MC 18

96 17 23
                                    

MC 18: At Last

Nagising ako dahil sa malamig na tubig na ibinuhos sa akin at nang makita ko kung sino ang walang awa na tao na bumuhos no'n sa akin...

"Ate Dhon naman e!" Hindi ko mapigilang magreklamo. Shemay lang kasi! Basang-basa ang buong katawan ko at malaking bahagi ng higaan ko.

"'Ate Dhon naman e!'" panggagaya niya sa tono ko. "Hoy! Anong oras na! Tignan mo kung gaano na kasikat ang araw!" Napatingin din ako sa labas. Ang taas na nga ng araw. "Alam kong sinasadya mo ito dahil ayaw mong mapadala sa Maynila pero naku naman, magsabi ka nang hindi na ako gumising ng maaga para maghanda pa ng babaonin mong pagkain...blah...blah...blah."

Napapikit na lang ako dahil sa sobrang ingay ni Ate Dhon. Promise! I tried my best para hindi takpan ang tenga ko pero hindi ko talaga kinaya at napatakip na lang ako ng tenga.

"Aba't! Anong ibig mong sabihin sa patakip-takip mo ng tenga na iyan? Na maingay ako?!"

Exactly, Ate! Pero imbes na sabihin ay umirap na lang ako.

Naputol ang mahabang orasyon ni Ate Dhon nang pumasok si Cheska at gulat na gulat nang makita ang itsura ko.

"I know, baby. I feel you," I can't help but say.

"Mommy, bakit basa si Tita? Dyan na ba siya naligo?"

Hays. Kaysa sagutin si Cheska ay bumangon na lang ako at dumiretsyo sa banyo ko. I look at myself in the mirror. Grabe! Basang-basa ako. Ilang balde na kaya ang ibinuhos sa akin ni Ate Dhon? Baka mga lima? Well, mabuti nga iyon nang magising ako sa mahabang panaginip ko.

Grabe ah, ang haba ng tulog ko. Gano'n ata talaga iyon lalo na kapag nananaginip ka, feeling mo ay ang tagal-tagal matapos ng panaginip mo. It felt like eternity.

Bigla kong naalala ang huling tagpo sa panaginip ko. Natawa na lang ako sa sarili ko.

Ako? Umiiyak dahil sa isang cartoon character? Nabaliw na ata ako sa panaginip ko. At talagang may fairy godmother pa talaga at may prinsipe? Hays, katawa.

Ito na ata ang resulta ng sobrang panonood ng Cinderella at iba pang mga Disney movies.

"Aesha, bilisan mo na dyan! Mamayang hapon ang alis mo, nagpare-sched ko na sa terminal. Kapag ikaw nagpa-slow motion na naman dyan, naku talaga na lang!" sigaw ni Ate Dhon sa labas. Napamake-face na lang tuloy ako.

"Tita! Tita!" This time, boses naman ni Cheska ang narinig ko.

"Ano 'yon, Ches?"

"Aalis ka po ba talaga? Paano na ako niyan? Sino ang kalaro ko? Tsaka sino na ang mamamasyal sa akin?"

Napabuntong hininga na lang ako tsaka binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang teary eyes na Cheska.

"Ches, ano ka ba naman? Magpapa-Maynila lang si Tita at hindi sa langit. Huwag mo akong iyakan." I caressed her head. "Tsaka andyan naman si Daddy at Mommy mo. Tsaka meron ka ring bagong yaya na pwede mong maging kalaro at pwede ka rin samahan mamasyal. Hmm, huwag ka nang umiyak. Tsaka bibisita rin naman ako dito minsan."

Nagliwanag agad ang mukha ni Cheska.

"Talaga po? Babalik ka? Hindi mo ako kakalimutan?"

"Aesha! Mahal na mahal kita! Bumalik ka! Maghihintay ako sayo! Kahit taon pa man! Kahit tumanda man ako! Maghihintay ako sa iyo!"

Malditang Cinderella (Completed)Where stories live. Discover now