Class Code: ERROR

By SymphoZenie

4.5K 169 349

Highest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment th... More

Class Code: ERROR Disclaimer
Prologue
Chapter 1: The Announcement
Chapter 2: Sirius Tech Institute
Chapter 3: A Test For the New Utopia
Chapter 4: Escape from the Prison-like Home
Chapter 5: A Night Before Class
Chapter 6: Mysterious Items and Mysteriously Kidnapped
Chapter 7: Flower Garden-Crashers
Chapter 8: A Forest behind the Wall
Chapter 9: The Stranger
Chapter 10: Upcoming Terror
Chapter 11: New Subject
Chapter 12.1: Beta Tester #1-A
Chapter 12.2: An Oath to Protect
Chapter 13: A Call from the Parallel World
Chapter 14:Midterm Exam's Forbidden Technique
Chapter 15: Zenrie and the Two Knights
Chapter 16: Butterfly Effect
Chapter 17.1: Into the Woods of Exiles
Chapter 17.2: Tigmour
Chapter 17.3: Triple Switch Technique
Chapter 18: Souvenir
Chapter 20: The Girl on the Dance Floor
Chapter 21.1: Before Nine O'clock
Chapter 21.2: The Birth of Black Navillerian Angelus
Chapter 22: Duel Arena Tournament
Chapter 23: Final Round
Chapter 24: Surprise Visitors
Chapter 25: Cake and Coffee Talks
Chapter 26.1: The Monument of Peace
Chapter 26.2: Arcantz Legionear
Chapter 27.1: Scarlet Dawn's Wake-up Call
Chapter 27.2: Beauty and the Cursed Fairest
Chapter 27.3: Blue-eyed Maiden
Chapter 28: To Freeze or Promotion
Chapter 29.1: Ellah's Proposal
Chapter 29.2: Eighth of May
Chapter 30: Have a Break
Chapter 31.1: Wardrobe Malfunction
Chapter 31.2: The Temporaries
Chapter 31.3: Dealing with a Hyena
Chapter 32: Stars in the Sea
Chapter 33: A Father Who Broke the Oath
Chapter 34.1: Blind Spot Test
Chapter 34.2: In the Eyes of the Peculiar
Author's Note
Author's Note
Chapter 35: The Result
Chapter 36.1: The Enchanting Encounter
Chapter 36.2: The Petal

Chapter 19: SAU Intramurals Opening Ceremony

66 2 29
By SymphoZenie

===Zenrie===

SAU Dormitory, April 13, 2020

04:00 AM

DAHAN-dahan kong minulat ang aking mga mata hanggang sa masilayan ko ang madilim na paligid na kung saan konti lang ang liwanag na pumapaligid sa silid. Tanging kisame lang ang bumungad sa aking harapan na nababalot ng anino. Umiihip din dito ang hanging nagpapatayo ng balahibo sa katawan at nagpapangatog ng aking tuhod. Isa na rin itong normal na phenomenon sa kalikasan kahit nasa virtual world pa ito. Mas mainit sa umaga dulot ng sea breeze, mas malamig naman sa gabi dulot ng land breeze.

Pero kakaiba yata ang lamig na humahaplos sa aking balat ngayon. Para kasing niyayakap ako ng isang yelo.

Marahan akong bumangon sa aking higaan at kahit bagong gising pa'y pinagmasdan ko na agad ang aking buhok na hanggang ngayo'y mas nagliwanag pa ang kulay asul nito sa may huli. It was like a faded azure from blackness. Mas nakakapagtaka pa nito'y tila nagniningning ito na parang bituin sa langit o kaya nama'y gawa ng mga nilalang na may bioluminescence sa katawan. Hindi na rin bago 'to simula noong nangyari ang unang araw ng ERCO 673.

Ang kaibahan nga lang ay mas nagniningning pa ito ngayon lalo na't bukas na ang huling araw ng aking Navillerian Metamorphosis.

Maliban sa bagay na ito, nagising ako hindi dahil sa kailangan ko nang mag-asikaso sa kusina upang maghanda ng agahan, kung hindi dahil sa kakaibang panaginip na naman na naging dahilan pa upang uminit nang konti ang aking mga mata. Hindi ko na rin ito kinusot at baka dahilan lang 'to ng sobrang pagod.

Para kasing may nakita ako sa salamin sa aking panaginip na isang babaeng kamukha ko at may parang kakaiba sa kaniya, lalong-lalo na sa kaniyang mga mata. Mistulang itong apoy na naglalagablab, ngunit ang kulay naman niya'y tila kakaiba. Talagang kakaiba.

Her eyes were sapphire blue just like the color of the necklace that Issei wore on my physical body. She has two silver-black cyberpunk hair clip accessories on both sides of her hair, wore a black outfit where the sleeve-like cloth covers the outer side of the arms, the upper part has a raglon-like design with a combination of halter design that has an X pattern to the collarbone part and connects with the upper cloth. It has a slight arch curve opening on the upper chest and luckily it still hides its modesty. Both sides has white arcs on the upper chest and at the center has a breakdown-like design with a little blue butterfly near the abdomen part and has the same design to the bottom part.

The hips are quite exposed because of the diamond cuts on both sides. Then, she has a black windswept down cape or dress that reaches the upper ankle and at the same manner the butterfly was present on her belt that looks like a locker. Pitch black long socks and inner short ware also present down to her boots with linings like on her upper dress with three inches heel.

Darn. How could I possibly describe someone's complicated outfit? Kahit ako ay nalilito rin tungkol sa bagay na'to. Hay naku!

That time, that girl looked at me in the mirror too. But all of a sudden, her hand came out from the mirror and touched my eyes and it made me the reason to wake up. It's really weird as what I think if it was for my novel. Para yatang nagiging horror saglit ang panaginip ko at basta-basta na lang nagpakita ang babaeng 'yon. Mata lang ang nakikita ko sa mukha niya habang ang kalahati nama'y nakatakip ng itim na mask na gawa sa tela. Parang sa damit ng ninja kung tama ang pagkakaalala ko.

I thanked that it was only just a dream. A weird dream.

Inayos ko agad ang aking buhok at agad bumaba sa aking higaan nang dahan-dahan at ganoon na rin ang paglabas ko ng pinto. Sinisigurado ko na ring hindi magigising sila Mimi at ang iba pang mga kasamahan ko sa silid. Baka kasi mag-alala pa sa'kin dahil ilang gabi na akong nagkaroon ng ganoong klaseng panaginip.

Binuksan ko na muna saglit ang aking student's window upang tignan kung ano na ang oras sa mundong ito. Nang lumitaw ito ay nakalagay mismo sa window na sampung minuto na ang dumaan matapos mag alas kuwatro ng madaling araw. Mukhang pati rin ang paggising ko sa madaling araw ay mas dumadalas na dahil sa Navillerian Metamorphosis na'to.

I wear my thick sweater and rush to the rooftop where I can think silently. Kay aga-aga nagsisimula na naman akong mag-overthink maliban sa pagkalap ko ng mga impormasyon tungkol sa ERCO 673 at kay Avicta. It's not quite healthy for your brain that started to process.

Pagkarating ko sa rooftop ay sumalubong na rin sa akin ulit ang malamig na hangin at ang sinag ng buwan. Ito ang isa sa mga nagpapabigay sa akin ng kapayapaan sa isipan kahit ang dami ko nang mga pasanin sa buhay at maibsan ang nararamdaman kong hinagpis mula sa pangyayaring ayaw na ayaw ko na talagang isipin pa.

Isa na roon ang pagkalat ni Jairus sa aking pangalawang pseudonym sa laro at nag-iwan sa akin sa isang kawalan kasabay ng pagtraydor niya. Nakakainis! Bakit pa kasi siya nagpakita sa Strelia Aurelis nitong mga nakaraang araw na mas lalo pang nagbibigay ng kabuwisitan sa buhay ko?

Isa pa, hindi ko talaga sinabi kay Issei na nagkita at minsa'y magkasama kami rito sa virtual world. I'm sure he's going to freak out.

Sumandal agad ako gilid ng pintuan habang nakatingala sa kalangitan. I slipped my back until I sat on the gray floor while looking in the night sky. This kind of nature's masterpiece is really mind blowing, even if this is a virtual world.

Everything you feel doesn't make a difference in the virtual world. Happiness, sadness, pain, struggles, or even died in the virtual world is real. With the five senses you can define it, but not the "died" in the virtual world situation. I wonder everything about it. Parang pakiramdam mo nandito ka pa rin sa tunay na mundo ngunit hindi pala.

Rooftops are the best place to think and gather up information about what's happening around and even this strange phenomenon I've been experiencing right now, the Navillerian Metamorphosis.

"Bukas na pala ang huling araw ng metamorphosis," mahinang saad ko sa aking sarili. Tumingala ako sa kalangitan ulit na kung saan makikita ko na naman ang mga maririkit na bituin na tila nangungusap at nakikipaglaro.

"Sana man lang ay walang kababalaghang mangyari sa'kin bago pa 'to matapos bukas. Mahirap na kapag nalaman ito ng mga kasama ko."

I shut my eyes for a second and took a deep breath. Sa tuwing magsisimula na naman akong mag-overthink, hihinga na lang ako nang malalim upang hindi ito lumala. Mas maganda pa 'to kung nandito si Blaurei dahil siya lang naman ang nakakaalam sa lahat ng mga nangyayari sa katawan ko.

Maya-maya pa'y may isang bagay na dumapo sa aking ulo na parang mga paa ng langgam na itim. Sa pakiramdam na ito'y mukhang alam ko na kung sino 'to.

Speaking of that beautiful creature...

"Nakakasama sa'yo ang pag-ooverthink alam mo 'yon?" wika ng nilalang na nasa ulo ko.

"Alam ko Blaurei. Maliban sa napanaginipan ko kanina, hindi ko lang talaga maiwasang isipin na nagiging malala na rin minsan ang mga lumalabas na sintomas simula noong unang araw ng Navillerian Metamorphosis," I sighed deeply and looked to the night sky.

"May nararamdaman ka na naman bang kakaiba sa katawan mo nitong nakaraang araw?"

"Maliban sa munting hilo? Oo."

Dahan-dahan kong hinipo ang aking mga mata at noo habang hindi ko pa rin inalis ang aking mga mata sa tinitignan kong tanawin sa itaas. No wonder that the stars are shining even more before the dusk comes in.

Hindi ko alam kung dahil ba sa panaginip ko kanina ay bigla na lang akong nakaramdam ng unti-uting pag-init ng aking mga mata. Mas malala pa'y nakaramdam ako ng muting kirot sa ulo na hanggang ngayo'y binalewala ko lang.

Para yatang mas malala pa sa morning sickness ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. My eyes started to have a burning sensation. I guess this is just quite normal.

"Mukhang kailangan mo na ring maghanda sa panghuling proseso ng Navillerian Metamorphosis, Zenrie. Kahit anong oras mula ngayon ay lalabas na ang isa sa mga sintomas na minsan nang nakita ng iilan. Hope those windows won't burn from inside and outside," paliwanag niya at agad na lumipad sa aking harapan.

"Burning windows? Huling proseso?" mahinang tanong ko.

Ano bang pinagsasabi ng paruparong 'to? Minsan talaga gumagamit na rin siya ng iilang metaphor kapag nag-uusap kami tungkol sa bagay na 'to. Sometimes she's weird and vague.

Naningkit ang aking mga mata nang tumingin ako sa kaniya. Gusto kong malinawan sa lahat ng bagay na pinagsasasabi niya. At the same time, I also want to know her interpretation about the dream I have recently. How that mysterious lady could pass her hand from the mirror and touched my eyes? Naaalala ko tuloy ang proseso sa pagkakaroon ng sharinggan sa Naruto.

"Alam ko kung anong gusto mong itanong sa'kin kaya sasabihin ko na sa'yo ngayon," tugon niya.

"Please, tell me everything about the final process," pagsusumamo ko sa kaniya't napabuntong hininga.

"Ok. Ganito ang mangyayari sa proseso sa huling parte ng Navillerian Metamorphosis---"

Bago pa man siya makapagsalita ay bigla na lang uminit ang kanang mata ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Agad akong napahawak dito at talagang masasabi kong isa ito sa mga weirdong bagay na nararanasan ko sa metamorphosis na 'to.

My right eye stings. It's just like being pierced by a knife on the right eye and it's disturbing to imagine it. Mas malala pa 'to sa natatamo kong ocular migraine sa tunay na mundo.

I can feel the burn. Darn! Anong nangyayari sa'kin? Akala ko ba'y may pain absorber dito.

"A-Anong nangyayari sa'kin Blaurei?" nauutal kong tanong habang dinadaing ang sakit.

Blaurei gasped and went closer to me.

"Iyan ang sinasabi kong isa sa mga panghuling proseso ng Navillerian Metamorphosis, Zenrie. Hindi masasakop ng pain absorber ang prosesong 'yan at sigurado akong mas masakit pa 'yan kesa sa maturukan ng injection," kalmadong saad niya.

"Maturukan ng injection? Eh, mas malala pa nga 'to kesa sa mga inaasahan ko. Parang luluwa na ang kanang mata ko sa init at sakit. Ack!"

Maya-maya pa'y sumunod naman ang kaliwang mata ko. Napatakip na ako nang tuluyan sa mata gamit ang aking dalawang kamay. Napailing ako sa sakit at pilit na kinakaya ang kakaibang proseso na 'to. May pagdadaanan pa pala akong mga ganito tapos hindi man lang sinabi ni Blaurei.

Siguro nga'y gusto niyang ako ang makakaalam.

Pero grabe! Ang sakit ng mga mata ko! Parng mas lalo pa itong umiinit at kumikirot na parang sinaksak na ako ng sibat.

"Masakit nga ang huling proseso, pero kayanin mo. Ito ang isa sa mga bagay na pagdadaanan ng isang Black Navillerian Angelus. Huwag kang mag-aalala, magiging maganda rin naman ang kinalabasan matapos nito. Isipin mo na lang na para kang nakalabas sa iyong chrysalis sa loob ng 21 days. You have to endure that kind of pain Zenrie," payo naman ni Blaurei.

I sighed heavily when I heard her advice.

"Sana nga'y matatapos na rin ang mala-kalbaryong metamorphosis na'to."

This time, I was chasing my breath. Dinaig pa ang pagtakbo ko mula People's Park papuntang Strelia Aurelis. Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari.

My heart beats fast.

My sweat dripped from my neck.

The pain is getting sharper.

I want to scream!

Hanggang kailan pa matatapos ang kalbaryong ito?

"Zenrie! Lumaban ka! Indahin mo ang sakit!"

Hindi ko na kaya. Sobrang sakit talaga ng mga mata ko... Parang nababawasan ang lakas ko.

"AAAAAAAAAAAAACK!~"

My scream roared all over the campus and echoed. Kainis! Baka dahil sa ginagawa ko ay magising pa ang iilang mga tao rito lalo na sa dorm. Paano pa kaya kung malaman ng mga kasamahan ko na may iniinda na naman akong sakit at hindi pa ito ordinaryo?

Jusko! Sobrang sakit! Kailangan ko na talaga ng matinding pain reliever para rito!

"Zenrie!" tawag naman ulit ni Blaurei sa'kin.

Dahan-dahan ko namang minulat ang aking mga mata at nasilayan ko ang medyo blur na imahe ni Blaurei na ngayo'y lumapit pa nang husto sa'kin. Habang iniinda ay mas lalo pang nanghina ang aking katawan. Para akong hinila ng lupa papuntang underworld.

Marahan naman akong ngumiti sa kanya.

"Ayos lang ako Blaurei. Kakayanin ko... Kakayanin ko ang sakit..."

Bago pa man ako tuluyang magsalita, unti-unting pumikit ang aking mga mata at kasabay n'on ang pagsalo ulit sa'kin ng matigas na higaan. Hindi ko na napansing nakahilata na naman ako sa pangalawang pagkakataon.

Pilit ko ring imulat nang dahan-dahan ang aking mga matang literal na umiinit sa sakit at may nasilayan pa akong isang taong papalapit sa posisyon ko. Hindi ko halos maalinag ang kaniyang mukha sa malayo hanggang sa tuluyan na nga akong napapikit at mawalan ng malay.

Hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko. Para yatang torture ang sinapit kong Navillerian Metamorphosis. This may be the second to the last day of the process, but I already gained so much changes and pain. Hindi ko inakalang magiging malala pa pala ang bagay na'to.

Tapos sa mata pa talaga ang naging target?!

At maliban pa sa migraine, bakit ba kasi lapitin din ako sa pagkahimatay?

"Are you ok?"


==============

Bumangon ako agad na tila naghahabol pa rin ng hininga. Tumagaktak din ang aking pawis sa leeg na talagang kataka-taka kung tutuosin. Hindi naman ako nagjogging o kaya nama'y pinatay ang aircon sa dorm.

Rinig na rinig ko rin ang mabilis na tibok ng aking puso. Siguro sa pagkakataong ito ay binangungot na naman ako ng masamang bagay. Kahit nasa virtual world ako, wala pa rin akong takas sa mga panaginip at bangungot. Minsan pa nga'y pakiramdam mo nasa loob ka rin nito habang nilalakad mo ang isang pamilyar na lugar.

That kind of déjà vu feeling, everything's quite ubiquituous.

Pero, parang may mali yata.

Kanina kasi nasa rooftop ako kasama si Blaurei habang sinasabi niya sa'kin ang tungkol sa huling proseso ng Navillerian Metamorphosis at sa panaginip ko tapos...

Tapos bigla na lang uminit ang mga mata ko't nawalan na naman ng malay.

Para yatang nagkatotoo ang panaginip ko kanina tungkol sa babaeng nasa salamin na humawak sa mata ko. Ang weird. Everything seems to be true. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ko sinapit ulit ang bagay na 'yon. Ngayon na kagigising ko lang ay wala lang nangyari.

Maliban ulit sa boses na aking narinig bago pa ako tuluyang nag-shut down.

Hay! Kailangan ko pang maghanda para sa opening ceremony ng intramurals ngayong araw na 'to.

Bumaba ako mula sa itaas ng double deck bed at dumiretso sa banyo. Siyempre, kahit nasa virtual world ka pa ay kailangan mo pa ring magkaroon ng daily routine lalo na sa kalinisan. I quickly get my bathrobe and black bath towel in my items vault and rushed to the things I have to do.

Matapos ang 45 minutes ay agad akong nagpatuyo at nagbihis ng damit. Natagalan ako sa pagligo dahil sa haba ng buhok ko. I chose to wear a gray crop top with turtle-neck and black harem along with the midnight blue denim jacket. May nakita rin kong varsity jacket ng Strelia Aurelis na ibinigay sa amin kahapon sa aking wardrobe settings. Basta na rin ako binigyan nito ng trainor ng badminton at arnis nang makapasok ako sa parehong team.

Ewan ko ba kung bakit pinayagang puwedeng magkaroon ng dalawang sports na sasalihan sa intramurals kahit isa lang dapat.

Siguro may ibang pakulo ang founder ng event na'to.

Lumapit agad ako sa malaking salamin na nasa tabi ng double-deck bed namin ni Mimi at nagsimulang mag-ayos ng buhok. Habang abala ako sa pagkuha ng aking mga tali sa buhok at pangtakip nito sa kulay asul na highlights mula upper hip hanggang sa may hita na. Minsan nga'y pinagtripan pa ako ni Ranzou at ni Mimi kamakailan lang kung bakit may malaking itim na siopao sa ulo ko. Kaya ang nangyari ay binatukan ko pareho.

Masasabi ko talagang hindi rin madaling itago sa kanila ang mapasailalim ka sa kakaibang metamorphosis na ito. Maliban sa huwag mo itong ipapahalata sa iba, huwag mo rin dapat ito ipagsabi kahit kanino, kahit pa 'yong mga kasamahan mo sa laro na alam na ang iyong virtual identity.

I tied my hair in a twin bun using a stretchable black hair holder and wrapped it using the black cloth and white ribbon. It was like a hairstyle derived from the character of Pucca but with a little change. Besides, ito rin naman ang hairstyle namin sa sayaw mamaya.

Pagkatapos kong mag-ayos sa buhok, natigilan ako saglit nang may napansin akong kakaiba. Right after I tied the white ribbon, I went closer to the mirror and check my eyes for a sec. Nang mas makita ko ito nang maayos, my eyes widened and gasped on what I just saw.

"Anak ng tinapang giliw... bakit nagkakaganito ang kulay ng mga mata ko?!" mahinang tanong ko na hanggang ngayo'y hindi pa rin makapaniwala.

My lips remained parted as I looked to myself in the mirror. Hindi ko alam na masasabi ko ang bagay na ito, pero mukhang tama na nga ang mga dahilan kung bakit nagulantang sa'kin si Sack, at napansin na rin nila Prof. Rythen at Jairus ang mga mata ko.

My night sky eyes turned into sapphire blue eyes! What on earth is happening to me?

Ito na ba ang isa sa mga sinasabing sintomas ng huling proseso sa Navillerian Metamorphosis? Naku lagot!

I shut my eyes for a second just to know if everything in the system plays a joke on me, but when I opened my eyes, the color remains the same. I tried to check if these are fake and someone just put on some contact lenses to trick me. Humanda talaga sa'kin ang prankster na 'yon.

When I tried to touch my eyes, a little voice suddenly shouted at me to stop.

"Huwag mong gawin 'yan Black Navillerian Angelus!" matinis na sigaw ni Blaurei.

Natigilan ako saglit at tumingin sa paligid upang hanapin kung nasaan siya. Sinuyod ko ang bawat double-deck beds at wala mi isang anino ng paruparong ito ang nahahanap. Hindi ko na rin itinuloy ang balak ko at baka may bigla na namang sumigaw dito.

"Blaurei? Nasaan ka?" tanong ko habang sinusuyod pa rin ang paligid.

"Nandito ako sa table drawer mo nagpapahinga sa may libro," tugon niya't agad ko ring natunton ang kanyang lokasyon. She was really resting on the top of the book near the white and blue roses.

Dahil nandito naman siya, oras na rin upang itanong ko sa kaniya ang tungkol sa biglaang pagpalit ng kulay sa aking mga mata at ganoon na rin ang sinong nagdala sa'kin sa dorm.

"Kanina ka pa ba r'yan" Paunang tanong ko sa kaniya't lumapit sa table drawer.

"Sabihin na lang nating kanina pa habang may nagdala sa'yo rito sa dorm. Mabuti na lang at agad ka niyang nakita sa rooftop na walang malay. Ikaw naman kasi hindi mo pa ako pinatapos magsalita sa paliwanag ko tungkol sa huling proseso. Sumigaw ka pa talaga sa sakit at nahimatay na naman ulit." Paliwanag naman niya't may kasama pang sermon.

Aba't kasalanan ko bang mahimatay sa sobrang sakit ng mga mata ko?

Sa totoo lang talaga, hindi ko inaasahang makaramdam ng mala-apoy na pakiramdam sa aking mga mata at nalaman kong ito pala ang magiging resulta. Naging asul ang mga ko sa masakit at mainit na paraan.

"Pangalawang beses na yata akong nahimatay ngayon sa virtual world. Nakakaasar naman 'to! Lapitin pa talaga ako ng mga himatay na sitwasyon," wika ko't napabuntong hininga.

"Huwag ka kasing masyadong ma-stress sa lahat ng bagay Zenrie, lalo na ang Navillerian Metamorphosis na 'to. Pasalamat ka't may isang lalakeng nagdala sa'yo rito na sa pagkaalala ko'y isa sa mga prof niyo sa unibersidad na 'to. Nakasalamin, ang buhok parang mala-Koreano ang datingan, at ang mga mata pa niya ay mint green."

I paused for a second time from her explanation. Sa mga sinasabi niya'y mukhang nahihinuha ko na kung sino ang prof na sinasabi niya. Iisang propesor lang ang kilala kong may mint green na mata na muling nanumbalik din sa natural na kulay nitong itim noong kasagsagan ng exams.

"Prof. Rythen." I uttered.

Na naman?!

"Parang ganoon na nga," pagsang-ayon naman niya. "Paano naman siya nakarating sa rooftop ng dorm?"

"Hindi ko alam, pero may pakiramdam akong minamatyagan ka niya lalo na 'yong nag-iba na rin nang tuluyan ang kulay ng mga mata mo. Sa tingin ko nama'y hindi naman siya masamang tao."

"But he's quite suspicious. Hindi naman talaga mint green ang kulay ng mga mata niya kundi itim. I even saw it shifting colors during our midterm exams."

"Baka may kakayahan lang siyang magpalit ng kulay sa mga mata niya," hula naman ni Blaurei.

Napataas ako ng kilay sa huling salita ni Blaurei na mas nagpatanim pa sa'kin ng matinding palaisipan. Kailan naman magkakaroon ng ganoong abilidad ng isang Virtualrealmnet user? Hindi naman kaya siguro sa virtual identity niya? O baka naman nagsusuot lang siya ng contact lenses na may kakayahang magpalit ng kulay sa kaniyang mga mata.

Kahit sa mga sinabi niya sa'kin dati sa midterm exam ay nagbibigay pa sa'kin ng goosebumps.

"Paano mo naman nasabi 'yan?" I asked in a lowered tone.

"Hula ko lang. Siguro may iba pa akong bagay na kompirmahin tungkol sa propesor na 'yon. Ang mahalaga ay kailangan mong atupagin ang iyong sarili sa Navillerian Metamorphosis na bukas ay panghuling araw mo na, lalo na't nagpakita na rin ang isa pa sa sintomas nito," saad niya.

I sighed in ease and looked at her. Bahagya na rin akong ngumiti kahit nagkabuhol-buhol na ang mga pumapasok sa isipan ko. Siguro nga ay mas mabuti pang atupagin ko na lang muna ang tungkol sa mala-torture na metamorphosis na 'to.

Binuksan ko ulit ang aking student's window at pumunta sa avatar wardrobe settings. Pinili ko agad na suotin ang white foot sock at black snickers at inihanda na rin ang aking sarili na umalis ng dorm. Bumili na rin ako ng contact lenses na kapareho ng natural na kulay ng aking mga mata sa isang shop sa student's window na agad namang napasama sa items vault ko. Ngunit nang makatayo na ako sa may pintuan ng silid ay bigla akong pinigilan ni Blaurei na lumipad naman papalapit sa mukha ko.

Ano naman kaya ang trip ng paruparong 'to?

"May problema ba, Blaurei?" tanong ko.

"Nakalimutan ko nga palang sabihin sa'yo Zenrie na hindi ka puwedeng lumabas ng dorm dahil sa Navillerian Metamorphosis," tugon niya sa mala-monotonous na tono.

"Ano?! Bakit naman?" Pabulalas kong tanong sa kaniya.

My brows started to arc and widened my eyes after hearing those words. Ano naman ang nakain niya't hindi ako puwedeng lumabas ng dorm? Hadang-handa pa naman sana ako ngayon sa opening ceremony lalo na't mamayang 08:45 AM magsisimula na ang event.

Lagot ako nito kapag hindi ako dadalo. Marami pa naman akong dapat asikasuhin sa event na 'yon lalo na't isa akong player ng badminton at arnis. Maliban doon, may gagawin ang org namin ngayong linggo at talagang abala kami. Vice president pa naman ako sa literary arts, music at PIO naman sa arnis. Isama pa ang mamayang performance namin sa sayaw kaya ganito ang suot ko ngayon.

Hindi rin ako makakasali sa opening number namin sa event dahil kinailangan kong pagpahingahin ang boses ko sa sobrang stress.

Isa pa, makakalaban pa naman namin mamaya ang grupo ni Zoiren.

"Gusto mo bang malantad ng iba sa kinahihinatnan mong sitwasyon ngayon? Paano kung malaman ng mga kasamahan mong naging asul ang mga mata mo't buhok mula sa itaas na bahagi ng bewang hanggang hita? Hindi talaga maiwasang magbibigay 'yon sa kanila ng matinding palaisipan, noh! Isa pa, paano kung umaaligid din sa paligid ang mga taong minsan nang nagpahamak sa virtual identity mo? I know you're very keen to keep your virtual identity to others as the top rank player and Black Navillerian Angelus in the game, but prevention is better than issue," sermon ulit ni Blaurei sa pangalawang pagkakataon.

Napakunot ako ng noo sa mga sinabi niya. Kung makapagsermon din ang nilalang na'to para bang si Prof. Armie.

Hay! Kapag hindi rin ako pumunta sa opening ceremony ng intramurals, sigurado akong malilintikan ako ng mga kasamahan ko sa sports events at iba pang kompetisyon.

Ngayon ko lang naalalang si Prof.Rythen pala ang coach at founder ng arnis club ngayon. Kaasar!

"Blaurei..." mahinang saad ko, "wala ka bang tiwala sa special talent ko?"

"Kahit na Zenrie! Bawal kang lumabas at pumunta ng university gymnasium. Baka kung mapano ka pa sa tuwing susumpong na naman ang mga natitirang sintomas ng metamorphosis mo. Hindi ka pa nga nakasuot ng contact lenses para takpan ang kulay ng mata mo," dagdag pa niya.

Ok. I'm really pissed at this moment if she knew.

"Seriously?"

"Mukha ba akong nagbibiro Zenrie Matsouka-Hidalgo?"

Pati rin naman ang paruparong 'to kailangan pa akong tawagin sa buong pangalan ko. Hay naku! Bakit pa kasi kailangan pang umabot sa ganito ang metamorphosis na 'to? Hindi naman ito sakit na dulot ng RespiroRoachVirus na talagang nakakahawa ah!

Ano pa ang silbi ng pagtali ng buhok ko at paglagay ng contact lenses? Mahahalata ka talaga kapag ang mga ikinikilos mo'y obvious na may tinatago ka.

Nakakaasar na talaga 'to.

Huminga ako nang malalim at umalis sa may pintuan. Dumumgaw na lang ako sa bintana ng dorm na kung saan makikita mula rito ang pasukan ng university gymnasium. Lahat ng mga estudyante, faculty members at mga bisita ay nandito na upang saksihan ang event. Nakikita ko rin sila Mimi at Althea na abala sa pag-aasikaso sa mga kasamahan namin sa sayaw.

Ang kaibahan lang ngayon ay may sinasabing pakulo raw ang founder ng naturang event. Iaanunsyo na rin nila ito mamaya sa opening ceremony pagkatapos ng opening remarks ng aming university president.

Mukhang ibang klase rin ang naging preperasyon ng SAU sa intramurals ngayong taon ah.

Plano ko sana sa buong linggo ay sumali sa mga nasalihan kong events, tumulong sa org, at higit sa lahat ang paghahanap ko pa ng impormasyon tungkol sa pinanggalingan ni Avicta at ERCO 673. Ok lang sanang mag-enjoy sa araw na ito kasama sila.

Ang kaso... hindi talaga ako pinapayagan ni Blaurei dahil sa Navillerian Metamorphosis na'to.

"Pero Blaurei..." I paused and turn to her, "Paano na ang mga sinalihan kong event mamaya? May una pa naman kaming kompetisyon at 'yon ay ang dance contest per college department, lalo na't ako ang isa sa mga lead doon. Sa larangan naman ng sports at palaisipan, they need me in their team to represent our college department. Ngayon nama'y hindi mo ako papayagan dahil sa buhok kong napakahaba na't may azure highlights? Pati mga mata kong naging sapphire blue?" I protested and sighed heavily.

Para tuloy akong bata na kinukulit ang nanay na makipaglaro sa mga kaibigan ko sa labas tapos hindi pinayagan. Hay! Minsan nakakadismaya talaga ang bagay na 'to.

Dinaig pa talaga ang pagiging grounded sa mga sitwasyong ito.

"Sabi nang bawal kang lumabas eh! Ang kulit mo talaga Kaz---"

I shot my glare to her when I heard the first three letters of my second pseudonym. Dito rin talaga kami minsan magkakatalo eh! Hindi porke't hindi pa tapos ang Navillerian Metamorphosis na 'to ay kaya na niya akong tawagin sa pangalang 'yon.

"Try to call me in my second pseudonym while the Navillerian Metamorphosis isn't done yet. I won't hesitate to crush you like a mosquito, Blaurei," mahinang saad ko na may riin sa huli.

Imbes na matakot ay mas lalo pang nagmatigas si Blaurei na hindi ako palalabasin ng dorm.

"Kahit ilang beses mo pang gawin 'yan, hindi pa rin kita puwedeng pahintulutan sa paglabas mo rito sa dorm at pumunta ng event. Iniisip ko naman ang kapakanan mo at paano na lang kung may nakakaalam sa bagay na 'yan? Talagang gulo ang aabutin mo," saad naman ni Blaurei na mas pinalawig pa niya ang kaniyang paninindigan.

"Alam ko, pero kinailangan ko talagang pumunta sa opening ceremony ng event." I sighed for the nth time and keep my dull stare at her.

"Zenrie... alam kong mahalaga sa'yo ang event na'to, pero iniisip ko rin naman na ayaw mong malaman ng iba ang virtual identity mo at sa Navillerian Metamorphosis. Isa na roon ang dalawang bodyguard mo 'di ba?"

"Ano? Dalawang bodyguard?" Naningkit ang aking mga mata at nagkrus ng braso. Ewan ko ba kung ano ang ibig sabihin ng mga sinasabi niya.

Sino-sino naman ang mga pinagsasabi niyang mga bodyguard ko raw? Ma-issue rin talaga minsan ang paruparong 'to.

Blaurei slapped her big head using her proboscis. Malamang hindi abot ng mga maliliit niyang paa ang ulo niya dahil nasa bandang ibaba ng katawan na ito nakapuwesto sa magkabilang bahagi. She even grunts in so much confuse. Ang weird niyang tignan.

"Ay grabe ka Zenrie! May amnesia ka ba? Kilalang-kilala mo kaya 'yong mga tinutukoy ko at sila lang naman ang mga kasama mong tumalo kay Tigmour sa kasagsagan ng unang araw ng ERCO 673."

"Sino-sino nga?" I asked directly.

"Sino pa nga ba? Walang iba kundi ang investigator buddy mong si Zoiren at ang ex-game partner mong si Jairus, duh!" Paglilinaw naman sa'kin ng maattitude kong paruparo.

Gusto ko sanang mainis pero may punto rin siya. I know this is tough, but I need to keep it from them especially to these two. Pero sandali nga, kailan pa niya alam ang tungkol sa dalawang 'to na minsan ko nang inaawat?

Oo nga pala, siya pala ang nabubuhay kong CCTV sa virtual world na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapahintulutang lumabas ng dorm.

"Pakiramdam ko tuloy pinag-aagawan ka ng dalawang 'yon habang nagkakaroon sila ng konting 'di pagkakaunawaan nitong mga nakaraang araw dahil sa kagandahan mo. Yiiiieeeee!"

"Huh? Ano bang pinagsasabi mo r'yan?" naaasar kong tanong sa kaniya. "Ikaw talaga Blaurei masyado kang pa-issue. Kung ano-ano na rin ang iniisip mo r'yan kahit naging referee pa ako ng dalawang 'yon. Isa pa, wala akong interes sa mga bagay na 'yan lalo na't may alitan pa kami ng Jairus na 'yon. Bahala ka na kung anong iniisip mo tungkol roon. I still don't give a darn about it."

Kahit papano ay kailangan ko pa ring panindigan ang bagay na ito. I don't have interest on guys as for now and I need to focus on how to protect the people in the virtual world and the 15 gems of Lanzar. Distraction lang ang mga bagay na iniisip ng nilalang na 'to na nagpadala na naman sa gugmang giatay (lintik na pag-ibig) na 'yan.

Natawa naman si Blaurei sa aking mga sinabi ko't pinalibutan na maman ako habang papalapit na ako sa pintuan.

"Haba ng hair mo, ah! Pakiramdam ko tuloy ikaw ang reincarnated version ni Black Navillerian Angelus sa isang isekai story," natatawang saad ni Blaurei at tumili pa.

Nagsalubong na nga ang aking mga kilay sa mga sinabi niya at tila nagsisimula na ring kumulo ang dugo ko. Ma-issue talaga ang paruparong 'to eh, ano? Those two aren't my official bodyguards and everything's just a coincidence and our minds are connected.

"Tinapa ka!" bulalas ko. "Gusto mong hampasin ko 'yang libro sa mesa sa'yo para tumigil ka sa mga kuro-kuro at manahimik?"

Blaurei flinched and suddenly rested on my right shoulder. Naku! Mukhang nagsisimula na rin siyang manahimik.

"Biro lang 'yon! Ikaw kasi ang kulit-kulit mong lumabas sa dorm eh!" She retorted. "Pero sa ngayon, kailangan mo munang magtiis hanggang sa matapos ang metamorphosis."

"But I need to go to the ceremony, Blaurei. Lahat ng mga estudyante at mga athlete participants ay nandoon na at sigurado akong hinihintay na nila ako roon."

"Pero sa---"

"Ano ba ang silbi ng kakaibang talento ko sa hindi pagpapahalata kung nakakulong lang ako nang mag-isa sa dorm? Pakiramdam ko tuloy parang nasa loob ako ng quarantine facility sa tunay na mundo. Please Blaurei, I have to go. Everyone's waiting for me in the university gymnasium," pagsusumamo ko sa kaniya. Sana nga ay papayagan na niya akong lumabas.

I used my doll eyes and trying to please Blaurei a little more. Sa totoo lang tigang na tigang na akong pumunta ng university gymnasium.

Ilang minuto na lang kasi ay magsisimula na ang event. Sigurado akong nakahanda na rin ang iba pang college departments sa nalalapit na opening ceremony. Kahit mga kasamahan kong dancers sa naturang grupo ay naghahanda na rin at ako na lang ang hindi pa nakarating.

Makalipas ang tatlong segundo ay huminga na lang ulit si Blaurei na tila napipilitan.

"Ok, fine. Pinapayagan na kitang pumunta sa event kasi hindi ka puwedeng pigilan sa desisyon mo. Basta maging mapagmatyag ka sa paligid at siguraduhin mong hindi mahahalata ng iba ang metamorphosis na 'yan at sa mga sintomas nito. May tiwala ako sa'yo Zenrie," saad niyang may halong pag-alala at saya sa tono.

Dahil sa mga sinabi niya'y bumalik unti-unti ang siglang nararamdaman ko. Muling gumihit ang matamis na ngiti sa aking mga labi at tila nagniningning pa ang mga mata ko sa mga salitang 'yon.

"Salamat Blaurei. Mag-iingat ako roon pagdating ko," nakangiting saad ko. "Isusuot ko na rin ang mga contact lenses para mas lalong hindi ako mahalata ng lahat ng naroon."

"O sige."

Matapos ang mahaba-habang diskusyon ay isinuot ko na ang mga contact lenses kong may kulay ng langit sa gabi at isama pa ang pagkuha ko sa iniwang ham sandwich sa mesa. Ipinasok na agad ito sa item vault at dumiretso na ako sa university gymnasium. Siyempre, kailangan ko ring mag-ayos ng konti dahil nga mas mauuna ang kompetisyon sa sayaw bawat college department.

Konting pulbo, mascara, lip tint, at eye shadow na mala-ombre pa ang datingan ng aming makeup. I also applied a little tint for my eyebrows but I still keep it in a natural look. 'Di kasi ako mahilig sa heavy makeup. Gusto ko simple lang at napanatili pa rin ang pagiging natural nito.

Hindi halata sa'kin sa iba na marunong din akong mag-ayos.

Kailangan ko nang magmadali at baka malintikan na naman ako ni Prof. Rythen at ng mga kasamahan ko.

Tinapang tokwa!



===Zoiren===



"Mamayang 40 minutes magsisimula na ang opening ceremony. Lahat ng mga kalahok sa kompetisyon at sa opening number pumwesto na kayo!"

Nagsimula na ring magbigay ng paalala ang producer ng event na 'to. Nasa back stage pa ang grupo namin habang nagkakaroon pa ng konting paghahanda. May iba pang nag-aayos muna sa kanilang mga sarili, nag-vo-vocalize para sa opening number, inaayos ng konti ang gagamiting props, at higit sa lahat ay ang paghihintay sa iba pang mga kasamahan para sa event.

Ngayon ang unang beses na gaganapin ang SAU Intramurals sa virtual world at sigurado akong may inihanda na namang pakulo ang university para rito. Sana man lang ay hindi tutunog ang sirena ng ERCO 673 sa araw na 'to habang nagkakasiyahan kami. Masasabi ko rin talagang KJ ang Avicta na 'yon.

Habang nilalagyan ko ng puti at itim na face paint ang magkabilang pisngi, hindi ko pa rin maiwasang matanggal sa aking isipan ang unang araw ng naturang klase. Nakakalungot isipin na may nababawasan nang mga estudyante dahil doon at nabalitaan ko rin sa isang news article na walo sa labing-apat na estudyante ay talagang literal na namatay. Ang iba naman ay pinalad na makaligtas ngunit may total amnesia naman at mentally unconscious pa.

Mas nakakabahala pa rin ang numero ng mga namatay talaga nang literal.

Maliban doon, mas napapaisip din ako sa triple switch technique at sa mga ginawang taktika ni Zenrie noong nakaraan. Bakit pa biglang sumulpot din ang isang ligaw na sisiw sa lugar na 'yon? Minsan talaga may pagka-pabida rin ang Jairus na 'to kahit halata naman kay Zenrie na naiirita siya.

Pero 'yon nga. Wala siyang choice n'on at ginawa na lang namin ang technique na 'yon.

Pagkatapos talaga ng dance contest na'to, sisimulan ko na ring magkalap pa ng ibang impormasyon tungkol kay Avicta at sa ERCO 673. Sasamahan ko na rin si Zenrie para may maiulat na kami sa mga kasamahan namin sa beta test.

Sandali nga lang, nasaan na nga ba si Zenrie? Dapat nandito na rin siya sa backstage dahil ilang minuto na lang at magsisimula na ang opening ceremony. Baka malalim na naman ang tulog niya.

"Mukhang malayo na naman yata ang iniisip mo ngayon Zoiren, ah!" Bigla akong tinapik ni Alwyn sa balikat na ikinagulat ko.

Binato ko agad siya ng matalim na tingin kasabay ng pagbuntong hininga. Isa pa 'tong sumulpot na parang hybrid na kabute. He almost gave me a heartattack while thinking so deep about these events.

"Anak ng tokwa! Huwag ka ngang manggulat, kabute," mariing saad ko.

Tumawa naman si Dezmond sa likuran ko at agad ginulo ang buhok kong kanina ko pa inayos. Hay! Heto na naman ang mga lintik na mambubuwisit sa araw ko.

"Ano ba?! Kaaayos ko lang ng buhok ko guguluhin mo pa!"

"Huwag mo kasi siyang ginugulat Alwyn, baka literal talagang ma-heartattack siya kapag nakita na niya ang kaniyang hinahangaan sa dance contest," nakangising sabi naman niya't tinignan ako nang diretso.

"Ay! Oo nga pala noh! Huwag na muna natin siyang guluhin baka masira pa moment niya," natatawang saad ni Alwyn.

Kailangan ko na bang tumawag ng espesyalista sa bug upang ipasuri ang mga 'to? Sometimes their thoughts aren't healthy anymore.

Napakunot na lang ako ng noo at naningkit ang mga mata dahil sa mga kolokoy na 'to. Itinaas ko pa ang isang kilay sa kaliwa sa ginagawang kabuwisitan ng dalawa. Habang inaayos ko ng konti ang aking buhok, lumayo naman ng isang metro nang mapansin nilang sumama ang timpla ko.

"Ah... Dapat siguro hindi natin siya inisin at baka gamitan pa tayo ng sword skill niya," natatawang sabi ni Dezmond kay Alwyn na may halong nerbyos.

"Maattitude rin pala ang Zoiren na 'to. Joke lang naman 'yon eh!" depensa naman ni Alwyin habang sumesenyas sa kamay na huwag akong gagawa ng bagay na ikakatakot nila. Mukha na ba akong halimaw sa mga 'to?

"Ewan ko sa inyong dalawa," nayayamot kong saad. "Imbes na mambuwisit kayo sa'kin, ayusin niyo na lang kaya ang gagamitin nating props sa dance competition. Baka magalit pa ang leader natin dahil hindi niyo tinatrabaho 'yon."

Tumayo naman silang dalawa nang matuwid sa aking harapan sabay saludo. Para na ring mapunit ang kanilang mga labi sa laki ng ngiti ng mga mokong.

"YES ZOIREN! AWIT PARA SA HINAHANGAAN MO MAMAYA SA DANCE FLOOR!" sabay nilang tugon at kumaripas ng takbo papunta sa mga kasamahan nilang taga props committee.

Hay! Pambihira rin ang mga 'to. Maliban sa mga panira ng buhok at araw, gagawa rin talaga sila ng paraan para gumawa ng isyu sa buhay ko. Ewan ko ba kung mga dakilang tsismoso ba 'tong mga kaklase ko o talagang mga engot lang?

Sana nga'y hindi ko na lang pinagsabi sa kanilang isa akong beta tester dati kung ganyan lang naman sila.

Umalis na muna ako saglit sa kinalalagyan ng aming grupo at pumunta sa grupo ng Arts and Sciences Department. Doon ay nakasalubong ko sina Emmie, Emerson, Ranzou, at ang isang prof nila na sa pagkakaalala ko'y isa sa mga coordinator ng arnis club.

Sumabay na rin si Althea sa'kin papalapit sa kanila.

"Zoiren. Althea." Paunang bungad sa'kin ni Emmie. "Nakita niyo ba si Riri na dumaan sa unang pinto ng back stage?"

Althea turned her head in sideways. "Hindi eh. Akala ko ba'y dumating na siya."

"'Yan na rin mismo ang pinagtataka ko," saad ko't napahimas ng baba. "She must be here right now, pero sana naman ay hindi malalim ang tulog niya. Alam niyo namang kinailangan niyang bumawi ng lakas mula sa matinding stress na natamo niya nitong nakaraang linggo."

"Pero nag-message na siya sa'kin kanina lang na parating na siya," sabi ni Emmie at binuksan ang kaniyang student's window upang ipakita ang message ni Zenrie sa amin.

Gamit ang kaniyang hintuturo, inilipat niya ang isa pang window na nagpapakita ng inbox at doon nga'y nasilayan namin ang mensahe ni Zenrie na sinned niya makalipas ang sampung segundo.

[Parating na ako sa back stage. Natagalan lang ako dahil may munting emergency ako sa dorm. Hintayin niyo na lang ako r'yan. ~Riri]

Emergency sa dorm? Baka sinusumpong na naman siya ng migraine niya.

Hay Zenrie Matsouka-Hidalgo! Minsan kailangan mo rin ng pahinga kapag hindi maganda ang pakiramdam mo. Ibang klase rin pala ang power ng isang 'to, ayaw sumuko.

"Sana nga'y nandito na siya. Limang minuto na lang at magsisimula na ang opening ceremony," mahinang sambit ko habang inaayos ang isang foil na nakadikit sa braso at manggas ng itim na T-shirt.

"Indeed," pagsang-ayon naman ng propesor. "She has to come here immediately before the event. Saang lupalop naman siya nagpunta ngayon?"

"Basta, paparating na si Zenrie rito ayon sa message ni Emmie," tugon naman ni Ranzou at napabuntong hininga.

Bigla na lang nagdabog si Emmie at napakapit sa braso ni Ranzou. Muntikan na ring masira ang estilo ng buhok niya na parang si Pucca. She's whinning like an 8 year-old kid looking for her mom in the mall.

"Whaaaaaa! Kapag hindi pa dumating si Riri, sigurado akong katapusan na ng pasabog na performance namin mamaya. Hanapin niyo naman siya please! Malapit na ring magsimula ang event. Isa pa, baka na-kidnap siya ng terbaeus sa paligid at dinala kay Avicta kaya hindi siya makakarating!" pahagulgol namang saad ni Emmie.

Ewan ko kung matatawa ako sa mukha niya o maaawa. Kasi naman kanina pa silang naghihintay kay Zenrie at baka napano pa siya roon. Lapitin pa naman 'yon ng pagkahimatay.

"Umayos ka nga Emmie!" Ranzou exclaimed. "Para kang namatayan sa ginagawa mo. Darating naman si commander ngayon, eh! Huwag ka ngang OA!" He shrugged and tried to push Emmie away from his arm, pero mistula yatang tuko kung makakapit ang babeng 'to.

Ilang saglit lang ay may dumaang lalake sa gilid na sa pagkakaalam ko'y isang announcer dahil sa dala nitong pulang megaphone. Agad namang hinablot ni Ranzou ang megaphone niya't ginamit na tila nag-sha-shout out sa isang batang missing.

"HOY! COMMANDER ZENRIE! PAKIUSAP LUMABAS KA NA SA LUNGGA MO! MALAPIT NANG MAGSIMULA ANG OPENING CEREMONY SA LOOB NG DALAWANG MINUTO!" makabasag-pinggan niyang anunsyo sa backstage.

Lahat ng mga estudyante at staff ay nakatutok kay Ranzou na agad namang natigilan. Mariin namin siyang tinignan na parang isang kriminal na huli sa modus na ginawa niya. He froze like a statue and Emmie growled in annoyance.

"Mukhang may malilintikan yata sa ginagawa mong pa-shout out sa commander natin Ranzou," natatawang saad naman ni Emerson habang inaayos niya ang hawak niyang itim na supot. Mukhang isa rin 'to sa mga sinasabing pasabog ng Arts and Sciences Department mamaya.

"Bakit?" Napakamot na tanong ni Ranzou sa amin.

"Seriously?" nakataas na kilay na tanong ng propesor.

"Humanda ka talaga kapag nalaman ni Zenrie na gumamit ka ng megaphone para mag-shout out sa paghahanap sa kaniya," nakangising saad naman ni Althea. "Pero sa totoo lang, she has to be here before the opening. Sigurado akong lagot siya kay Prof. Rythen kapag mi isang anino niya'y hindi magpakita."

"Hindi naman sa ganoon, Ms. Serja," kalmadong tugon niya. "If she's handling a personal emergency, I understand it despite of being strict sometimes in terms of punctuality."

"Exactly!" nakangiting tugon ni Emmie.

Mistula pa rin akong lutang habang nakatitig sa megaphone. Habang nag-uusap kasi sila ay tila may pumasok na namang senaryo sa tagpong ito kung gagamitin ko ang bagay na 'yan para hanapin si Zenrie.

Nananawagan po ako ngayon kay Zenrie Matsouka-Hidalgo na pumunta na ngayon dito sa backstage dahil magsisimula na ang opening ceremony! Please proceed to the backstage now!

"Huy Zoiren!" Althea snapped her fingers in front of my face.

I flinched and gain my attention back in reality. Ano na naman ba 'tong naiisip ko?

"B-Bakit?" nagugulumihan kong tanong sa kaniya.

"Puwede mo bang puntahan mo na lang si Zenrie---"

"Pasensya na kung matagal akong nakarating at pinaghintay ko kayo nang matagal."

Naputol bigla ang sasabihin ni Althea nang magpakita na rin sa wakas ang babaeng kanina pa namin hinihintay. Nang marinig namin ang mala-anghel at astiging boses sa likod ay napalingon na rin kami sa naturang direksyon.

Nang makita namin siya, parang tumigil ang mga mundo namin. Nanlaki pa ang mga mata at nakanganga sila Ranzou, Emerson at Emmie, maliban nga lang kina Prof. Rythen at Althea. He's just smiling and folded his arms, while Althea just smiled showing her bright teeth.

While my lips just slightly parted and slightly widened. I can feel something burning on my cheeks.

Zenrie's swag, coolness and beauty blossomed in her outfit and look. Nakita ko na namang may nakabalot sa dalawang buhok niya gaya kay Emmie ngunit bumagay naman ito sa kaniya. Her eyes are stunning even more and her smile is so precious to protect. Tinignan ko rin siya mula ulo hanggang paa at hindi pa rin ako makapaniwalang may kakayahan din palang mag-ayos ang babaeng 'to.

Simple nga siya kung manamit at mag-ayos, pero ngayon... mas lalo pa yata siyang gumanda. Ngayon ko lang siyang nakita nang ganyan.

Ano kayang skin care ang gamit niya? Biro lang.



===Zenrie===



Ano bang nangyari sa mga 'to? Para yatang ngayon lang sila nakakita sa'kin na nag-aayos ng ganito para sa dance competition. May dumi ba ako sa mukha? O baka lumabas nang konti ang dulo ng aking buhok na may asul?

Sigurado akong lagot ako kay Blaurei kung nagkataon.

Mimi, Ranzou, and Emerson dropped their jaws exaggerately as their eyes got wider. Althea just smiled at me as well as Prof. Rythen but folding his arms.

Tinapang giliw! Hindi ko inakalang nandito na rin pala siya. Paano na kapag nakita niya ang mga sintomas ng Navillerian Metamorphosis na 'to?

I turned my gaze at Zoiren and it seems something weird. His pupils dilated, parted lips, sparkling eyes, and even blushed cheeks? Mukhang nasobrahan yata siya sa paglagay ng blush on para sa kanilang performance mamaya. Siya ba ang naglagay niyan?

"May problema ba?" I asked and tilted my head slightly and narrowed my brows. "Puwede niyo nang isara ang mga bibig niyo bago pa kayo pasukan ng langaw."

Nang marinig nila ang boses ko'y agad bumalik ang kanilang ulirat at napatikom ng bibig, ngunit nananatili pa ring nakatutok sa'kin na parang mga scanner.

Lumapit agad si Mimi at bigla akong inalog na parang isang bote.

"Riri! Bakit ngayon ka lang dumating? Tapos talbog na talbog yata ang beauty at aura mo ngayon sa performance natin ah! Mukhang inihanda mo talaga ang sarili mo sa dance floor mamaya!" the whinning Mimi said.

"T-Teka Mimi! Naaalog na rin ang utak ko sa ginagawa mo," daing ko upang tumigil siya.

"Pasensya na. Ang tagal mo kasing dumating, eh!" Tumigil na nga siya at binitawan ako. Nakatingin naman nang maigi si Prof. Rythen sa kaniya't napakamot na lang ng ulo.

Dahil nandito rin naman si Prof. Rythen, kinakabahan na ako kung ano ang unang salitang lalabas sa bibig niya. Sana man lang ay hindi ito tungkol sa pagkahimatay ko kanina sa rooftop at baka nakita na naman niya ang bagong kulay ng mga mata ko.

Mas dumagdag pa ang mga bagay na nagbibigay ng matinding pagdududa sa kaniya. Even his mint green eyes.

Lumingon din ako kay Ranzou at lumapit sa kaniya. Kapansin-pansin din ang hawak niyang megaphone na sa tingin ko'y may ginagawa na naman 'tong kalokohan habang wala pa ako. May isa ring lalakeng nakatayo sa gilid na tila hinihintay na bitawan niya ang bagay na ito.

Lumapit ako sa kaniya't kinuha ang megaphone at ibinigay sa may-ari nito. Nagpasalamat din siya sa'kin at umalis. Ibinalik ko rin agad ang matalim na tingin kay Ranzou at sa pagkakataong ito'y nagtataka siya kung bakit ko ginawa 'yon.

"Commander Zenrie!" He chuckled nervously. "M-Mabuti na lang at dumating ka na rin sa wakas. Alam mo bang kanina ka pa namin hinahanap dahil magsisimula na ang event?" Napakamot agad siya ng ulo at muli na namang tumawa na may halong nerbyos.

I nodded, giving him a wry smile. Akala niya siguro'y hindi ko alam kung anong trip niya kanina.

"Oo, alam ko Ranzou," nakangising saad ko.

Maya-maya pa'y binatukan ko siya nang malakas at halos muntikan pa siyang masubsob sa sahig. Napaatras tuloy sila Althea at Emerson na kinalauna'y natawa na naman. Humagikhik naman si Mimi sa gilid at kapag hindi mapigilan ay hahampasin na niya ng bangko ang mokong.

"Anong trip ba 'yong ginawa mo kanina? Para ka yatang naghahamon ng duwelo sa'kin ah!" Mariing saad ko't napakrus ng mga braso. I sighed exasperately and gave him my cold stare.

"Pasensya na commander!" Ranzou whined, caressing his nape. "Akala ko tuloy hindi ka darating."

"Hay Ranzou! Iyan kasi ang sinasabi ko sa'yo kanina pa," saad naman ni Emerson at hinimas ang likod nito upang pakalmahin. Mukhang nasobrahan na naman ang mokong na 'to sa pagkain ng tsokolate kanina.

"I'm glad you make it, Ms. Hidalgo," Prof. Rythen smiled. "We will have a meeting after your dance competition. Take care of yourself always and good luck."

Hindi pa rin maialis sa isipan ko ang pagdududa tungkol sa kaniya, pero naniniwala naman akong may maganda naman siyang hangarin. Still I'm curious about his mysterious eyes and what Blaurei told me earlier.

"Salamat po, Prof. Rythen," magalang kong tugon sabay yuko.

I turned my gaze to Zoiren once again. Mistula yatang nag-lag siya habang nakatingin sa'kin. Hay! Ano na naman ba ang iniisip ng isang 'to?

"Zoiren Pleños Alima!" I snapped my fingers. "Ayos ka lang? Parang ka yatang nag-lag d'yan."

Napakurap na lang si Zoiren at muling tumingin sa'kin habang napakamot ng ulo.

"Oo Zenrie," he said, chuckling nervously.

"Akala ko tuloy naisip mo na naman 'yong triple switch technique nitong nakaraan kaya natigilan ka."

Nag-aalala na ako sa isang 'to. Baka hindi pa yata kumain ng agahan bago pumunta rito sa back stage ng university gymnasium. Bigla na lang kasing naging statwa at nakatingin pa sa'kin na parang ngayon lang ako nakita.

"Hindi 'yon... Medyo," He shook his head slightly and looked to his white snickers.

"Sa totoo lang, ang ganda mo."

My right eyebrow rose when I heard something he mumbled.

"May sinasabi ka?" tanong ko sa mababang tono.

Muli namang nakataas ang ulo niya sa'kin at muli na namang tumawa. "Wala. Ang sabi ko nadadagdagan yata ng isa pang itim na siopao sa ulo mo at mukha kang si Pucca," nakangiting sabi niya at muling tumawa nang mahina.

"Sira! Pati pa naman ba ikaw?" I said in a dull voice as I keep on darting a deadly glare at him.

Nag-aalala na talaga ako sa posteng 'to. Kailangan ko na yata siyang dalhin sa cafeteria para malabanan ang pagkalutang niya. Baka mamaya pa niyan ay matumba pa habang sumasayaw.

Tumango naman ako sa kaniya nang marahan. Ngayon pa lang ay rinig na rinig ko na rin ang malakas na boses mula sa speaker ng gymnasium. Kailangan na naming maghanda para sa kompetisyon.

"Magsisimula na ang opening ceremony at kailangan na nating pumasok sa gymnasium. Nagsimula na ngang magsalita ang MC sa loob," wika ni Althea at inayos ang silver foil sa kaliwang braso niya.

"Magkita na lang tayo mamaya pagkatapos ng performance niyo," nakangiting saad ko.

"Ok Zenrie," tugon naman niya't agad hinila si Zoiren papunta sa grupo nila. Kanina pa kasi silang tumatawag sa kanila dahil sila ang pangalawang magpapakitang-gilas mamaya.

"Althea sandali! Hindi ako stroller para hilahin mo ako ng ganito!" hinaing naman ni Zoiren habang papalayo na sila sa amin. Hindi ko na rin maiwasang matawa nang mahina.

At talagang naririnig ko pa ang mga sinabi nila bago pa pumasok sa door 1 ng back stage.

"Narinig ko ang sinabi mo kay Zenrie kanina habang nakatingin ka sa sapatos mo! Sige ka ipagkakalat ko 'yon!"

"Tumahimik ka nga! Wala 'yon Althea!"

Hay! Mukhang mas tumalas pa yata ang pandinig ko simula noong sumailalim ako sa Navillerian Metamorphosis na 'to. Kahit bukas na ang panghuling araw nito, hindi ko alam kung ano ang magiging kalabasan ko.

Baka nga maging totoo pa ang sinabi ni Blaurei. Isekai pa nga.

Nauna nang pumasok ang grupo namin sa Arts and Sciences Department sa pangalawang pinto ng back stage. Bago pa man ako pumasok nang tuluyan, natigilan ako nang maramdaman kong may humawak sa aking kanang balikat. Lumingon ako nang bahagya sa likod at nasilayan ko na naman ulit ang mga matang kanina pa bumabagabag sa aking isipan.

Mint green eyes... Nakita ko na naman ang mga matang 'to!

"Good job for concealing your sapphire blue eyes behind the contact lenses. You have to be careful in your surrounding and double your instinct from hiding your precious virtual identity from sort of devious people. I know what you've experiencing right now especially what's inside of these black cloth hair ties. Kahit sila'y ayaw mong ipaalam tungkol dito. Huwag kang mag-aalala, hindi ko sinabi sa mga kaibigan mo ang insidente kanina sa rooftop," Prof. Rythen whispered behind me.

My eyes widened and my body went stiff. Mistula akong estatwa sa aking mga narinig mula mismo kay Prof. Rythen. Parang may dumaloy na kakaibang kuryente sa aking katawan at niyakap naman ng yelo. Kahit hindi ko pinapahalata sa iba ang isa sa mga lihim ko, may isang tao talagang makakaalam nito.

Paano naman niya nalaman ang bagay na ito? Kahit na rin Navillerian Metamorphosis ay alam niya?

Sinasabi ko na nga bang may kakaiba sa kaniya noong kasagsagan ng midterm exams sa klasrum!



================

Author's note:

You can hide your secret to everyone, but there's someone out there knows what it is.

Ano pa ba ang sikreto sa likod ng mga mata niya?

Susumpong na naman ba ang sintomas ng Navillerian Metamorphosis?

Ano rin kaya ang sinasabing pasabog na magaganap sa event?

Abangan sa susunod na kabanata...

Stay tuning in for more update! Stay safe, God bless, and happy reading!

~SymphoZenie

Continue Reading

You'll Also Like

Kairos By leigh heasley

Science Fiction

842K 23K 28
Time travel is legal and Ada Blum is looking for love. But what happens when one of her charming bachelors from the past makes his way to the present...