I'M INTO YOU SEASON 1

By bluereinventhusiast

6.5K 2.1K 1.2K

They say, if you are in love with someone. Time stops and slows down whenever you see him, it almost feels l... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Author's Note

Chapter 9

179 112 11
By bluereinventhusiast

7:30 AM

Nagising ako sa sinag ng araw nang hawiin ni Mommy ang kurtina sa aking kwarto, napakusot muna ako ng aking mga mata bago bumangon sa aking pagkakahiga.

"Good morning anak! Bumaba ka na sa dining room para kumain, naghanda na ako ng almusal natin. Maagang umalis ang Daddy at Kuya mo, may kaniya-kaniyang lakad yung dalawa." nakangiting bati sa akin ni Mommy habang inaayos ang kwarto ko.

"Ano daw po ang kailangan nilang lakarin Mommy?" nagtatakang tanong ko kay Mommy.

"Yung Daddy mo, kailangan daw siya sa opisina. Yung Kuya mo, kailangan niya daw asikasuhin yung mga templates nila para sa course niya." nakangiting sagot ni Mommy sa akin.

"Sabado ngayon ah, bakit nasa opisina pa rin si Daddy? Mommy diba rest day niya ngayon?" nagtatakang tanong ko kay Mommy.

"Babalik din mamaya ang Daddy mo, wag ka ng mag-aalala masyado sakaniya okay?" nakangiting pagpapagaan ng loob ni Mommy sa akin sa pagaalala ko kay Daddy.

Tumunog ang cellphone ko dahilan na may nagtext sa akin. Sino naman kayang ganito kaaga magtetext sa akin?

Nicole

Text Message

6:30 AM

Free kami ngayon ng kapatid ko, ngayon nalang kaya natin siya igala?

Kaagad naman akong nagreply rito.

6:35 AM

Natanong mo na ba yung dalawa about dito and nag-agree na ba sila?

Kaagad akong bumangon at nagpunta ng cr. Naghilamos ako at nag toothbrush ng ngipin ko para fresh ako today pagkatapos noon ay kinuha ko na ang phone ko at dinala ito sa pagbaba papuntang dining room.

"Anak, may lakad ka ba mamaya? Papasama sana ako sayo ngayon mamalengke. Wala kasi si manang, umuwi muna sakanila." nakangiting sabi ni Mommy sa akin.

"Mommy di ko pa po sure eh, si Nicole po kasi nagtext na sa phone ko na nagaaya na ngayon na namin igala si Nathan kasi nung nasa ospital po kami ay nangako po kami nina Nicole na igagala namin siya kapag nagpagaling siya agad." nakangiting paliwanag ko kay Mommy.

"Ah ganun ba? Sige ako nalang ang pupunta ng palengke, sumama ka nalang sakanila. Nakakrompomiso ka na pala." nakangiting sabi ni Mommy ngunit bakas ang pagkalungkot at pagkadismaya sa kaniyang mga mata.

"Mommy maaga pa naman po, gusto niyo samahan ko po muna kayo tapos after natin mamili tsaka po ako sasama sakanila. Pwede pa naman namin igala si Nathan kahit makatanghalian po." nakangiting sabi ko kay Mommy.

"Sigurado ka ba anak, hindi ba magtatampo yung mga kaibigan mo kapag hindi ka agad sumama sakanila?" nagaalalalang sabi ni Mommy sa akin.

"Mommy, alam mo naman na ang mga napagdaanan naming apat simula nung mga bata pa lang kami diba? Kaibigan ko sila, maiintindihan nila yon." nakangiting sagot ko kay Mommy.

"O siya siya, anong gusto mo maunang kainin sa mga hinanda ko?" nakangiting tanong ni Mommy sa akin.

"Yung waffle nalang mi para hindi masyadong mabigat ang kakainin ko para naman makakain pa ako mamaya sa kakainan namin nina Nathan sa gala namin." nakangiting sagot ko kay Mommy habang linalagyan niya ako ng waffle sa plato.

Kumuha naman ako ng butter at syrup at siyang nilagay ko doon. Nagumpisa na kaming kumain ni Mommy nang magtext ulit si Nicole sa akin.

Nicole

Text Message

7:00 AM

Oo, nag-agree na silang dalawa sakin. Ikaw ba?

Nagreply naman ako kay Nicole.

7:02 AM

Pwede bang makatanghalian nalang natin ipasyal si Nathan kasi sasamhan ko pa si Mommy na mamalengke. Wala raw kasi si manang kaya walang mamalengke dahil umuwi muna daw sakanila kaya si Mommy ngayon ang mamalengke eh. Nagpapasama sa akin dahil wala siyang makakasama sa pamimili ng stocks sa bahay.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nagtext ulit si Nicole.

Nicole

7:10 AM

Text Message

Okay lang naman, sige sabihan ko sina Ysabel at Chezka na makatanghalian natin igala si Nathan. May naisip ka ba kung saan natin siya pwedeng igala? Wala pa kasi akong maisip.

Kaagad naman akong nagreply rito.

7:12 AM

What if ipasyal nalang natin si Nathan sa Twin Lakes? Yung sa Tagaytay? Ayos ba?

Kaagad ko nang ibinaba ang phone ko para ipagpatuloy ang pagkain.

"Sino yung katext mo? Mga friends mo ba?" malumanay na tanong ni Mommy sa akin habang kumakain.

"Opo Mommy, nasabi ko na nga rin po pala na makatanghalian na rin namin ipapasyal si Nathan." nakangiting sagot ko kay Mommy.

Biglang nagnotif sa akin ang groupchat namin at kaagad ko iyong binuksan.

G I R L S

Nicole: Ano girls, g na ba kayo sa Twin Lakes ng Tagaytay nalang natin ipapasyal si Nathan?

Ysabel: G na ako, kayo ba? @Franchezka Aleah Imperial @Adrixeinna Marie Victoria @Carmellaize Nicole Ferrer

Me: Okay na ko, nakapagpaalam na ako kay Mommy after namin mamalengke.

Chezka: Saan tayo magaantayan para isang diretso papuntang Tagaytay.

Ysabel: Kina @Carmellaize Nicole Ferrer nalang since yung kapatid naman niya ang igagala.

Nicole: Agree, daan nalang kayo dito then tatawagan ko lang driver namin para sa van.

Me: Sa Van? Hindi ba tayo kasya sa kotse lang?

Nicole: Kayo bahala kung gusto niyo sa kotse, saan niyo ba gusto? Sa kotse o sa van?

Ysabel: Sa Van nalang para pwedeng matulog. Siguradong masikip kapag sa kotse tayo sumakay lalo na't anim tayong sasakay sa kotse.

Chezka: May point ka naman doon Ysabel, hirap gumalaw non pag nagkataon.

Me: Sige na sa van nalang tayo sumakay.

Nicole: Sure na? Tawagan ko na yung driver namin para naman makapaghanda na kami kapag aalis na tayo papuntang tagaytay.

Ysabel: Nga pala, gising na ba si Nathan? Nasabi mo na sakaniya na gagala tayo ngayon?

Chezka: Oo nga baka mamaya masurprise yun na mamaya bigla bigla nalang kaming susulpot sa bahay ninyo HAHAHAHAHA

Nicole: Oo naman, kagabi ko pa sinabi sakaniya then ngayong umaga ko nalang hiningi yung approval niyo kung g kayo today.

Me: Daya naman, kay Nathan sinabi agad pero samin hindi agad. Favoritism yarn? HAHAHAHAHAHA

Chezka: Oo nga no? Kakatampo na ha? HAHAHAHAHAHA char.

Ysabel: Kung ako sainyo, di ako sasama. Tignan niyo kinakabukasan pa bago tayo iinform HAHAHAHAHA

Nicole: Tumigil nga kayo girls, ang dami niyong arte. Ayaw niyo sumama? edi don't.

Me: Attitude ka because?

Chezka: HAHAHAHAHAHA

Ysabel: Go Xei girl!

Nicole: Tigilan niyo nga ko, mag-ayos na kayo. Ang dami ko pang gagawin.

Me: Masungit ka because?

Ysabel: Tama na Xei girl, baka umiyak na si Nicole HAHAHAHAHA

Chezka: Umiiyak siya because? HAHAHAHA

Nicole: Sige ha, ganyan na kayo ha.

Naglog out na ko at ganun din ang tatlo kong kaibigan.

Maureen Ysabel Sanchez logged out

Carmellaize Nicole Ferrer logged out

Franchezka Aleah Imperial logged out

Adrixeinna Marie Victoria logged out

Lihim lang akong napatawa dahil sa kabaliwan naming apat, napatingin tuloy sa akin si Mommy.

"Anak, may nakakatawa ba?" nagtatakang tanong ni Mommy sa akin.

"Ah wala po Mommy, natawa lang ako sa biruan namin ng mga kaibigan ko sa group chat namin." nakangiting sagot ko kay Mommy.

Nagpatuloy akong kumain at nakipagkwentuhan pa kay Mommy.

Ilang minuto din ang itinagal ko bago ako makatapos kumain pagkatapos noon ay hinugasan ko rin ang mga mga plato, kutsara, tinidor at baso na ginamit namin ni Mommy nang kami ay kumakain.

"O siya, mag ayos ka na anak para maaga tayong makatapos sa pamimili natin dahil magluluto pa ako ng pananghalian rito sa bahay." nakangiting sabi sa akin ni Mommy habang hinahanap ang kaniyang paglalagyan at ang kaniyang paboritong bayong na galing kay Lola.

"Sige po Mommy, anong oras nga pala tayong pupunta ng palengke?" nakangiting tanong ko kay Mommy.

"Basta tapos na tayong mag ayos na dalawa tsaka nga pala dito ka ba manananghalian? malumanay na tanong ni Mommy sa akin.

"Tatanungin ko po muna si Nicole." nakangiting sabi ko kay Mommy at tumango naman ito sa akin at umakyat na sa hagdan para mag ayos siya at nang makapamalengke din kami agad.

Umakyat na rin ako sa aking kwarto upang maligo at magbihis, kumuha ako ng towel at agad na pumasok sa cr upang maligo nang makatapos ako ay agad akong nagpunta sa aking closet upang pumili ng damit na susuutin ko.

Kumuha ako ng ilan pang mga damit at hindi talaga ako makapili kung alen doon.

Ilang minuto akong namili at sinuot ko nalang ay isang plain white t-shirt, denim jacket, denim skirt and white sneakers.

Nang maisuot ko na ito ay nilagay ko na ang moisturizer ko at iba pang mga skin care products.

Nalagay din ako ng kaunting cream at liptint sa mukha ko para naman hindi ako namumutla sa kaputian ko at naglagay na din ako ng lotion sa katawan ko pagkatapos ay nagspray na din ako ng pabango ko sa iba't ibang parte ng katawan ko.

"Anak ready ka na ba?" pagpasok ni Mommy sa kwarto. Isinukbit ko na ang shoulder bag ko at nilagay ko doon ang phone at iba pang kailangan ko.

"Opo Mommy, ready na po ako." nakangiting sabi ko kay Mommy.

Nagchat na ako sa group chat namin para tanungin kung magtatanghalian na ba kami sakaniya kaniyang bahay.

G I R L S

Me: Girls @Maureen Ysabel Sanchez @Franchezka Aleah Imperial @Carmellaize Nicole Ferrer

Ysabel: Yes?

Nicole: Bakit?

Chezka: What?

Me: May tanong ako sainyo.

Nicole: Ano ba yun?

Me: Saan kayo kakain? Sa bahay bahay natin or kina Nicole nalang.

Nicole: Sainyo nalang, di pa kami nakakapaggrocery ulit eh ng mga meat, vegetables, fruits, fish and everything sa ref.

Ysabel: Oo sa bahay ako kakain para kumpleto daw kami.

Nicole: Ikaw Chezka?

Chezka: Oo sa bahay din ako, magluluto daw si Mommy eh.

Naglog out na din ako at gayundin ang aking mga kaibigan.

Franchezka Aleah Imperial logged out

Maureen Ysabel Sanchez logged out

Carmellaize Nicole Ferrer logged out

Adrixeinna Marie Victoria logged out

Sumunod na ako kay Mommy at ibinalik ko na din ang phone ko sa shoulder bag ko.

Tinawag ni Mommy si Manong Ernesto para magdrive sa amin papuntang palengke.

"Manong Ernesto!" malakas na tawag ni Mommy kay Manong Ernesto.

"Yes po Ma'am? Saan po ang lakad ninyo?" kalmadong tanong ni Mang Ernesto.

"Sa palengke lang Manong, mamalengke kami ngayon ni Xeinna dahil wala si Manang. Umuwi muna sakanilang bahay dahil may mga kailangan daw siya asikasuhin kaya pinayagan ko ng umuwi." nakangiting sabi ni Mommy kay Mang Ernesto.

"Sige po Ma'am, sumakay na po kayo." kalmadong sabi ni Mang Ernesto kay Mommy.

Sumakay na nga kami ni Mommy sa kotse at nagkwentuhan papuntang palengke.

"So sa bahay ka magtatanghalian anak?" nakangiting tanong ni Mommy habang nasa loob kami ng kotse.

"Opo Mommy, nasabi ko na rin po dun sa tatlo na sa bahay na po ako kakain ng tanghalian tsaka baka kailanganin niyo din po ng katulong sa pagluluto ng tanghalian." nakangiting sabi ko kay Mommy habang nasa loob kami ng kotse.

"Actually anak, wala pa talaga akong naiisip na putaheng lulutuin mamaya para sa tanghalian eh. May naisip ka na ba?" nakangiting tanong ni Mommy sa akin.

Masaya kaming nagkwekwentuhan ni Mommy sa loob ng kotse nang tumawag si Kuya sa akin.

Kuya is calling . . . . . . .

Answer Decline

Agad ko namang sinagot ang tawag nito sapagkat baka may kailangan na naman ito.

Me: Hello Kuya? Anong kailangan mo, bat ka napatawag?

Kuya: Nasaan ka? Papasundo sana ko.

Me: Kasama ko si Mommy, papunta kaming palengke dahil mamalengke daw si Mommy dahil wala si Manang ngayon. Umuwi muna sakanila dahil may kailangan daw asikasuhin sa bahay kaya pinayagan na ni Mommy kaya kami ngayon ang bibili ng mga supplies natin para sa bahay.

Kuya: Ah ganon ba? Pakisabi naman kay Mang Ernesto na sunduin nalang ako dito pagkatapos kayong ihatid sa palengke, text ko nalang kamo yung address nung bahay ng kagrupo ko.

Me: Sige Kuya, yun lang ba ang kailangan mo kaya ka tumawag?

Kuya: Oo, ibaba ko na to.

The call ended.

Kagaya ng bilin ni Kuya ay sinabi ko kay Mang Ernesto ang ipinasasabi niya sa akin.

"Mang Ernesto, tumawag sakin kanina si Kuya at sabi niya pakisundo daw siya pagkatapos mong ihatid kami ni Mommy sa palengke. Itetext nalang niya daw ang address ng kagrupo niya." nakangiting sabi ko kay Manong Ernesto.

"Sige iha, salamat." nakangiting sabi ni Manong Ernesto.

"Tumawag sayo ang kuya mo? Nagpapasundo na?" malumanay na tanong ni Mommy sa akin.

"Opo, nagpapasundo na po si Kuya kay Manong Ernesto." nakangiting sabi ko kay Mommy.

"Mabalik tayo kanina sa tinatanong ko, may naisip ka na bang iluluto natin mamaya? Wala pa talaga akong maisip na ilulutong putahe mamayang tanghalian." kalmadong sabi sa akin ni Mommy.

"I think di ka pa po nakakapagluto ng Bicol Express Mommy." nakangiting sabi ko kay Mommy.

"Ay oo nga no? Ang galing mong mag-isip anak., alam mo ba ang kumpletong ingridients nung Bicol Express dahil medyo nakakaligtaan ko na kasi yung iba eh tsaka isusulat ko na rin sa listahan para mabilis." nakangiting sabi ni Mommy sa akin.

"Maglista na tayo Mommy para pagbaba natin ay ready na tayo mamili okay?" nakangiting sabi ko kay Mommy.

L I S T

- Garlic

- Onion

- Pork Belly

- Bagoong Alamang

- Coconut Milk

- Green Finger Chili

"Okay na ba yon anak?" nakangiting tanong sa akin ni Mommy."

"Oo naman po Mommy, yan po ang mga ingridients ng Bicol Express." nakangiting sabi ko kay Mommy.

"Ang tagal na rin pala nung huling luto ko nung Bicol Express, buti nalang naisip mo agad yun anak. Siguro namiss na rin itong kainin ng Daddy at Kuya mo lalong lalo ka na kaya yan ngayon ang naisip mo." nakangiting sabi sa akin ni Mommy.

"Oo nga po Mommy, ang tagal mo na kasing hindi yun niluluto sa bahay eh madalas kasi paiba iba talaga ang ulam at ang dami mo pong putahe na naimbento doon sa kusina." nakangiting sagot ko kay Mommy sa aming usapan.

Ilang minuto pang tumagal ang usapan namin ni Mommy at nakarating na rin kami sa palengke.

"Salamat po sa paghatid Manong, yung bilin ko po ha? Pakisundo nalang po si Kuya sa address na itetext niya." nakangiting sabi ko kay Manong Ernesto.

"Oo iha, nareceive ko na rin naman ang text ng Kuya mo habang nagdridrive ako kung saang address ko siya susunduin." nakangiting sabi ni Mang Ernesto sa akin at tanging tango na lamang ang naisagot ko sakaniya.

"Tara na anak?" nakangiting yaya sa akin ni Mommy.

"Sige po Mommy, tara na po." nakangiting sabi ko kay Mommy.

"So ang una muna nating gagawin ay bibilihin muna natin yung iluluto nating ulam ngayon." nakangiting sabi ni Mommy sa akin habang hawak na ang kaniyang mga bayong.

Naglakad na kami ni Mommy at pumasok na sa palengke, sari sari ang mga paninda doon. May isda, baboy, manok, seafoods, gulay at mga prutas, napakasariawa talaga dito ng mga produkto sa palengke kaya palaging gusto ni Mommy sa palengke bumibili bukod sa hindi frozen eh sobrang fresh at sakto lang sa budget.

Nagpunta kami sa mga nagtitinda ng baboy at agad naman kaming ni sales talk ng mga tindero/tindera rito sa palengke ngunit may isang suki na pala si Mommy na bibilhan niya ng baboy ay doon kami nagtungo upang bumili.

"Oh suki, bili ka na! Anong bibilhin mo ngayon?" nakangiting sabi ng tindera ng baboy kay Mommy.

"Bibili sana ako ng Pork Belly pang Bicol Express, yun ang menu namin ngayong tanghalian eh." nakangiting sagot ni Mommy doon sa tindera.

"Ilang kilo po suki?" nakangiting tanong ng tindera ng baboy kay Mommy.

"2 kilo sana, kaya pa ba? Ang dami kasing nabili sayo rito, tignan mo paubos na naman ang baboy na tinitinda mo. Ilang baboy ba ang nauubos mo sa isang araw?" nakangiting sabi ni Mommy sa tindera ng baboy.

"Kaya pa ng 2 kilo ito suki, actually meron kaming piggery sa bahay namin tapos kumuha kami ng taga alaga nito tapos ako na ang nagbebenta nito dito sa palengke para kumita kaming lahat pero sa tanong mo kung ilan ang baboy na nauubos ko sa isang araw mga 15 na baboy yung nauubos ko sa isang araw minsan 20 pero madalas ay 15 lang na baboy ang inaabot." nakangiting kwento ng tindera ng baboy kay Mommy.

"Ang lakas mo talaga! 15 na baboy sa isang araw? Grabe!" pabirong sabi ni Mommy sa tindera ng baboy.

Habang nagkwekwentuhan sina Mommy at ang tindera ng baboy ay kinilo na ng tindera ng baboy ang 2 kilo na Pork Belly na kakakailanganin namin para sa Bicol Express na lulutuin namin mamaya para sa tanghalian.

"Magkano po?" malumanay na tanong ko sa tindera ng baboy.

"540 nalang iha, ikaw ba yung anak ng suki ko?" nakangiting tanong sa akin ng tindera ng baboy.

"Opo, tatawad muna ko ngayon. Baka naman 500 nalang tong baboy oh! Lagi namang bumibili sainyo si Mommy eh! Ngayon lang para friendly budget kami diba!" nakangiting sagot ko sa tindera.

"Naku ineng, bakit ka ba natawad? Wala ka namang kasalanan eh." pabirong sabi ng tindera ng baboy sa akin.

"Ate sige na, 500 nalang po please." tawad ko doon sa tindera ng baboy na binibilhan namin.

"O siya siya sige na iha, kunin niyo na ito basta bumalik kayo ulit rito kapag kailangan niyo ulit ng baboy ha!" nakangiting pagsang ayon ng tindera ng baboy sa akin.

"Naks, galing tumawad ng anak ko!" nakangiting sabi ni Mommy sa akin.

Iniabot ko ang 500 pesos sa tindera ng baboy at nagpaalam na.

"Salamat suki! Balik kayo ulit rito ha pag kailangan niyo ng baboy!" nakangiting paalam ng tindera ng baboy sa amin.

"Sige po, salamat po ulit sa discount!" nakangiting paalam ko sa tindera ng baboy sabay kaway na namamaalam na.

Naglakad na kami sa isang tindahan ng mga niyog para bumili ng gata na kukunin namin para sa Bicol Express na lulutuin namin mamaya.

"Ilan pong gata ang bibilhin niyo?" nakangiting sabi ng tindero ng gata sa amin ni Mommy.

"Mga 10 gata siguro, kasya na ba yon anak?" nakangiting tanong sa akin ni Mommy.

"Mga 12 po siguro Mommy para mas creamy siya." nakangiting sagot sa akin ni Mommy.

"12 na gata nga po Kuya, pabili kami." nakangiting sabi ni Mommy doon sa tindero ng gata.

"Bale 120 po lahat Miss." nakangiting sabi ng tindero ng gata sa akin.

"Kuya pwede bang 100 nalang? Sige na kuya, dito kami palagi bibili ng gata kapag kailangan namin." nakangiting sagot ko sa tindero ng gata sa akin.

"Kung di ka lang talaga maganda hay nako." mahinang bulong ng tinder ng gata.

"Ano po yon Kuya?" nagtatakang tanong ko sakaniya.

"Ah wala yon, sige 100 nalang sayo Miss Beautiful!" nakangiting sabi sa akin ng tindero ng gata.

"Okay, salamat Kuya! Sa uulitin po!" nakangiting sabi ko kay Kuyang nagtitinda ng gata.

Nilagay na ni Mommy sa bayong niya ang baboy at gata na binili namin kanina.

Baboy at gata check! Kulang nalang kami ng Bagoong Alamang at Green Finger Chili dahil may sibuyas at bawang naman kami sa bahay.

"So saan ang next natin Mommy?" nakangiting tanong ko kay Mommy.

"Doon tayo sa mga nagbebenta ng bagoong alamang anak, meron na akong mga kakilala rito na nagtitinda dito. Gusto ko nga sana doon sa isang Lola na natitinda doon kasi talaga masarap yung bagoong alamang siguro matagal na nilang recipe yon kasi kakaiba talaga siya sa mga iba kong nilalagay sa mga putahe." nakangiting sabi ni Mommy sa akin.

Kagaya nga ng sabi sa akin ni Mommy, nagpunta nga kami doon sa isang tindahan na binibilhan ni Mommy ng bagoong alamang.

"O iha, bumalik ka rito. Kailangan mo ba ulit ng bagoong alamang? Sino naman itong napakagandang dalagitang kasama mo?" nakangiting sabi ni Lola at ngumiti ako rito.

"Oo Lola eh, kailangan ko na naman ulit ng bagoong alamang ninyo ngayon eh. Anak ko itong kasama ko Lola, sya si Adrixeinna Lola." nakangiting sabi ni Mommy kay Lola.

"Napakagandang bata mo naman! Manang mana ka sa Mommy mo iha." nakangiting sabi ni Lola.

"Lola mano po, salamat po sa papuri." nakangiting sagot ko kay Lola at nagmano.

Napangiti na lamang si Mommy sa tagpong iyon.

"Oh heto, 100 nalang yung bigay ko sainyo nito. Sa iba 150 ito." nakangiting sabi sa akin habang iniaabot ang bagoong alamang niya.

Kaagad ko naman kinuha ang bagoong alamang na iyon at kumuha ng wallet para magbayad.

"Lola kailan pa po kayo nagtitinda ng mga bagoong alamang rito? Feeling ko po matagal na kayo rito at marami na kayong suki dahil naikwento po sa akin masarap daw po talaga ang bagoong alamang rito." nakangiting sabi ko kay Lola habang iniaabot ang 100 pesos na bayad doon sa bagoong alamang na kinuha namin at kagaad naman isinilid ni Mommy sa kaniyang bayong.

"Matagal na talaga ako rito iha, yang bagoong alamang na iyan ay minana ko pa sa Lola ng Lola ng aking ina hanggang sa nasalin sa akin at heto ginawa ko na rin na pinagkakakitaan ko na rin, nakakatuwa lang talaga dahil maraming nagkakagusto sa bagoong alamang na ito at talaga namang daw masarap ihalo kung saan lalo na sa mga nagtitinda ng mga mangga diyan sa labas, sa akin sila nakuha ng mga bagoong alamang." nakangiting kwento ni Lola habang inabot ang perang bayad namin sa bagoong alamang niya.

"Ganun po pala, ang galing naman po pala Lola. Bakit kayo lang po mag-isa rito Lola? Wala po ba kayong kasama. Matanda na po kayo baka sa daming nabili eh mahirapan na din kayong kumilos." nagaalalang sabi ko kay Lola.

"Ayos lang naman sa akin iha, walang problema. Ayokong maging pabigat din naman sa mga anak ko, kung kaya ko pang magtinda, magtitinda pa rin ako." nakangiting sagot ni Lola sa akin.

"Nakakahanga po kayo Lola, sa ganyang edad eh nagagawa niyo pa rin pong magtrabaho sa kabila ng lahat." nakangiting sabi ko kay Lola.

"Lola mauna na po kami, sa uulitin po ha? Maraming maraming salamat po." nakangiting sabi ni Mommy kay Lola dahil panay pala ang texts ni Kuya sa amin dahil nandito na raw sila sa labas ng palengke at hinihintay na kami.

"Lola paalam po, maraming salamat po ulit!" nakangiting sabi ko kay Lola sabay kaway.

"Sige mag-ingat kayo mga iha." nakangiting paalam naman nito sa amin.

Naglakad na kami papuntang bilihan ng sili at nagmamadali na kami nang mapunta kami roon.

"Ate pabili pong siling haba po yung green." nakangiting sabi ko sa tindera.

"Oh heto po, 70 pesos po." nakangting sagot sa akin ng tindera at agad kong binayaran ito.

Pagkatapos namin bilhin lahat ng mga kailangan namin ay nagdiretso na kami palabas ng palengke at tinext ni Mommy si Manong Ernesto upang sunduin na kami rito.

Ilang minuto pa lang ay natanaw ko na si Mang Ernesto papuntang sa direksyon namin.

Sumakay na kami agad dahil napakainit talaga ng sikat ng araw.

"Mommy, nakabili na po ba kayo ni Xeinna ng mga kakailanganin niyo para sa ulam ngayong tanghalian?" nakangiting bungad ni Kuya kay Mommy.

"Oo naman anak, nakumpleto namin ni Xeinna ang mga dapat naming bilhin ngayong araw." nakangiting sabi ni Mommy kay Kuya.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na rin kami agad sa bahay at sinimulan na namin ang pagluluto ng Bicol Express.

"Ang sarap naman ng amoy na yan ah!" nakangiting bungad ni Daddy sa amin na kakarating lang galing trabaho.

Ilang oras pa ang lumipas ay naluto na rin ang Bicol Express at nagdasal pagakatapos ay kumain na kaming lahat.

"Ang sarap pa rin talaga ng lutong bahay mo mahal." nakangiting puri ni Daddy kay Mommy.

"Maraming salamat mahal." nakangiting sabi ni Mommy kay Daddy.

Pagkatapos namin hugasan ang mga pinagkainan at pinaglutuan namin ay dumiretso na ulit ako sa kwarto upang maligo ulit at magpalit dahil kailangan ko nang magpunta kina Nicole para sa gala namin nina Nathan.

Nang makapag-ayos na ako ay agad akong bumaba para magpaalam, tinawag ko na rin si Manong Ernesto para ihatid ako sa bahay nina Nicole.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na rin kami sa bahay ni Nicole.

"Wala pa si Chezka pero malapit na raw." nakangiting salubong sa akin ni Nicole.

Ilang minuto lang nang ako'y dumating ay dumating na rin si Chezka.

"Ready ka na ba Nathan?" nakangiting tanong ni Nicole sa kapatid niya.

"Opo ate, excited na po ako!" masiglang sabi ni Nathan.

Magaling ang driver nina Nicole sapagkat ilang oras ay nakarating na rin kami sa Twin Lakes.

"Nathan wake up, gising ka na. Nandito na tayo." paggising ni Nicole sa kapatid niya.

Nagbayad muna kami para sa mga activities and entrances namin pagkatapos ay iginala na namin si Nathan.

Kitang kita namin ang saya sa mga mata ng batang iyon sa araw na ito at masaya akong makitang napasaya namin siya kahit saglit lang.

Marami kaming activities na ginawa at kumuha ng maraming pictures para sa memories naming lahat.

"Nag-enjoy ka ba sa gala natin ngayon Nathan?" nakangiting tanong ni Ysabel kay Nathan kaso nakatulog na pala ito sa balikat ni Nicole sa sobrang pagod.

"Nakakatuwa talaga ang gala na ito oh? Another experience na naman with all of you guys at naabot natin ang main goal natin, ang mapasaya at matupad ang pangako natin kay Nathan." nakangiting sabi ni Nicole sa aming tatlo habang buhat buhat si Nathan.

"Maraming salamat sainyong lahat, naging memorable sa akin ang araw na ito." nakangiting sabi ko sakanila.

"Nagenjoy ako. Buti nalang naisip natin gumala muna." nakangiting sabi ni Chezka sa akin.

"Oo nga, ngayon kailangan naman paghandaan natin ang vacation natin." nakangiting paalala ni Ysabel sa amin.

Sumakay na kami ng van at nagsi-uwian na, sinalubong naman ako ni Mommy at Daddy nang may ngiti sakanilang labi.

It didn't matter how big our house was ; it mattered that there was love and support in it.

Thanks for reading! Please leave your thoughts and reactions so i can read it! Lovelots!

Your author, bluereinventhusiast.

Continue Reading

You'll Also Like

7.6K 402 20
Krisha Raffinah, an immortal cupid that is bad when it comes to matching people; a cupid who doesn't know how to make two people fall in love. She is...
1.1K 384 31
Umalis si Julian para magtrabaho sa kabilang bayan. Nangako siyang pagbalik niya'y pakakasalan na niya si Esperanza. Nagtiwala siya; nagtitiwala siy...
209K 3.1K 17
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
22K 2K 63
KF BOOK 2: SEMI EPISTOLARY Date Ended: November 16, 2022