QUEEN OF LOVE SERIES 01: HERO...

By IAMROMME

10.5K 613 31

Heroine Andrada knows no fear but meeting Thorr Matthew Sandoval, she started to knows that four letter word... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
EPILOGUE

24

176 12 6
By IAMROMME

"Ang bilis mo naman maligo, Hero." Gulat na saad ni Yui na kumakain ng tinapay.

"Mabilis rin naman kayong maligo diba?" Inosenteng tanong ko saka naupo sa tabi niya. Nakasuot ako ng manipis na pulang bestida na hanggang tuhod. Kahit papaano ay natatabunan naman ang katawan ko. Sa ilalim nun ay bikini na gagamitin ko mamaya kapag naligo. Ayaw ko na magpabalik-balik pa rito, kakatamad magbihis. Mas mabuti na 'to, huhubarin ko nal ang ang bestida mamaya kapag naligo na ako.

Hindi na ako nagreklamo sa damit ko dahil wala naman na akong magagawa. Ito yung mga nasa maleta. Tsaka nasa beach naman kami kaya ayos naman din sa akin kahit na ito ang suot.

"Alam mo Hero, parang foreigner lang yung datingan mo ngayon." Natawa na lang ako sa sinabi ni Speaker.

"Baliw." Kinindatan lang ako ni Speaker saka inayos yung damit niya.

"Tara na. Libotin natin itong resort." Aya ni Shit na nakaayos na rin. Naka-sando na puti at may ipinatong ito ro'n na pulang damit.  Short na itim ang suot nito sa pang-ibaba. Nakasombrero rin ito at merong shades na hawak saka camera.

Tumayo na ako saka sinuot yung pulang tsinelas ko saka inayos yung bestida ko. Sinuklay ko yung buhok ko gamit ang daliri ko saka naglakad na kasama sila. Natawa na lang ako sa mga height nila. "Kumain kayo palagi ng gulay, masyado kayong maliit." Napatingin naman silang lima saakin.

"Mataas kami Hero. Ikaw lang itong halimaw sa taas. Ano ba ang sekreto mo Hero?" Nagkibit-balikat naman ako.

"Wala naman."

"Ilan ba height mo?" Tanong ni Yui na nilagay sa buhok yung shades.

"Isa lang. Ilan ba sayo?"

"Huh? Anong---Whahahhaha." Napatingin naman ang ibang tao ng bigla na lang silang humagalpak ng tawa.

"Tangina. Pinagtitinginan tayo mga hangal." Natatawang saad ko kaya tumahan na sila pero mahinang tumatawa pa rin.

"Laptrip amputek hahaha." Hinayaan ko na lang sila na magtawanan.

Nang makalabas kaming anim agad kaming dumeritso sa tabing dagat para daw mag-sun bathing. Kumuha naman ako ng sunscreen saka nahiga sa tela na dala ni na Yui kanina kasama yung mga sunscreen. Tabi-tabi kaming anim na nakahiga sa sariling mga tela.

Nilagay ko ang shades ko sa mata ko saka pinikit ang mga mata. Napamulat ako ng may maramdamang tao sa harap ko. Kinuha ko yung shades ko at nagtaas ng tingin. Nakita ko na may baklang nakangiti sa akin. "May kailangan ka?" Tanong ko at nakita kung napabangon na rin yung ibang kasama ko.

"Sino siya Poop?" Tanong ni Shit na nasa tabi ko.

"Hi! I'm Fetti. Sorry if naabala ko kayo, mga bhie. Jusko, halos lahat kayo ay biniyayaan ng magandang mukha. Gusto ko lang sanang tanungin ang inyong kasama na magandang dilag dito." Tumingin ito saakin saka ngumiti.

"Ano ba iyon?" Tanong ko ulit.

"Pwede ba kitang hiramin muna, Iha? Kumukuha kasi kami ng puwedeng ma-i-subject sa mga picture namin. Nakuha mo agad yung atensiyon ng aming photographer, kanina ka pa namin tinitingnan mula sa cottage." Kaya pala may naramdaman akong mga matang nakasunod.

"Ayoko." Sagot ko saka nahiga ulit.

"Miss, sige na. May bayad naman, eh. Depende sa mga kuha mo. Sige na bhie, gustong-gusto ka raw kuhaan ng photographer namin." Pagpupilit ng bakla.

"Sabi na sa'yo Hero, masyado kang takaw atensiyon." Tatawa-tawang saad ni Speaker.

"Maghanap na lang po kayo ng iba, mukhang ayaw ng kaibigan namin." Magalang na saad ni Shin.

"Pero siya yung gusto ng aming---"

"Ayaw niya nga. Mahirap---" Putol ni Shit pero pinigilan ko siya saka tumayo.

"Sige, payag na ako." Agad namang pumalakpak ang bakla.

"Hero, sama kami." Saad naman ni na Yui na nakanguso.

"Sasama raw sila, puwede ba?" Tanong ko saka sinuot yung tsinelas ko.

"Oo naman. Tara na. Andoon sa cottage yung photographer namin. Ang taas mo naman, Iha. Pang model talaga yung height mo pati na rin yung beauty mo."

"Poop, bakit ka pumayag? Akala ko ba ayaw mo?"

"Sayang eh tsaka wala naman akong ginagawa." Simpleng sagot ko.

"Andoon ang mga kasama ko sa may ikaapat na cottage." Tinuro ng bakla yung cottage kaya napatingin ako doon at nakita ko ang limang tao na nakatingin sa gawi namin pero nakuha ang atensiyon ko ng isang lalaki na nakashades na nakangiti habang deritsong nakatingin sa akin.

"Sir, Andito na siya." Napatingin naman ako sa lalaki na hinubad ang shades niya at nakangiti sa akin na para bang wala ng bukas. "Hi again, Ms. Whatever."

"Hey, Mr. Blue eyes." Kaswal na bati ko.

"Magkakilala kayo?" Sabay na tanong ng mga kasama niya at mga kasama ko.

"Not really." Nakangising saad niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa habang nakakagat labi pa.

Taena? Addict ba ang lalaking 'to?

"Huwag mo 'kong tingnan ng ganiyan, baka wala ka ng matang umuwi." Mas lalo naman siyang ngumisi. Hindi ko alam kung nang-aasar ba o ano.

"Levaster Arxagga?!" Gulat na usal ni Totga.

"Yes, That's me." Kumunot naman ang noo ko sa kaniya dahil hindi man lang umaalis ang tingin niya sa akin.

"Shit! Ikaw yung sikat na photographer, diba?!" Tanong pa ni Totga at halata ang gulat at excitement sa boses.

And the guy just smiled and nod.

"Don't mention it. Just call me Levaster. But you," turo niya sa akin. "You can call me baby if you want."

"Baby, my ass! Kung ikaw yung photographer na tinutukoy ni Fetti, maghanap ka na lang ng iba. Tanginang 'yan." Tumalikod na ako saka naglakad.

"I'll give you 10K for one picture."

"No." Mabilis na sagot ko.

"20K."

"Deal." Bumalik ako sa cottage.

"Poop?! Umalis na tayo dito."

"Tama si Toma, Hero. Tara na. Hindi ko gusto ang lalaking yan." Bulong ni Shin.

"So? You said deal already."

"Poop?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Shit pero ngumiti lang ako.

"20K na 'yon Shit hehe." Tumalikod na ako sa kanila dahil ang sama ng tingin ni Shit sa akin.

"Umpisahan na natin para matapos na agad." Utos ko sa Levaster na ngiti ng ngiti. Dating joker ata talaga ang lalaking 'to.

Naglakad na kami papunta sa tinuro niya na lugar. May mga gamit sila na hindi ko alam kung ano yung mga pangalan pero para daw gumanda lalo ang kuha. Habang naglalakad ay maraming tao ang napapatingin sa amin.

"Hey, ano nga pala yung totoong pangalan mo?" Bigla na lang itong sumulpot sa tabi ko.

"Ewan."

"10K for your name. Now, say it."

Napangisi naman ako. "Heroine Andrada."

"Pretty name. But...can I call you mine instead?"

"Stop flirting, Mr. Whore." Napasipol naman ito.

"Call me baby and I'll give you another 10k."

"No!" Agad na singhal ni Shit at agad akong inilayo kay Levaster. "Poop! Bumalik na tayo sa hotel." Maotoridad na saad nito.

"But He and I, have a deal."

"Fuck that deal! Poop, come with me."

"Nasasaktan na ako, oy!" Sita ko sa kaniya dahil ang higpit na ng hawak niya sa kamay ko. Agad naman itong napabitaw at kita kung namula yung pulsuhan ko.

"I'm sorry... sorry."

"You're hurting me again." Bulong ko bago siya tinalikuran.

Naglakad pa kami ng ilang sandali saka nakarating sa distinasyon namin. Tinuruan ako ng bakla ng mga pose pose na gagawin. Yung ngiti naman ni Levaster ay parang wala ng bukas pero hinayaan ko na lang.

Kailangan ko ng pera ngayon lalo na at kailangan ko ng pera para sa pang-college ko. Wala akong aasahan kay Helda dahil maski baon ay minsan lang magbigay.

Tsaka napakasimple lang naman ng gagawin ko. Isang picture, 20K na kaagad. Malaki-laki rin ang makukuha ko sa lalaking 'to.

"Hey babe, look at me." Napatingin naman ako sa harapan. "Smile babe, you're fucking pretty when you smile."

"I don't want to smile." Napatawa naman ito.

"You are really adorable. Shit! I'm falling." Kumunot naman ang noo ko.

"Where?" Tanong ko.

"I'm falling for you." Ngiting-ngiti na saad nito.

"Gago." Natawa naman ako at nailing.

"Finally! I captured that beautiful smile of yours."

"Lintek, tama na nga. Parang andami mo ng kinuhang litrato, eh." Sabi ko saka lumapit sa kaniya. "Patingin nga."

"Anong gusto mong tingnan?" Nanunuksong tanong nito.

"Tangina, ayusin mo." Tinawanan lang naman ako nito.

"Hey baby, don't cuss."

"Bilisan mo na kasi." Singhal ko saka kinuha yung juice na ibinigay ni Fetti.

"Shit! Baby, you sure you want it fast?"

"Kung hindi lang ako naka-dress ngayon, tinadyakan ko na 'yang pagmumukha mo." Tinawanan lang naman ulit ako nito bago tuluyang ipakita sa akin yung mga litrato.

Habang patagal ng patagal ang pag-sa-swipe ay mas  lang namang kumukunot ang noo ko dahil sa mga litrato. "You look stunning, baby." Bulong nito.

"Don't call me baby. And fucking please, don't whisper. Para kang tanga."

"Anong gusto mo? Sweety? Love? Honey? Pero mas maganda ang baby. Ang sweet."

"Baby your ass. Bigay mo na yung bayad ko at aalis na ako."

"Kumain muna tayo."

"Ayaw ko."

"Lev!" Napatingin naman ako sa sumigaw. Isang maputing babae.

"Who are you?" Kunot-noong tanong ni Levaster pero lumingkis lang ang babae sa kamay niya.

"Don't joke around, Lev. It's me Lany."

"Hindi kita kilala. Don't touch me baka magselos yung asawa ko." Nanlaki ang mata ko at balak sanang magsalita ng bigla na lang uminit ang pisngi ko matapos akong sampalin ng hinayupak na babae. Napatingin ako sa babae na masama ang tingin sa akin. "Did you seduce him! You slut." Balak sana ulit ako nitong sampalin ulit pero inunahan ko na siya.

"Huwag mo akong unahan lalo na kapag wala akong kasalanan dahil babawi ako hanggang hindi ka na makalaban." Saad at tinalikuran sila pero biglang may humawak sa kamay ko pero agad ko ring sinampal iyon. "Bitawan mo'ko. Tangina mo, dinadamay mo pa ako sa gulo niyo ng mga babae mo."

"Bakit namumula yung wrist mo? Wait. Gamutin natin baka mamaga."

"Kaya ko ang sarili ko. Lintek ka, nasampal pa ako dahil sa'yo, punyawa ka."

"Hey, I'm sorry, okay? It's my fault. But now, let me take care of you. Baka mamaga yang pisngi mo." Alalang saad nito.

"Lev! Mas pipiliin mo ang babaeng kesa sa akin."

"Shut up!" Galit na sigaw ni Levaster. Tumalikod na ako saka tumakbo.

Hindi ako tumigil sa pagtakbo kahit may tumatawag sa akin. Deri-deritso lang ako hanggang sa makapasok ako ng Hotel.  Natawa na lang ako.

Bakit ba palagi na lang may sumisira sa kasiyahan ko.

Agad akong sumakay sa elevator at tahimik na hinintay na makarating ito sa taas. Ramdam ko pa rin na umiinit ang pisngi ko pero hinayaan ko lang din dahil hindi naman ako mamamatay dahil lang sa isang pipitsuging sampal.

Pagkarinig na bumukas na ang pinto ng elevator ay agad na akong lumabas at naglakad papunta papunta sa kwarto na inuukupa namin.

Naka-lock yung pinto kaya kinuha ko yung susi sa bulsa ng bestida ko saka binuksan at agad kung nakita si Shit na umiinom. Nagtaas ito ng tingin at doon nagtama ang mga mata naming dalawa.

"Nag-enjoy ka bang kasama siya?" Tanong nito saka nilaghok ang alak na nasa baso.

"Tama na 'yan. Tangina, lasing ka na."

"Siguro ang saya-saya mo ngayon dahil ang daming pera yung nahuthot mo sa Levaster na 'yon, tama ba ako? Kaya gustong-gusto mo sa kaniya dahil bawat galaw mo ay may katumbas na pera. Pft. Ano pa nga bang aasahan ko sa isang katulad mo." Natigil naman ako sa ginagawa at napakurap-kurap habang nakatingin sa kaniya.

Bigla na lang akong natawa saka nailing. "Katulad ko na ano?" Tanong ko rito.

"Katulad mo na mukhang pera! Gagawin ang lahat para sa pera. Gold digger. Kaya pala ayaw mo na sumama sa'kin kasi sa lalaking 'yon,  isang galaw mo lang ay may bayad na katumbas. Siguro, sumasama ka lang rin sa amin para makahuthot ng pera. Siguro tama yung sinasabi ng iba tungkol sa'yo. Gusto mo ng pera, diba?" Tumayo ito at kinuha ang wallet niya saka itinapon ang pera sa harapan ko. Parang biglang nanikip ang dibdib ko at namalayan ko na lang ay tumulo na ang luha ko. "Ayan pera! Tutal mukha ka namang pera. Para ka ring siya, pinipili niyo palagi yung iba---" Sigaw nito pero isang malakas na suntok ang binigay ko rito na nakapagpatigil sa kaniya.

"Tangina mo! Mukhang pera?! Huh?! Maski peso wala akong kinuha sa lalaking iyon, gago! At kung may kukunin man ako, may dahilan ako, tangina mo. Hindi mo alam kasi hindi mo naranasan na maging mahirap! Gold digger? Bakit sinong penerahan ko, huh?! Maski peso hindi ako nanghingi sa inyo o sa'yo. Kayo ang kusang nagbigay sa akin nun, tangina mo. Oo, kailangan ko ng pera, wala na akong Tatay at ang Nanay ko naman ay halos hindi rin ako binibigyan ng pera. Hindi kasi ako tulad niyo na isang tawag lang sa magulang ay merong perang tutunghay. Ako, kailangan ko pang pagtrabahuhan 'yon para makuha. Hindi mo alam ang kuwento ng buhay ko kaya huwag mo akong husgahan na para bang kilalang-kilala mo na ako. Kanina, sinaktan mo na ako, diba? Hindi ka pa ba nakontento? Kanina, sinampal ako ng isang babae at sinabihan ng hindi magagandang salita tapos ngayon... ito pa ang makukuha ko sa taong iniisip ko na nakakaintindi ng sitwasyon ko. Haha. Punyetang buhay 'to!" Agad kung kinuha yung cellphone at wallet ko saka tiningnan siya saka nginitian habang umaagos ang luha ko. "Sana sumaya ka, Thorr. Nagtagumpay ka ulit na masaktan ako." Agad akong tumakbo at hindi na binigyan ng pansin ang mga taong nakatingin sa akin.

Ikaw lang ang tanging tao na kaya akong saktan ng ganito katindi.

Mas binilisan ko pa ang takbo papunta sa elevator saka agad na sumakay. Napaupo na lang ako saka humagulhol.

"Bakit ba nangyayari sa akin 'to. Putangina, ayaw mo ba akong sumaya! Bakit palagi mo na lang akong pinapahirapan. Durog na durog na yung puso ko pero lalo mo pang dinurog. Lintek naman na kapalaran yung napunta sa'kin. Lord, I'm fucking tired." Sadyang pinanganak na talaga akong malas.

"Tangina, ba't nga ba ako nagsasayang ng luha. Kasalanan ko naman 'to. Kung hindi ko lang sila pinapasok sa buhay ko ay hindi mangyayari 'to. Haha. Tangina." Agad kung pinahid ang luha ko saka inayos ang sarili ko ng bumukas na ang pinto ng elevator.

Continue Reading

You'll Also Like

100K 3.1K 30
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
829K 20.1K 54
●Unedited●(Completed)They really deserves a second chance.
1.1M 62.1K 40
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
163K 972 31
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...