La Cuevas #3: Beautiful Scars

By Jojissi

1.6M 50K 15.8K

COMPLETED | UNEDITED After an unfortunate incident 18 years ago, Sadie Trinity is now back in La Cuevas, to f... More

BEAUTIFUL SCARS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
EPILOGUE 1/2
EPILOGUE 2/2
Special Chapter

Chapter 24

27.1K 909 314
By Jojissi




Nagising ako sa pamilyar na kadiliman. Ang malambot kong kama at mainit na kumot ang sumalubong sa aking balat.



Agad akong bumangon at inabot ang lamp shade sa bedside table. Nang sumindi iyon, ay nailibot ko ang aking paningin sa aking kuwarto. Wala akong marinig. Masyadong tahimik at mabigat ang aking pakiramdam.



Nang makita ko ang cellphone ko sa kama, ay nakita ko ang oras. 8:16pm. Bigla kong naalala si daddy kaya mabilis akong umalis sa kama at lumabas ng kuwarto.



Doon na ako nabulabog ng ingay. Mula sa labas ay naririnig ko ang mga paparating na sasakiyan, sigawan ng mga tao, at pag click ng mga camera. Kumunot ang noo ko at agad na dinagungdong ng kaba.



Tumakbo ako patungo sa kuwarto ni daddy na nakasara. May mga naka unipormeng nurses at ang ilan ay naka scrub pa. May mga apparatus sa labas at pinapanatili nila iyong malinis. Why are they here?



Nasaan si kuya Sage? Nang makakita ako ng pamilyar na mukha, ay agad ko siyang nilapitan.



"I want to go inside." Sabi ko kay Kyo.



Nilingon niya naman ako, nakasuot siya ng kaswal na damit at mas matangkad siya sa akin. "Nasa loob ka na ng bahay, e." Pilosopong sagot niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya natinag. Umiling lamang siya ng bahagya at inginuso ang baba. "Sabi ni doc pag-gising mo kumain ka." Sabi niya kaya nagtagis ang mga ngipin ko.



Lumapit pa ako lalo sa kaniya at lalo pang nanlisik ang mga mata ko. "Anong nangyayari sa loob? Sino'ng nandoon? Kamusta ang papa ko?" Sunod sunod na tanong ko.



Nagkamot siya ng batok at hirap na tumingin sa akin. "Paano ko malalaman, e nasa labas din ako?" Sa inis ko ay kinuwelyuhan ko siya. "Tsk." Reklamo niya habang nakahawak sa palapulsuhan ko.



Tinanguan niya ang mga nurses na nagulat sa ginawa ko at nginitian. Nang magbaling siya ng tingin sa akin ay bigla siyang sumeryoso. Dahan-dahan niyang inalis ang pagkakakapit ko sa kuwelyo niya at ibinaba ang kamay ko.



"Hindi mamamatay ang tatay mo kung hahayaan mong makapag-focus ang kuya mo sa loob. Kumain ka na." Sabi niya at hinila ako palayo roon.



Nagugulohan akong sumunod dahil hawak niya ang palapulsuhan ko. Bumaba kami ng hagdan kaya mas lalo kong narinig ang ingay na nagmumula sa labas. Sa kuryoso ko ay pilit kong binawi ang kamay ko sakaniya kaya natigil kami sa paglalakad. Nilingon niya ako nang nakataas ang kilay pero hindi ko na siya pinansin.



Narinig ko rin ang pag-ring ng cellphone niya kaya hindi niya na ako sinundan. "Ate.." iyon lang ang huling narinig ko nang sagutin niya ang tawag bago ako tuluyang nakalabas ng mansiyon.



"Miss Azalea! Totoo po bang patay na ang papa ninyo?"



Agad akong sinilaban ng galit. Tila nag-pantig ang tenga ko sa aking narinig. Naroon si Lea at kabababa lamang ng sasakiyan. Nakasuot siya ng pulang tight dress na pinatungan ng itim na mahabang coat sa kaniyang balikat. Hindi ko rin alam kung para saan ang suot niyang itim na shades sa gabi. Kagaya ko, ay natigilan din siya sa tanong ng babaeng reporter.



Inaalalayan ni Gavin ang bewang niya at iginigiyang maglakad, ngunit wala na itong nagawa nang lingunin ni Lea ang babaeng reporter. Dahil sa taas ng heels niya, ay naging  mas matangkad siya sa babae. Dahan-dahan niyang inalis ang kaniyang shades at doon naging malinaw ang galit at irita sa kaniyang mga mata.



"Kanino mo narinig 'yan?" She asked seriously while looking down at the female reporter.



Tila naestatwa naman ang babae at hindi alam kung saan ibabaling ang tingin. "M-may babae pong nagsabi noon kaninang tanghali—"



"And you're privileged enough to spread heinous rumors like that?" Mababakas ang pagka-irita sa boses niya. "And what are you all doing outside our mansion?!" bigla siyang nagtaas ng boses na ikinagulat ng mga tao. "Are you aware of the time right now?! Don't you have any plans to back off?!" sigaw niya.



"Miss Lea, gusto po naming malaman ang kalagayan ni Mr. Theodore—"



"He's under medication! For fuck's sake, you're not even helping! Balak niyo bang dito matulog?! Fine! I'll let you sleep here! Siguradurin niyo lang na mapapanindigan niyo 'yan. Kapag hindi kayo natulog dito sa labas, hindi na kayo makakabalik dito!" Sabi pa niya at muling isinuot ang kaniyang shades.



Natahimik ang mga reporters at muling naglakad sina Lea. Even Gavin seems startled with his girlfriend. Tahimik siyang sumunod sa kaniyang nobya ngunit nakakailang hakbang pa lamang sila, ay muling huminto si Lea. Nagulat ako nang maglakad siya pabalik sa babaeng reporter kanina at tinitigan ito sa likod ng itim na shades.



"And tell the girl who spread falls rumors about my dad, that I'll make sure she'll go first." Sabi niya at malalaki ang mga hakbang na naglakad patungo sa pinto. Nakita ko ang pagbuntong hininga ni Gavin at masamang tingin sa mga reporters bago tinanguan si Guancio na namumuno sa mga guards namin.



"Sadie!" Tawag ni Lea nang makita ako. Kaagad niya akong niyakap ngunit hindi ako nakatugon. Hinayaan ko siya hanggang sa bumitaw siya sa akin.



Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya, nang makita ang suot kong tank top. Marahil ay ngayon niya lamang ako nakitang ganito. Hindi naman nagtagal ang tingin niya sa peklat ko, ngunit nagulat siya sa benda ng braso at balikat ko.



"W-what happened?" Nag-aalalang tanong niya.



Hindi ako sumagot. Lumapit si Guancio sa amin. "Ma'am," tawag niya kay Lea.



Mabilis siyang nilingon nito at tumango. "Kumuha ka ng mga foam or kama sa basement. Ilabas mo lahat, and make sure those reporters would sleep here. If they didn't, ban them from this village."



Isa-isa kaming napakurap. Ako, si Gavin, at si Guancio. Lahat kami ay nakatanga habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. Hindi ko maproseso sa aking utak na seryoso siya sa sinabi niya kanina. Si Gavin ay dahan-dahang hinawakan ang balikat ni Lea.



"Baby, don't you think that's too mu—"



"I'm fucking generous enough to give them foams, they should be thankful!" Sinamaan niya ng tingin si Gavin. "Let's go." Yaya ni Lea sa akin at sabay kaming pumasok.



"Kuya Sage called me about dad, and we rushed back here." Pagkukwento niya habang naglalakad. "How's dad? What exactly happend?"



Bumuntong hininga ako, "I don't know. They won't allow me to come inside." Sagot ko.



"Maybe it'll be good if we just stay here since we're not allowed upstairs, too." Suhestiyon ni Gavin kaya lalo akong nadismaya.



"Tsk," reklamo ni Lea. "Where's kuya Sage?" Tanong niya.



And as if on cue, we all heard kuya Sage's voice from the entrance. Sabay-sabay kaming napalingon sa kaniya, ngunit napakunot ang noo ko nang makitang hindi siya nag-iisa.



"Bro, wrong timing ka." Sabi niya kay Luke na may bitbit na backpack. Kumunot ang noo ko.



"I'm sorry. Flying to Palawan could be a hassle."



Nakasimangot si kuya habang nakikinig sa kaniya. "Tsk, sabagay. Sige, dun ka sa dati. Ba't 'di ka na lang kasi lumipat sa ibang bansa." Sagot pa ni kuya kaya lalo akong nalito.



Luke's staying here again? Bakit? Is his mom bugging him again? And what? Fly abroad? Why?



Hindi na sumagot si Luke. Nagtama ang paningin namin pero hindi siya ngumiti. Maging ako ay hindi alam ang gagawin. Masyadong okupado ang utak ko sa pag-iisip kay dad.



"Sadie, 'yung pagkain mo."



Napalingon ako kami kay Kyo na kalalabas lang ng dinning area. May hawak siyang hotdog sa kaniyang kamay at bahagyang ngumunguya.



"Hi." Bati niya kina Lea.



Nginitian lang siya ni Lea at tinanguan ni Gavin. Hindi na siya nagtagal pa at umakyat na ulit sa taas. Si Gavin naman ay niyaya kami sa dinning kaya wala akong nagawa kundi sumunod.



Nauna silang maglakad kasunod ni kuya Sage. Nilingon ko ng mabilis si Luke bago nagtungo sa dinning. Umupo kaming lahat at nag serve ang mga maids, pero makalipas ang ilang segundo at tahimik lamang kaming nakatitig sa mga pagkain.


Hindi ko maatim na kakain kami rito habang si papa ay hindi ko alam kung maililigtas pa ni kuya. I closed my eyes and took a deep breath before I opened my mouth to speak.



"I don't—"



"I don't think I can eat."



Sabay naming sabi ni Lea. Nagkatinginan kami at kusang napalunok. Muling natahimik ang lahat hanggang sa sabay ulit kaming tumayo ni Lea at walang sabi-sabing tumakbo palabas ng dinning.



"Sadie! Lea!"



"Hey,"



Tawag nila ngunit masyado na kaming nadadala ng aming emosyon. Maingay ang naging pag-akyat namin sa hagdan patungong second floor. Na-alarma ang mga nurses na naka stand by sa labas ng kuwarto ni dad kaya nang makarating kami roon, ay agad kaming hinarangan.



Hinihingal kaming huminto ni Lea sa harapan nila. Narinig rin namin ang mabibilis na yabag ng mga lalaki na sumunod sa amin. Napahawak ako sabalikat kong may benda nang kumirot ito dahil sa marahas na paggalaw habang tumatakbo kanina.



"We.. we won't enter.." habol pa rin ni Lea ang kaniyang hininga nang magsalita. "We just wanna know how he's doing? C-can you tell us at least?" Mahinahong tanong niya.



Hindi ako nagsalita. Nagkatinginan ang mga nurses habang si Kyo ay busyng inuubos ang hotdog sa bibig. Tila wala siyang pakielam kung mamatay na kami sa pag-aalala rito. Nakakainis ang mukha niya.



"M-ma'am, kasi—"



Hindi na naituloy ng babaeng nurse ang sasabihin niya nang biglang bumukas ang makapal na pintuan ng kuwarto ni dad. Nanlaki ang mga mata namin nang lumabas mula roon si kuya Loren na hindi naka scrub.



Kunot ang noo niya habang malalim ang paghinga. Lumapit ang isang nurse upang punasan ang kaunting pawis niya sa sentido ngunit iniwas niya ang kaniyang ulo. Nag sanitize siya ng kamay mula sa table na naka set up katabi ni Kyo. Kinuha niya ang tissue mula sa nurse at siya na mismo ang nag-punas ng kaniyang sarili.



"Sanitize your hands and monitor him inside. He's stable now." Bilin niya sa nurse na iyon. Doon na ako nanlambot at tila nabunutan ng malaking tinik sa dibdib. Halo mapaupo ako sa panghihina kung hindi lang dahil sa matigas na brasong mabilis na umalalay sa akin.



"Yes doc."



Umalis ang mga nurses sa harapan namin at nagtungo sa table para mag sanitize. Ako naman ay nag-angat ng tingin kay Luke na seryosong nakatingin sa akin. Parang hindi ako makahinga. Sobra akong kinabahan kanina, takot na takot ako na baka hindi ko na ulit makita si daddy. Tumango si Luke sa akin at tumingin sa harap.



Sinundan ko ang tingin niya at natagpuan ang mga mata ni kuya Loren. Nag-aalis na siya ng coat at naglalakad patungo sa amin.



"Kuya!" Tumakbo si Lea patungo sa kaniya. Agad niyang niyakap ang kapatid at hinaplos ang mahabang buhok nito. "I was so scared.." tuluyan nang humagulgol si Lea sa dibdib ni kuya Loren.



"Sshh, he's fine now. He'll wake up soon. When did you arrive?" He asked gently while stroking Lea's hair.



Lea, who's still crying just shook her head in response. Loren just heaved a sigh and waited for her to calm down. Nang kumalma ito, ay humiwalay siga kay Loren.



"C-can we come inside? I want to see him." Pakiusap ni Lea.



"Not yet, maybe tomorrow. I'm sorry."



Lahat kami ay napabuntong hininga dahil doon. Napayuko ako at nilabanan ang kagustuhang magkuyom ng sariling kamao. Nang mag-angat ako ng tingin ay nagulat ako nang dumiretso si kuya Loren at yakapin ako.



Napakurap-kurap ako habang mahigpit niya akong niyayakap. Ang nilalabanan ko kaninang pag-iyak, ay hindi ko na napigilan. Kusa akong napahikbi nang katulad kanina kay Lea, ay haplusin niya ang buhok ko. Napakainit ng yakap niya na tila ba pinapatahan ako. Nguniy taliwas naman ang ginagawa ng palad niyang nagpapaiyak sa akin.



"I'm sorry for raising my voice at you earlier, I was just worried too.." he apologized. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Dahil ba sa sobrang saya na ligtas na ang daddy ko, o dahil ngayon ko lang naramdaman ito?



Huminga ako ng malalim para hindi na umiyak pa. Nang mamataan ko si Kyo na dinidilaan ang daliri niyang may hotdog kanina, ay napaikot ako ng mata at humiwalay na kay kuya. Pilit akong ngumiti sakaniya.



"Thank you.. for saving dad." Sabi ko.



Marahan naman siyang umiling, "No doctor can save someone who doesn't want to be saved. He made it because he still wants to live. So please don't be mad at him." Sabi niya.



Marahan akong tumango at nilingon si Luke. He's just looking at me with hi usual serious eyes. Ngumiti ako sa kaniya kaya unti-unti siyang ngumisi.



"Doc, 'wag mo na raw sunduin sina ate Celine. Papunta na sila rito." Sabi ni Kyo mula sa likod ni kuya Loren. Nilingon siya ni kuya at tumango bago muling bumaling sa amin.



"Sage, yayain mo na silang kumain sa baba. Magbibihis lang ako." Bilin ni kuya Loren sinulyapan ang benda ng balikat ko at si Luke.
















"How's your school, baby?" Lea asked Cohen as soon as we finished eating. Sa gutom ko buong araw, ay nagawa ko nang makakain nang malaman na okay na ang lagay ni daddy.



Narito kaming lahat sa hapag. Si kuya Loren at ate Celine lang ang wala dahil nag-uusap sila sa taas tungkol sa iniwang will ni daddy. Si Kyo rin ay nag-paalam na kaninang umuwi kaya kami na lamang natira rito.



"Fine po." Sagot ni Cohen. Nang magawi sa akin ang tingin niya ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin at sumuksik sa kanuyang upoan. Napangisi ako at bahagyang umiling. Cute.



"Ikaw? Kamusta kayo sa Manila? Akala mo hindi ko nakita 'yung post mo sa ig? Anu 'yon?" Intriga ni kuya Sage sa picture ng kamay ni Gavin sa ig na hawak ang hita ni Lea.



Hinayaan ko silang mag-usap at magbangayan. Kahit papaano ay naging panatag ang loob ko na narito sila.



"Does it hurt?" Napalingon ako kay Luke na nasa aking tabi. Nakatingin siya sa braso ko kaya naintindihan ko kaagad ang tinutukoy niya.



I nodded and smiled weakly at him. "I have extra ointment in my bag. I'll help you apply later." Sabi niya pa kaya napalunok ako at mabagal na tumango.



"Siraulo kayong pareho."



"Oh, talaga? I-kwento mo kay Eva—ouch! Kuya!" Pabirong sinipa ni Sage ang paa ni Lea mula sa ilalim ng lamesa kaya napansin ko ang tipid na pag-ngiti ni Cohen.



Pinanood ko lamang silang mag-asaran at paminsan-minsan ay nakikitawa sa kanila. Kapag itong magkapatid ang magkasama ay paniguradong maingay ang paligid. Nang may maalala ako ay hinarap ko si Luke.



Bahagya akong nagulat nang makitang nakatingin pala siya sa akin. Kanina pa ba niya ako pinapanood? Napalunok ako at kumurap-kurap. Nagtaas siya ng isang kilay sa akin.



"Uh.. bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko.



Hindi siya sumagot. Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin. Bumaba ang isang kilay niya at naging seryoso na ulit. Bigla tuloy akong kinabahan.


"I mean, I'm not saying you shouldn't be here, I'm just—" naputol ang sasabihin ko nang makarinig kami ng tahol. Kunot noo kaming nagtinginan dahil wala naman kaming aso. Agad na umalis si Cohen sa kaniyang upoan at tumakbo patungo sa sala.



Maging si Lea at kuya Sage ay nagtatakang pinanood si Cohen na hanapin ang aso. Sa kuryoso, ay sabay-sabay na kaming tumayo at nagbilin sa maids na tapos na kaming kumain.



Naglakad kami patungo sa sala. Si Luke ay nakasunod lamang sa likod ko habang nauunang maglakad si kuya Sage. Nang makarating kami sa sala, ay lalo pang kumunot ang noo ko nang makita si Cohen na nilalaro ang pamilyar na aso.



"Cohen is that your dog?" Lea asked.



"No po.." umiling ang bata habang hinahaplos ang puting balahibo nito.



"Baby, don't touch him na. He might bite you." Paalala ni Lea at nilapitan ang pamangkin.



Nagulat naman ako nang mabilis na maglakad si Luke at lumapit kina Cohen. Tahimik niyang kinuha ang aso at hinawakan ang id tag niya.



"Kanino 'yan?" Tanong ni kuya Sage, ngunit walang sumagot.



Ako naman ay nanatiling nagtataka dahil pamilyar talaga ang asong ito. Saan ko nga ba siya nakita? At paano ito naka pasok dito?



"Frin! Argh, I told you to stay put!" Napalingon kaming lahat sa babaeng walang pasabing pumasok ng mansiyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang pulang buhok, maraming piercings, at tattoo niya.



"Sita?" Untag ko.



Agad na napalingon sa akin ang mabibigat niyang mga mata. Nakataas ang parehong kilay at tila nagulat pa nang makita ako.



"Hey! Sadie, right?" Tanong niya sa akin.



Marahan akong tumango at ngumiti. "What—"



"What are you doing here?" Hindi ko na natapos ang itatanong ko nang maunahan ako ni Luke. Nilapitan  niya si Sita at hinawakan sa kaniyang siko. Dahil nakatalikod sa akin si Luke, ay hindi ko makita ang ekspresyon niya.



Natatawa namang binawi ni Sita ang kaniyang kamay at tinignan si Luke. "Why? Am I not allowed here? I'm friends with Sadie!" Sabi niya pa at sinulyapan ako.



Nagtataka ko silang pinanood. Nilingon ako ni Luke na may bahagyang galit at nagtatanong na mga mata. Napalunok ako at tumingin kina Lea, kuya, at Gavin na tahimik ring nanonood sa kanila.



"Sadie, do you know this girl?" Tanong ni Lea sa akin habang nakaturo kay Sita.



Hindi ako nakasagot. Well, yes, I kind of met her, but I don't remember being friends with her to the point that she'll barge in here with her dog. At ang mas nakalagtataka pa, ay parang galit sa kaniya si Luke. Magkakilala ba sila?



"I'm Raysita Taji. Luke's fiancé." Diretso ang tingin niya sa akin nang sabihin iyon.



Parang binomba ang mukha ko. Sa sobrang bagal iproseso ng utak ko ang sinabi niya, ay ni hindi ako nakapag-react. Blangko lamang akong nakatitig sa kaniya at sa kaliwang kamay na ipinakita niya.



Naroon iyong singsing na isinuot ni Luke sa akin noon. Hindi ako puwedeng magkamali. Iyon 'yung singsing na binawi niya sa akin. Para akong pinagkakaitan ng hangin. Hindi ako makahinga ng maayos habang pinapanood siyang hilahin ni Luke palabas ng mansiyon.



I was hoping that they'll come back and say it was just a prank. Tahimik kaming nakatulala rin sa pintuan habang pinoproseso ang nangyari. Totoo ba ito? Si Luke? May fiancé? Is this what kuya Sage is talking about back then?



Naikuyom ko ang aking kamao. Hindi ko alam ang mararamdaman. Wala akong maramdaman. Bakit.. hindi ako nakinig kay kuya?






JOJISSI




Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 121K 55
(Magnates Series #2) Always the perfect and obedient daughter, Blaire Maigen Bordeaux has always lived her life trying to meet her mother's expectati...
2.6K 62 2
Wicked Girls Edition #2
9.4K 357 28
Del Gallego Series 3 Losing someone we love is akin to losing all the reasons to live. When a woman experiences the demise of her first love in an ac...
134K 4.1K 69
Who would think that being born as a girl is a mistake and misfortune? Would it be a big loss when you're given a daughter and not a son? That's what...