I'M INTO YOU SEASON 1

By bluereinventhusiast

6.5K 2.1K 1.2K

They say, if you are in love with someone. Time stops and slows down whenever you see him, it almost feels l... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Author's Note

Chapter 10

173 112 21
By bluereinventhusiast

12:45 AM

"Oh anak, kamusta ang lakad niyo nina Nathan at ng mga kaibigan mo?" nakangiting salubong sa akin ni Mommy at kaagad na yumakap sa akin.

"Okay naman po, ang dami naming pictures doon sa pinuntahan namin. Sobrang saya po talaga ng mga sandaling yun Mommy yun tipong parang ayaw ko ng matapos." nakangiting kwento ko kay Mommy sabay yakap sakaniya pabalik.

"Nag-enjoy ka ba anak? Sigurado akong pagod ka ngayong araw." nakangiting salubong naman sa akin ni Daddy at kaagad ding yumakap sa akin.

"Opo daddy, super nag-enjoy po talaga ako ngayong araw. Sulit po lahat ng pagod namin kanina." nakangiting sagot ko kay Daddy sabay yakap sakaniya pabalik.

"Gutom ka pa ba anak? May itinira akong pagkain para sayo." nakangiting sabi ni Mommy sa akin.

"Maraming salamat sainyo Mommy at Daddy pero hindi po ako gutom. Busog na busog pa po ako sa mga kinain ko kanina eh, siguro po kailangan ko ng magpahinga muna sa kwarto ko dahil sa pagod ko kanina sa mga ginawa namin sa Twin Lakes at pagod na rin ako sa byahe." nakangiting sabi ko kay Mommy at Daddy.

Kaagad na akong humalik sakanilang mga pisngi at naglakad na ako papuntang hagdan upang umakyat sa kwarto ko.

Nilagay ko ang shoulder bag ko sa sabitan nito at kinuha doon ang phone ko pagkatapos ay nilagay ko ito sa malapit sa may lamp ko.

Kumuha na ako ng pamalit kong damit na pantulog pagkatapos ay naghalf bath lang ako at naglagay ng mga skin care sa mukha at lotion naman para sa katawan.

Kaagad ko ring sinuot ang pantulog ko at humiga na ako sa aking kama para naman makapagpahinga na ako ngunit ipipikit ko na sana ang mata ko nang tumunog ang phone ko dahil sa notifications.

G I R L S

Nicole: Gising pa kayo? Nag-enjoy ba kayo kanina? @Maureen Ysabel Sanchez @Franchezka Aleah Imperial @Adrixeinna Marie Victoria

Chezka: Oo naman, isang memorable na araw na naman para sa ating apat. Nakakatuwa na may napasaya na naman tayong bata.

Ysabel: Bukod sa nag-enjoy tayo, natupad pa natin ang pangako natin kay Nathan diba? Kita ko yung saya at sigla nung bata nung habang nandoon tayo sa Twin Lakes.

Me: Buti nalang naisip ko yung idea na ipasyal si Nathan no? Ano nga pala sabi sainyo ng parents niyo?

Ysabel: Wala naman, tinatanong lang sakin kung kamusta daw ang gala natin kasama ni Nathan? Kamusta daw ang biyahe papuntang Tagaytay, kung traffic daw ba o hindi.

Chezka: Sinalubong lang ako nina Mommy at Daddy sa bahay at nagtanong sila sa akin ng mga ilang questions about nga doon sa gala natin kanina.

Nicole: Teka ano na nga palang balita doon sa vacation natin? Sunday naman bukas baka pwede na nating iayos yung prepration para sa vacation natin.

Me: Ay oo nga pala, di ko pa kasi nasasabi kina Mommy yung last na plano natin eh since wala pa namang date at place.

Ysabel: Pero nakapagpaalam na kayo? @Adrixeinna Marie Victoria @Carmellaize Nicole Ferrer @Franchezka Aleah Imperial

Chezka: Oo naman, kaharap niyo pa nga si Mommy nung nagpaalam ako diba?

Nicole: Di ko pa nasasabi kina Mommy at Daddy, sa Wednesday pa kasi daw ang uwi nila galing business trip.

Me: Oo nakapagpaalam na ko tsaka kasama naman si Kuya so okay lang yon.

Ysabel: Di pa ba kayo tutulog?

Me: Patulog na ko, tumunog lang yung phone ko at nacurious ako sa notifications tapos eto pala.

Chezka: Di pa ako matutulog eh, may inaanounce pa kasi si Sir pero after nito matutulog na talaga ako.

Nicole: Nope, patulog na.

Naglog-out na kami ng mga kaibigan ko at nilapag ko na ang phone ko katabi ng lamp ko.

Franchezka Aleah Imperial logged out

Maureen Ysabel Sanchez logged out

Carmellaize Nicole Ferrer logged out

Adrixeinna Marie Victoria logged out

Kinuha ko ang kumot ko para makapagpahinga ngunit bago ko ipikit ang mga mata ko ay nagdasal muna ako sa Panginoon.

6:00 AM

Isang malakas na kalabog ang nagpagising sa aking mahimbing na pagkakatulog, bumangon ako at kinukusot kusot ang aking mga mata. Isinuot ko ang aking tsinelas at kinuha ang phone ko.

Hinawi ko ang kurtina sa aking kwarto, nagpunta ako sa balcony ng aking kwarto at nag-inat inat doon.

"Magandang umaga Pilipinas! Napakataas ng sikat ng araw at kay liwanag talaga sa umaga! Panibagong araw na naman ang haharapin ko." kasabay ang pag-iinat ko sa sarili.

Dinama ko muna ang liwanag ng araw bago ako pumasok muli sa aking kwarto pagkatapos noon ay kaagad akong nagpunta sa cr para maghilamos at magtoothbrush.

Nang makatapos ay naglagay ako ng mga skin care products at moisturizer sa mukha ko.

"Ayan self, fresh ka na ulit!" nakangiting sabi ko sa sarili habang nakatingin ako sa salamin.

Pababa na sana ako dala ang aking phone ngunit biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto at iniluwa noon si Mommy.

"Oh anak, gising ka na pala! Good morning!" nakangiting sabi ni Mommy sa akin.

"Good morning Mommy! Sina Kuya at Daddy po? Nasa baba na po ba sila at ako nalang ang hinihintay for breakfast?" nakangiting tanong ko kay Mommy.

"Oo anak, tatawagin na dapat kita para makakain ka na ng almusal mo. Hinihintay ka na nilang bumababa sa dining room naten." nakangiting sagot ni Mommy sa akin.

"Sige po, tara na po Mommy!" nakangiting sabi ko kay Mommy at lumabas na kami ng aking kwarto at sinarado ko na rin ang pinto nito.

Naglakad na kami pababa ng hagdan at agad kong natanaw ang maaliwalas at nakangiting mukha ni Daddy sa akin at ang pinagsakluban ng langit at lupa na mukha ni Kuya.

"Good morning anak!" nakangiting bati ni Daddy sa akin at agad naman akong yumakap sakaniya.

"Good morning po Daddy!" nakangiting bati ko rin kay Daddy at kaagad rin akong niyakap rito.

Gamit ang aking mga mata at tinignan ko si Mommy na tila sinasabi ng aking mga mata na "Anong nangyari kay Kuya at parang pinagsakluban ng langit at lupa ang kaniyang mukha?" ngunit tinignan lamang din ako ni Mommy na tila sinasabi ng kaniyang mga mata na "Wala akong alam kung bakit ganyan ang Kuya mo, kanina pa siyang ganyan."

"Good morning Kuya, anong nangyari sayo? Para pang biyernes santo ang mukha mo riyan tsaka wag kang mangalumbaba dyan sa lamesa, masama yan." pabiro kong sabi kay Kuya.

"Morning, walang good sa morning ko." masungit na sabi ni Kuya sa akin.

"Xennus, umayos ka. Nasa harap tayo ng hapag-kainan." maawtoridad na sabi ni Mommy kay Kuya.

"Anong problema mo Kuya? Agang aga ha, nagsusungit ka na naman daig mo pa ang babaeng nireregla eh." mataray kong sabi kay Kuya.

"Wala, kumain ka nga lang dyan." masungit pa rin nitong sabi sa akin.

"Wala pero ganyan ang itsura at pakikitungo mo." pabulong kong sabi kay Kuya.

"Ano yon Xeinna?" masungit na sabi ni Kuya.

"Wala po Kuya, ang sabi ko po kumain na tayo ng agahan." sarkastikong sabi ko kay Kuya.

"Tumigil na nga kayo, nasa harap kayo hapag-kainan ano ba!" naiinis na sabi ni Mommy sa aming dalawa ni Kuya.

"Mommy, si Xeinna naman kasi napaka-ingay." masungit na sabi ni Kuya kay Mommy.

"Xennus, umayos ka ng pananalita mo sa Mommy mo! Ka aga aga, nagga-ganyan ka." naiinis na sabi ni Daddy kay Kuya.

"Mommy, tinatanong ko lang naman po kung anong problema ni Kuya kung bakit siya nagkakaganyan at bakit ganyan ang istura niya?" kalmadong sabi ko kay Mommy.

"Stop." maawtoridad na sabi ni Daddy sa aming dalawa.

"Daddy, si Xeinna naman kasi ang nauna!" masungit na sabi ni Kuya kay Daddy.

"Wala akong pakialam kung sinong nauna sainyong dalawa, umagang umaga sinisira niyo ang pagkain natin ng breakfast." kalmadong sabi ni Daddy kay Kuya.

Tumahimik na lamang ako at gayundin naman si Kuya. Kumuha nalang ako ng cereals sa kusina at milk sa ref para makapag-almusal na ako.

Sumubo na ako ng cereals at nginuya ko muna nang magtanong si Daddy.

"Xeinna, ano na bang plano niyo sa darating niyo vacation? Sunday na ngayon at sa mga susunod na araw ay weekends na ulit." kalmadong tanong ni Daddy sa akin.

"Daddy, yung huling napag-usapan namin naming magkakaibigan ay samin ni Kuya yung ulam na kakainin namin tapos si Ysabel ay sa dessert tapos si Chezka naman sa kanin at prutas then si Yohannes naman daw sa sasakyan at yung mga coolers and anything na magagamit namin sa bakasyon tapos yung mga lalagyanan tsaka mga kutsara,tinidor at baso ay kina Nicole daw kay Vincentius naman daw yung mga drinks na iinumin namin." nakangiting kwento ko kay Daddy about sa plan namin para sa vacation na magaganap.

"Eh anong ulam naman ang dadalhin niyo doon?" nakangiting tanong ni Mommy sa akin.

"Mommy yung napag-usapan naman namin, inihaw na baboy, fried chicken, relyenong bangus, seafood boil at barbeque po." nakangiting sagot ko kay Mommy.

"Limang putahe pala btw lulutuin ko din ba yung sinigang na favorite mo anak?" nakangiting sabi ni Mommy sa akin.

"Opo mommy, kayo na po sana ang bahala." nakangiting sagot ko kay Mommy.

"Sure anak, walang problema kay Mommy. Nailuto ko rin naman yon sainyo yung mga putaheng ipapaluto mo sa akin." nakangiting sabi ni Mommy sa akin.

"Thank you Mommy!" nakangiting sagot ko kay Mommy at tanging ngiti lamang isinukli nito sa akin sabay hawak ng aking mga kamay na parang inaasure ako na siya na ang bahala sa lahat.

"Eh sa place and time pala Xeinna? Napag-usapan niyo na ba ng mga kaibigan mo?" kalmadong tanong nina Mommy at Daddy.

"Wala pa po kasing napapag-usapan kaming ganyan ng mga kaibigan ko eh, yun palang mga dadalhin kami nakapaghanda pero siguro po ngayon or this week aayusin na naman para sa susunod na Saturday ay handa na kami para sa vacation." nakangiting sagot ko kay Daddy.

Tumunog ang phone ko dahilan ito na may notification ako sa Messenger at kaagad ko naman itong tinignan.

PREPARATION FOR OUR VACATION

Nicole: Guys what if ngayon na natin planuhin kung saan tayo magbabakasyon?

Zachary: May naisip akong beach resort na pwede nating pagbakasyunan, may malapit rin na rest house ang parents ko doon. G kayo?

Chezka: Saan ba yan Kuya Zach?

Ysabel: Malayo ba Kuya Zach?

Zachary: Hindi naman kalayuan, diyan lang sa Batangas. G kayo?

Me: Tanungin ko lang Kuya sina Mommy kung okay lang sakanila.

Zachary: Sure sure, magsend ako sainyo ng mga pictures mamaya kung anong itsura.

Nicole: Saan sa Batangas yan Kuya Zach?

Zachary: Doon sa Cruise Cabins sa Batangas.

Nicole: Teka search ko lang Kuya.

Ysabel: Nakita ko na, ang ganda naman pala doon magrelax. Feel na feel ko yung peace sa lugar.

Chezka: Oo nga, ang ganda magbakasyon doon talagang magkakaroon ka ng peace of mind at makakapag-relax ka ng mabuti.

Me: Nakita ko na rin, ang ganda nga Kuya Zach.

Zachary: So ano, g na kayo about doon sa resort? Magpapareserve na ako ng mga rooms na pagii-stayan natin doon.

Yohannes: Ilan ba tayo para maihanda ko na yung van?

Vincentius: Naayos ko na rin yung mga drinks natin, napagplanuhan ko na.

Ysabel: Nakapagpaalam na ako sa parents ko at payag naman sila sa Batangas tayo magbabakasyon.

Zachary: Yung iba, okay na ba sa plano? Makakasama ba lahat?

Xennus: 13 tayong lahat Yohannes.

Nicole: Okay naman na yung kasama ko, so g na kaming lahat.

Chezka: Same same, okay na din kami ng mga kasama ko sa Batangas magbabakasyon.

Zachary: Xeinna at Xennus?

Inilapag ko ang phone ko sa lamesa at tumingin kina Mommy at Daddy.

"Daddy, nagsuggest po si Kuya Zachary ng place na pagbabakasyunan na sinang-ayunan na ng lahat. Sa Batangas po kami magbabakasyon sana, doon sa Cruise Cabins po. Magpapareserve na raw po kasi ng rooms si Kuya Zachary para maayos na namin yung plans namin sa Vacation." nakangiting sabi ko kay Mommy.

"Pumapayag na kami ng Mommy mo, ikaw Xennus bantayan mo yang kapatid mo doon sa pagpapabakasyon niyo, dapat umuwi kayo ng ligtas ng kapatid mo at buo rito sa bahay kundi malalagot talaga sa akin yang resort na pagbabakasyunan ninyo." striktong sabi ni Daddy sa akin at bilin kay Kuya.

"Opo Daddy kagaya nga sabi ko mag-iingat po kayo at wala kaming gagawin na ikakapahamak namin. Malalaki na po kami, wag niyo na kaming masyado pang inaalala." nakangiting sabi ni Kuya ngunit bakas pa rin ang paggalang ni Kuya kay Daddy sa paraan niya ng pagsasalita rito.

"Mabuti naman, ayaw ko lang kayong mapahamak ng kapatid mo no? Ipapasarado ko talaga yang resort na yan kapag may nangyaring masama sainyo." seryosong sabi ni Daddy sa amin ni Kuya at tanging tango na lamang ang naisagot namin.

"Ikaw naman mahal, wag kang masyadong istrikto sa mga anak natin dahil ineenjoy lang nila ang pagkabinata at pagkadalaga nila, ano ka ba naman?" pabirong sabi ni Mommy kay Daddy sabay tapik ng balikat nito.

"Mahal, pinapaalalahan ko lang sila sa maaring mangyari doon sa bakasyon nila. Alam mo naman ang mga kabataan ngayon diba? Napakapupusok ng mga yan, lahat gagawin nila masunod lang ang kanilang gusto. Mas buti nang pinapaalahanan para iwasan at hindi na nila magawang habit yon." kalmadong sagot ni Daddy kay Mommy.

"Daddy, may tiwala naman po kayo saamin diba na wala kaming gagawing ikakapahamak naming magkapatid." malumanay na sabi ko kay Daddy.

"May tiwala ako sainyo pero di niyo pa rin maiiwasan na matukso sa mga bagay bagay na maari niyong gawin kapag wala kami sa tabi niyo." kalmadong sagot ni Daddy sa akin.

"So okay lang po sainyo, sa Batangas po kami magbabakasyon nina Kuya?" malumanay kong tanong kay Daddy.

"Sige basta mag-ingat kayo doon ha, bumalik kayo ditong buo at ligtas sa bahay natin." kalmadong sagot sa akin ni Daddy.

"Lagi kayong mag-update sa amin ng mga ginagawa niyo sa bakasyon ha para nasisiguro namin ang kalagayan niyong magkapatid doon." nakangiting sabi ni Mommy.

"Opo Mommy, masusunod po." nakangiting sagot ko kay Mommy.

Nang marinig ko ang approval ng magulang ko ay agad kong binuksan ang phone ko at agad na binuksan ang group chat namin para sa vacation na magaganap.

PREPARATION FOR OUR VACATION

Nicole: Sure naman akong papayagan sila nina Tito't Tita, marami lang bilin sakanila pero papayagan yan for sure.

Chezka: Oo nga, payag parents nila dyan.

Ysabel: Antayin nalang natin mag-agree yung magkapatid tsaka g na rin kami ng kasama ko sa bakasyon.

Vincentius: Payag na din parents ko, napagpaalam ko na rin yung van na gagamitin natin.

Yohannes: G na din ako sa bakasyon, nakapagpaalam na ako sa parents ko at wala namang problema sakanila.

Zachary: So g na kayong lahat? Sino pang di pa nakakapag-paalam?

Nicole: Yung magkapatid, sina Kuya Xennus at Xeinna.

Ysabel: Xeinna and Kuya Xennus

Chezka: (3)

Vincentius: (4)

Yohannes: (5)

Zachary: Sige wait nalang natin yung magkapatid kahit alam ko na rin naman ang sagot niyan, sure naman akong papayagan sila sa bakasyon na to sa Batangas.

Me: G na kami Kuya Zach.

Zachary: So kompleto na tayo? Lahat sasama?

Nicole: Yep, okay na. Pwede mo nang ipa-book yung mga rooms.

Xennus: Anong oras ang kitaan natin papuntang Batangas?

Zachary: Usually, 4AM naalis kapag ganun para wala masyadong traffic eh.

Vincentius: Oo nga, tinatanong din kasi ng magdridrive nung van na sasakyan natin eh kung anong oras ba tayo aalis papuntang Batangas.

Xennus: Hindi ikaw ang magdridrive Vince?

Vincentius: Dude, alam mo namang kotse ko lang ang drinadrive ko diba?

Xennus: Ay oo ng pala, nakalimutan ko. Sorry naman.

Me: Sana all nagsosorry HAHAHAHAHA

Zachary: Tinawagan ko na yung hotel na pagiistayan natin dito, since ako pa yung walang ambag sating lahat. So ako nalang sa rooms niyo magbabayad.

Me: Taray, galante yarn Kuya Zach? HAHAHAHAHA

Zachary: Alangan namang wala akong ambag diba tsaka sakto sakto lang din naman kasi lahat magaambag so saken hotel rooms.

Nicole: Nag-away na naman ba kayo ng kuya mo Xeinna?

Ysabel: Oo nga, anong pinag-awayan niyo?

Chezka: Kayo ha, ang chichismosa niyo pero ano nga ba talaga ang pinagawayan niyong magkapatid?

Me: Wala wala, sus masyado niyong binibig-deal eh HAHAHAHAHA

Nicole: Kilala ka kaya namin, yang mga ganyang galawan mo na yan. May nangyaring ganap talaga kanina kaya ganyan ka ngayon.

Xennus: Nasigawan ko kasi ang kapatid ko kanina at nasungitan ko dahil di lang talaga maganda ang araw ko kaya ayon nag-away pa kami pero sinaway na kami nina Mommy at Daddy kanina.

Zachary: Bakit mo naman kasi sinigawan Xennus? Babae pa rin yan at kapatid mo kaya yan.

Vincentius: Dude, isipin mo nalang kung ibang lalaki ang gumawa niyan kay Xeinna. Matutuwa ka sa ideya na yon na sinisigawan at sinusungitan yung kapatid mo?

Yohannes: Oo nga, nakakabatang kapatid mo yang babae dude. Ikaw ang nakakatandang kapatid na lalaki ni Xeinna, kung gusto mong irespeto ng ibang lalaki ang kapatid mo dapat irespeto mo muna siya bilang babae at bilang nakakabata mong kapatid.

Xeinna: Hayaan niyo na, hindi naman inaabuse ng kapatid ko ang pagkababae ko so wala kayong dapat ikatrigger diyan. Masama lang talaga ang araw ng kapatid ko ngayon, naiintindihan ko siya okay? Wag na kayong mag-aalala, okay lang ako. Wag niyong sisihin si Kuya, wala naman siyang kasalanan.

Zachary: Pasalamat ka Xennus, understanding yan kapatid mo. Daig mo pa ang kapatid mong babae kapag nireregla eh.

Ysabel: Sure ka bang okay ka lang Xeinna, gusto mo puntahan ka namin nina Nicole?

Xeinna: Relax Ysabel, okay lang nga sabi ako para namang binubugbog ako ni Kuya na kailangang dalhin sa ospital.

Nicole: Nagaalala lang kami sayo Xeinna okay? Tara mag-mall nalang tayo mamaya.

Xeinna: G, magpapaalam lang ako kina Mommy at Daddy para makapagmall tayo.

Chezka: Kasama ba ulit si Nathan?

Nicole: Isasama ko ba?

Ysabel: Parang sa tono mo, ayaw mong isama si Nathan ah HAHAHAHAHA

Nicole: Hindi naman sa ganon Ysabel, iniisip ko lang ang kapatid ko kung sasama ba siya.

Habang nagtitingin tingin pa ako ng messages ay nagulat ako sa pagyakap sa akin ni Kuya.

"I'm sorry, i was having a bad day today princess. You know how much i love you." bulong sa tenga ko ni Kuya kasabay ang paghigpit ng kaniyang mga yakap.

"Wag kang magalala Kuya, naiintindihan naman kita. Hindi na kita kukulitin kung ano man yang problema mo, if ready ka nalang sabihin sa akin. Nandito lang ako okay? Wag mo nang alalahanin yung kanina tapos na yun okay?" sabay yakap ko pabalik kay Kuya ng maghigpit at ang bulong ko sakaniyang tenga.

Nagkatinginan kami ni Kuya at sabay na nagtawanan nang magtagpo ang aming mga mata.

Napatingin kami sa gawi nina Mommy at Daddy na maaliwalas ang mukha at may ngiti sa labi.

"Okay na kayo? Mabuti naman. Dapat hindi na pinalalaki ang ganyang mga tampuhan sa pagitan ng magkapatid dapat nagtutulungan kayo at naghihilaan pataas okay?" nakangiting sabi ni Daddy sa aming dalwa at ngiti lamang ang naisagot naming magkapatid.

"Mommy at Daddy, magmamall lang po kami nina Nicole mamaya after siguro nitong breakfast. Inaaya po nila akong sumama sakanila." nakangiting paalam ko kina Mommy at Daddy.

"Sure anak, mag-ingat kayo doon ah. Isama mo nalang si Manong Ernesto para may maghahatid at susundo sayo mamaya sa mall okay?" nakangiting sagot ni Mommy sa akin.

"Opo Mommy, wag ka ng masyadong magaalala sa akin Mommy. Sa mall lang naman kami nina Nicole." nakangiting sabi ko kay Mommy.

"Mommy, may lakad nga po pala kami nina Yohan at Vince mamaya. Tatambay lang po kami sakanila." nakangiting paalam ni Kuya kay Mommy.

"Hindi ba pwedeng dito nalang kayo Xennus, si Xeinna aalis ng bahay tapos ikaw rin." kalmadong sabi ni Daddy kay Kuya.

"Minsan lang naman Daddy, alam niyo naman nina Mommy at Daddy na nung bata ako ay hindi talaga ako pala-gala. Naaya lang naman ako ng mga kaibigan ko tumambay sakanila." kalmadong sagot naman ni Kuya kay Daddy.

"O siya siya basta bumalik kayo agad magkapatid okay? Baka mamaya hatinggabi na wala pa kayo." malumanay na paalala ni Mommy sa amin ni Kuya at tumango naman kami parehas.

Inopen ko ulit ang groupchat naming apat para sabihin sakanila na nakapagpaalam na ako kina Mommy at Daddy at payag na silang magmall kaming apat.

G I R L S

Me: Girls @Carmellaize Nicole Ferrer @Maureen Ysabel Sanchez @Franchezka Aleah Imperial nakapagpaalam na ko kina Mommy at Daddy at payag naman sila basta wag lang daw papagabi sa mall.

Nicole: Mamili na kaya tayo ngayon ng gagamitin natin for Vacation like mga clothes and swimsuits mga ganon. @Maureen Ysabel Sanchez @Carmellaize Nicole Ferrer @Adrixeinna Marie Victoria

Ysabel: Nakapagpaalam na ako sa parents ko, okay lang naman daw. May lakad din kasi sina Mommy at Daddy kaya wala rin akong kasama sa bahay dito.

Chezka: Nagpaalam na ako kay Mommy, wala raw si Daddy dahil may emergency meeting na naman daw ito pero pumayag naman si Mommy basta ayun nga katulad nang kay Xeinna ay wag daw akong papagabi sa daan. Mahirap na daw sa panahon ngayon baka maulit na naman daw yung nangyari sa akin pagnanakaw ng gamit diba?

Me: Oo nga kaya mas lalong ingat na ingat sayo si Tita ngayon, nagiisang anak ka pa naman nila.

Ysabel: True, ganon naman talaga ang mga magulang. Ayaw lang nila tayong mapahamak because of our irresponsible actions and we must prove them na worth it tayong pagkatiwalaan.

Nicole: Pauwi na rin si Mommy ngayong week, mabuti naman nang may magbantay kay Nathan.

Chezka: Nag-away na naman ba kayo ng kapatid mo Nicole? Sa tono mo parang ayaw mo nang kasama kapatid mo ah HAHAHAHAHA

Nicole: Ang kulit kasi ng batang to, di na naman nakikinig sa akin. Sinasabihan pero pasok sa tenga tapos labas sa kabilang tenga.

Me: Intindihin mo nalang Nicole, ganun talaga pag bata pa.

Ysabel: Wag mo nang palakihin yang tampuhan na yan baka kung saan pa mapunta yan eh.

Me: Yep, ikaw ang nakakatanda sainyong dalawa kaya ikaw nalang muna ang magpasyensya at magparaya sa kapatid mo.

Nicole: Kailangan niyang matutunan ang displina at maging responsable sa mga actions niya, hindi naman palagi nandyan kami nina Mommy at Daddy na palaging maggagabay sakaniyang landas. Darating at darating din sa point na magkakaroon kami ng sari-sarili naming buhay at pamilya.

Ysabel: Alam naman namin ang katotohanan na yon Nicole pero sa ngayon intindihin mo rin ang kapatid mo dahil nga bata pa rin yan, kailangan pa rin niyan ng gabay mo sa buhay okay?

Me: So ano? g na kayo mamaya papuntang mall?

Nicole: Yep, isasama ko na rin si Nathan.

Ysabel: Yes, magreready lang ako ng konti.

Chezka: Mag-ayos na kayo para mamaya gora na tayo sa pamimili mamaya.

Me: Teka bibili na rin kayo ng mga gagamitin niyo for vacation diba sa next weekend pa yon?

Ysabel: Alam mo naman na wala tayong schedule tuwing weekdays diba kasi ng may schooling tayo and tuwing weekends lang tayo nakakapamasyal masyado kasi wala tayong pasok.

Me: Ay oo nga pala, sorry naman. Medyo sabog lang sa mga kaganapan.

Chezka: O siya mag-aayos pa ko, sige na. Mamaya nalang ulit tayo magusap-usap okay? Kailangan kong magfreshen-up.

Nicole: Sige ako rin, paliliguin at pabibihisin ko pa si Nathan eh.

Ysabel: Bye girls! Mag-aayos na rin ako para ready na ko mamaya okay?

Me: Okay, bye girls. See you.

Franchezka Aleah Imperial logged out

Carmellaize Nicole Ferrer logged out

Maureen Ysabel Sanchez logged out

Adrixeinna Marie Victoria logged out

Naglog out na rin ako at ang tatlo ko pang kaibigan para makapagready na ako mamaya para sa lakad naming apat, ay mali dapat lima kasi kasama nga pala namin si Nathan.

"Nako self, naguulyanin ka na ha. Numbers nalang mali mali pa." pabulong kong sabi sa sarili.

Tumayo na ako sa hapagkainan namin at nagpaalam na kina Mommy at Daddy.

"Mommy, magreready na po ako ha para mamaya sa lakad namin ng mga kaibigan ko. Mamimili na din kasi kami ng mga isusuot namin sa vacation namin." nakangiting sabi ko kay Mommy.

"Sure anak basta ang bilin ko ay wag magpapagabi ha? Mag-enjoy kayo doon ng mga kaibigan mo." nakangiting sagot sa akin ni Mommy.

"Sure po, mag-iingat kaming mabuti Mommy okay?" nakangiting sabi ko kay Mommy.

"Teka kasama niyo ba si Nathan?" malumanay na tanong ni Mommy sa akin.

"Opo Mommy, hindi pa kasi nabalik yung parents nina Nicole. Ngayong weekdays pa raw siguro." nakangiting sagot ko naman kay Mommy.

"Oh Daddy, magmamall lang kami nina Nicole ha? Intayin niyo ako baka dito na rin ako magdinner sa bahay." nakangiting sabi ko kay Daddy.

"Sure anak, update mo kami ng Mommy mo ha?" nakangiting sagot ni Daddy sa akin.

Bumeso muna ako kina Mommy at Daddy tapos ay nakipag fist-bump ako kay Kuya.

"Kuya, ikaw muna ang bahala kina Mommy at Daddy tutal mamaya pa naman ang alis mo." nakangiting bilin ko kay kuya at nagthumbs up naman ito sa akin.

Naglakad na ako at umakyat na sa hagdan namin pagkatapos ay pumasok na ako sa aking kwarto.

Inilapag ko muna ang phone at kinuha ang tuwalya pagkatapos ay nilagay ko ito sa aking balikat.

Naghubad na ako at nilagay ang tuwalya sa usual na sabitan nito rito. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakatapos na akong maligo pagkatapos kagaya ng dating gawi ay naglagay ulit ako ng skin care sa mukha ko pagkatapos ay naglagay ako ng lotion sa aking katawan.

Itinapis ko ang aking tuwalya sa aking katawan pagkatapos ay humanap na ako ng maiisuot at nahanap ko itong maroon dress at pinartner ko yung white sneakers ko.

Nang maisuot ko ito ay nagsuklay ako pagkatapos ay niplantsa ko ito nang may kulot kulot sa dulo.

Naglagay lang ako ng moisturizer sa mukha tsaka konting cream pagkatapos ay nilagyan ko ang labi ko ng lip therapy para hindi magbalat balat at pagkatapos nilagay ko na ang liptint ko at nagspray na rin ako ng pabango ko.

Kinuha ko sa sabitan ko ang bag na gagamitin ko at nilagay ang wallet, phone, lip therapy, liptint at ang aking maliit na pabango.

Nang masatisfy ako sa itsura ko ay lumabas na ako sa kwarto at isinarado ang pinto.

Be the beauty that you've never met before.

Thanks for reading! Please leave your thoughts and reactions so i can read it! Lovelots!

Your author, bluereinventhusiast.

Continue Reading

You'll Also Like

7.6K 402 20
Krisha Raffinah, an immortal cupid that is bad when it comes to matching people; a cupid who doesn't know how to make two people fall in love. She is...
508K 12K 53
What happen if twelve Best friend Girls live at one HOUSE with twelve Handsome Boys? May mabubuo kayang, true love? or just a puppy love? Friendship...
1.3M 19K 41
Dice and Madisson
9.9K 536 43
[Seventeen Mahika Series #1] •Wen Junhui• "Ay JUNJUN mo malaki!" "Bakit? Tawag mo ko?" Wherein a boy helps a broken hearted woman using his mind read...