QUEEN OF LOVE SERIES 01: HERO...

By IAMROMME

10.5K 613 31

Heroine Andrada knows no fear but meeting Thorr Matthew Sandoval, she started to knows that four letter word... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
EPILOGUE

19

197 16 0
By IAMROMME


Naglalakad na kami ngayon papunta sa Cafeteria at sumama saamin ni Totga yung apat na itlog. Nagtsitsimisan si na Yui, Smith at Totga tungkol sa kanina habang yung dalawa naman ay nasa tabi ko at tahimik lang.

Tumigil ako kaya napatigil din sila. "Mauna na kayo sa Cafeteria, may dadaanan lang ako."

"Samahan na kita."presenta ni Shin pero umiling lang ako.

"Mauna na tayo, pabayaan niyo na ang tomboy na yan." Nauna ng naglakad si Shit at sumunod naman  ng iba matapos magpaalam saakin. Nang makitang wala na sila saka na ako tumalikod.

Habang naglalakad ramdam kung may sumusunod saakin. Kanina pa siya nakasunod. Lumiko ako papunta sa likod ng isang lumang building pero bumungad saakin ang tatlong lalaki. Tsk.

"Anong kailangan niyo sakin?" Agad kung narinig ang isang pamilyar na tawa at maya-maya ay lumabas na si Kim mula sa gilid.

"Bakit, natatakot ka na ba?"napatawa naman ako sa tanong niya.

"Hindi naman."simpleng sagot ko.

"Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo at hindi ka pa pinatalsik dito sa school. Pero ngayon sisiguraduhin ko na hindi ka na makakalakad pa." Bigla sumugod ang tatlong lalaki saakin pero simple ko lang iyong naiwasa. Kumuha ako ng dospordos sa gilid saka hinubad ang bag ko.

"Mali kayo ng binangga."seryusong sabi ko saka tumakbo papalapit sa kanila. Balak sana akong suntukin ng isa pero hinawakan ko lang siya sa kamay saka hinampas sa hita kaya napaluhod ito. Agad kung sinipa ang isa  pa na balak sana akong hampasin ng dospordos. Yumuko ako ng bigla nalang sumipa ang isa saka hinampas siya sa likod kaya napahiga ito. Napatingin ako sa isang lalaki na siyang sumusunod saakin pero tumakbo ito. Napatingin naman ako kay Kim na ngayon ay nakatanga nalang saakin. Naglakad ako palapit sa kaniya at hinagis sa gilid yung dospordos. "H-Huwag kang lumapit!" sigaw nito at balak sana akong sampalin pero dinakip ko lang ang kamay niya saka tinulak siya sa pader.

"Takot ka ata?"Nakangising tanong ko rito.

"Isusumbong kita sa Dean! Bitawan mo'ko ano ba!" pagsisigaw nito pero tinawanan ko lang  siya.

"Isusumbong? Pft. Diyan ka lang naman magaling diba?" Nagpupumiglas ito pero lalo ko lang hinigpitan ang hawak ko sa mga kamay niya.

"Bitawan mo ako ano ba!" Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko at tumama iyon sa pisngi niya kaya napatigil ito sa pagsigaw.

"Ayan, para mahimasmasan ka sa katangahan mo." Binitawan ko ito kaya napaupo ito sa sahig habang nakahawak sa pisngi niya.

Tumalikod na ako saka naglakad papunta dun sa bag ko at sinoot iyon. Bigla kung nakita ang isang grupo pero hinayaan ko nalang saka naglakad na paalis.

"Tulong! Hero! Tulungan mo'ko!" Napasipol nalang ako ng marinig iyon.

"Tangina." Sakit talaga sa ulo ang isang 'to. Tumakbo na ako pabalik at kita ko ang mga lalaki na pinagtutulungan si Kim.

"Hoy mga gago!" napatingin naman sila saakin.

"Heroine, long time no see ah." Grupo nina  Silver pala.

Naglakad naman ako papunta sa gawi ni Kim  na agad na tumakbo papunta saakin. "Ayan tatanga-tanga ka pa ulit."singhal ko sa kaniya.

"Akala ko kalaban mo yan?" Napatingin naman ako kay Silver.

"Oo pero hindi ko hahayaang gahasain niyo 'tong tanga na 'to. Hayuk pa naman yang mga bata mo." Napatawa naman siya saka sumeryuso.

"Yung sinabi ko sayo. Ano na ang desisyon mo Hero."

"Wala akong sasalihang grupo kaya huwag ka ng umasa." Tumalikod na ako at nakayakap naman sa braso ko itong tanga.

Naramdaman kung nababasa yung sleeves ng uniform ko kaya napatingin naman ako doon at kita kung umiiyak ito. "Ayan tatanga-tanga ka kasi. Tangina huwag ka ngang umiyak." Napataas naman ang tingin nito saakin at doon ko lang nakita na may pasa siya sa gilid ng labi at meron ding sa pisngi. Pinahid ko naman ang luha niya saka siya binuhat. "Dadalhin kita sa Clinic. Magpahinga ka na." tumango naman ito.

Ayaw ko talagang may makikitang umiiyak.

Mas binilisan ko ang paglalakad pero ang mga pisteng estudyante humaharang at nagtsitsimisan pa habang nakatingin saamin. "Punyeta humarang pa kayo!" Sigaw ko sa kanila kaya agad naman silang pumunta sa gilid. Mga piste.

Makaraan ang ilang sandali ng pagkapunyeta  nakarating na rin kami sa clinic. "Asikasuhin niyo ang maarteng yan." utos ko sa Nurse. Balak ko na sanang umalis pero napatigil ako ng may huwamak sa kamay ko.

"Huwag ka munang umalis."inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at tinitigan siya ng ilang sandali saka pinahid ang mga luha sa mga mata niya. "Huwag ka ng umiyak." Naupo ako sa upuan sa tabi niya.

Sinimulan na siyang gamutin ng Nurse. Tiningnan ko pa ulit ang mga pasa niya sa mukha habang naghihintay.

"Aalis na ako." Paaalam ko saka tumayo na. Nagsimula na akng maglakad at hindi na sita liningon pa.

"Sa....Salamat." dinig kung usal nito pero hinayaan ko lang saka nagpatuloy na sa paglalakad.

Nakarating ako sa Cafeteria at agad kung nakitang kumakaway si Totga kaya naglakad na ako papunta doon. "Ang tagal-tagal mo naman Poop. Gutom na gutom na kami." Kinunutan ko naman siya ng noo.

"Sino ba nagsabing hindi kayo kumain?"

"Sabi mo hinatayin ka namin dito?!"pagalit na sabi nito.

"Tangina naman. May sinabi ba akong ganiyan? Tsk. Kumain na nga tayo." Umupo na ako saka nagsimulang kumain. Hinayaan ko nalang ang mga tao sa tabi ko.

Matapos kumain ay bumalik na kami sa room at nakasabay namin ang teacher namin. Nagsimula ng magturo ito kaya nagsimula na rin akong mag-take down notes.


HAPON NA  at kasama ko si Shit dahil nga  doon sa pinapagawa sa amin ni Dean.

"Poop hindi ka pa ba nagugutom?"

"Alam mo, ang takaw-takaw mo pero ang dali mo ring magutom. Gaano ba kadami bulate mo?" Sinamaan naman ako nito ng tingin.

"Nagtatanong lang ako."

"Bakit hindi ka ba gutom?"

"Hindi."

"Talaga?"

"Hindi ako gutom ako pero medyo lang." Natawa nalang ako saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Pft. Magdahilan ka pa Shit."

"Hindi ako nagdadahilan." Napaikot nalang ako ng mata.

"Sabi mo eh." bored na sagot ko.

"Poop may tanong ako sayo." Ramdam kung tumigil siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako saka tumungin sa kaniya at kita kung seryuso na ang mukha niya.

"Geh lang."

"May kilala ka bang Heaven?" Yung Heaven nanaman.

"Meron." Nanlalaki ang natang tumingin ito saakin.

"Sino? Saan?"

"Heaven? Langit. Kilala mo naman siguro yung langit diba? Alam mo rin naman kung saan yun."

"Tangina mo talaga Poop! Wala ka talaga kwentang kausap."

"Ikaw meron?"

"Pakyu ka."

"Pakyu ka din."

"Tangina mo."

"Putangina mo---" napatigil ako ng makita na pinagtutulungan si Grakon. "Shit." Tumakbo na ako papunta sa eskeneta at agad kung nadatnan ang sampung lalaki at dalawang babae na pinagtatadyakan si Grakon

"Mukhang nagkakasayahan dito ah." Usal ko kaya napatingin sila saakin.

"Huwag kang makialam dito kung ayaw mo matulad sa kaniya." Sigaw ng lalaking puro tattoo kagaya ng iba.

"Sa gusto kung makialam." nakangising saad ko.

"Ako na ang bahala sa kaniya." Saad ng babaeng puro hikaw ang mukha at agad akong sinugod pero tumakbo  rin ako saka sinakal siya at binitin. "Huwag kang masyadong matapang." Nakangising saad ko saka siya sinuntok sa tiyan. "Bitawan niyo siya o babalian ko ng kamay ang babaeng 'to." Utos ko at inapakan ang likod ng babae na nakahiga sa sahig. Kinuha ko ang kamay nito at tumingin sa mga lalaki.

"Poop! Umalis na tayo dito baka mapahamak pa tayo." Bulong ni Shit na nasa likod ko.

"May mga kasama sila na nasa labas. Huwag kang aalis sa tabi ko Shit kahit anong mangyari."

"Subukan mo siyang saktan at hindi na kayo makakalabas ng buhay dito." Sigaw ng lalaki na parang leader nila. Nginisian ko lang siya saka tinadyakan ang babae sa likod.

"May sinasabi ka?" Tanong ko at unti-unting pinipilipit ang kamay ng babae.

"Arghhh! Ferrio tulungan niyo ako!" Sigaw ng babae pero tinadyakan ko lang siya ulit sa likod.

"Poop! Baka mapatay mo siya." Saway ni Shit.

"Edi ipalibing. Ang dali lang naman niyan." Simpleng sagot ko at tumingin ulit sa lalaki.

"Ibigay niyo si Grakon." Utos ko.

"Ako na ang bahala sa kaniya. Masyado na siyang pabida." Biglang saad ng babae na may mga tattoo din sa katawan. Humugot ito ng patalim at sumugod saakin na madali ko lang naiwasan pero nanlaki ang mata ko ng makitang dumeritso siya kay Shit kaya dali-dali ko namang sinangga iyon at sinipa siya.

"Okay ka lang?" Tanong ko kay Shit pero tinuro nito ang braso ko at ng tingnan ko ay dumudugo na ito. Nadaplisan ako ng piste.

"Ibigay niyo si Grakon." Tinawanan lang nila ako na para bang biro ang sinabi ko. "Okay." Diniinan ko ang ugat sa leeg ng babae kaya nawalan na ito ng malay.

Agad akong tumakbo papunta sa isang babae at sinipa ito sa dibdib. Napahiga ito sa sahig pero tinadyakan ko lang siya sa mukha saka kinuha ang patalim. Naglakad ako palapit sa leader nila at sa isang mabilis  na galaw ay nakaluhod na ito. "Isang maling kilos at tutuhugin ko ang lalamunan ng lalaking 'to."

"Sorry Hero napasama ka pa sa gulo ko." Saad ni Grakon na nakatayo na.

"Sino ang mga 'to?" Tanong ko.

"Mga dayo sila. Kalaban din ng grupo namin."

"Sa susunod huwag kayong papasok sa isang gulo na hindi niyo maipapanalo." Paalala ko saka tinadyakan sa likod ang lalaki. "Makita ko pa ang mukha niyo ulit na nasangkot sa gulo dito sa Centro, pasensiyahan nalang tayo pero hindi na ako maaawa sa inyo." Bulong ko sa lalaki at saka tumayo at naglakad papunta kay Shit. "Tara na." Aya ko sa kaniya at nagsimula ng maglakad.

"Poop bakit hawak mo pa yung kutsilyo?" Napatigil naman ako saka inosenteng napatingin sa patalim. "Sayo na Shit, nalimutan kung isauli." Binigay ko sa kaniya at naglakad na ulit.

"Poop, bakit marunong kang makipag-away?" Tanong nito kaya natawa nalang ako.

"Simple lang. Para makatakas sa mga bagay-bagay."

"Anong mga bagay-bagay naman?"

"Ewan." natatawang sagot ko.

Continue Reading

You'll Also Like

737K 2.7K 66
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
1M 89.7K 39
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
208K 10K 56
แ€„แ€šแ€บแ€„แ€šแ€บแ€€แ€แ€Šแ€บแ€ธแ€€ แ€›แ€„แ€บแ€ทแ€€แ€ปแ€€แ€บแ€•แ€ผแ€ฎแ€ธ แ€กแ€แ€”แ€บแ€ธแ€แ€ฑแ€ซแ€„แ€บแ€ธแ€†แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€กแ€™แ€ผแ€ฒแ€œแ€ฏแ€•แ€บแ€›แ€แ€ฒแ€ท แ€€แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€œแ€ฑแ€ธ แ€€แ€ปแ€ฑแ€ฌแ€บแ€”แ€ฑแ€™แ€„แ€บแ€ธ แ€แ€ผแ€ฐแ€แ€ผแ€ฌแ€œแ€ฝแ€”แ€บแ€ธแ€œแ€ญแ€ฏแ€ท แ€€แ€ปแ€ฑแ€ฌแ€บแ€”แ€ฑแ€™แ€„แ€บแ€ธแ€€ แ€•แ€ญแ€ฏแ€ธแ€Ÿแ€•แ€บแ€–แ€ผแ€ฐแ€œแ€ญแ€ฏแ€ท แ€”แ€ฌแ€™แ€Šแ€บแ€•แ€ฑแ€ธแ€แ€ถแ€›แ€แ€ฒแ€ท แ€€แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€™แ€œแ€ฑแ€ธ แ€”แ€ฑแ€แ€ผ...
46.4M 1.2M 37
Zoe is a rogue who is forced to attend a school for werewolves for a year thanks to a new law. There she meets her mate, a certain Alpha who holds a...