Make The Boyish Fall In Love✓

By Hanse_Pen

18.1K 657 217

Marienne Aecy Chandria Ramos is a boyish type of a person. Zhyro Blaine Acosta wants to make her fall in love... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 3

594 30 23
By Hanse_Pen

Marienne Aecy Chandria's Point of View

"Pst, Zac! Uyyy! Tampo ka pa rin ba sa akin? Hoy, bakit ba hindi mo ako pinapansin? Kausapin mo naman ako kahit sandali lang."

"What!?" Naiinis niyang tanong ngunit hindi niya ako tinitignan. Galit pa rin nga ang unggoy na 'to.

"Kanina mo pa ako hindi pinapansin. Ano ba? Galit ka pa rin ba dahil hindi nabanggit ko 'yong sira ulo mong ex?"

"Tsk," asik niya.

Anlakas talaga ng topak ng lalaking 'to kapag nawala sa mood, hindi mo makakausap ng matino. Daig niya pa ang babaeng may dalaw kung magtampo. Chix ka ba, 'tol? Hindi naman kaya bakit ka nag-iinarte riyan? Kulang na lang ay bigyan mo ng tsokolate para pansinin ako. May dalaw siya ngayon? Ampotek.

"Sorry na."

"Marienne, could you please shut your mouth? It's irritating. And please leave me alone, you're so annoying," masungit niyang saad at halos mapabuka na lamang ako ng bunganga dahil sa sinabi niya. Aba'y gagong 'to! Hindi na ako natutuwa.

Ito pa, ayan pa, kapag galit siya ay sobrang hilig niya mag-english. Dapat ba lagi na lang siyang galit para palagi din siyang nag-eenglish? Hehehe. Joke lang. Ang hirap nito paamuhin, medyo mahaba-habang lambingan 'to, mga pre. At baka abutin pa ng ilang oras ang sumpong nito kapag nagkataon. Bakit ba kasi nabanggit ko pa ang baliw na babaeng iyon? Bwisit kasi itong bunganga ko, eh. Dapat talaga rito ay tinatapalan ng tape para manahimik na lang. Kadalasan ay hindi ko maiwasan na ganito, mang-inis sa ganitong paraan kaya palaging inis sa akin si Zac.

"Uy, Zachary, sorry na, please. Hindi na talaga ito mauulit kaya huwag ka na magalit sa akin."

"I said shut up!" Sigaw niya.

Dahil sa pagsigaw niya ay napatahimik ako. Ang tanga ko naman kasi, eh. Nagmomove-on na nga 'yong tao tapos pinaalala ko pa 'yong ex niyang sira ulo. Hays, letse lang, letse lang talaga. Tangina naman kasi talaga, eh. Kasalanan ko kung bakit may topak na naman ang kakambal ko. Ang malala pa ay baka magsumbong ito sa mga Kuya namin. Baka hindi na naman nila ako bigyan ng baon nito, paano na lang ako makakabili ng stickers nila Kuroko? Paano ako makakabili ng mga gusto at pagkain ko? Pahamak na bunganga naman, eh.

Iniwan ko siya sa classroom namin, dito kasi siya dumiretso kanina matapos niyang magwalk-out at nagdukdok na lang sa table niya. So, iniwan ko na nga siya at pumunta sa kanten, baka sa pagkain mapaamo ko siya. Zac loves food, lalong-lalo na ang krimstick. Parang mas mahal niya pa nga ang food kaysa sa akin, kawawa naman ako. Oo, tingin ko talaga ay mas mahal niya ng iyon. Siguro kung lulubog ang bangka at kaming tatlo ang sakay ay mas uunahin niyang iligtas ang isang garapon ng krimstick kaysa sa akin. Parang hindi kapatid, eh. Kadalasan ay pagkain ang may kakayahang mawala ang topak ng unggoy kong kapatid kaya ito ako ngayon, bibili ng favorite niya. Mababawasan na naman ang pera ko. Well, kasalanan ko rin naman ito kaya hayaan na lang.

"Ate, may krimstick po ba kayo?"

"Krimstick? Meron, hija," sagot ng tindera.

"Pabili nga po, 10 pesos po."

Iniabot ko sa kaniya ang bayad at napabuntong-hininga. Hays, nabawasan na naman ang pera ko dahil sa krimstick na iyan, bente-singko na nga lang naging kinse pa. Pasalamat ka talaga, Zac, at mahal kita kahit hindi halata. Ayaw ko lang sabihin sa iyo at baka lumaki iyang ulo mo, mahirap na at baka ipagsigawan mo pa. Baliw ka pa mandin.

Pasipol-sipol pa ako habang naglalakad at napapatingin sa mga estudyanteng kung ano-ano ang ginagawa. Ang dami talagang chix sa school na ito. Kung manligaw kaya ako ng isa sa kanila, sasagutin kaya nila ako? Bakit naman hindi? Guwapo naman ako, kumabaga ako ay ang girl version ni Zac, magkamukha kasi kami ni Zac at guwapo naman ang isang 'yon. Guwapo rin naman ang mga Kuya ko kaya hindi na dapat magtaka kung guwapo rin kami ni Zac.

"Aray!"

Tangina! Tangina talaga! Sino ba naman kasing tanga ang maglalagay ng pader sa gitna ng corridor? Teka? Pader sa corridor? Puwede ba iyon? Malamang hindi kasi tanga lang talaga ang gagawa ng ganoon.

Napaangat ako ng tingin at doon nakita ang lalaking model ng toothpaste, seryoso itong nakatingin sa akin samantalang ako ay pinapatay na siya sa tingin. Pusang ginala naman! Hindi man lang ba niya ako tutulungan? Letse! Letse talaga siya! Isa siyang tukmol na model ng toothpaste at gusto ko siyang sapakin. Tangina!

"Oh!? Tinitingin-tingin mo riyan? Tsk."

Kusa na lang akong tumayo dahil wala talaga siyang balak tulungan ako, ambait lang, tsong! Shuta rin ang isang 'to. Siya na nga itong nakabangga sa akin tapos hindi man lang ako tinulungan na tumayo? Kung siya kaya ang patumbahin ko tapos hindi ko rin siya tulungan tumayo? Gagong tukmol na model ng toothpaste na ito. Panira sa buhay.

"Tangina mo! 'Di ka ba tumitingin sa dinaaanan mo? Bulag ka ba? May problema ba iyang mata mo?"

"What!?" Sigaw niya na akala mo ay hindi niya kasalanan kung bakit ako natumba. Gago ba siya? Sapakin ko kaya?

"Huwag mo akong ma-what-what diyan! Nasa pilipinas tayo kaya mag-tagalog ka! Gago!"

"What the!?" Angal niya. Hindi niya ba naintindihan ang sinabi ko? Kailangan ko pa bang mag-english para maintindihan niya? Well, ayaw kong mag-english kaya bahala siyang intindihin ang sinabi ko. Wala akong pakialam kung hindi niya maintindihan ang sinabi ko, hindi ko na iyon problema.

"Ay, ewan ko sa iyo! Kalalaking tao hindi gentleman. O baka naman bakla ka talaga. Bakla ka siguro, ano?"

"Seriously? I am not gay," seryoso niyang saad at tinitigan ako. Ano bang problema ng tukmol na ito? Bakit palagi na lamang siyang nakatitig sa akin? May dumi ba ako sa mukha? O baka naman nagaguwapuhan ito sa akin. Aba'y bakla nga.

"Seriously mo mukha mo! Argh, letse! Bwisit ka talaga!"

"Miss, ikaw ang may kasalanan dito," sagot niya at nagsasalita naman pala ng tagalog, bakit siya puro english magsalita kanina? Hilahin ko dila niya, eh. Pinahirapan pa ako intindihin siya.

"Ako? Paano naging ako?"

"Ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo, kung saan-saan ka tumitingin. Kung naglalakad ka ay dapat na tumitingin ka sa dinadaanan mo. Ikaw yata itong bulag sa ating dalawa," paliwanag niya. Ako pa talaga ng bulag? Gago ba talaga siya?

"Alam mo naman palang hindi ako naka-focus sa dinadaanan ko tapos hindi ka pa umiwas? Ano? Bulag ka ba? Labo ba mata mo? Gagong 'to at hindi ako bulag, sobrang linaw ng mata ko kasi kitang-kita ko nga iyang mukha mong tukmol ka. Ampangit mo kaya! Mas pangit ka pa sa kakambal ko kung umasta kang tukmol ka."

"At kasalanan ko pa ngayon? Hindi rin ako tukmol," asik niya pero umungos lang ako. Wala na akong pakialam kung magkarecord ako rito sa school na 'to dahil sa pakikipag-away sa kaniya. Sanay naman akong palaging may record. Ikaw ba naman palaging may karambulan mula elementary hanggang high school, hindi ka magkarecord?

"Oo! Kung umiwas ka 'e di sana hindi sasakit ang balakang ko ngayon! Shuta ka kasi! Kasalanan mo talaga ito."

Tangina, ansakit ng balakang ko. Mali yata ang pagkakabagsak ko kanina. Kailangan ko yatang magpahilot. Hanggang ngayon ay hawak ko pa rin ang balakang ko habang nakikipag-away sa tukmol na ito. Lagot na naman ako sa mga Kuya ko nito. Baka sabihin ay nakipagsapakan na naman ako sa mga kaklase ko.

"Tsk, kung tumingin ka lang sana sa dinaanan mo 'e di hindi kita mabubunggo, paharang-harang kasi, eh. Sa liit mong iyan, humarang ka pa talaga sa daan," sabi niya at putanginang 'to! Gago, ah. Hindi ko na natiis ang sinabi niya kaya agad ko itong sinapak sa mukha. Halos matumba siya sa sapak ko. Hah! Sino'ng maliit ngayon?

"Hindi ako maliit, sadyang matangkad ka lang!"

Matapos kong sabihin iyon ay umalis na kaagad ako at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko ay masapak ko na naman pangit niyang pagmumukha. 

Argh, nakakainis! Nakakainis talaga! Bwisit ang lalaking 'yon! Panira ng araw! Dapat sa kaniya itapon sa kanal, ipasampal sa sampong bakla, ihagis sa puno na maraming antik. Tangina niya! Gago siya, napaka-gago. Gaganti ako sa kaniyang hinayupak siya, tama, hindi pa ako tapos gumanti sa kaniya.

"Oh? Ganiyan ang mukha mo?" Nagtatakang tanong ni Zac nang makapasok ako sa classroom namin at lumapit ako sa kaniya.

"Eh may putanginang lalaking binunggo ako kanina, gago siya! Ansakit ng balakang ko dahil bwisit siya! Anak siya ng Nanay at Tatay niyang hayop siya!"

"Woah, woah, woah, easy there, woman. High blood na high blood, ah?" Natatawa niyang saad ngunit sinamaan ko lamang ito ng tingin at pabalyang inilagay ang supot ng krimstick sa kaniyang table.

"Argh, oh, ayan. Krimstick mo!"

"Luhh?" Sabi niya at binuklat ang supot. Nakita ko kung paano lumiwanag ang mukha niya kaya napahinga ako ng maluwag, siguro naman ngayon ay hindi na siya magtatampo sa akin.

"Hindi mo kasi ako pinapansin kanina dahil binanggit ko 'yong sira ulo mong ex kaya ayan, peace offering ko sa iyo pero dahil na rin diyan sa bwisit na krimstick na 'yan napahamak pa ako. Tangina, ansakit talaga. Kasalanan mo itong gorilya ka. Ipapahilot mo ako mamaya kung ayaw mong ikaw ang bugbugin ko."

"Sino ba kasi may sabing bumili ka ng krimstick ko?" Nagtataka niyang tanong.

"Hindi mo nga kasi ako pinapansin. Ambobo mo rin, eh. Palitan ko utak mo, eh."

"Nice, kumagat ka sa acting ko? Bwahahaha, puwede na ba ako mag-artista, Mac? Pasado na ba? Mag-aapply na ba ako sa cast ng 'Ang Probinsyano'? Tingin mo ang puwede kong role doon? Gusto ko 'yong may barilan dapat, hehehe," natatawa nitong saad.

"Putangina mong hayop ka, Zac! Gago ka! Anak ka talaga ng kagang! Pusang gala ka! Tangina mo, sagad sa buto! Kasalanan mo ito, gago kang hinayupak ka!"

Ampota! Nakakainis! Argh, tangina talaga! Ansarap nilang ipalapa sa dinosaur, teka, wala ng dinosaur sa panahon ngayon. Okay, take two. Ansarap nilang ipalapa sa pating o kaya sa lion. Bwisit! O puwede na rin ang ipakagat sa mga pirana o pating. Ipakain ko siya sa uwak!

"Pst, sorry na, twin sis," sabi niya at sinundot ang tagiliran ko nang makitang nakabusangot ang mukha ko.

"Sorry mo mukha mo. Tigilan mo nga akong gorilya ka!"

"Sorry na nga, eh," nakanguso niyang saad. Hindi talaga bagay sa kaniya na ngumuso ng ganiyan. Mukha siyang asong napabaayan.

"Tumigil ka riyan, Aero."

"Awww, antaray ng kakambal ko," sabi niya.

"Tsk, manahimik ka kung ayaw mong i-stapler ko iyang bibig mo. O baka naman gusto mong tahiin ko na lang para manahimik ka na talaga?"

"Ouch hindi mo na ako mahal, Mac? Ginaganyan mo na ako ngayon? Ambad talaga, eh," sabi niya na parang bata.

"Matagal na kitang pinagsasabihan ng kung ano-ano, Zac, kaya manahimik ka."

"Watatops!" Gulat niyang sigaw habang nakahawak pa sa kaniyang dibdib.

"Manahimik sabi, Aero, baka maitapon kita sa labas ng bintana. Kanina mo pa ako ginagalit, kapag ako hindi nakapagtimpi sa iyo ay baka magawa ko na ang mga sinasabi ko."

"Mac, hindi mo 'yon kaya, mas mabigat ako sa iyo kaya hindi mo ako mabubuhat at isa pa, tignan mo oh, may grills 'yong bintana, hehehehe," natatawa niyang saad kaya inambahan ko ito ng suntok ngunit itinaas lamang nito ang dalawang kamay na animo'y susuko na.

"Argh."

"Mac, relax lang. High blood ka, eh. Ang puso mo, ang puso mo. Huwag mong dibdibin kasi may likod ka pa. Ayyy wait, wala ka nga palang dibdib kasi puro ka likod. Awts, pasmado," sabi niya at tinakpan ng kamay ang kaniyang bibig. Gago talaga 'to.

"Zachary Aero Chandrix Ramos!"

Lahat ng estudyante ay napatingin sa akin dahil sa biglaan kong pagsigaw at ang magaling ko namang kakambal ay ngumuso lang sa akin na animo ay nagpapacute. Mukha siyang kuting na inipit ang nguso sa itsura niya. Hindi bagay sa kaniya ang magpacute. Gawin ko siyang siopao, eh.

"Tumigil ka sa kakanguso mo, Zac, at para kang Orangutan na napabayaan."

"Ouch! Ansakit, Mac," sabi niya at hinawakan ang dibdib ngunit wala na akong pakialam sa kaniya. Nagtatampo ako.

Hindi ko na lang siya pinansin at dumukdok na lang sa lamesa ko. Tukmol si Zac, kalahi niya iyong lalaki na bumunggo sa akin kanina, pareho silang tukmol.

***

"Pst, galit ka pa rin sa akin?" Tanong ni Zac habang nakasunod sa akin. Uwian na kasi namin ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya pinapansin. Nagtatampo pa rin ako sa gorilyang 'to.

"Shut up!"

"Sorry na, eh," ungot niya.

"I said shut up!"

"Luhh, hindi mo talaga ako papansinin?" Nakanguso niyang tanong.

"Tsk."

"Okay, bahala ka. May nakita pa mandin akong jersey ng Seirin. Sayang naman kung hindi natin bibilhin," sabi niya na kaagad na ikinapagting ng tenga ko. Tangina, si Kuroko 'yon, eh. Hindi dapat palampasin.

"Ano kamo? Jersey ng Seirin? Saan? Paano mo nakita? Gago ka, bakit hindi mo sa akin sinabi kaagad?"

"Tignan mo 'tong babaeng 'to, nakarinig lang ng Seirin, ang mukha para nang nanalo sa lotto," bulong niya na rinig na rinig ko naman. Bumulong pa talaga siya ah!

"Naman, Zac! Saan ka nakakita? Paano mo nakita? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?"

"Doon banda sa isang shirt store malapit dito sa school, busy ka sa pagsipa ng bato kanina kaya hindi mo nakita. Sasabihin ko sana sa iyo kaso ay mukhang hindi ka naman interesado," aliwanag niya.

"Ano? Bakit hindi mo sinasabi sakin kanina? Gago mo, Zac. At ano'ng hindi interesado? Jersey iyon ng Seirin, palalagpasin ko ba iyon?"

"Hehehe," tawa niya at nagpeace sign pa talaga ang unggoy, hindi naman bagay.

"Tara na at baka maunahan pa tayo."

"Sandali naman. May pera ka ba?" Tanong niya kaya dinukot ko sa bulsa ko ang natitira kong baon at ipinakita sa kaniya.

"Mayroon, kinse."

"Muntanga ka, Mac, ano'ng mabibili ng kinse mo? Cornetto nga hindi mo mabibili riyan, jersey pa kaya?" Naiinis niyang tanong habang tinuturo ang tatlong limang piso sa kamay ko.

"Oo nga 'no? Zac, beke nemen, hehehehe."

"Oo na. Oo na," ungot niyang sagot kaya halos mapasuntok na lang ako sa hangin.

"Waaahhhh, alabyowwwww, Zac."

Dali-dali ko siyang hinila kung asan mang store 'yong sinasabi niya. Damn, jersey ko hintayin mo lang ako at paparating na ang Mommy niyo. Kailangan ko kayong mabili sa lalong madaling panahon. Baka maunahan pa kami ng iba doon.

"Woahhhhh, ang mga jersey nila Kuroko, Kagami, Kiyoshi, Junpei at Izuki. Nandito rin ang ibang jersey ng Seirin. Nice nandito rin ang jersey ng ibang member ng Generation of Miracles. Wahhhh, gusto ko jersey ni Kuroko, Kagami, Aomine, Kise, Midorima, Murasakibarra at Akashi. Kawaii Niguo's jersey! Wait, may ibang jersey din ng ibang team. Ayy, putanginang jersey ni Hanemiya 'yan, baka masunog ko lang 'yan. Ayy hala, si Himuro!"

"Mac, isa lang muna. Hindi kaya ng budget ko kung lahat iyan bibilhin mo," sabi ni Zac habang pinipigilan akong kunin ang mga Jersey na nakikita ko.

"Oh, sige, 'yong kay Kuroko na lang muna, hehehe. Sa susunod na lang 'yong iba."

Anlawak ng ngiti ko matapos bilhin ni Zac ang jersey ni Kuroko. Andaming ipon ni Zac noong nasa Mindoro pa lang kami kaya mani-mani na lang sa kaniya ang mga ganitong bagay, ako kasi gastadora lalo na kapag nakakakita ng mga items na involve si Kuroko. Adik-adik din ako, 'no?

"Happy, Mac?" Tanong niya habang nakatingin sa akin.

"Very happy, Zac, thank you so much."

"Anytime, sis," sagot niya at bahagyang ginulo ang buhok ko, hindi ko ito pinagalitan sapagkat masaya akong binilhan niya ng Jersey.

Kahit naman palagi kaming nag-aaway ni Zac may mga times pa rin ba ganito kami, masaya lang. Madalas kaming mag-away pero kahit ganoon ay mahal namin ang isa't isa. Hindi ko man masabi sa kaniya ng madalas ay ipinaparamdam ko iyon sa kaniya lalo na kapag may nang-aaway sa kaniya sa probinsiya namin.

Kahit papaano nabawasan ang pagka-high blood ko mula doon sa lalaking model ng toothpaste na nakabangga sa akin. Thanks to Zac.

*****

Hanse_Pen

Continue Reading

You'll Also Like

14.7K 861 42
Will she stay on track or just go with The Unplanned? Holy Heart High School Series #1 Katherine Mae × Ryken Josh Book cover is edited by: Sh...
115K 6.8K 101
"Not in front of my tea." Guess which simp created a new book. Yes me, Manyee. DISCLAIMER: SOME QUOTES FROM PINTEREST, GOOGLE, REDDIT, ANY OTHER WEBS...
27.3K 2.9K 104
Male Lead pr ဇာတ်လမ်းအကျဥ်း အရှေ့ဘက်နဲ့ဝေးတဲ့မြေမှာ မီချယ်လင် ကြယ်သုံးပွင့်အဆင့်သတ်မှတ်ချက်ကို အကြိမ်ကြိမ်ငြင်းဆိုထားတဲ့ ထူးဆန်းတဲ့စတိုးဆိုင်တစ်ခုရှိ...
621 79 8
◦•●◉𝚂𝚘 𝚑𝚒 𝚏𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜.... 𝙰𝚕𝚖𝚘𝚜𝚝 𝚎𝚟𝚎𝚛𝚢 𝚠𝚛𝚒𝚝𝚎𝚛 𝚠𝚛𝚒𝚝𝚎𝚜 𝚊𝚋𝚘𝚞𝚝 𝚊𝚗𝚞𝚜𝚎𝚎𝚗𝚊/𝚖𝚊𝚍𝚍𝚊𝚖𝚜𝚒𝚛 𝚋𝚞𝚝 𝚑𝚊𝚟𝚎 𝚢�...