La Cuevas #3: Beautiful Scars

By Jojissi

1.6M 50K 15.8K

COMPLETED | UNEDITED After an unfortunate incident 18 years ago, Sadie Trinity is now back in La Cuevas, to f... More

BEAUTIFUL SCARS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
EPILOGUE 1/2
EPILOGUE 2/2
Special Chapter

Chapter 36

30.6K 896 130
By Jojissi

"Are you out of your mind?" halos pabulong na anas ko nang ibaba ni Luke ang telepono habang nagda-drive.




Hindi niya ako pinansin. Katatapos niya lang kausapin ang manager nila at narinig ko na nag-request siyang paalisin na si Jerimiah sa event! Hindi ko nga alam kung request pa ba iyon o utos na. May karapatan ba siyang gawin iyon? Sa sobrang seryoso niya ay natakot na lang akong makielam kanina.




Hindi ako makapaniwala na sa lahat ng nangyari at pagsisiksik ko sa utak ko na wala na kaming dapat pang pag-usapan, ay narito ako ngayon sa sasakiyan ni Luke.




Matapos ang insidente kanina roon sa plaza, ay nakilala ng mga malapit na tao roon si Luke. Kaagad namang nawala sa lugar si Jerimiah nang magsimulang magkumpulan ang mga tao roon. Sa sobrang bilis ng pangyayari, ay naalala ko na lang na tumatakbo kami ni Luke habang hila niya ako diretso rito sa parking kung nasaan ang sasakiyan niya.




"Where are you taking me?" Sinikap kong lakasan ang boses ko.




Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa nangyari kanina? Sa takot na baka makaapekto iyon sa career niya at kay Jerimiah, o dahil sa katotohanang nasa iisang sasakiyan kami ngayon?




Kinain ng katahimikan ang sasakiyan nang hindi na naman siya sumagot. Naiinis ako at gusto kong magalit sa inaasta niya, pero pinili ko na lamang manahimik dahil may tinawagan na naman siya sa kaniyang cellphone.




"Mang Larry,"




Napalingon ako sa kaniya nang banggitin niya iyon. Larry? Iyon bang guard ko ang tinutukoy niya? Kilala niya si kuya Larry?




"Kasama ko ho siya.. hindi rin kami magtatagal.. salamat." Nang ibaba niya ang telepono ay hindi ko na napigilang mag tanong muli.




"Is that my guard?" I asked. This time, tumango na siya pero nasa daan pa rin ang tingin. "Saan ba kasi tayo pupunta? I came there as a medic volunteer, hindi ako puwedeng umalis!" Katuwiran ko.





Kumunot lamang ang noo niya at humigpit ang kapit sa manibela. Hayon na naman iyong bumubukol niyang mga ugat sa kamay hanggang siko. Natatakpan na kasi ng sleves niya ang iba kaya hindi ko na masilayan. Ilang segundo akong napatitig doon hanggang sa mapalunok at mag-iwas ng tingin. Damn, they seem better looking now. I wonder how easy it is to try— hindi ko na naituloy ang iniisip nang bigla kaming makarinig ng wirdong ingay.




Napakurap ako at naestatwa sa kinauupoan ko nang maramdamang natigilan din si Luke. Kapwa kami tahimik na parang may dumaang anghel. Ako naman ay halata na ang pamumula at labis na pagkahiya habang kinukumbinsi ang sarili ko na hindi sa tiyan ko galing ang ingay na iyon. Pero nang muling kumalam ang sikmura ko ay hindi na ako nakatiis. Napapikit ako at naaasiwa siyang tinignan.




Nagsalubong ang mga mata namin, galing sa tiyan ko ang paningin niya bago nag-angat sa mukha ko kaya sinadya niyang umubo siya ng mahina bago muling humarap sa daan. "Let's eat lunch first," aniya nang hindi ako tinitignan.




"Kakain naman talaga dapat ako kung hindi lang kayo sumulpot na dalawa!" Asik ko at inirapan siya. Ipinatong ko ang siko ko sa may bintana at hinawakan ang aking kanang sentido. Kung pupuwede lang akong kainin ng upoan ko ngayon ay kanina pa ako nag palamon.




"Then you should've went out of there before he could even corner you." Sagot naman niya.




Iritado ko siyang nilingon. "Sa tingin mo hindi ko ginawa? I was about to exit the plaza—"




"Where do you want to eat?"




Napamaang ako sa kaniya. "I'm not eating with you. Ibaba mo na ako—"




"Is fast food restaurant okay? Mcdo ang pinaka malapit." Putol niya ulit sa sasabihin ko kaya mas lalo akong napikon. Kahit gaano pala katagal akong pagsikapan na ayusin ang anger Management issues ko ay wala iyong kwenta kapag siya ang kausap ko. O baka gutom lang ako kaya mainit ang ulo ko?




"I said I'm not eating with you, bakit ba ang kulit mo?!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.




Natahimik siya at bumuntong hininga. Isang beses niya akong sinulyapan sa pagod na mga mata kaya nagulat ako. "When do you plan to talk to me?" Tanong niya sa mahinahon na tono.




Hindi ako kaagad nakapag-salita. Nag-iwas ako ng tingin at inayos ang aking pagkakaupo. Kung wala lang pala akong seatbelt ay kanina ko pa naabot ang buhok niya sa iritasiyon.




"Sinabi ko na sa'yo, wala tayong dapat pag-usapan. Hindi naman kailangan na sa'yo manggaling ang impormasyon."




Natanaw ko na ang fast food restaurant sa harap kaya natanto kong wala na akong magagawa. Huminto kami sa harap noon nang itabi niya ang sasakiyan, ang akala ko ay dederetso siya sa parking na nasa likod, pero nang patayin niya ang makina at humarap sa akin ay naestatwa ako sa kinauupoan.




"Sadie, si Benjie ang pumatay sa nanay Ida mo.."




Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng panlalamig ko. Sa hindi malamang kadahilanan ay tila wala akong narinig. Namamanhid ang ulo ko at hindi ako makagalaw. Tanging malakas at mabilis na pag pintig lamang ng puso ko ang umaalingawngaw sa aking pandinig.



Gulat ko siyang nilingon sa nanginginig na mga mata. "A-ano?" Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ko para makapagsalita. "Ano'ng sinabi mo?"




Tinitigan niya ako, hindi makasagot. Napakurap ako kasabay ng pamamara ng aking lalamunan. Nag-iwas ako ng tingin para itago ang hindi ko mawaring ekspresiyon.




"Sigurado ka ba diyan? Luke, hindi ako nakikipagbiruan!" Asik ko.




Kahit nahihirapan akong igalaw ang mga mata, ay sinikap kong lingunin siya. Nagtama muli ang paningin namin ni Luke at kita ko ang paninimbang doon.





"I'm sorry.." iyon lang ang kinailangan kong marinig para manginig ang mga balikat ko.





Umawang ang labi ko upang magsalita pero wala akong nasabi. Nanatili akong gulat at tuloy-tuloy ang paggapang ng kaba sa katawan ko. Pakiramdam ko ay inuubos ako kada segundo, dahilan para mahilo ako. Pumikit ako at kumapit sa seatbelt.




"Sadie," naramdaman ko ang init ng mga palad niya nang sakupin nito ang magkabilang pisngi ko. Hirap kong iminulat ang aking mga mata, at kasabay niyon ang pagbabadya ng mga luha. Nagulat siya nang makita iyon kay suminghap ako at nag-iwas ng tingin. "Sadie.." he called again.




Hinawi ko ang mga kamay niya at sa wakas ay nagawa kong gumalaw. Umayos ako ng pagkakaupo at pinalis ang sariling luha. Hindi ko alam ang sasabihin. Noon ko lang din napansin na nakakuyom na ang mga kamao ko sa aking hita. Lumunok ako at napatitig sa mga sasakiyang dumadaan.




"Of all people.." bakit siya pa? Bulong ko sa sarili. Hindi ko matapos ang nais sabihin dahil batid kong pipiyok lang ako.




Masakit. Dinoble yata ang sakit ng katotohanang siya pa. Bakit? Kilala niya si nanay Ida. Wala itong masamang ginawa sa kaniya.. kaya bakit? Sinikap kong hindi maiyak. Ayoko nang umiyak.




"I recently found out that he's been working under Ray's family." Kumunot ang noo ko. "The Tajis are a big local syndicate along with the former congressman Lavarias. They're involve with drugs, corruption, prosti—"




"S-stop," pigil ko at ipinilig ang ulo. Aaminin ko na noong huli ko siyang makita ay may kaunti pa rin sa akin ang umaasang magbabago pa siya, pero ang pumatay? At nanay ko pa! Parang ayaw tanggapin ng sistema ko. Ang sakit, hindi ako makapaniwala.




Hindi na siya nagsalita. Nanatili kami sa ganoong ayos. Nag-iisip ako habang ramdam ang mga mata niyang matamang nakatingin sa akin. Ilang minuto kaming hindi nagkibuan hanggang sa maramdaman kong mabuhay ang makina.


Hindi ko alam kung paano tatanggapin. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako na sinabi niya, o magsisisi na ginusto ko pang malaman. Hindi ako natutuwa. Galit na galit ako, iyon ang alam ko. Gusto kong manakit, at kung pupwede lang akong pumatay ay ginawa ko na rin. Pero hindi ako kasing sahol niya. Malayo ako do'n. Gusto kong kumilos kung hindi siya mahanap ng mga pulis, pero ano'ng nagagawa ko? Kung paiiralin ko ang galit ko ay wala rin naman iyong mabuting maidudulot.




Napaisip ako na iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi sinasabi sa akin ng pamilya ko ang tungkol doon. Marahil ay sinabi na sa kanila ni Luke ang nakaraan namin ni Benjie, at kung hindi ako nagkakamali, ay isinaalang-alang nila ang mararamdaman ko. At hindi sila nagkamali, dahil kung magkataong malaman ko ito habang unti-unti akong nauubos noon, ay baka nga hindi ko na talaga kinaya.




Sa kaloob-looban ko ay tila gumuguho na naman ako. Ikinuyom ko ng mariin ang kamao ko para sikaping huwag mabuwag. Nagtagis ang mga ngipin ko sa isiping nagkamali ako.. nagkamali ako nang isipin kong tapos na ang lahat at panahon na para magpahinga. Dahil kailan man ay hindi ako matatahimik hangga't hindi sila nagbabayad lahat sa mga kasalanan nila.




Nagmulat ako ng mata at natantong dumiretso kami sa drive thru ng Mcdo. Bumuntong hininga ako at nahagip ng mata ko mula sa rearview mirror ang bote ng tubig sa backseat. Nilingon ko iyon at inalis ang seatbelt ko. Napansin yata iyon ni Luke kaya napalingon siya sa akin habang pumipila sa mga sasakiyang nauna sa amin.




"Where are you going?" Takang tanong niya. Hindi ako sumagot. Isiniksik ko ang sarili ko sa gitna ng mga upoan namin, dahilan para halos dumikit na ang balat ko sa kaniya. Hindi man lang siya umusog paurong para mabigyan ako ng daan, hinayaan niyang magtama ang mga balikat namin habang inaabot ko ang tubig.




Hindi ko na iyon pinansin. Nang makuha ko ang tubig ay nakita kong kalahati na lang ang laman.




"It's mine. You can drink that." Sabi niya.




Lalo lang akong nawalan ng gana na inumin iyon. Pero dahil sa sakit ng ulo ko ay kailangan ko talagang mag hydrate ng katawan. Bumuntong hininga ako at hindi na nagdalawang isip na inumin iyon. Bumagal pa ang paglunok ko nang malasahan ang tila menthol na bibig ng bote.




"You should've just said you wanted to drink. Nahirapan ka pang kuhanin.." puna niya.




Ibinato ko pabalik sa likod ang bote ng hindi siya tinitignan. Nang kami na ang oorder ay tinanong niya ako kung ano'ng gusto ko.




"Kahit ano. Make it fifteen." Sabi ko. Tutal ay sigurado naman akong siya ang magbabayad, ay lulubusin ko na. Nilingon ko siya nang hindi ako makatanggap ng tugon. Nakatingin lamang siya sa akin at sa tiyan ko na parang hindi makapaniwalang kaya kong ubusin iyon.




"Walo ang guards ko, anim ang red cross volunteers at may isa silang driver." Paliwanag ko.




Dahan-dahan naman siyang tumango at nag abot ng isang itim na mask mula sa glove at isinuot iyon. Bago binuksan ang bintana niya. Pumili siya ng isang set ng meal at ginawa iyong labing anim, para siguro sa kaniya.




Hindi na ako nagsalita pa at hinintay na lang na makuha namin ang mga inorder niya sa huling station. Nang matapos ay kaagad din kaming bumalik sa plaza.




Hindi ako nagsalita nang sumama siya hanggang sa station namin. Nagulat ang mga volunteers dahil sa dala kong pagkain, pero hindi nila nakilala si Luke dahil sa suot nito.




"Naku! Doc, nag-abala ka pa.."




"Thank you po, Doc!"




"Wow.. gusto ko niyan,"




Ngumiti ako at sinabing ayos lang. Pati ang mga guards ay nag-aalangan pa noong una, pero nang sabay-sabay kaming kumain sa lamesa at mamataan ko ang pagtango ni Luke sa kanila ay napilitan na rin silang kumain. I suddenly thought if they really know him? Or they were close to him para sundin siya ng mga ito? Nagkibit na lamang ako ng balikat.




Kanina ko pa inoobserbahan si Luke kahit hindi ako makatingin. At mula sa peripheral vision ko, ay batid kong hindi naalis ang tingin niya sa akin. Lumapit siya at naglagay ng upoan sa tabi ko kaya hindi ako naging komportable. Isang beses ko siyang binalingan at kunot noong tinignan.





"I'll eat here." He said obviously.




"Hindi ka ba hahanapin sa office? Bakit hindi ka namang doon kumain?"




Napatitig siya sa akin at sa mga kasamahan namin na natahimik. Siguradong narinig nila iyon, aminado pa naman akong hindi maganda ang tono ng pagkakasabi ko. Maging ako ay hindi na nakapag-isip bago sabihin iyon. Bigla tuloy akong na guilty, pero wala na akong magagawa.




"I-I mean.. how will you eat with your mask.." hininaan ko ang boses ko para hindi nila marinig. Paano siya makakakain kung nakasuot ang kaniuang mask, hindi ba? Kung aalisin niya naman ito ay baka makilala siya. Baka dumugin kami, o.. makasama iyon sa career niya.




Itinuon ko ang pansin ko sa karton ng pagkain na nasa harap. Paano ba ako kakain kung ganiyan siyang makatingin?




"I'll just eat in my car then." Napakurap ako at mabilis na nag-angat ng tingin sa kaniya. What? "Babalik na lang ako kapag tapos ka na.. at.. mag-uusap tayo." Sabi niya.




Napaawang ang labi ko para pigilan siya pero mabilis na siyang tumayo at tahimik na nag-paalam sa mga kasama ko. Ang mga ito naman ay tahimik din at nahihiyang tumango sa kaniya. Umalis si Luke bitbit ang sariling pagkain habang hindi ko malaman ang gagawin.




He's really crazy, why would he eat inside his car? Ang sabi ko ay sa office na siya kumain! Why does he have to make me feel guilty? Or is he not? Talagang guilty lang ako? But I was just worried that these people would recognize him!




Nang hindi na ako makapagpigil ay napabuntong hininga ako at nagpaalam sa mga kasama kong sa labas na rin ako kakain.




"Excuse me.."




Napaangat din ng tingin ang mga guards kaya mabilis ko silang pinigilan.




"N-no! I'm fine, kumain lang kayo diyan." Sabi ko pero tumayo na sila at mabilis na uminom. "Seriously, diyan lang naman ako, you can finish your foo—"




"Saan po kayo, ma'am?" Tanong ni kuya Larry.




Napalunok ako at nag-aalangang sumagot. "Uh.. d-doon kay, uh, Luke.. sa kotse niya.." hindi ko alam kung bakit ako nahihiya. Naramdaman kong nag-init ang mga pisngi ko kaya hindi ko na hinintay ang isasagot nila. Tumalikod ako at mabilis na naglakad pabalik sa parking.




Nang lingunin ko sila ay nakita kong nakasunod sila sa akin. Napailing ako at binilisan ang paglalakad. Narating ko ang parking nang hindi sila lumalapit sa akin. Nang matanaw ko ang pamilyar na blue metallic tesla na sinakyan ko kanina. Nag-iisa iyon at walang katulad sa parking kaya madali kong nahanap. Napansin ko rin na bagay sa kaniya iyon, hindi ko sigurado kung model S ba iyon pero mukha ngang ganoon.




Heavily tinted ang sasakiyan, kaya nagulat ako na nang hindi pa ako tuluyang nakakatapat sa pintuan ng shotgun ay narinig ko nang bumukas iyon.




Gamit ang isang kamay ay binuksan ko iyon at padabog na pumasok. Nakita ko namang nagmamasid ang mga guards sa di kalayuan. Nang mapansin ni Luke na tinitignan ko sila, ay tahimik niyang kinuha ang cellphone niya at idinial ang number siguro ni kuya Larry.




"Mang Larry, ayos lang po.. sige," sabi niya at ibinaba na ang telepono. Ganoon na rin ang pagpanatag ng loob ko nang umurong na sina kuya Larry at bumalik na siguro sa station para ipagpatuloy ang pagkain.




Nang balutin na naman ng katahimikan ang kotse niya, ay tsaka lang ako ulit nakaramdam ng hiya. Bakit ako sumunod? Bakit ako pumasok dito? Bakit dala ko ang pagkain ko at balak ko bang samahan siya rito?! Bakit?!




Nang maramdaman ko ang mataman niyang tingin ay sinikap kong hindi siya lingunin. Nasa hita niya ang pagkain niya at ako ay hawak ko pa. Nagpilit ako ng ubo bago ilapag din sa hita ko ang karton ng mcdo.




"Let's make it quick," sabi ko bago iyon binuksan.




"What?"




Nilingon ko siya, kunot ang noo. "I said let's make it quick." Pag-uulit ko. Bukod sa gutom na ako ay tama siya, may pag-uusapan pa kami. Kailangan ko lang ng lakas para i-absorb ang lahat ng iyon.




Nang hindi siya gumalaw at nanatili ang mapaglaro niyang ngisi sa labi ay lalo akong naguluhan. Hindi ako nakakain kaagad dahil nakipagtagisan pa ako ng titig sa kaniya. What the fuck is wrong with him?!




"What do you mean by 'let's make it quick', Sadie?" He said pursing his lips. Sinundan iyon ng mga mata ko at kaagad na naibalik sa nanunuya niyang mga mata. Huli na nang mapagtanto ko ang naglalaro sa isipan niya. Nanlaki ang mga mata ko at umakyat yata ang mga dugo ko sa mukha.




"I said let's eat quickly! What are you thinking?" Bakas na ang hiya at iritasyon sa boses ko. Ano bang klaseng utak mayroon ito?!




Nagtaas siya ng kilay at ngumisi. "What do you think I'm thinking?"




"Ewan ko sa'yo?! Utak ko ba iyan?!"




Pilit kong kinunot ang noo ko habang siya ay nakataas pa rin ang isang kilay at lalo pang napangisi. He nodded slowly before licking his lower lip. And just like earlier, my eyes followed the swift movement of his tongue. Didn't we had our first kiss inside a car too? Nag-init ang pisngi ko sa iniisip.




"You should eat too, and stop seducing me with your eyes." Sabi niya na tila nagpabaliktad sa sikmura ko. Stop what?! I'm not even a bit interested! Not at all!




Ayoko nang kumain, wala na akong gana.




JOJISSI

Continue Reading

You'll Also Like

2.6K 62 2
Wicked Girls Edition #2
13.7K 519 17
Julia don't believe in love, not until Aries effortlessly sent her tingling sensations. Eventually, even without trying, she fell. Aries Chase was th...
1.9M 54.4K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
461K 9K 43
Chandria Clara Contreras who seeks for the love of her father. Habang nasa proseso siya ng pakikipagkita sa kanyang Ama, iba ang nakita niya. A man w...