Make The Boyish Fall In Love✓

By Hanse_Pen

18.1K 657 217

Marienne Aecy Chandria Ramos is a boyish type of a person. Zhyro Blaine Acosta wants to make her fall in love... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 7

402 26 15
By Hanse_Pen

Marienne Aecy Chandria's Point of View

"Okay, guys, walang kakabahan, hah? Para hindi magulo ang performance natin. Walang kakabahan. Dapat kalmado lang tayong lahat kapag nasa stage na at Mac siguro naman ay hindi ka uminom ng malamig kagabi at kanina, 'di ba? For sure hindi kasi pinabantayan kita sa kakambal mo. Lyndon, Ram at Zac, ayusin nating lahat, ah? Dapat sabay na sabay tayo sa kanta ni Mac. Okay, hingang malalim dahil malapit na tayong sumalang," sabi ni JV at alanganing ngumiti sa amin. Para siyang tanga kasi sabi siya ng sabi na huwag kakabahan pero siya mismo kinakabahan na. Natawa ako dahil para siyang nakakain ng siling maahang at walang inumin. Nahalata ko rin na namamawis na ang kaniyang kamay na palagi niyang pinupunasan ng towel. Seryoso? Ganito ba talaga kabahan si JV?

"Easy ka lang, JV. Ikaw ang kinakabahan sa atin, eh. Magtiwala kang mananalo na tayo ngayong taon. Oh, magtubig ka muna para naman mabawasan iyang kaba mo," sabi ni Ram at inabutan ng tubig si JV na kaagad namang kinuha ng kinakabahan naming leader. Halos hindi niya pa mabuksan ng maayos ang takip kaya si Ram na ang nagbukas.

Si JV, Ram and Lyndon ay 17 years old na pero ayaw nilang magpatawag ng Kuya kasi nakakatanda raw 'yon, tsk. Grade 10 din silang tatlo pero magkaiba kami ng section. Matalino si JV at Ram, samantalang si Lyndon naman ay nasa pinakamababang section. Hindi dahil sa hindi siya matalino ay naroon siya sa section na iyon dahil siya mismo ang nagrequest. Kami naman ni Zac ay nasa panggitna na section.

Napalingon-lingon ako sa paligid at hindi sinasadyang may mahagip ang mata ko. Tangina, si Cid ba 'yon?

Pinaliit ko ng kaunti ang mata ko at putangina, si Cid nga. Ano'ng ginagawa ng gagong 'yan dito? Akala ko ba ay nasa Mindoro iyan? Kailan pa napadpad ang isang 'yan dito? Aba'y kailangang malaman ito ni Zac.

"Tangina, Zac! Zac! Gago! Zac!"

"Tangina mo, Mac. Ang ingay-ingay mo. Ano bang problema mo riyan at kung makasigaw ka akala mo katapusan na ng mundo," naiinis niyang saad at tinanggal ang kamay kong nakasabunot sa buhok niya.

"Hindi katapusan ng mundo, Zac. Katapusan mo."

"Huh? Sinasabi mo riyan? Nababaliw ka na naman ba, Mac?" Naiinis niyang tanong.

"Powta, Zac. Nakita ko si Cid."

"Cid? Sinong Cid?" Tanong niya habang nakakunot ang noo na akala mo ay hindi kilala ang tinutukoy kong tao. At kailan pa naging makakalimutan ang kakambal ko?

"Anak ka talaga ng kagang! Pa-inosente lang, dre? Si Cid, 'yong best friend mong sumulot sa sira-ulo mong jowa."

Dahil sa sinabi ko ay natahimik siya bigla at parang lumilipad na ang kaniyang isip. Tsk, problema 'to panigurado. Bwisit kasi, eh. Ano ba kasing ginagawa ng gunggong na 'yan dito? Batukan ko kaya para umalis? Bad trip tuloy kambal ko. Sapakin ko 'yon, eh. O kaya naman ay sipain ko siya pabalik sa probinsya para hindi niya na kami makita.

Ano? Hiwalay na ba sila ng malantod niyang jowa? Aba'y pareho ko silang masasapak! Pagkatapos magparaya ng kapatid ko sa kanilang dalawa ay maghihiwalay na lang sila na parang wala lang? Pagkatapos kong makita kung gaano nasaktan ang kapatid ko dahil sa kanilang dalawa? Aba'y hindi puwede sa akin 'yon.

"Oh, Zac, okay ka lang? May nangyari ba sa iyo?" tanong ni Ram at himala kasi wala siyang kinakain na lollipop. Agad siyang lumapit sa amin nang makita niyang tulala si Zac.

"Ayos lang ako, Ram," malamig na sagot ni Zac matapos bumalik sa kaniyang sarili. Tumalikod ito sa amin at nagsimulang maglakad papalayo. Tumingin naman sa akin si Ram na para bang naguguluhan.

"Ano'ng nangyari do'n, Mac?" Tanong uli ni Ram at may kinuha sa kaniyang bulsa. Tsk, mali ako kasi kumuha siya ng lollipop sa kaniyang bulsa at binalatan sabay subo. Nagkibit-balikat ako at inakbayan siya.

"May gago kasi kaming nakita dito."

"Gago? Sino?" Tanong naman ni Lyndon na papalapit sa amin at humikab na naman. Antok ka, pre? Aba'y matulog ka muna at baka bigla ka na lang bumagsak mamaya kapag tayo na ang tutugtog.

"'Yong gago niyang best friend na sa kasamaang palad ay best friend ko rin. Gago 'yon, animal pa."

"Best friend naman pala. Bakit gago?" Tanong JV at halatang kabado pa rin, tumabi ito kay Lyndon at hawak niya pa rin ng bottled water.

"Ah, basta, gago 'yon. Putangina 'yon. Abnormal 'yon. Hayop 'yon. B'wisit 'yon. Tanga-tanga 'yong tanginang gagong hayop na b'wisit na hinyupak na lalaking 'yon."

"Woiii easy ka lang, Mac," natatawang sabi sa akin ni Ram ngunit parang nahawa na rin ako kay Zac dahil sa galit na nararamdaman niya ngayon.

Sino nga naman ang hindi magagalit kung iyong taong pinagkakatiwalaan mo ay trinaydor ka ng patalikod?

"Bad trip!"

Umalis na lang ako roon at hinanap si Zac. Baka magpakamatay pa ang gago. Mamaya pa naman kami magpeperform dahil halos sampo kaming lalaban. Teka, nasaan na ba kasi ang orangutan na 'yon? Bigla na lang magwawalk out, nakakainis! Baka ako pa ang pagalitan ng mga Kuya kapag nalaman nilang nawawala ang unggoy kong kakambal.

Pumunta ako sa likod ng venue ng event at nag-ikot-ikot, patuloy na hinanap si Zac. Nasaan na ba kasi? Kapag 'yon nakita ko babatukan ko talaga 'yon ng kaliwa't-kanan left and right. Aba'y pinapagod ako makahanap lang siya. Sasapakin ko rin si Cid dahil sa ginawa niya.

"Zac!"

Nakita ko siya sa ilalim ng puno habang nakatanaw sa malayo. Siguro iniisip niya na naman ang nangyari. Hindi niya naman kailangang isipin iyon dahil matagal nang tapos iyon. Siguro ay hindi pa siya nakakamove on kaya ganito ngunit bata pa naman ang kakambal ko, may mahahanap pa siyang mas matino kaysa sa haliparot na iyon.

Napalingon siya sa akin ngunit wala pa ring nagbago sa emosyon niya, malamig pa rin, malayong-malayo sa Zac na kilala namin. Kung tutuusin ay hindi niya na dapat iniisip ang nangyari sa kanilang tatlo. Ang dapat niya na lang gawin ngayon ay magmove on. Ipagpatuloy lang ang buhay kahit wala ang dalawang iyon. Isa rin ito sa dahilan kung bakit naisipan ni Kuya Levi na lumuwas. Gabi-gabi niya kasing naririnig ang iyak ni Zac kaya napagpasyahan niyang pumunta kami rito upang makalimot ang kakambal ko.

"Mac," tawag niya sa pangalan ko nang makita akong papalapit sa kaniya.

"Tara na sa loob, magsisimula na ang event. Baka mas lalong kabahan si JV kapag hindi niya tayo makita sa loob."

"Mauna ka na, Mac. Magpapahangin lang muna ako rito," sabi niya at muling tumingin sa langit.  Napabuntong-hininga na lamang ako at tumabi ng upo sa kaniya. Inakbayan ko siya at agad niya namang isinandal ang ulo sa aking balikat. Gusto kong tulungan ang kakambal ko. Alam kong sa kabila ng mga ngiti at tawa niya ay nakakubli ang sakit na idinulot ng dalawang taong malapit sa kaniya. Tuwing umiiyak siya ay hindi ko rin mapigilan na umiyak. Kakambal ko 'to, hindi dapat 'to ginaganito ng ibang tao.

Saksi ako kung gaano kamahal ng kakambal ko ang haliparot na iyon. Kahit hindi na siya kumain ng tanghalian, basta mabilihan niya lamang ng mga mamahaling pagkain ang ex niya. Una pa lang ay sinabihan ko na siya na masasaktan lang siya sa babaeng iyon ngunit hindi siya nakikinig sa akin. Wala akong nagawa noong panahong natuklasan niya ang relasyon ng haliparot na iyon at ni Cid. Wasak na wasak ang kambal ko.

"Zac... Mac..." Sabay kaming napalingon ni Zac sa nagsalita at doon ay nakita si Cid na nakatingin sa amin, isang malamig na tingin lamang ang iginanti namin sa kaniya.

Ano naman ang ginagawa ng gagong 'yan dito at talagang sinundan pa kami? Aba'y gusto niya talaga yatang humiga sa hospital bed.

"What?" Malamig na tanong ni Zac na siyang ikinagulat ni Cid. Ngayon niya lang kasi narinig na ganoon ang boses ni Zac.

"Zac, let's talk," sabi ni Cid at umungos lang si Zac. Halatang ayaw makita si Cid.

"I don't want to talk to you, Cid. Could you please leave?" Naiinis na tanong ni Zac.

"Zac, please. I just want to talk to you, bro," naluluhang saad ni Cid.

Tangina, ano'ng karapatan niyang umiyak gayong siya itong may kasalanan sa kanilang dalawa ni Zac? Kapag ako talaga hindi nakapagtimpi uumpugin ko ulo nito.

"I said I don't want to talk to you so leave the fuck us alone. I don't want to see you, don't show your face to me anymore," malakas na sigaw ni Zac at ramdam na ramdam ko ang galit doon kaya naman hinawakan ko ito sa kaniyang balikat upang mapakalma.

"Hinayupak ka, Cid, umalis ka na rito at baka mabangasan ko pa 'yang pagmumukha mong gago ka! Hangga't kaya kong pigilan ang sarili ko ay umalis ka sa harapan namin. Kilala mo ako at alam mo ang kaya kong gawin."

Walang nagawa si Cid kaya umalis na lang siya, tumingin pa muna ito saglit kay Zac bago tumalikod at nagsimulang maglakad papalayo. Umakbay muli ako kay Zac at tinatap ang kaniyang balikat. Alam ko ang nararamdaman ni Zac, mas malala pa rito ang naranasan niya noong trinaydor siya ni Cid. Si Cid na pinagkakatiwalaan niya ngunit inahas naman siya. Kahit ako naman ay hindi makapaniwala na kaya niya iyon na gawin.

"Okay ka lang, Zac?"

"I don't know, Mac. Hindi ko aakalaing magkikita kami rito. Alam nating pareho na nasa probinsya siya kaya nagtataka ako kung ano'ng ginagawa ng hayop na iyon dito," sagot niya.

"Naka-move on ka na ba? Nakakabawi kana naman, 'di ba?"

"Hindi pa, but I'm hoping that someday, magigising na lang ako na wala na 'yong sakit na ibinigay nila sa akin. Na someday kaya ko na silang harapin na hindi na ako nasasaktan. I'm hoping, Mac. Masyado ko silang mahal pareho, pero ganito lang ang iginanti nila sa akin," sagot niya. Niyakap ko si Zac dahil ito lang ang alam kong makakatulong sa kaniya ngayon.

"Gusto mo ba bangasan ko ang mukha ng lalaking 'yon? Gusto mo bang sundan ko siya at tambangan?"

"Talaga? Gagawin mo 'yon?"

"Oo naman! Aba! Kahit palagi kitang binubully, ayaw ko namang nasasaktan ka ng ibang tao 'no! Zac, mahal kita, hindi lang halata pero mahal talaga kita. Kayo lang nila Kuya ang mayroon ako kaya dapat lang na protektahan ko rin kayo gaya ng pagprotekta niyo sa akin. Hindi mo deserve ang sakit na nararamdaman mo ngayon."

"Thanks, Mac. You're the best sister I ever had in the world," nakangiti niyang saad kaya napangiti na lang din ako. Ito ang gusto ko, makitang nakangiti muli si Zac. Hindi kasi ako sanay na cold siya sa ibang tao.

"Tangina mo! Malamang ako lang naman babae mong kapatid."

"Kidding aside, sis, pero thank you talaga," sincere niyang saad.

"Hmm, okay lang 'yon. Kakambal kita, Zac, at ayaw kong nasasaktan ng ibang tao ang kakambal ko."

"Nice. Ano'ng nakain mo, Mac? Ipapakin ko sa iyo araw-araw para araw-araw ka na ring ganiyan, hehehe," sabi niya kaya mahina ko itong binatukan. At talagang naisip niya pa iyon itanong?

"Anak ka talaga ng kagang! Tara na nga sa loob. Baka malate pa tayo dahil diyan sa kadramahan mo. Panigurado at nag-aantay na sila sa atin lalong-lalo na si JV. Naku, baka hindi na makahinga iyon dahil sa kabang nararamdaman."

Magkaakbay kaming pumasok sa loob, nakangiti na uli siya at parang walang problema na kinakaharap. Ito ang maganda kay Zac, kahit may problema siya ay hindi niya pa rin nakakalimutan ngumiti.

"Oh? Buti naman nandito na kayo. Naku, muntik na magpatawag ng SWAT si JV, hahaha," tumawa ng malakas si Ram at hawak-hawak pa ang kaniyang t'yan na animo ay natutuwa sa itsura ni JV.

"Letse ka, Ram. Kumain ka na nga lang ng lollipop mo," nakasimangot na sabi ni JV at pinasakan ng lollipop si Ram sa bibig kaya halos mabulunan ang tao. Kung makikita mo nga ngayon si JV ay talagang matatawa ka. Putlang-putla na kasi siya at parang nahihirapan pang huminga. Si Lyndon naman ay nakahiga sa mga upuang ipinagtabi-tabi, natutulog ito.

Ilang minuto pa uli kaming nag-antay. Sila Cid na ang nagpeperform. Aminado ako na magaling kumanta si Cid. Actually, close ko rin ang hinayupak na 'yan at pagkanta ang bonding naming tatlo noon not until sinulot ni Cid ang girlfriend ni Zac. Magpapaalam sana si Zac kay Pamela, sira-ulo niyang ex, nang makita namin silang naghahalikan ni Cid. Tangina, mas bata pa ng dalawang taon sa amin ni Cid si Pamela, 13 years old pa lang ang batang 'yon tapos nagawang makipaghalikan kay Cid na 15 years old lang din at ang matindi ay best friend pa ni Zac. Tapos malaman-laman lang namin ni Zac na si Cid naman pala talaga ang gusto ni Pamela. Ginamit niya lang si Zac para mapalapit siya kay Cid. Tangina niya, mahal na mahal siya ng kakambal ko tapos gano'n lang ginawa niya. Ansarap niyang ipalapa sa buwaya tapos ipasipsip sa linta ang dugo niya. Masyadong makati. Kabata-bata pa, malanding-tunay ang gaga. Bwisit 'yon, matapos ng ginawa niya ay ipinagkalat pa sa buong campus namin na may kabit daw si Zac, malamang walang naniwala sa kaniya dahil kilala ng mga estudyante si Zac kaya ayun, siya itong nabaliktad na naging masama sa mga estudyante sa school namin dati. Well, deserve niya naman iyon.

Mga kabataan nga naman ngayon, parang hindi mabubuhay kapag walang jowa. Tsk, panira lang naman ang jowa sa buhay.

Natapos na kumanta sila sa Cid kaya kami na ang sunod. Habang pababa si Cid ay nakatingin ito sa amin, may lungkot sa kaniyang mga mata. Tangina, lungkot? Bakit siya malulungkot? Hinayupak siya! Putangina niya talaga. Wala siyang karapatan na malungkot.

"Hoy, Ramos twin, okay lang kayo?" Tanong ni JV.

"Oo naman, JV," sagot ni Zac at ngumiti ng tipid. Nag-thumbs up lang ako dahil tinatamad akong magsalita.

"Okay next na tayo sa kanila," sabi niya at lahat kami ay nagseryoso na.

"Let's give them a round of applause, NID!!!"

Umakyat na kami sa stage, bumuntong-hininga ako at nagsimula na silang tumugtog.

Agad na naghiyawan ang mga nanonood. Woahh tuwang-tuwa lang, mga p're? Ngayon lang ba kayo nakakita ng mga gwapong tumutugtog at kumakanta?

***

"Ang galing! Ang galing-galing talaga! Congrats sa atin, guys," tumatawang sabi ni JV at itinaas ang coke na nabili namin diyan lang sa tabi-tabi. Coke lang iinumin namin dahil hindi naman puwede ang alak, puro kami menor de edad.

Tangina, panalo kami, mga p're. Hindi ko alam ang nangyari pero panalo kami kaya tuwang-tuwa ang mga bugok. Sino ba namang hindi, 'di ba? Kahit nga ako ay masaya sa naging tagumpay ng banda namin. Ito ang kauna-unahang panalo namin bilang isang banda.

"Okay, regional na tayo. Wohooo!" Hiyaw naman ni Ram sabay subo ng lollipop.

"Pakain naman diyan. Bitin kami sa coke," sabi ni Lyndon at humikab, pakain? Eh bakit parang matutulog ka na riyan?

"Libre niyo naman kami," nakangiting sabi ni Zac

"Oh sige-sige. Tara, kumain muna tayo, libre ko na," sabi ni JV kaya naghiyawan kaming lahat. S'yempre, panulak lang ang mayroon kami at walang pambara kaya masaya kami dahil libre.

Mas masarap kapag libre.

Hindi pa man kami nakakalayo nang makita namin si Cid. Nakatingin ito sa amin, kay Zac at sa akin.

"Zac..."

*****

Hanse_Pen

Continue Reading

You'll Also Like

16.2K 1.3K 70
COMPLETED√ SS#1 Claireez Laurel Delaez, a person who's full of confidence when it comes to the people around her. The moment she was accused... That...
2.5K 178 33
[COMPLETED] 'Yong hobby mo nang I bully siya hanggang sa hindi mo namamalayang unti-unti ka na palang nahuhulog sa kaniya. Siya si Clarkson Benavidez...
69.7K 1.3K 14
Riley Fields is a greaser with a paranormal secret. Is it possible to be soulmates with someone who is already dead? Rights go to SE Hinton
15.3K 1.4K 34
Beautiful story of #RaYa