La Cuevas #3: Beautiful Scars

بواسطة Jojissi

1.6M 49K 15.5K

COMPLETED | UNEDITED After an unfortunate incident 18 years ago, Sadie Trinity is now back in La Cuevas, to f... المزيد

BEAUTIFUL SCARS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
EPILOGUE 1/2
EPILOGUE 2/2
Special Chapter

Chapter 25

26.5K 857 114
بواسطة Jojissi

"That idiot! May fiancé na pala, hindi man lang nagsasabi!" Bulalas ni Lea nang makapasok kami sa kuwarto ko.

Naroon na si Gavin sa kuwarto niya, at ayaw ni kuya Sage na magtabi sila kaya sa sariliniyang kuwarto siya matutulog. Hindi raw siya mapakali kaya rito na muna siya.

"Babalik pa raw ba siya rito? I need to interview him! Marami siyang iku-kuwento sa 'kin!" dagdag niya pa.

Tahimik lamang akong nag-iiwas ng tingin sa tuwing haharap siya sa akin. Masyadong mabigat ang pakiramdam ko para magsalita. Hindi ko alam ang gagawin. Namamara ang lalamunan ko sa pagpipigil ko ng hikbi. Kung wala lang si Lea rito ay baka kanina pa ako umiyak.

"Sadie?" Tawag niya kaya nilingon ko siya. "Tinatanong ko kung babalik pa ba siya rito? 'Di ba  dito raw siya matutulog?" Tanong niya pa at pabagsak na umupo sa kama ko. Nag-abot siya ng isang unan at ipinatong sa kaniyang hita.

"Hindi ko alam." Tipid na sagot ko.

Ngumiwi lamang siya. "Hmp, sabagay, kung naroon  ang fiancé niya ay malamang hindi na 'yun babalik dito. He needs to be with his girl, anyway. Oh! And did you see her piercings? I can't believe it! Ayaw na ayaw ni Luke noon sa babaeng may piercings, e. Kaya nga I already assumed na hindi kayo magkakasundo. Turned out, may piercings naman pala ang mapapangasawa niya! Ironic!" Humalakhak siya at niyakap ang unan ko na parang kinikilig pa siya.

Nag-iwas lamang ako ng tingin at matigas na lumunok. Nanghihina ang mga tuhod ko at gusto ko nang bumagsak sa sahig. Ang sakit.

Walang may alam tungkol sa relasyon namin bukod sa aming dalawa. At may relasyon nga ba talaga kami? Iyon ang mahirap. Wala akong naaalalang may label kami.

Napapikit ako at humugot ng malalim na hininga bago pilit na nagsalita. "Uh.. c-cr lang ako," paalam ko.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya, at agad akong naglakad patungo sa cr ng kuwarto ko. And as soon as I closed the door, tears cam rushing out of my eyes. Nanginig ang labi ko sa pag-iyak. Malalalim na hininga ang hinugot ko upang pigilan ang pagkawala ng impit kong boses. Nasa kuwarto lamang si Lea, at kapag narinig niya ako ay magtataka iyon.

Ayokong malaman niya na umiiyak ako. Ayokong malaman niya na si Luke ang iniiyakan ko. Ayokong makarating kay kuya Sage na nahulog ako. Na hindi ko sinunod ang payo niya na huwag akong magkakagusto kay Luke. Ayokong magsisi na mali ang naging desisyon ko.

Binuksan ko ang gripo ng lababo bago ini-lock ang pinto at napasandal doon. Dahil sa panghihina ng mga tuhod ko, ay wala na akong nagawa nang kusa akong dumausdos pababa at mapaupo sa malamig na sahig. Napatakip ako sa aking bibig nang mas lalo pang lumala ang iyak ko.

I asked him not to hurt me. Nakiusap ako sakaniya na huwag akong sasaktan. Quotang-quota na 'ko sa sakit mula pa noong bata ako. Ngayon ko lang nararanasan 'yung totoong saya, bakit naman kailangang ganito? Dahil ba sa peklat ko? Nandiri rin ba siya? Palabas lang ba iyong paghalik niya rito para maloko ako?

Nagpapasalamat ako na ligtas si daddy, pero hindi ko ma timbang ang sakit na dulot ng panloloko sa akin. Ang mas masakit pa, ay wala akong mapag sabihan. Wala akong masandalan bukod sa pinto ng cr na ito. Wala akong makapitan kundi ang sarili kong gumuguho na.

Napahawak ako sa braso kong may benda. He was the one who did this. He made this tattoo remarkable in every special way he could. Sobra niya akong napasaya. Bakit kailangang sobra rin akong masaktan?

Tumingala ako sa kisame na wari'y kinakausap ang diyos ng mga tao. Bakit mo ito ginagawa sa'kin? Ano'ng kasalanan ko sa'yo para pahirapan ako ng ganito? Hindi ka ba naaawa? Wala ka bang awa?!

Napapikit ako at napasabunot sa aking sarili. Hindi ko mapigilang mapahikbi nang mahina habang sinasabunutan ang buhok ko. I was thinking that he had all the chance to tell me, ang daming pagkakataon ang sinayang niya para sabihin sa akin na ikakasal na siya, pero hindi niya ginawa! Mas pinili niyang paasahin ako! Mas pinili niyang saktan ako!

Alam niyang may trauma ako sa pag-ibig, alam niyang hindi ako mabilis umibig, alam niyang sobrang sakit ng ginawa sa akin ni Benji! Puwede naman niya akong pabayaan, bakit niya pa ako sinundan sa Maynila? Bakit siya nagpakita ng motibo at hayaang mahulog ako kahit alam niyang ikakasal na siya? Ano 'yun? Gusto niya lang ng mapag-lalaruan bago lumagay sa tahimik? At ako ang napili niya dahil mahina ako?! Ang sama-sama niya.. a-ang sama-sama mo, Luke..

"Sadie? Sadie, are you okay? You're taking too long. Does your shoulder hurt?" Tanong ni Lea kasabay ng tatlong katok sa pintuan.

That question hurts itself. Kanina lang ay kakaibang saya pa ang nararamdaman ko sa tuwing tinatanong iyon ni Luke, ngunit ngayon ay hindi ko na maipinta ang sakit na gumuhit sa dibdib ko nang marinig iyon.

Napapikit ako at huminga ng malalim. Inabot ko ang lababo upang alalayan ang sarili kong tumayo. Umubo ako nang kaunti upang ayusin ang basag na boses ko bago nagsalita.

"M-maliligo pa 'ko, matulog ka na sa kuwarto mo." Sagot ko at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Basang basa ang namumula kong mga mata. Magulo ang sinabunutan kong buhok, at kasuklam-suklam ang peklat sa dibdib ko.

"Is that so? Okay.. if you want to talk, my door isn't locked." Sabi niya at narinig ko ang mga yapak niya papalayo sa pintuan ng banyo. Nang tumunog ang pintuan ng aking kuwarto ay wari kong nakalabas na siya.

Nagtagis ang mga ngipin ko nang maalala ang mukha ni Sita. Raysita? Siya 'yung Ray na tinutukoy ni Brent at ng mama niya? How dare she decieve me? Ibig sabihin ay planado iyong pagkikita namin? At ginawa niya iyon para isampal sa akin na fiancé siya ng lalaking gusto ko? Walang hiya siya. Walang hiya sila!













"How do you feel, dad? Any discomfort?" Tanong ni Lea habang hawak ang kamay ni daddy. Sinabihan kami ng nurse na nagising na siya kaninang umaga at lahat kami ay nag-unahan sa pag-akyat dito.

Mahinang ngumiti si daddy at pinasadahan kaming lahat ng tingin. Maya-maya pa ay nanubig ang kaniyang mga mata kaya naalarma kami.

"Dad, why are you crying? May masakit ba sa'yo?" Lea asked.

Umiling naman siya at humigpit ang hawak sa kamay ni Lea. Nakatayo ako sa dulo ng paanan ni daddy habang si Lea ay nasa tabi ni dad. Si Sage ay buhat-buhat si Cohen sa kabilang gilid ng kama. Wala sina kuya Loren at ate Celine dahil parehong may trabaho, pero tumawag sila kanina at sinabing uuwi sila bago mag-gabi.

"I thought I wouldn't be able to see you all.." sabi niya sa amin. Ang namamaga kong mata magdamag, ay muli na namang nag-iinit. Yumuko ako upang itago ang nababadyang mga luha.

Ang dami kong gustong isumbat sa kaniya. Gusto ko siyang pagalitan dahil nag-iwan siya ng letter na huwag siyang i-revive in case of complication. Gusto ko siyang sigawan at sabihing gusto ko pa siyang makasama.

Gusto kong ipaalam na hindi pa sapat iyong ilang buwan na magkasama kami para mapunan 'yung ilang taong pangungulila ko sa kaniya. Hindi ko na nga inabutan ang nanay ko, iiwan pa niya ako kaagad? Bakit lahat nalang iniiwan ako? Bakit hindi nila iniisip ang mararamdaman ko? Bakit ang dali-dali para sa kanilang iwanan ako!

"I'm sorry.." sa mahinang boses, ay nasambit ni dad. Hindi ko  alam, pero pakiramdam ko ay para sa akin iyon. Pakiramdam ko ay humihingi siya ng tawad sa akin. Pakiramdam ko.. naiintindihan niya ang iniisip ko.

Unti-unti akong nag-angat ng tingin para kumpirmahin iyon. At tama nga ako. Nang sandaling magtama ang paningin namin ng daddy ko, ay sabay na kumawala ang mga luha namin. Inangat niya ang kaniyang kamay sa direksiyon ko, kaya tumayo si Lea at bahagyang umurong para bigyan ako ng daan.

Napatitig ako sa kamay niyang inaabot ako. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kaniya, at ibinigay ang kamay ko. Nang maglapat ang mga palad namin, ay hindi ko na napigilan ang paghagulgol.

"Daddy.." basag ang boses kong tawag sa kaniya. Napaluhod ako sa sahig habang hawak ang kamay niya. "Bakit mo g-ginawa 'yun.." pumiyok ang boses ko. "Takot na takot ako.. takot na takot ako, daddy!" Sigaw ko sa kaniya. "Huwag mo'kong iiwan.. 'wag mo'kong iiwan, daddy.. a-ang sakit-sakit na.." iniwan na naman ako ng isang tao kagabi, daddy, please, huwag mo'kong iiwan.

"I'm so sorry, Sadie.. You saved my life once before.. I was so selfish to give up my life when you didn't hesitate to save me even if I still don't know you back then, I'm so sorry, my little girl.."

Humigpit ang hawak namin sa isa't-isa habang pareho kaming umiiyak. I don't know how will I cope with everything if I'll lose him. Iwanan na 'ko ng lahat, huwag lang siya. Huwag lang ang daddy ko.












72 missed calls, 19 messages. Pinatay ko ang cellphone ko at ibinato sa kama. Hinihingal ako sa galit. Kung makikita ko lang siya ngayon, ay masasapak ko siya sa inis.

He still has the guts to contact me after making me feel humiliated? Hiyang-hiya ako sa sarili ko at hinayaan ko siyang makapasok sa buhay ko. I was just supposed to get his blood, why the fuck did I ended up having mental breakdown last night because of him?!

Suot ang gray turtle nect, long sleeve sweater at black leggings, ay binuksan ko ang pintuan ng aking kuwarto. Lalabas na sana ako, nang kusa akong matigilan dahil sa pares ng paang nakaharang sa daan. Agad akong napaurong nang makita ang problemadong mukha ni Luke.

Kumulo ang dugo ko at mabilis na itinulak pasara ulit ang pinto, pero agad niya iyong napigilan at pilit na binuksan. Nagulat ako nang mapaurong pa ako dahil umabante siya papasok.

"Sadie, let's talk." Aniya.

Nagtagis ang mga ngipin ko. "Umalis ka na habang nakakapagpigil pa'ko." Banta ko.

Bumuntong hininga lamang siya at tuluyan nang pumasok. Isinara niya ang pinto at lumapit sa akin. Ganoon din ang naging pag-atras ko. Nilalabanan ko ng nanlilisik na mata ang mabibigat niyang tingin. The audacity of this jerk to show up here!

Tumigil siya sa paghakbang at dumako ang paningin sa damit ko, kapagkuwan ay sa balikat ko. "Does it still hurt?"

Putangina. 'Yan nalang palagi ang tanong nila! Hindi ba halata na nasasaktan ako?!

"Umalis ka na." Matigas na ani ko.

"Sadie, I can explain. I'm not marrying Ray—" nagpintig ang tenga ko.

"So hindi mo dine-deny na fiancé mo siya?! Tang ina, Luke.. nilandi mo 'ko habang may ibang babaeng naghihintay sa'yo?!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.

"I didn't proposed to her, it was all our parent's will. They want to marry us to merge our business. Hindi ko siya mahal."

"That's not the point! May fiancé ka, may sariling utak ka. Kapag nagkataon ay gagawin mo pa 'kong kabit!"

Napatitig siya sa akin. "Sadie, that's not true. Hindi kita gagawing kabit, I love you, okay?"

"Umalis ka na sabi!"

"Look, I'm sorry.. I didn't mean to keep it from you, I was finding ways to avoid the marriage that's why the wedding wasn't decided yet. I'm doing everything I can to stop it. Ayoko nang sabihin sa'yo kasi ayokong isipin mo na may iba ako—"

"Wala akong pakielam kung may iba ka, Luke! Walang tayo! Hindi kita boyfriend—"

"Sadie!" Tawag niya sa hirap na tinig. Hinihingal niya akong tinitigan habang tinitimbang ang ekspresyon ko. Those eyes.. I can't look at them right now. "I'm.. I'm so sorry, babe, I'm sorry.. It's my fault, I kept it from you. It's my fault, okay? I'm sorry, please calm down.."

Natulala ako. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Tila nagmamakaawa at hirap na hirap. Para siyang mawawalan ng isang mahalagang bagay kung makatingin. Hinawakan niya ang mga siko ko at yumuko.

"You shouldn't move your shoulders too much," bulong niya habang marahang pinipisil ang likod ng siko ko. "Does it still hurt?" He asked again. I was about to lash out on him when I felt my throat clogged.

Nahirapan akong magsalita kaya humugot ako ng malalim na hininga at tinignan ang buhok niyang nakaharap sa akin. Nang mag-angat siya ng ulo, ay ako naman ang mabilis na nag-iwas ng tingin. Naiiyak na naman ako. Nangako ako sa sarili ko noon na hindi na ako iiyak, pero bakit sunod-sunod ang pag-iyak ko ngayon?

"Answer me," mahinahong bulong niya sa akin.

Napapikit ako at nagsimulang suminghot. "M-masakit.." hirap kong anas. "Masakit.. sobrang sakit." Sabi ko at umiyak. Hindi siya nagsalita. Humigpit ang hawak niya sa mga siko ko. "H-hindi ko alam kung ilang beses akong magpapanggap na okay lang, a-ang sakit talaga.." umiling ako. "Hindi ko alam kung paano aalisin 'yung sakit.."

"I'm sorry.. it's my fault."

Binawi ko ang mga kamay ko sa kaniya upang takpan ang mukha ko. Humagulgol ako sa aking mga palad. Sa sobrang dami na nang nai-iyak ko, ay nakamamanghang may nailalabas pa akong luha. Hindi ba ito nauubos? Bakit pakiramdam ko ay wala na itong katapusan?

"Ang sakit sakit," ani ko. Para akong bata na nagsusumbong sa magulang dahil sinaktan ng kalaro. "Ang sakit na nagtiwala ako sa'yo kahit walang kasiguraduhan, sinuway ko si kuya kahit alam kong mas kilala ka niya, ngayon na iniwan mo'ko, kailangan kong tiisin mag-isa 'yung sakut kasi hindi nila puwedeng malaman. Ang sakit, Luke, alam mong masasaktan ako pero hindi ka gumawa ng paraan.. hindi mo pinigilan, hinayaan mo lang.."  tuloy-tuloy lang ako sa pag-iyak habang sinasabi ang mga gusto kong sabihin.

"I.. I thought you'd bring me peace. Sa'yo lang ako napanatag ng ganito, masyado kang naging mahalaga sa'kin sa ganon kaikling panahon kaya hindi ko ma proseso na niloko mo 'ko. Ang sama-sama mo.." I added.

Hinawakan niya ang mga kamay ko at pilit na inalis mula sa pagkakatakip nito sa mukha ko. Nang makita niya ang basa kong mukha, ay binitawan niya iyon at hinawakan naman ang magkabilang pisngi ko. Pilit kong inalis ang kamay niya ngunit wala akong lakas. Iniwas ko ang mukha ko, ngunit wala rin iyong saysay. Nagtamang muli ang paningin namin at sinalubong ako ng nangungusap niyang mga mata.

"I'm so sorry that you have to think of all those things. I'm sorry that you have to feel those pain. I'm sorry for causing you confusion and frustration. I will make things right, I won't let you feel those pain again. Gagawa ako ng paraan para mapigilan ang kasal. Hindi ako magpapakasal sa kaniya dahil ikaw lang ang mahal ko. Alam kong nasaktan kita. Kahit hindi mo muna ako patawarin, I will gain your trust again. I will work for it again. Fuck, I can't afford to see you crying, babe. It kills me too."

Lalo akong napahagulgol habang pinoproseso ang mga sinabi niya. Hinila niya ako para yakapin ng mahigpit. Hinaplos niya ang aking likod habang hinahalikan ang ulo ko. I cried on his shoulders to tell him how much it pains me to be in this situation. And since I couldn't talk, I hugged him back to tell him that I was hurt, but I am not depriving him the chance to redeem my trust for him.

Nasasaktan ako ng sobra dahil sobra ko rin siyang mahal. At kung ako nga ang mahal niya, ay hahayaan ko siyang gumawa ng paraan para maitama ang dapat niyang i-tama. Kahit gaano pa katagal.

JOJISSI

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

9.4K 72 21
Genre: Erotic Romance (M/F) Language: Taglish Disclaimer: This work is an Adult Romance that contains sexually explicit scenes of two consenting adul...
3.1K 90 14
"I'll wrap you in my arms Gal, night or day... I will never get tired of you... And in any other life time, by chance... I will still wrap my arms in...
6.5M 184K 63
The forbidden fruit that everyone wants to have a taste, a woman of the world, liberated, wild, and without a doubt, gorgeous - Odine Beateressa Sant...
3.3M 76.7K 43
Elysha Yvonhale Vicencio never experienced luck in her life. Hindi niya kailanman nakilala ang ama. Nawala sa kanya ang ina sa murang edad. Naghirap...