magtutuos na tayong lahat. Matira, matibay." kung hindi ko magawang basahin ang isip niya dahil pinoprotektahan siya ng alipores niya, pwes tatakbuhan na lang namin sila. Para na rin ma-distract ang alipores niya at doon ako kukuha ng pagkakataon.



"Tatakbo tayo pagbilang ko ng tatlo. Isa..." lahat kami ay naghanda.



"Dalawa.."



"Tatlo! Ngayon na!"



Mas mabilis pa sa alas kwatro ay tumakbo kami palayo sa kanila. Narinig ko pang sumigaw sila at ngayon ay hinahabol na nila kami.



"Saan tayo pupunta?" tanong ni Vino habang tumatakbo pa rin kami. Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Ang alam ko lang ay kailangan naming makatakas sa mga kalaban at saka na kami iisip ng paraan.



"Hindi ko pa alam. Kailangan muna natin silang takasan saka tayo umisip ng paraan kung paano tayo makakatakas lahat dito." tugon ko saka sumulyap sa likuran namin. Hinahabol pa rin nila kami.



Hanggang sa makalabas kami ng lugar na iyon at napahinto kami ng makarating kami sa isang open field. Paanong nagkaroon ng open field dito? Nakikita namin ang kalangitan at ang buong paligid? Ano'ng ibig sabihin nito?



"H-hindi ko na kayang tumakbo. N-nahihigop ng bola ang l-lakas ko para hindi ito tuluyang m-masira." humahangos na sambit ni Lego at kitang-kita ko nga ang unti-unti niyang panghihina. Hindi pwede, kailangan naming makatakas dito kasama silang lahat.



"Ano na ang gagawin natin, Aya?" tanong ni Zay sa akin. Huminga ako ng malalim at nag-isip. Pero hindi ako makapag-isip ng paraan. Ang daming tumatakbo sa isip ko.



"Pinagod niyo pa kami, ang kukulit niyo talaga." sabay-sabay kaming napalingon nang biglang dumating si Firo kasama ang mga alipores niya. Naabutan na nila at alam kong hindi na kami pwedeng tumakbo dahil nanghihina na si Lego. Kailangan namin siyang protektahan lalo pa't nasa kaniya nakasalalay ang mga bihag na kasama namin.



"Magharap-harap na tayo!" sigaw pa ni Firo at mabilis silang sumugod sa amin. Mabilis kong hinila si Lego at itinago sa isang pwesto. Pumipikit-pikit na siya at ramdam kong paubos na ang lakas niya. Kung pwede ko lang siyang bigyan ng lakas ginawa ko na.



At nang masiguro kong walang makakagalaw sa kaniya ay bumalik na ako sa mga kasama ko.



Si Jerome ang humarap kay Firo. Apoy laban sa apoy.



Si Zay at Blanca ang humarap sa kambal na katulad din nila ng kapangyarihan. Hangin sa Hangin, at Manipulator laban sa Manipulator.



Si Vino naman ang humarap sa dalawang lalaking may kakaibang bilis. Na siya rin naman kapangyarihan ni Vino. Bilis laban sa Bilis.



Si Asion ang humarap sa lalaking may kakayahan kumontrol sa tubig, same with Asion. Tubig laban sa Tubig.



Si Efil naman ay nakita kong dinaluhan si Lego dahil walang ibang kakayahan si Efil para makipaglaban. Pwede niya kayang bigyan ng lakas si Lego? Sakop kaya ng kapangyarihan niyang magbalik ng buhay ay magpalakas ng nanghihina? Hindi ko alam.



Si Fina at Thead naman ay hinarap ang dalawang lalaki at isang babae na may kakaibang lakas. Mukhang mahihirapan sila dahil dalawa lang sila at hindi ko alam kung makakalaban ba si Fina.



At ako naman ang humarap sa lalaking tumawag ng Lord kay Firo. Hindi ko alam kung anong kapangyarihan niya bukod sa pagbabasa ng isip.



Nagsimula na ang laban at parang may kaniya-kaniya kaming mundo. Ingay rito, ingay roon! Talsik dito, talsik doon!



"Ano bang kaya mong gawin, Aya?" babae pala siya! Nakita ko kasi ang mukha niya nang tanggalin ang nakabalot sa mukha niya. Pero bakit gano'n ang boses niya? Well, wala na akong pakialam pa.



"Wala kang pakialam." matapang na sagot ko pero tumawa lang siya na parang isang baliw.




"Kaya nga tinatanong ko, eh. Hindi ko talaga alam kung bakit nagkakandarapa sila sa'yo, eh kitang-kita naman na wala kang kwenta. Well, hindi ko na kailangan pang alamin dahil nasasayang lang ang oras ko!" bakit nga ba? Imbes na mag-isip ay mabilis na kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi niya! Hindi niya alam kung ano ang kaya kong gawin.



Mabilis siyang umatake sa'kin. Martial arts, huh? Sus! Basic na sa'kin 'yan!



Inilagan ko ang lahat ng sipa at suntok niya at nakikita kong naiinis siya dahil hindi niya man lang ako matamaan. Hinayaan ko lang siya na atakihin ako pero hindi ko agad napansin ang isang sipa niya at tumilapon ako sa sahig. Sobrang lakas niya!



"Magaling ka lang umiwas pero mahina ka pa rin!" sigaw niya kaya bumangon ako at nginitian siya. Tama na ang laro, ako naman.



Pinunas ko muna ang dugo sa bibig ko saka ko ikinumpas ang mga kamay ko. Walang kahirap-hirap ay naitaas ko siya sa ere habang sinasakal. Hirap na hirap naman siyang nagpupumiglas.



"P-paanong?" aba! At pareho pa sila ni Qwerty ng last words bago sila mamatay, huh? Pasensya na, nagkamali sila ng kinalaban.



Hindi ko na pinatagal pa at dahil nag-eenjoy akong pinapanood siya, ay hinati ko siya sa dalawang bahagi. Oops, brutal. Sorry...



Matapos niyon ay tumulong ako kina Fina at Thead na hirap na nakikipaglaban sa tatlo. Ngayon, patas na ang laban. Tatlo laban sa tatlo.



"So, here's one now. Mas mapapadali na ang misyon natin." sarkastikong sabi nu'ng babae na maiksi ang gray na buhok at gray din ang mga mata. Tumawa lang naman ang mga kasama niyang lalaki na parehong-pareho ng ayos at tindig, magkambal.



"Tatlo laban sa tatlo, it's now fair." kalmadong sabi ko sa kanila habang binabasa ang mga isip nila.



Alam ko na ang kapangyarihan nila. 'Yung babae ay may kakayahan na maging hayop at 'yung magkambal naman ay may kakaibang lakas. At iisa lang ang nasa isip nila, uunahin nila si Fina dahil alam nilang wala itong magagawa. Hindi ko alam kung paano ko nagawang alamin ang mga iyon, pero isa siguro 'yon sa mga kakayahan ko.



"Hawakan niyo ko." sabi ko sa dalawang kasama ko. Mabilis naman silang humawak at mula roon ay naramdaman ko ang enerhiyang nanggagaling sa kanilang dalawa.



Hindi ko alam kung magiging matagumpay ang gagawin ko pero kailangan kong magtiwala sa sarili ko. Bumuo ako ng isang ilusyon at halatang nagulat silang lahat sa ginawa ko, maging si Fina at Thead na nakahawak pa rin sa'kin.



"Tingnan ko na lang kung makalabas pa kayo rito. Any last words?" matapang na tanong ko sa kanila pero tumawa lang sila. Laughing, huh? Poor kids, paalam na sa inyo.



Hinawakan ko ulit si Fina at Thead at saka namin iniwan ang tatlo sa loob ng ilusyon na ginawa ko. Alam kong hindi na sila makakabalik at mamamatay na ang mga kaluluwa nila roon.



Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ko iyon. Tinitigan ko na lang ang mga kamay ko dahil sa pamamangha.



"Ang galing mo. Paano mo nagawa 'yon?" namamanghang tanong pa ni Fina sa'kin pero nginitian ko lang siya at tinulungan ang iba naming kasamahan.



Pinatumba namin ang natitira pang kalaban at hindi naman kami nahirapan doon dahil marami kami at kaunti na lang sila. Nagdiwang kaming lahat dahil sa wakas ay makakatakas na rin kami pero...



"What a fantastic scene! I'm very impressed!" sabay kaming napalingon nang marinig ang boses ni Zino sa likuran namin. Nagulat din kaming lahat nang makita kung gaano karami ang kasama niya. Pero parang magkakamukha lang sila?



"Hindi ko akalain na gano'n niyo lang sila kadaling talunin. Ang gagaling niyo! Lalo ka na, Aya. Pinabibilib mo ako ng sobra." tumingin siya sa'kin saka ngumiti ng nakakaloko habang pumapalakpak pa. Tinitigan ko lang siya at hindi nagpakita ng kahit na anumang reaksyon.



"Pero pasensya na, hawak ko yata ang pino-protektahan niyo?" kumunot ang noo ko at nakita kong sinenyasan ni Zino ang isa sa mga kasamahan niya at may kinuha sila.



Napanganga ako nang makita si Efil na nanghihina at si Lego na walang malay. Hawak pa rin ni Lego 'yung bola. At kasunod niyon ang isang lalaki na kamukhang-kamukha nga ng mga kasama ni Zino. Clones. Kinuha ni Zino ang bola at ipinakita sa amin. Walang hiya talaga siya!



"Ano ba 'to? Bolang kristal? Ang ganda naman. Kung sirain kaya natin para makita natin kung ano ang nasa loob?" halos hindi ako huminga dahil sa sinabi niya. Hindi niya 'yon pwedeng sirain dahil sa oras na masira iyon, mamamatay ang lahat ng mga bihag na nandoon. Hindi pwede!



"Huwag! Pakiusap! Hayaan niyo na lang kaming umalis!" pagmamakaawa ko pa kay Zino pero tinawanan niya lang ako.



"Pakiusap! Hindi ako tanga, Aya para hayaan kayong umalis. Para na lang din akong nagtapon ng ginto kung gagawin ko 'yon." turan niya saka muling natawa. Ginaya niya pa ang pagkakasabi ko ng 'pakiusap'. Ano kaya ang tumatakbo sa isip niya? Kailangan kong gumawa ng paraan para mabilis na maubos ang clones na ginawa ng lalaki.



"At dahil naiinip na ako sa katigasan ng ulo mo, hindi na ako mag-aaksaya pa ng oras." patuloy niya at nabigla ako ng bitawan niya ang bola at dahan-dahan iyong nahulog sa lupa. Hindi pwede!



Agad akong naghagis ng apoy sa kinaroroonan nila at kasabay niyon ay sinalo ko ang bola gamit ang hangin. Nagulo naman sila kaya makukuha ko na sana ang bola pero mabilis iyong nakuha sa'kin nu'ng lalaki. Kaya niya ring gamitin ang mga elemento!



"Sugurin niyo sila!" sigaw ni Zino at mabilis na kumilos ang maraming clones para atakihin kami. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang pag-alis ni Zino kasama sina Efil at Lego na binuhat nu'ng lalaki.



Hahabulin ko sana sila pero mabilis akong hinarang ng dalawang clones. Ngumiti sila sa'kin at saka ako inatake. Para lang silang magkambal pero wala akong oras para makipaglaro sa kanila.



Itinaas ko ang mga kamay ko at dahil alam kong mga clones lang sila na gawa sa hangin, pinutok ko sila gamit ang apoy.



Hindi na ako nag-aksaya ng oras at hinabol sina Zino pero wala na sila sa paningin ko. Nasaan na sila? Hindi niya pwedeng makuha ang mga bihag. Kailangan ko silang mahanap.




"Aya!" maglalakad na sana ako nang marinig kong tawagin ako ni Vino. Pawis na pawis siya at halata ang takot at lungkot sa mga mata niya. Parang may hindi maganda, parang may mali.



"Nasa'n sila? Bakit hindi mo sila kasama? Baka hindi nila kayanin ang mga 'yon. Halika na, b-bumalik na tay---" napatigil ako sa pagsasalita nang bigla akong yakapin ni Vino ng mahigpit. Ayokong isipin na may maling nangyari dahil sa pagyakap niya sa'kin.



"A-ano ba! Bakit n-nagyayakapan lang tayo?! K-kailangan nila ang tulong natin!!" pilit ko siyang inilayo pero ayaw niyang umalis. Namalayan ko na lang na umiiyak na pala ako. Ayokong paniwalaan na tama nga ang nasa isip ko.



"Aya... I'm sorry..." malungkot na sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin. Napahagulgol na lang ako sa dibdib niya. Sapat na ang mga salitang iyon para malaman ko kung ano ang nangyari.




Ang sakit, sobra. Ang bigat sa dibdib.




Naging bato na si Selene at Inang Hiyas.




Tuluyan ng bumigay si Lego at namatay si Efil dahil sa pagprotekta niya kay Lego.




Wala na rin ang mga kaibigan kong sina Zay, Jerome, Asion, Blanca.




At kahit saglit ko lang na nakilala sina Fina at si Thead ay masakit pa rin sakit ang pagkawala nila.




Hawak na ulit ni Zino ang mga bihag.





Wala na ang mga taong isa sa mga dahilan kung bakit ako lumaban. 'Yung mga taong naniwala at nagtiwala sa'kin na magagawa ko ang isang bagay. Ngayon naisip ko, ano pa kayang puwang ko para mabuhay rito sa mundo?




Nawalan na ako ng mga magulang. Tapos ngayon nawala na rin sa'kin ang mga pinaghuhugutan ko ng lakas ng loob.




Wala na.




Hindi ko na alam kung kaya ko pa bang magpatuloy sa laban.








Pagod na pagod na ako. Lahat-lahat ng sakit na dinanas ko, sobra na.








Sobrang-sobra na.

;















Continue Reading

You'll Also Like

521K 13.6K 85
(Completed) Book 1 of TCPAA: Most Impressive Ranking #3 Fantasy Genre As she steps into the academy, a wave of unfamiliarity engulfs her. "Why am I h...
185K 5.2K 63
Minsan, iniisip nating alam na natin ang lahat. Pero paano kung malaman mong... Ang pinaniniwalaan mo pala simula pagkabata ay purong kasinungalingan...
38.7K 917 46
This is the Book 2 of Falling Inlove with my Enemy. Ako Nga pala si Alena Anak ni Gusion at Lesley at Ako ang Prinsesa ng Assassin World.
18.3K 896 53
Astrid Fay Velon a not so ordinary girl. She has the ability to see ghosts and life time marks of people, that are not normal in the eyes of others. ...