RAPE (Completed)

Από MadPatient

75.1K 1.8K 121

Meet Sheena Bugan ang pinakabobong babae sa balat ng lupa. Walang insecurities sa katawan at namumuhay ayon s... Περισσότερα

•Note of Me•
Message 💕
Uno
Dos
Tres
Quatro
Singko
Sais
Syete
Otso
Nuebe
Dyes.
Onse
Dose
Trese
Katorse
Kinse
Desi-sais
Desi-syete
Desi-otso
Desi-nuebe
Bente
Bente-Uno
Bente-Dos
Bente-tres
Bente-quatro
Bente - cinco
Bente-sais
Bente-syete
Bente -Otso
Bente-nuebe
Trenta
Trente 'y uno
Trenta 'y dos
Trenta 'y tres
Trenta 'y Kwatro
Trenta 'y Singko
Trenta 'y sais
Trenta'y Otso
Trenta'y nuebe
Quarenta
Quarenta 'y Uno
Quarenta'y Dos
Quarenta'y Tres
Epilogue
Special Chapter
Author's Note (last entry)

Trenta'y siete

957 37 3
Από MadPatient


No matter what.


Sheena pov



DAHIL sa nangyaring iyon, nagkaroon ako ng dahilan na magsimula ulit. Ang ginawang pagmamakaawa ni Titus ay tila martilyong pinukpok sa ulo ko. Hindi magiging masaya si Mama kung patuloy lamang akong magluluksa. Umiikot ang mundo at maraming bagay ang nangyayari, kung patuloy lamang akong tatayo at iiyak. Mapagiiwanan ako ng lahat.



Wala na ang aking Ina. Wala na akong magagawa para maibalik siya. Ngunit hindi ibig sabihin noon ay hanggang dito nalamang ang buhay ko.

"Masiyadong malinis ang pagkakapatay sa Ina ng inyong asawa. Wala kaming makita na solid na ebidensiya. Ginagawa hoh namin ang lahat at hindi kami titigil hanggat hindi nareresolba ang kasong ito."

Dalawang buwan na ang nakakaraan ngunit walang pagbabago sa kaso ni Mama. Kung ang lahat ay nawawalan na nang pag-asa para sa hustisyang napakailap, ay lalo lamang nadadagdagan ang determinasyon ko at mga plano.


Kaagad akong pumanhik pataas ng kwarto matapos na magpaalam ang dalawang pulis na bumisita sa bahay namin.  Hindi alam ni Titus na narinig ko ang paguusap nila. Nahinto ako sa ambang paghawak sa doorknob matapos mamataan ang dalawang pares ng mata na nagmamasid sa'kin.


"Lolo..." Nahihiya ako sa ginawa kong pagsigaw sa kaniya sa burol ni Ina. Nakakagaan sa loob na hindi ako nakatanggap nang malamig na pakikitungo mula rito. Napagpasiyahan ng pamilyang Yoon na dito mamalagi sa bahay. Lahat sila  ay nasasabik sa batang nasa sinapupunan ko.



Magaan siyang ngumiti sa'kin. Nasanay narin akong nakikita siya na naglalakad at hindi naka-wheel chair. Tumango siya sa'kin at pumasok sa kaniyang silid, sumunod ako rito. Naabutan ko siyang payapang nakatingin sa kawalan. Ang ganda ng araw, ang hangin ay napakasariwa.

Pumikit ako at ninamnam ang paghalik ng kapayaan sa akin matapos akong makalapit sa kaniya.

"My wife died 8 years ago, wala ako sa tabi niya ng mga panahong iyon." Mabigat ang buntong hininga nang Lolo ni Titus. Nagbabalik tanaw sa kaniyang namayapang asawa. Bakas ang lungkot at paghihinayang sa boses nito. Minulat ko ang aking mata, tinuon ang atensyon sa harapan ngunit ang pandinig naman ay nasa katabi.

Nakakagulat dahil nasanay na akong masayahin niya at laging malaki ang ngiti. Hindi katulad ngayon na napakaseryoso nito at hindi man lang mabahiran ng sigla ang kaniyang boses. Ganoon nga siguro talaga kapag inaalala ang mga taong minsan nang naging parte ng aming buhay, na hindi rin nagtagal sa mundo.


" I'm busy with my works that time, focused on what I want to give for my family and what I want for future." Matabang nitong ulat, bahagya pang natawa ng mapait.


" If I just know that it would be her last day in this world, I should have stayed by herside. I should have cancelled my flights and hug her t-tight." Tuluyan na akong bumaling kay Lolo matapos marinig ang garalgal niyang tinig. Naabutan ko siyang nakangiti habang dumadaloy ang luha sa kaniyang mata na kaagad niya namang pinunasan.

"I realized how cruel I am. Thinking of ending mylife just to have her again." Umawang ang labi ko sa narinig sa kaniya.
Kahit gaano kalungkot ang buhay ko hindi sumagi sa isip kong tapusin ang buhay. Iyon ang isa sa mga bagay na hinding hindi ko gagawin. Kinilabutan ako bigla .


"Siguro nga hindi ko pa oras dahil hindi ko pa nakakalabit ang gatilyo ay nagpakita saakin ang apo kong si Titus."

"Pinigilan hoh kayo?". Pakiramdam ko ay ngayon ko lamang nagamit ang boses ko, muntik ko nang makalimutan na nakakapagsalita pala ako. Humalakhak ang matanda sa tanong ko at kumislap ang kaniyang mata, nakatingin siya sa'kin habang sinasagot ang tanong ko.



"Hindi ija. Ang sabi niya lamang ay 'happy trip' habang umiinom ng tubig at saka umalis." Nanlaki ang mata ko kasabay ng pagbagsak ng aking balikat. Sira-ulo talaga itong si Titus!

Mas lalo lamang natawa ang matanda sa reaksyon ko, humawak pa siya sa kaniyang tiyan . Tuluyan nang nabura ang madramang atmosphere sa pagitan namin, naramdaman ko nalamang ang pagkurba ng aking labi. Ang sarap talagang ngumiti kapag magaan ang paligid at sistema.

" After I saw my grandson, I imagined my wife yelling at me", ngumise ito.

" 'Ano iiwan mo ang anak mo at ang apo ko dahil sa wala ako ? Aba magaling Joselito, napakatinde talaga ng sapak mo sa ulo!' ", humalakhak siya pagkatapos , nahawa narin ako. Kung sana ay nabubuhay lamang ang Lola ni Juan, siguro ay napakaingay nang paligid.



Nauwi sa maraming pagke-kuwento si Lolo nalang tungkol sa kaniyang asawa . Kita ko kung gaano nagmamalaki ang boses niya. Ayon dito ay supladang babae raw iyon, may iba't ibang ugali ngunit napakarealistiko sa mga bagay bagay. Tapos raw iyong Magnacum Laude at isang tanyag na abogado. Tao na pinagmanahan ng lubos ni Juan.



"  Hindi siya nawala sa tabi ko Sheena " , lumamlam ang mata niya at marahang hinawakan ang kaniyang dibdib. "Narito ang asawa ko, umaabang ng bago sa aking buhay."

       Napalunok ako at sandaling natigilan sa kaniyang sinabi. Ayon nanaman ang kilabot at sandaling paghinto ng mundo ko. Tama, hindi nawala si Mama dahil nasa puso ko siya. Habang buhay.


Namuo ang luha sa mata ko, sinulyapan si Lolo na nakangiting hinahaplos ang isang postiso. Ngumiwe ako at marahang tumawa sa isip. Nagpaalam na akong aalis na matapos na pumasok ang nurse nito. Niyakap niya ako habang ako ay lubos namang nagpasalamat, pinagmasdan niya akong maglakad papalayo.

Gumaan ang pakiramdam ko at masasabi kong simula na ito ng pagbangon ko mula sa daluyong. Marahan kong sinabunutan ang sarili matapos maalala ang ginawang katangahan nitong araw, iyong pagwala sa harap nang burol ni Ina, at ang muntikang pagkawala ng anak ko.

Bakit ba hindi ko kaagad napagtanto na hindi naman umalis si Mama. Sadyang oras niya lamang talaga at ang lahat ay nakatakda para sa mas malalim na dahilan.

Pinag-igihan ko ang pagbabasa, ultimo kaliit liitan na detalye ay sinasaulo ko upang maihanda ang sarili sa unang pagsusulit. Hindi ko nagawa ito noon dahil wala akong interes at inspirasyon, ngunit iba na ngayon. May pangarap na ako, may gusto na akong gawin, at may matatag na'kong dahilan.


Pakiramdam ko ay ngayon lamang nagkaroon ng halaga ang aking buhay. Humikab ako matapos makaramdam ng antok. Hinawakan ko ang batok dahil sa pangangalay nito . Tinuloy ko ang pagpi-pindot sa hanay ng keyboard, isa itong research na ginagawa ko. Sa totoo lang ay matagal pa bago i-sa-submit pero maaga ko nang inasikaso.




Para na tuloy akong si Maliana. Kaagad akong lumingon sa likod ko dahil sa labing dumampi sa'king batok. Napangise ako matapos niyang salubungin nang halik ang labi ko at marahan niya pang kinagat bago pinakawalan.



"Nagising ba kita?", hinaplos ko ang panga niya, maaga kasi siyang natapos sa pagre-review kaya agad ding nakatulog kanina. Dumapo ang tingin niya sa laptop ko .



" My wife is getting serious about her study," tinignan niya akong mabuti, namula ang pisngi ko dahil totoo naman iyon.


"I like it baby, but it's 11:30 in the evening and I'm going to punch that thing if you'll not going to sleep right now, beside me." Nabura na roon ang paglalambing sa mukha ni Juan, gusto ko pa sanang umangal ngunit hindi na nagawa matapos niya akong kargahin palapit sa aming kama.


Sumapit ang birthday ko at marami pang okasyon, napakasaya ko dahil marami na akong kasama sa bawat araw na iyon. Dati rati ay kami - kami lang ni Mali at Mama ngunit ngayon ay higit na sa lima ang mga ito.


Hindi makubli ang excitement nina Mommy Danna at Tito Craze sapagkat lagi nila akong binubusog sa pagkain, si Maliana naman ay laging tumatawag upang paalalahanan akong kumain na. Si Caleb ay napakasumbungero, siya ang nagsisilbeng cctv kapag wala si Titus. Pakiramdam ko ay mas dumami ang nanay ko ngayon. Idagdag mo pa ang nakakatakam na tsokolate at ice cream na karaniwang dinadala ni Zera at Jordan. Tunay na napakasarap .




"Baby careful ", nag-aalalang wika ni Juan habang hinahawakan ang bewang ko. Natanggap ko kasi ngayon ang card ko para sa second grading. Muntik na akong mapatalon dahil ang tataas noon, nakalimutan kong buntis ako kaya sobrang sakit sa balakang ng ginawa ko.


"She ano bang sekreto mo? Mukha ka ng balyena pero ang sexy sexy mo parin tignan, mas lalo kapang naging blooming!", ungot ni Mali na kumakain ng tsokolate, nasa katapat ko siyang sofa nakaupo at nakapagitan sa'min ang isang babasaging lamesa. Hindi ko alam kung papuri bayong sinabi niya o sadyang may inggit sa kaniyang tono.


"Don't do that again, kabuwanan mo na ngayon Sheena", istriktong bulalas ni Juan matapos kong maupo, ngumuso lamang ako sa kaniya bago binalingan si bestie.


"Maliana tignan mong marka ko, mainggit ka please", sinubukan ko siyang irapan matapos iyong sabihin, Kita ko ang paglaki ng mata niya at paulit ulit na pagtingin sa'kin at sa card ko.


"Sayo ba talaga to?"

"Duh. May pangalan kaya 'yan. Wag ka ngang bobo diyan", pang-aasar ko sa kaniya. Gulat na gulat niya akong tinignan na para bang may supresa akong sinabi, tuluyan na akong tumawa .



"Ako na pala ang bobo ngayon? Pasalamat kang bruha ka at buntis ka ngayon!", umamba siyang hahampasin ako ng card ko ngunit kaagad ko namang sinandal ang ulo sa balikat ni Juan na busy sa panonood nang panganganak ng isang babae. Akala mo naman siya 'yong manganganak e.


"Ble", nilabas ko pa ang dila ko kay Mali para mas maasar siya . Inis niya kong tinarayan na ikinahalakhak ko.


"Wife you should start practicing this", agad kong dinungaw ang tinutukoy ni Juan. May instuctor doon na nagtuturo kung paano ang tamang pag-ire.





Lagi niya akong sinasabayan sa pag-e-exercise ko, apat na buwan palang si baby ay talagang nagleave na siya sa pagtatrabaho at si Jordan muna ang ginawang acting CEO. Tutok si Juan sa'kin, mas umaasta pa siyang buntis sa'ming dalawa. Ayaw ko namang magpaultra-sound kasi gusto ko surprise ang lahat. Hindi rin kasi normal ang umbok ng tiyan ko kaya madaming haka-haka ang lumabas .



Hindi ko namalayang ginagawa ko na pala ang pag-ire ng babae, pakiramdam ko ay may lumalabas talaga sa'kin. Binuka ko ang dalawang binti sapagkat parang may napupunit sa pagitan ko.


Napatingin ako kay Mali matapos mahulog ang basong hawak niya kanina at takot na nakatingin sa binti ko. Hindi naman ako makayuko para tignan iyon sa laki ng tiyan ko.


"FUCK!", nabigla ako matapos makita ang takot at nerbiyos sa mukha ni Titus. Hindi na'ko nakapagsalita matapos na sakupin ni Titus ang mukha ko gamit ang kaniyang kamay. "Calm down okay, breathe in and breathe out. Relax and think about happy thoughts".


Tumango na lamang ako. Tahimik ang paligid kung hindi ko lang narinig ang sigaw ni Maliana sa loob ng bahay habang kami ni Juan ay papalapit na sa sasakyan niya.


"Tito! Tita! Manganganak na si Sheena!". Para akong nabingi matapos iyong marinig, sunod-sunod ang naging ingay sa loob at hindi ko alam kung anong nangyari.


"Shit, calm down wife, calm down". Iyan ang paulit-ulit na sinasabi ni Juan hanggang sa makaupo siya sa driver seat. Hindi ko alam kung para saakin ba talaga ang sinasabi niya o para sa sarili niya.


"JUSKO JUAN!", halos lumuwa na ang ngala-ngala ko kakasigaw sa kaniya dahil sa tulin ng patakbo niya. Akala ko ba calm down? Humigpit ng husto ang hawak ko sa seatbelt at pumikit na lamang dahil sa takot.

Hapong-hapo akong nakalabas sa sasakyan niya matapos naming makarating sa hospital . Kung titignan ang kilos ng asawa ko ay relax na relax iyon ngunit kung titignan ang mukha na naliligo na sa pawis at parang matatae sa tindi ng kaba ay doon mo lang mare-realize kung gaano siya nakakatawa sa panahong ito.



Masamang masama ang paningin ko sa kan'ya ngunit nawala agad dahil sa nakikitang takot sa mata nito. Hinalikan niya ako matapos na maingat na inalapag sa stretcher, puno na pala ng dugo ang pang ibabang bahagi ng bestida ko. Ramdam konarin ang matigas na bagay na nakaluwa sa aking bukana.

Nadaanan ko ang ilang mga babae roon na hirap na hirap na sa kalagayan at buntis rin kagaya ko. Nawala ang magaan kong pakiramdam matapos makita ang isang Ina na pinupunasan ang pawis at luha ng kaniyang buntis na anak. Kung nandito ba si Mama, ganoon rin kaya ang gagawin niya sa'kin?




"Faster! I'm gonna break your fucking neck if my wife won't make this through! Ipapasara ko talaga 'tong hospital niyo!".  Natigalgal ako sa lakas at yanig ng boses ni Titus, pati tuloy itong mga lalaking nurse at pinagpapawisan sa pag sisigaw niya. Natanawan ko mula sa paanan ko ang bulto nina Maliana, Tito Craze, Mommy Danna, Jordan, Zera, Edward pati kaibigan niya at si Lolo nalang na naka-wheel chair kasama ang nurse niya .




Nangilid ang luha sa mata ko, wala akong karapatang malungkot dahil sobra sobra na ang mga bagay na dumating saakin. Napangiti ako matapos na umihip ang malamig na hangin .




Hinalikan ako ni Titus sa noo matapos na maisaayos ang kalagayan ko. " You can make this wife. No matter what happened, I love you."













Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

326K 485 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
113K 5.5K 57
Ivory known as Alvara is a abandoned child, one day she woke up in different world and realized that she reincarnated in the novel that she last read...
734K 59.7K 234
Galet na galet, gustong manaket? Ganun pag #MasaketPaSaPeyn paglaruan. * Si Liam, moving on from a heartbreak. Si Miles, moving sa Montecristo apart...
182K 3K 50
ON-GOING Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight, ang lalaking hindi niya akalaing kapatid...