Make The Boyish Fall In Love✓

By Hanse_Pen

18K 657 217

Marienne Aecy Chandria Ramos is a boyish type of a person. Zhyro Blaine Acosta wants to make her fall in love... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 4

577 29 27
By Hanse_Pen

Marienne Aecy Chandria's Point of View

"Mac, tara na!" Sigaw ni Zac sa akin habang inaayos ko ang necktie. Pahirap naman sa buhay ampotek na necktie.

"Wait lang kasi. Naiinis na talaga ako sa necktie na 'to. Sunugin ko na kaya? Bwisit na talaga 'to! Lagi na lang akong hinahigh blood."

"Gagong 'to! Hanggang ngayon hindi ka pa rin marunong maglagay niyan? Kababae mong tao tapos necktie lang hindi mo pa maisuot?" Naiinis na tanong ni Zac at lumapit sa akin upang tulungan ako.

"Nahihirapan nga ako, eh. Bakit na kasi may mga ganitong pang etchapwera sa uniform? Sino ba ang nag-imbento nito? Nakakainis ah!"

Tangina! Bwisit talaga! Ayaw ko sa lahat 'yong uniform na may necktie. Ang hirap isuot, imbis na naglalakad na kami ngayon papuntang school ay kailangan ko pa itong isuot. Nakakaubos ng oras ang bwisit na 'to.

"Mac, antanda-tanda mo na hindi ka pa rin marunong?" Tanong ni Kuya Rhex habang inaayos ang kaniyang mga gamit. Napanguso naman ako dahil sa sinabi ni Kuya Rhex, kasalanan ko bang hindi talaga ako marunong sa mga ganitong bagay?

"Kuya naman! Kakahigh blood ang necktie na 'to! Susunugin ko talaga 'to! Pahiram nga ng lighter diyan!"

"Hays. Zac, tulungan mo na nga iyang kakambal mo. At huwag na huwag niyo iyan bibigyan ng lighter at baka sunugin niya talaga ang mga necktie niya," utos ni Kuya Levi habang pinagmamasdan kaming dalawa ni Zac.

"Okay, Kuya, at wala naman tayong lighter, eh, posporo lang," sagot naman ni Zac dahilan kung bakit ko siya nabatukan, tsk. Pilosopo rin, eh.

***

Naglalakad na kami ngayon papuntang school at ang magaling kong kakambal ay kumakain na naman ng paborito niyang krimstick. Palagi naman siyang ganiyan. At hindi man lang niya ako bigyan, parang hindi kapatid.

"Mac," bigla niyang tawag sa pangalan ko kaya nagtataka akong lumingon dito at tinaasan ng kilay.

"Oh?"

"Sino nga pala 'yong nakabunggo mo kahapon? 'Yong sinasabi mong putanginang lalaki, gago, dahilan kung bakit sumakit ang balakang mo kasi bwisit siya, anak ng Nanay at Tatay niyang hayop siya? Sino iyon, Mac? Saan mo nakilala? Paano kayo nagkakilala? Luhhh, Mac! Sino ang lalaking iyon?" Tanong niya.

"'Yong lalaking model ng toothpaste ang tinutukoy ko, Zac."

"Woah, 'yong type mo?" Gulat niyang tanong kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ano'ng type ang sinasabi ng isang 'to?

"Tangina mo! Hindi ko 'yon type. Mukha naman ng tukmol na lalaking iyon."

"Kung hindi mo siya type, 'e di siya ang may type sa iyo? Nakkss naman, oh, ganda ng kakambal ko. Congrats, dalaga kana," nakangiti niyang saad habang tinatapik-tapik pa ang balikat ko.

"Sapakin kita, gusto mo?"

"Hehehe joke lang, Mac. So, ano nangyari kahapon? Bakit kayo nagkabungguan?" Tanong niya kaya naalala ko na naman ang nangyari sa amin kahapon.

"Antanga niya kasi."

"Bakit nga?" Tanong niya ulit.

"Paano ba naman kasi, naglalakad lang ako at tumitingin sa mga estudyante tapos ang gagong lalaki alam na nga ba hindi ako tumitingin ay binunggo pa ako, nakakagago lang. Dapat umiwas na lang siya tapos ako sisisihin kasi hindi daw ako tumitingin sa dinadaanan ko. Tangina talaga, Zac! Tapos  hindi man lang ako tinulungan na tumayo. Gago talaga ampotek."

"Muntanga mo, Mac. Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo? Kasalanan mo 'yon, tanga. Tapos nanisi ka pa? Gago ka ba?" Saad niya, lalong sumama ang tingin ko sa kaniya.

"Kung umiwas siya, hindi sasakit ang balakang ko kaya kasalanan niya iyon."

"Kung tumingin ka sa daan, hindi sasakit ang balakang mo kaya kasalanan mo iyon," katwiran niya.

"Teka nga, Zac, kanino ka ba kampi? Sino ba ang kakambal mo dito?"

"Ikaw siyempre pero kasalanan mo talaga 'yon, eh," bigla niyang sabi.

"Ah, basta, kasalanan ng pangit na 'yon ang nangyari. Bwisit siya!"

"Ayaw talaga patalo, 'no? Pride mo, ghurl, paki-bawasan. Sa pandak mong iyan, antaas ng pride mo?" Natatawa niyang saad.

"Tsk."

"So, ano'ng ginawa mo ro'n sa lalaki? Panigurado namang hindi ka papayag na hindi makaganti sa lalaking iyon," sabi niya kaya napangiti na lamang ako dahil naalala ko ang ginawa ko sa kaniya kahapon. Paniguradong magkakaroon ng pasa iyon.

"Sinapak ko."

"Ano? Sinapak mo?" Gulat niyang tanong.

"Oo. Bobo niya, eh. Kilalanin niya kasi muna binabangga niya bago niya ako angasan."

"Gago, paanong hindi ka niya mababangga ay sobrang liit mo? Matangkad ang isang 'yon, Mac, baka ibitin ka lang no'n patiwarik. Yabang-yabang mo, kaliit mo naman," sabi niya kaya sinapak ko ito sa mukha. Napamura siya dahil sa ginawa ko ngunit sinamaan ko lamang ito ng tingin.

"Tigilan mo nga ako, Zac. Baka ikaw ibitin ko patiwarik."

Napasimangot siya dahil sa sinabi ko ngunit hindi na rin nagkomento pa. Malapit na kami sa school nang makita ang grupo ng lalaking model ng toothpaste. Ano'ng ginagawa niyang mga 'yan sa gate? Ano sila? Security guard? Pinalitan na ba nila si Manong Guard?

At dahil wala akong panahon sa kanila ay iniwasan ko na lang sila pero ang magaling kong kakambal ay nakapagkilala pa. Hindi naman siya gano'n kafriendly, ano? Batukan ko 'to, eh.

"Mac! Dali ka muna rito. Saglit lang 'to," sabi ni Zac at pilit akong hinihila.

"Ayaw ko, papasok na ako. Tinatamad ako makipag-usap sa mga unggoy na katulad niyo."

"Sandali lang! Woiii, Mac! Ayy, gago talaga 'to!" Sigaw niya.

"Ayaw ko nga, Zac. Bahala ka riyan."

"Okay, bahala ka! May Kuroko stickers ako rito. Sayang naman kung itatapon ko lang," saad niya at kaagad na nagpagting ang tenga ko dahil doon.

Daig ko pa si Flash na nakabalik kay Zac at ang mga mata ko ay nag-twinkle-twinkle dahil sa stickers na sinasabi niya, hehehehe. Aba'y gagong 'to, itapon daw ba si Kuroko ko. Kung siya kaya itapon ko sa basurahan, mukha naman siyang nabubulok, eh.

"Woiii, nasaan na?"

"Mamaya, nasa bahay. Atat ka, ghurl?" Nakataas-kilay niyang saad.

"Tangina mo talaga, Zac. Tangina mo, sagad sa buto!"

"Dito ka kasi muna," sabi niya.

"Ano bang gagawin ko rito?"

"Uhmm, hi, miss. Good morning," saad ng isang lalaking naka-jacket ng makapal. Init na init lang? Ano ka, nasa North pole?

"Oh? Walang good sa morning kung kayo ang makikita ko, lalong-lalo na sa pangit na lalaking model ng toothpaste na 'to!"

"What the? Pangit na lalaking model ng toothpaste?" Tanong ni tukmol. Lihim akong napatawa nang makita ko ang pasa sa kaniyang pisnge kung saan ko siya sinapak. Aba, kulang pa iyan, nang dahil sa kaniya, pinagalitan na naman ako ng dalawang Kuya ko. Dapat daw ay ingatan ko ang sarili ko at pigilan na masangkot sa isang gulo. Ngunit siya naman itong may kasalanan, gumanti lang ako.

"Bwahahahahaha. Ikaw, Zhyro, ah? Hindi ka nagsabi, model kana pala ng toothpaste ngayon," tatawa-tawang sabi ng lalaking taga-Antarctica. Tinignan ito ng masama ni Tukmol kaya napatigil ito sa pagtawa.

"Shut up, Glenn. Huwag kang maniwala sa babaeng baliw na 'to," saway naman ni Tukmol.

"Anyway, miss. I'm Glenn James Domingo," pakilala ng lalaking taga-Antartica at inilahad ang kamay sa akin ngunit tinignan ko lamang ito. Wala akong balak makipagkilala sa kanila. Nang makitang wala akong balak abutin ang kamay niya ay agad niya na itong ibinaba at kumamot sa batok, may kuto ba ang lalaking ito?

"And I'm Harvey Nixx Co and this one is Zhyro Blaine Acosta," pakilala naman ng isang lalaking mukhang Koreano at tinuro pa ang lalaking model ng toothpaste. Ano namang pakialam ko sa kanila?

"Oh, tapos? Wala akong pakialam sa mga pangalan niyo! Tsk, nakakasira kayo ng araw. Lumayas nga kayo sa harapan ko at baka tawagin ko si San Goku, paliparin kayo no'n sa planetang Nemic nang makita niyo hinahanap niyo. Letse!"

"Woiii, Mac, high blood na high blood ka na naman. Easy lang, ghurl, ang puso mo. Wala kang dibdib, 'di ba? Puro ka kasi likod, eh," saway ni Zac sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Gago talaga 'to.

"Tsk, tama ang lalaking ito, wala ngang dibdib ang maangas na babaeng 'to," bulong ng tukmol ngunit narinig ko naman. Bulong ba ang tawag sa ginawa niya? Hindi lang pala siya model ng toothpaste at tukmol, isa rin siyang gago na katulad ni Zac.

"Ano? May sinasabi ka, tukmol?"

"What the fuck!? Kanina pangit na lalaking model ng toothpaste tapos ngayon naman tukmol? Are you fucking serious?" Mura niya sa akin kaya sinamaan ko ito ng tingin. Aba! Walang puwedeng magmura sa akin. Hilahin ko kaya ang dila niya?

"Oo, mukha ka naman kasi talagang tukmol, pangit na tukmol. At huwag mo akong ma-paking-paking diyan at baka tapalan ko ng packing tape iyang bunganga mo."

"Fuck! Glenn, Harv, let's go. Walang kuwenta kausap ang babaeng 'to! Sinasayang lang natin ang oras natin dito," naiinis niyang saad habang nakatingin sa kaniyang mga alagad. Aba'y sila nga itong nag-abang sa amin sa gate at nagmistulang guard para lang makipagkilala sa amin, siya pa itong may karapatan na magalit?

"Mas wala kang kuwenta, gago!"

Nginisian ko lang siya at hinila na si Zac paalis doon. Nakakasira talaga sila ng araw. Tangina!

"Tsk, ang sungit mo yata ngayon, Mac?" Natatawang tanong ni Zac. Ano'ng nakakatawa?

"Agang-aga kasi may panira kaagad."

"Hahaha. Mac, tanginang 'yan!" Tawa niya ngunit hindi ko na pinansin pa. Badtrip talaga ako ngayon.

Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso sa classroom namin. Badtrip! Ansama ng pakiramdam ko at hindi ko alam kung bakit. Argh, badtrip talaga! Nakakainis! Hindi ko pinansin ang mga kaklase naming nakatingin sa akin at baka masinghalan ko lang sila. Umupo ako sa bangko at dumukdok sa table. Wala na akong pakialam sa paligid ko.

Nakakainis ang pagmumukha ng lalaking tukmol na 'yon, nakakainis ang lalaking taga-Antarctica na 'yon, nakakainis ang lalaking mukhang Koreano na 'yon at nakakainis din ang kakambal kong mukhang Orangutan. Nakakainis talaga!

Nakakawalang-gana ang araw na 'to. Latang-lata na ako, para akong kangkong na hindi nabili. Isang isda na hindi binasa, isang halaman na natuyot. Ayaw kong gumalaw dahil tinatamad ako.

"Mac! Mac! Mac!" Tawag ni Zac at niyugyog pa ang aking balikat ngunit ayaw kong mag-angat ng tingin dahil nga tinatamad ako, idagdag mo pa na inaantok ako. Sobrang gabi na nang makatulog ako, nanood pa kasi ako ng ilang episode ng anime na pinapanood ko. Kung hindi pa ako pinasok ni Kuya Levi sa kuwarto ay wala pa akong balak na matulog.

"Ano ba, Zac!? Badtrip ako ngayon kaya huwag mo akong kulitin diyan."

"Uyyy, Mac! Bumangon kana riyan," sabi niya at patuloy na niyugyog ang balikat ko kaya tinignan ko ito.

"Ano!?"

Kasama ng sigaw ko ay ang pagtayo ko kaya lahat sila ay napatingin sa akin at ngayon ko lang napansin na nandito na pala si Ma'am Claire. Ayy, hala, gago, kailan pa siya nandiyan? Badshot ako bigla kay Ma'am Claire nito.

"Why are you shouting, Ms. Ramos?" Nakataas-kilay niyang tanong sa akin. Ngumiti ako ng alanganin at kinamot ang pisnge.

"Nothing, Ma'am, sorry po."

At dahil wala akong hiya ay basta na lang ako umupo ulit at hindi na pinansin ang mga kaklase ko. Tinignan ko naman ng sobrang sama ang kakambal ko. Bwisit na gorilyang 'to, hindi sinabi sa akin na narito na pala si Ma'am Claire.

"What!?" Natatawa niyang tanong

"Tangina mo, sagad sa buto."

"Hehehe, sorry na, Mac. Peace yowww," sabi niya ngunit hindi ko na ito pinansin.

Tinignan ko uli siya ng masama bago humarap kay Ma'am Claire na may sinasabi. Kanina pa ako naiinis, lahat na lang yata ngayon ay kinaiinisan ko. Bwisit naman ng araw na 'to.

"So, boys, come here," biglang sabi ni Ma'am Claire kaya napakunot ako ng noo. Ano raw?

Agad na lumaki ang mata ko nang makita ang mga lalaking pumasok sa room namin, mas malaki pa sa ping-pong ball. Ano'ng ginagawa ng mga lalaking 'yan dito?

"Kilala niyo naman sila, 'di ba? So, as I was saying before, dito na sila sa section niyo. Mr. Acosta, Mr. Domingo and Mr. Co, you may take your seat," sabi ni Ma'am Claire sa tatlong bugok.

At dahil nga wala nang ibang upuan kaya magkakatabi kaming lahat dito sa likod. Nasa kanan ko si Zac, sa kaliwa naman si tukmol, next is Antarctic boy and the Korean boy. Huling row kami.

"Okay, let's have a small review about our topic yesterday," dagdag pa ni Ma'am.

Hindi ako nakikinig kay Ma'am, masama ko lang tinitignan si tukmol. Ano ba kasi ang ginagawa ng mga iyan dito? Nilibat ba sila ng section?

"Ganiyan ka makatingin? Para mo akong papatayin, ah," sabi niya ngunit diretso lang sa blackboard ang tingin.

"Ano'ng ginagawa mo rito, tukmol?"

"Hindi ako tukmol at bakit ba inis na inis ka sa akin? Hindi naman kita inaano riyan," sabi niya at bahagya akong nilingon.

"Sagutin mo ang tanong ko, gago!"

"Hindi mo ba narinig kanina si Ma'am? Dito na ang section namin ngayon. Ikaw naman ang sumagot sa tanong ko, bakit inis na inis ka sa akin?" Tanong niya at tuluyan na akong tinignan.

"Kasi pangit ka na nga, tukmol ka pa."

"Fuck! Hindi nga ako tukmol at mas lalong hindi ako pangit," saad niya.

"Pak ka rin. Pangit ka! Tukmol ka!"

"I am not," sabi niya.

"Oh, yes, you are."

"I am not," sagot niya at kumunot na ang noo, sinyales na naiinis na siya.

"Yes, you are".

"Fuck! Sabing hindi nga!" Sigaw nya at tumayo.

Napangisi ako bigla, sumigaw kasi siya at tumayo pa kaya napatingin sa kaniya lahat. Mga chismosa rin estudyante rito, 'no? Kada tayo na lang at sigaw lahat sila nakatingin kaagad. Gusto ba nila ng chismis? Madami akong alam.

"Any problem, Mr. Acosta?" Tanong sa kaniya ni Ma'am.

"Nothing, Ma'am. I'm sorry," hinging paumanhin niya at tumungo.

"Don't shout again or else you will not be able to take my exam," saad pa ni Ma'am kaya napangisi ako.

"Sorry again, Ma'am," sagot ni tukmol at dahan-dahang umupo. Lumingon ito sa akin at sinamaan ako ng tingin ngunit dumila lang ako sa kaniya.

"Eyes on me, students," sabi ni Ma'am kaya lahat kami ay nakinig na sa kaniya.

Tinignan muli ako ng masama ni tukmol pero ngumisi lang ako sa kaniya, pang-asar lang, hehehe. Pikon ang gago. Ampangit niya lalo no'ng napikon na.

***

Kani-kaniya na kaming ayos ng gamit namin, recess na! Oo, recess na nga at siyempre hindi kami magpapahuli riyan. Nakakagutom makinig sa klase lalo na kapag bobo ka.

"Psssttt, ang sweet niyo ni Zhyro kanina," biglang sabi ni Zac habang inilalagay ang notebook sa loob ng bag. Tsk, notebook-notebook pa, wala namang sinusulat. Kilala ko na masyado ang isang 'to. Hindi siya nagsusulat sa notebook niya kaya tipid kapag next pasukan na, hindi na kasi kailangan bumili nila Kuya dail wala namang sulat ang notebook niya.

"Sweet ba 'yon? Halos magpatayan na nga kami sa tingin eh. Mata mo talaga marmol."

"Oo naman, para sakin sweet 'yon," sagot niya.

"Patingin ka na sa EO, Zac, masyado nang malabo ang mata mo. Magsalamin kana. Kung gusto mo ay samahan pa kita."

"Tsk, ang sweet mo, Mac," inis niyang saad.

Dumila lang ako sa kaniya at sumunod na sa mga estudyanteng papalabas ng room. Pero tangina bakit parang may malagkit? Ano 'yon? Feeling ko ay may malapot na likido sa pagitan ng hita ko ngunit isinawalang bahala ko na lamang ito dahil gutom na talaga ako at gusto ko na kumain.

Hindi pa man ako nakakalabas ng classroom nang may bigla akong maramdaman sa aking bewang. Tangina may yumayakap sa akin mula sa likod. Si tukmol!

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, tukmol? Bakit mo ako niyayakap sa likod? Chansing ka."

"Huwag kang feeling at huwag ka ring magulo. Tinutulungan lang kita, may tagos ka. Akalain mo 'yon? Nireregla ka pala?" Natatawa niyang saad kya napakunot ang aking noo. Nang magets ang sinabi niya ay ramdam ko na parang sinilaban ang mukha ko dahil sa hiya.

Putangina! Japan day ko pala ngayon!

*****

Hanse_Pen

Continue Reading

You'll Also Like

14.1K 610 26
Sean Lew is a famous singer but people talk about him as the playboy who ends every night drunk or with a black eye. Kaycee Rice is an actress who...
611 78 8
◦•●◉𝚂𝚘 𝚑𝚒 𝚏𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜.... 𝙰𝚕𝚖𝚘𝚜𝚝 𝚎𝚟𝚎𝚛𝚢 𝚠𝚛𝚒𝚝𝚎𝚛 𝚠𝚛𝚒𝚝𝚎𝚜 𝚊𝚋𝚘𝚞𝚝 𝚊𝚗𝚞𝚜𝚎𝚎𝚗𝚊/𝚖𝚊𝚍𝚍𝚊𝚖𝚜𝚒𝚛 𝚋𝚞𝚝 𝚑𝚊𝚟𝚎 𝚢�...
69.7K 1.3K 14
Riley Fields is a greaser with a paranormal secret. Is it possible to be soulmates with someone who is already dead? Rights go to SE Hinton
226K 11.5K 45
A plan. A disguise. A checklist. Time to play cupid. Copyright © 2019 by jayscitylights. All Rights Reserved.