La Cuevas #3: Beautiful Scars

By Jojissi

1.6M 50K 15.8K

COMPLETED | UNEDITED After an unfortunate incident 18 years ago, Sadie Trinity is now back in La Cuevas, to f... More

BEAUTIFUL SCARS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
EPILOGUE 1/2
EPILOGUE 2/2
Special Chapter

Chapter 20

29.4K 962 601
By Jojissi


Moli:

Hey, where u at?

Umalis ka raw, kelan balik?

I'm alone here huhu





Vincent:

Oy grabe nakaka miss ka naman, miss mo rin ba'ko?

Kailan ka uuwi? Press 1 kung buhay ka pa.

Lagot ka, may pahabol na test 'yung urinalysis niyo. Check mo email mo bilis.





Kumunot naman ang noo ko at mabilis na chineck ang email ko. Mabuti nalang at may data ako. May google form nga na sinend, pero hindi naman iyon galing sa mga prof ko. Lalo pa akong nagtaka nang makitang untitled ang form at galing iyon kay Vincent.




@Vincentsalazar12@gmail.com sent you a google form.




Nagtataka man ay binuksan ko ito at ganoon na lamang ang pag-ikot ng mata ko nang mabasa ang nilalaman.




Hi Sadie! Pag binuksan mo 'to, ibig sabihin may crush ka sa'kin. Anyway madaming choices 'yan para may freedom kang pumili hehe.




1. So anong gagawin ko?

⚪ Ic-crushback ka
Liligawan ka
Tayo na
Lahat ng nabanggit




Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwalang napatitig sa screen. Is this idiot that free? Wala ba siyang mapagkaabalahan sa buhay niya kaya ako ang lagi niyang pinagtitripan?




2. Kung "siyempre" ang sagot ko, anong tanong mo?

Gwapo ka ba?
⚪ Cute mo 'no?
Bagay ba tayo?
Lahat ng nabanggit




3. Kelan gusto mong anniversary natin?

⚪ March 12 para birthday ko
⚪ November 11 para birthday mo
⚪ June 19 para birthday ni Dr. Jose Rizal (idol ko kasi 'yun e, lupet ng side bangs niya)
⚪ Dec 25 para maraming foods




4. Kailan mo gustong ikasal?

Pag 25 ka na
Pag 25 na 'ko (4 years nalang hoho)
Pag 70 na si daddy mo
Pag uwi mo dito hehe




5. Ilan gusto mong anak?

⚪ 3-5
⚪ 6-7
⚪ 8-10
Grabe 'to ha, pero okay lang sa'kin kung more than 10. I will understand u, bØs$ m4pägM4hAL,,




Wala sa sariling natawa ako sa huling isinulat niya. Napalingon tuloy sa akin si Luke na nagdadrive ngayon. Magfa-five pa lang at pauwi na kami ngayon ng Makati. Aayusin lang namin ang mga gamit namin doon, magpapaalam kay nanay Ida, at lilipad na ng La Cuevas.





Tinakpan ko ang bibig ko at isinandal ang ulo ko sa headrest ng shotgun seat. Hindi ko na sinagutan ang form at wala namang matinong magawa si Vincent. Sa huli ay nakatulog ako sa biyahe at nagising lamang nang huminto na kami.




"Nasabi nga ni Gavin na may pinuntahan kayong malayo, saan nga iyon 'nak?" Tanong ni nanay Ida habang tinutulungan kami sa pag-aayos.





"Tagaytay ho." Sagot ko.





"Kayo lang dalawa ang pumunta?" Malisyosong tanong niya kaya bumagal ang pagtutupi ko ng damit.




Nandito kami ngayon ni nanay sa kuwarto ko habang si Luke ay nagpunta sa Rockwell para isauli iyong BMW ni Gavin. Wala naman siyang gaanong gamit dito kaya hindi  niya kailangang magmadali sa pag-uwi. Gitara at iilang paper bags lang ang gamit niya na inayos na ni nanay Ida kanina.




"Opo." Sagot ko ulit.




"Kamusta? Anong ginawa niyo roon?"




Nilingon ko si nanay ng may nag-aakusang tingin. "Namasyal lang kami, 'nay. Tsaka may kaibigan ho siya doon, kasama namin. Marami kami." Pagsisinungaling ko.




Sorry 'nay, hindi pa 'ko handang tanggapin ang judgement mo. Na halos ayoko siyang patuluyin dito noong una pero pag-uwi namin ay may hickey niya na 'ko. Shit, ano ba 'yan. Mariin akong umiling at nabigla sa naisip ko.




"Mag-iingat ka rito 'nay, kapag may kailangan ka ay ipasabi mo lang sa mommy ni Gavin at makakarating iyon agad sa amin." Bilin ko dahil ayaw niyang gumamit ng cellphone.




Nakukulitan lamang siyang tumango at marahan kaming itinulak palabas. "Sige na, sige na, mahuhuli pa kayo sa flight ninyo."




"Una na po kami." Paalam ni Luke at nagmano kay nanay bago kinuha ang maleta ko. Nakasabit naman sa kanang balikat niya ang guitar case.




"Bye, 'nay."




"Mag-iingat kayo, 'wag mong pasasakitin ang ulo ng pamilya mong bata ka."




Napangiwi ako at lihim na ngumiti bago tumango at naglakad paalis. Magcocommute lang kami papunta sa airport at doon na sasakay.




"What are you doing?" Tanong ko kay Luke nang mapansing inilabas niya ang notepad at ballpen niya. Kalahating oras na kaming nakaupo rito sa first class seat at nakaubos na rin ako ng isang kape pero inaantok pa rin ako. Napagod yata ako sa biyahe namin kanina.




"I don't have anything to do so I'll just finish my composition. You can rest." Sagot niya bago tinapik ang balikat niya at inilahad sa akin.




Kumunot naman ang noo ko at isinandal ang ulo ko sa malambot na head rest ng upoan ko. Napaka corny niya talaga, di hamak naman na mas komportableng sumandal sa upoan kaisa sa balikat niyang ubod ng tigas.




Nang makita niya iyon ay ngumisi siya at marahang umiling. Sinulyapan ko lang ang dimple niya sa kanang pisngi bago ngumiti at pumikit.












"Bakit magkasama na naman kayo?" Iyon ang bungad sa amin ni Sage nang makapasok kami sa mansiyon.




Hindi ko alam pero agad akong nakaramdam ng tuwa nang makita siya. Kunot ang noo pero hindi naman seryoso ang mga mata. Parang pinipilit niya lang magalit kaya hindi ko maiwasang mapangiti. I miss him.




Hindi na ako nag aksaya ng segundo, binitawan ko ang mga paper bags na dala ko at tumakbo patungo sa kaniya. Kaagad ko siyang niyakap ng walang pasabi. Mahigpit at konti nalang ay hindi na siya makakahinga. Wala akong makialam, na-miss ko siya.




"H-hoy, siraulo!" Naglikot siya pero hindi iyon malakas kaya hindi rin siya nakawala sa akin. Kalaunan ay naramdaman ko na ang pagyakap rin niya sa akin at bahagyang pagtawa. "Anong nakain mo, ha?" Malumanay niyang tanong.





"I miss you, kuya.." bulong ko kaya naman natigilan siya. Lalo pa akong napangiti nang mamutawi ang katahimikan sa amin. Naramdaman ko ang paglunok niya kaya nagtataka akong humiwalay at tinignan siya.




Tulala ang mga mata niya sa akin habang nakaawang ang mga labi. Tila hindi makapaniwala sa kaniyang narinig.





"Puta, pre. Narinig mo 'yun?" Biglang tanong niya kay Luke habang nakahawak sa dibdib niya. Napaka oa ng unggoy na 'to.





"Hindi." Sagot ni Luke.




"Tangina.. ulitin mo nga! 'yung malakas!" Masiglang utos niya sa akin kaya pinagtaasan ko siya ng kilay at kinuha ang mga paper bags ko. Tinalikuran ko siya at naglakad na palampas.





"Hoy! Sandali, ulitin mo 'yon! Narinig ko 'yon, sabi mo 'kuya'! Hoy!" Sigaw niya kaya huminto ako at nilingon siya. Pero imbes na gawin ang utos niya ay ngumiti lang ako at inilabas ang aking dila upang asarin siya.





"Bleh."




"Anak ng.."




Tumawa ako at naiiling na umakyat ng hagdanan bitbit ang mga paper bags. Nakangiti akong dumiretso sa kuwarto ni daddy at nakita siyang natutulog. Lumapit ako at pinagmasdan ang payapa niyang pagtulog bago yumuko upang patakan siya ng halik sa noo.




Nagtungo na ako sa kuwarto ko upang maligo at magbihis ng pantulog. Lumabas ako ng banyo suot ang ternong purple na silk pajama at polo. Umupo ako sa vanity chair para patuyuin ang buhok ko. Naglagay ako ng lotion sa katawan at cream sa mukha bago nagsukat ng mga bagong piercings.




Sa kaliwang tenga ay naglagay ako ng tig-iisa sa lobe, upper lobe, at orbital. Sa kanan naman ay dalawang helix at isang snug. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng repleksiyon nila. Bagay na bagay sila sa tenga ko lalo pa't maputi ang balat ko. Napangiti ako at nag spray ng Chanel N°5 na regalo rin sa akin ni Bernice.




Sinulyapan ko pa ng isang beses ang sarili ko sa salamin bago nakangiting lumabas ng kuwarto. Nagtungo ako sa dinning para sana maghanap ng makakain, nang makarinig ako ng ingay sa may garden area.




"Dinner po ma'am?" Tanong ng kasambahay.




Hindi. Breakfast.




"Opo." Magalang na sagot ko bago naglakad patungo sa garden. Nakabukas ng kaunti ang salaming double doors kaya naririnig ko si kuya na nagsasalita.





"Oo pre, puta. Totoo nga!" Lumapit pa ako hanggang sa makita ko na sila. Nakatayo si kuya Sage patalikod sa akin habang may kausap sa telepono. Si Luke naman ay nakaupo sa single chair paharap sa direksiyon ko at nakahalukipkip habang nakangisi. Nakatingin siya sa kaibigan niyang parang tanga.





"'Diba sabi ko magpapainom ako 'pag tinawag niya 'kong kuya? Oh dito na, bilisan niyo!"




"You're overreacting." Komento ni Luke. Right.




Ibinaba naman ni Sage ang tawag at pasaring na nilingon si Luke. "Wala kang pake, ngayon lang ako tinawag ng ganon nun. Tangina pre, ramdam mo ba 'yung kilig ko? Pucha, hahaha!"




Napailing lang si Luke at lalo pang nangiti. Nang magtama ang paningin namin ay nagulat ako nang kindatan niya ako! Oh my God, bakit may pa gano'n?! Nag-iwas tuloy ako ng tingin at mabilis na bumalik sa dinning area.




"'Y-yung pagkain, manang?" Kandautal na tanong ko habang naghihila ng sarili kong upoan.




"Ayan na po, ma'am."




Tumango ako. Grabe. Bakit niya ako kailangang kindatan?! Hindi ba siya aware na nagkakagulo 'yung mga paro-paro sa tiyan ko ngayon?! Ah, mali! Hindi lang yata sila paro-paro. Dinosaur sila, dinosaur!  Sobrang guwapo niya lang!














"I heard you're home?" It was kuya Loren's baritone voice on the other line. Kakatuyo lang ng buhok ko at ngayon at kinukulot ko ito habang nakaupo sa vanity chair ko.




"Yup."




9:42am pa lang at balak kong pumunta ngayon sa Lesyel's ink. Magpapatulong sana ako kay Luke kaso hindi ko na siya malapitan kagabi sa sobrang kaba ko. Hindi ko rin naman siya ma text dahil nahihiya ako. I know he's busy, and I don't want to sound so clingy.




"How did your visit goes? Your mom?" Tanong niya pa. Naka loud speaker ang call kaya naririnig ko siya kahit nakapatong lang sa vanity table.





"Good, good. She's fine there. I hope." Sagot ko habang iniikot ang buhok ko sa curler. Hindi ko naman puwedeng sabihin na nakipaghalikan ako habang malayo sa kanila. Duh.




"Good to hear. I'll visit there when I have some time. For now just look after dad, okay?"




Tumango-tango ako kahit hindi niya naman nakikita. "Alright, kuya." Kaswal na sagot ko.




Natahimik ang kabilang linya kaya akala ko ay pinatay niya na ang tawag. Pero nang silipin ko ang screen at makita na naroon pa ang tawag ay kumunot ang noo ko.




"Yes? Kuya may sasabihin kap—"




"I'm visiting tonight after my duty." Nagtataka akong napahinto sa ginagawa.




"I thought you're busy—"




"You better be consistent on calling me that. Bye."




"Huh, what— hey! Kuya? Damn it." Pinatay ko ang curler at hindi makapaniwalang napatitig sa screen ng cellphone ko. Wala na ang tawag pero naiimagine ko pa rin ang mukha ni kuya Loren. Bakit ba ang OA ng mga kuya ko? Bakla ba sila? I doubt that.





"Ma'am Sadie?" Napalingon ako sa pintuan nang may kumatok na katulong. "Pinapatawag po kayo ng daddy niyo. Nasa kuwarto po siya."




"Okay, lalabas na po." Sabi ko at inayos na ang mga pinaggamitan ko bago tumayo.




Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Sa unang pagkakataon ay nagawa kong magsuot ng tank top. Kulay itim ito at hapit na hapit sa katawan ko. Kitang kita ang nalaking peklat na dati ay tinatakpan ko.




Gumamit rin ako ng concealer na nakita ko sa drawer ko para takpan ang hickey sa leeg ko. Parang normal na ulit ang kulay ng balat ko roon. Hindi ko nga lang ala  kung hanggang kailan ang itatagal nito.




Nagsuot rin ako ng itim na skinny jeans, at boots na may maliit lang na heels. Ang buhok kong hanggang balikat ay ngayon hanggang leeg nalang dahil kulot. Inabot ko ang pulang lipstick na hindi ko pa nagagamit. May tatak rin itong Chanel kaya siguradong galing na naman kay Lea ito. Lahat ng Chanel ko ay galing sa kaniya.




Nagspray ako ng pabango at isiniksik ang wallet ko sa backpocket ng jeans ko bago huminga ng malalim. This is the first time that I will step out of my room exposing my scar. This is the first time that I felt this kind of nervousness, but very light at the same time. Ang gaan-gaan sa pakiramdam na walang itinatago.




Lumunok pa ako ng isang beses bago binuksan ang pintuan ng kuwarto ko para lumabas. Dire-diretso akong naglakad patungo sa kuwarto ni daddy at akmang bubuksan iyon nang mapahinto ako. Bumuntong hininga ako at ikinuyom ang aking mga kamay para marahang kumatok. Kailangan ko nang masanay na 'wag maging bastos.




"Come in." Dad's weak voice surfaced.




Doon ko pa lamang binuksan ang pinto kaya nagulat si daddy. Hindi ko alam kung  nagulat siya dahil marunong na akong kumatok, sa bagong lipstick ko, sa kulot na bubok ko, o sa suot kong mababa ang neckline kaya kitang kita ang peklat ko.




Matagal akong pinagmasdan ni daddy na parang pinag-aaralan ang bawat detalye ng katawan at mukha ko. Nang mapako ang paningin niya sa peklat ko ay napalunok na naman ako at agad kong pinigilan ang panginginig ng aking mga kamay.




"Sadie.. you look different.." he commented.




Naglakad ako papalapit matapos kong maisara ang pintuan. Huminto ako sa tabi ng kama niya at hinayaan siyang pagmasdan ang peklat ko.




"..in a good way." He added. Parang hinaplos ang puso ko. Kalaunan ay ngumiti siya at tila naluluhang tumingin sa akin. "I salute you for being brave.." he said that had me puzzled.




"What do you mean, dad?" I asked. Did he know? Alam ba niya ang tungkol dito? Paano? Nakita niya na dati? Hindi ko pa naman—




"Ida told me, that we might be curious as to why you're always covering your chest. She explained that you have something very heavy to hide.. and that you'll find the right time to be confident soon.. I thought I wouldn't be able to witness it in my lifetime, that's why I am so happy right now.. that I get to see you being so free. My daughter is so beautiful.. you look just like your mom."




Nagtaas ako ng kilay at lihim na pinagalitan si nanay Ida sa isip ko. Gayun pa man ay hindi ko maitatanggi ang ginhawang nararamdaman ngayon dahil wala akong violent reaction na natanggap. So far.




Ngumiti ako at marahang umupo sa tabi niya. Nanunubig pa rin ang kaniyang mga mata pero hindi iyon tumutulo. Tila pinipigilan niya at ayaw niyang umiyak sa harapan ko.




"It's fine, dad. You can cry. Ako lang 'to." Biro ko kaya mahina siyang humalakhak kasabay ng pagkawala ng mga luha niya.




Alam ko namang iiyak siya pero nagulat pa rin ako. Teka, mali yata na inencourage ko siyang umiyak. Baka makasama 'to sa kalagayan niya? Pero tears of joy naman e. Ano ba 'yan. Ano ba naman 'tong pamilya ko. Ang sarap nilang mahalin.













Palabas na'ko ng mansiyon nang makatanggap ako ng text mula kay Luke. Agad akong napangiti at naexcite na buksan iyon.




Luke:

Good morning. I'm going on a meeting. How's your sleep?




Ako:

Okay lang. Ikaw? Ingat.




Naglakad ako patungo sa mercedes ko habang hinihintay siyang mag reply, pero nagulat ako nang tumawag siya. Sumakay muna ako sa loob at inistart ang sasakiyan bago iyon sinagot.




"Yes?" I started.




"I can hear a car engine. You're driving?"




"Uh-huh, I'm going out today."




"Where? Sinong kasama?"




"Ako lang. Sa Lesyel's ink, bakit?"




"Anong gagawin mo do'n? Ang dami mo nang biniling piercings kagabi ah? Kasya ba lahat sa tenga mo 'yon?" Tanong niya kaya natawa ako.




Hinayaan kong mamahinga ang kaliwang kamay ko sa manibela habang tumatawa.





"No.. hindi ako bibili ng piercings."




"Then what? Tatambay ka lang? Close na kayo ng kapatid ko?"




Lalo pa akong natawa dahil sa pang uusisa niya. Oh my God, even just a simple conversation with him makes me really happy. What a great way to start my day.




"I'm getting a tattoo." Sagot ko at marahang kinagat ang pang ibabang labi ko para abangan ang isasagot niya. Nilaro ko ang aking mga daliri sa manibela habang tahimik siya sa kabilang linya. Maya-maya pa ay mahina siyang nagsalita.




"Are you serious?"




Napangiti ako. "Yup, masakit ba 'yun?" Tanong ko.




"Puro butas na nga 'yang tenga mo tapos matatakot ka pa sa karayom? Anyway pwede ba 'yon sa school mo? Mag me-med ka 'diba? I don't think it's allowed." He said.




Nagkibit ako ng balikat habang nakatingin sa speedometer. "As long as it's not distracting, it won't be a hindrance. Anyway naka coat naman kami palagi, so.."




"Daming dahilan, 'di mo pa sinabing Eleanor ka kaya wala silang magagawa sa desisyon mo." Buwelta niya kaya natawa na naman ako.




"That too." Biro ko. "So yeah, gotta go. I'll just call you later—"




"We'll meet there, tatapusin kolang 'tong meeting."




Napakunot ang noo ko. "No, it's alright. Kaya ko naman."




"I'm going with you, Sadie. Ako ang mag ta-tattoo sa'yo." Sabi niya na ikinatigil ko.




"W-what?" Takang tanong ko. Does he know how? Is he professional? How am I supposed to trust my skin to him?! Wait, I even let him suck my skin.. fuck, what?!




"Ibababa ko na, mabilis lang 'to. Kita tayo do'n. Take care."



Hindi pa rin ako makapaniwala habang nakatulala sa harapan. "O-okay.."




"Don't let them touch you. I'll raise hell, Sadie."




Marahan akong tumango at hindi na sumagot. Pinatay ko ang tawag at tila lutang pa rin na nakatitig sa screen. He's gonna ink my skin? Bakit kung anu-ano ang tumatakbo sa isip ko? Kung ibang tao ay ayos lang naman. Iba kasi kapag siya, oh my god. I should calm the fuck down!




JOJISSI

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 68.8K 48
(Magnates Series #3) Azriella Dominique Laurel lost her family to a tragic explosion in a cruise ship. It turned her life upside down, with her belie...
1.7M 31.3K 43
Isla de Vista Series #4 Sky, ah! What a beautiful sky. Chased by many, loved by many, wanted by many, but chasing someone as cold as the snow and as...
412K 6.2K 29
[Completed] Can you guarantee that love can really make its way how you want it? Date Started: May 16, 2021 Date Finished: May 30, 2021 Vector Design...
13.7K 519 17
Julia don't believe in love, not until Aries effortlessly sent her tingling sensations. Eventually, even without trying, she fell. Aries Chase was th...