Aia's POV
Weeks passed at pinapatunayan naman ni Hans na karapat-dapat nga sya sa second chance na ibinigay ko.
Pero hindi pa rin ibig sabihin nun na bumalik na agad ang tiwala ko dahil aaminin kong hanggang ngayon ay puno pa rin ako ng pagdududa.Pero ginagawa naman nya ang lahat para maibalik iyo,hindi ko lang alam kung kelan.
Nagsimula na rin akong magtrabaho sa pastry shop ni Arnold at isa akong helper doon.Ayos naman ang takbo ng trabho ko dun kasi mababait naman ang mga katrabaho ko at nakakasundo ko sila maliban nalang kay Tiffy na lagi akong iniirapan.Sabi nila may gusto daw sya kay Arnold at nagseselos lamang ito dahil sa atensyon na ibinibigay ng huli sa akin.Tinatawanan ko na lamang iyon kasi magkaibigan lang kami.
At si Anika naman?Well,lagi ko syang kasama kasi bakasyon na sya.Nakakahiya na nga kung di lang dahil sa request ni Arnold na lagi ko itong isama.Okay lang naman ito kay Hans.
At si Cheska?Hindi ko alam.Wala akong naririnig na kahit anp tungkol sa kanya at wala rin akong balak.Galit ba ako sakanya?Oo,galit talaga ko sakanya.Tatanggapin ko naman ang sorry at paliwanag nya kung gagawin nya yun pero mas pinili nyang lumayo at kalimutan ang pagkakaibigan namin.Nakakalungkot lang at dito nauwi ang pagkakaibigan namin.
So all in all,bumabalik na sa dati ang lahat...
O akala ko lang???
"Mommy,bili mo ko nun!"turo ng anak ko sa ice cream
"Oh sige,pero mamaya na ah?Pag nadala natin to sa parlor"nakangiti kong sabi habang bitibit ang tatlong box ng macaroon
Bakit ang dami?May birtdeyan ata.hehe at Bakit ako ang may dala?Break rime ko kasi ngayon at nagyaya si Anika na gumala kaya isinabay ko na to.
Nang makalabas na kami nung parlor after makipagchikahan sa mga baklang parlorista na iyon ay naglakad na kami pabalik dun sa may ice cream stand.
Ang lapad ng ngiti ko nun pero unti-unti iyong nabura nang mula sa di kalayuan samen ay may nakita akong dalawang tao na kalalabas lamang ng isang clinic.At hindi iyon basta clinic dahil isa iyong OB-Gyne Clinic.
Agad na bumagal ang tibok ng puso ko at nanikip ang dibdib ko.Agad ding nag-init ang mga mata ko pero napigil iyon sandali dahil sa mahinang paghila sa kamay ko.
"Mommy,are you okay?"nag-aalalang tanong ni Anika
Nagpilit naman ako ng ngiti at tumingin sa kabilang kalsada ay nandun sila sa tapat ng fruit stand.Agad naman akong nakaramdam ng kaba at napatingin sa kasama ko.
"Anak halika,kain ka muna ng ice cream ah?Intayin mo ko dito ah?"sabi ko habang inaabot ang order nya
Tumango naman ito at sinimulan nang kainin ang ice cream.
Nang masiguro kong okay na sya ay agad kong hinanap ang dalawang taong nakita ko kanina.At hindi naman ako nabigo dahil nakita ko sila sa tapat namin.
Ang saya nila mukhang ginawa ka nanaman nilang tanga.At mukhang bubuo pa sila ng pamilya,bulong ng utak ko
Agad namang sumaklob ang labis na galit sa katawan at pag-iisip ko at agad akong lumiban kahit na may nadaan pang sasakyan.Hindi ko pinansin ang galit nila at tumuloy lamang sa pinag-ugatan ng galit ko.
"Hans"mahina kong sabi at pilit na kinakalma ang sarili ko
Gustung-gusto ko na silang pagsasampalin pero ayokong gumawa ng eksenang magpapahiya sakin.Tama nang magmukha akong tanga sa kanila huwag lang pati sa iba
Yung ngiti nila kanina nung di pa nila alam na nandito ako ay parang kidlat na nawala.Napalitan iyon ng gulat.
"B-beb,anong ginag-gawa mo dito?"utal-utal na sabi ni Hans
Ngumiti naman ako ng mapakla at matalim na tiningnan si Cheska pagkatapos ay ang tyan na na medyo may umbok na.Agad namang nagngalit ang kalooban ko pero pinilit ko pa rin iyong itinago.
"Beb,hayaan mo muna kong magpaliwanag"agad namang nagpanting ang tenga ko dun at agad ko syang nasampal ng malakas
"Ang kapal ng mga mukha nyo.Di pa kayo nakuntento sa kataksilang nagawa nyo at talagang bumuo pa kayo ng bastardo"mahina pero puno ng galit kong sabi
"Watch what your saying Aia!Anak ko to,I may be a slut pero wag mong idamay ang anak ko!"medyo malakas na sabi ni Cheska
Okay,ngayon nakakakuha na kami ng atensyon.
"Marie,please.Wag dito"bulong ni Hans at hinawakan ako sa braso
Pero tinanggal ko iyong madali.Para akong nandidiri sa ginawa nya.
"Bakit?!Nahihiya ka?Nahihiya kang malaman nila na matapos kang patawarin ng asawa mo dahil sa ginawa nyong pagtataksil ng best friend nya ay nagawa nyo pa rin syang lokohin?At ang malala pa dun,nag-anak pa kayo!"sigaw ko
Okay,masarap pala sa pakiramdam yung feeling na napapahiya sila sa iba.Napatingin naman sila sa mga taong nakakapanuod ng palabas namin.Mga bulungang umaabot naman sa pandinig namin at mga tinging mapanghusga ang pumukol sa kanila.
"Marie..."pero inunahan ko na sya
Ayoko nang makarinig na kahit na ano sa kanya.Ayoko ng magpakatanga.
"Ayoko na Hans.Sawang-sawa na ko.Kung inaakala mong magpapakatanga pa ko sainyo,nagkakamali kayo"tumigil saglit at hinugot ang singsing ko
"Marie"hahawakan sana ulit ako ni Hans pero lumayo ako
Ipinakita ko naman ang singsing na tinanggal ko"Ayoko na,tapusin na natin to.Magsama kayo kung gusto nyo,magpakasaya kayo hanggat kaya nyo.Basta wag nyo na kaming gagambalain ng anak ko"yun lang at ibinagsak ko na ang singsing ko
Ang bagay na nagpapatunay na pinagbuklod na nga kami,binitawan ko na.Patunay ng pagsuko ko.
Tatalikod na sana ko kaso hinablot nya ko sa braso"Marie"puno ng kalungkutan nyang sabi
Gusto kong umiyak,pero ayokong ipakita sa kanila na nagtagumpay silang saktan ako.Lalo na kay Cheska, ang ahas kong kaibigan.
Magsasalita pa sana ko nang mas malakas na sigaw kaming narinig"Yung bata!"
"Mommy!"sigaw ng maliit na boses
At sumunod niyon ay isang malakas at nakakapanghilakbot na ingay...
BBBBEEEEEEPPPPPPPP!!!!
SCREEEEECCCHHH!!!!
BOOOGSH!!
Nanigas ang katawan ko sa narinig kong iyon.Hindi ko magawang igalaw ang katawan ko at tignan ang nangyari.
Tinignan ko si Hans at halo-halong emosyon ang nakapinta sa mukha nya.Lungkot,galit,takot at pagkagulat.
Parang slow mo ang lahat.Ang pagbitaw nya saken,ang pagtakbo nya at ng iba pang tao doon.Nakita ko rin ang reaksiyon ni Cheska at nandoon ang gulat at takot.
Sa wakas ay nagawa ko nang maigalaw ang katawan ko.At hiniling ko na sana'y hindi ko na lamang ginawa.Agad na dumaloy ang masaganang luha sa mga mata ko.Sumikip ang dibdib ko at nanlambot ang mga tuhod.
Pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa sa nakita ko.Ang nagkakaisang magiging dahilan ko para mabuhay pa,ayun at buhat ng kanyang ama.Puno ng dugo ang kulay puti nyang bestida at nakasarado ang mga mata.
Kahit nanghihina ako ay pinilit kong makalapit.Isinasakay na sya sa isang jeep na wala pang laman.Agad akong sumakay at kinuha sya at niyakap nang mahigpit.
"Anika!"iyak ko
Tinignan ko ang kanyang mukha.May malaki iyong basag sa ulo at may mga sugat.Nanginginig kong kinapkap ang pulso nya sa leeg.Mahina na iyon.
"Hindi,hindi.Wag Anika,wag mong gawin to.Diba sabi ko sa'yo intayin mo ko?Bakit ka sumunod?Anika!"malakas kong iyak
Gusto ko syang yugyugin pero natatakot ako na baka mas lalong lumala ang kondisyon nya kaya niyakap ko na lamang siya at umiyak.
Nakaramdam naman ako ng yakap.Pagtingin ko ay si Hans iyon,umiiyak din sya.Gusto ko syang itaboy pero wala akong panahon para gawin iyon.
"Anika,please wag"hirap na hirap kong sabi
Please Lord,wag po sya.Ako nalang po,wag lang po sya.Please,pipi kong dasal
*-*-*-*-*-*
A/N:
Will Anika leave?Yes or No? :-(