MC 14

81 16 7
                                    

MC 14: The End

Iyong pagiging tulala dahil sa dami mong iniisip. Totoo pala iyon? Iyong times na nagawa niyo na pala ang lahat ng dapat niyong gawin pero ikaw, tulala pa rin? Iyon bang hindi mo alam na gumagawa ka at ang utak mo ay lutang na lutang sa ulap.

Iyong parang si Ako.

Naglakbay na ulit kami, nagpahinga, narating na namin ang bundok, may nangyari nang ritwal, nalaman nilang birhen talaga ako at pauwi na kami't lahat, tulala pa rin ako.

Gumagalaw lang ang mga mata ko kapag nakikita ko si Ceros at sinusundan ang mga galaw niya na para bang siya lang talaga ang nasa paligid ko, na peking mga tao lang ang mga kawal at si Daniella kaya hindi ko binibigyan ng pansin.

At oo, alam ko. Iniiwasan niya ako. Minsan nagtatagpo ang mga mata namin pero kinakaya niya lamang indahin iyon at iiwas ang tingin na para ba'y wala lang.

That hurts...

Hindi ko matanggap na nagmistulang mga panaginip lang ang mga hindi ko mabilang na mga araw na iyon. Naging panaginip dahil kahit siya ay parang nakalimutan na din ang mga pinagsamahan namin.

"Binibini, nasa bayan na tayo ng palasyo. Maghanda ka na po dahil maghaharap na ulit kayo ng prinsipe."

Nang dahil sa sinabi ni Daniella ay napatingin na lang din ako sa labas. Nasa palengke na nga kami. Ibabalik ko na sana sa loob ang tingin ko nang makita ko ang dalawang stepsister ni Cinderella.

"Ihinto ang karwahe!" I shouted. Agad naman sumunod ang nagmamaneho.

"Bakit po, Binibini? May gusto po ba kayong bilhin sa labas?"

"G-gusto kong umuwi muna sa bahay ko."

"Pwede naman, Binibini, pero tutuloy muna tayo sa palasyo dahil siguradong nag-aalala na ang prinsipe  sa inyo at sabik na sabik na din kayong makita ulit."

Gusto ko rin sana, Dan, dahil naging kaibigan ko pa rin ang prinsipe pero kasi kailangan ko muna ng break kasi baka hindi ako makapagpigil ay maamin ko lahat ng nararamdaman ko sa prinsipe. Gusto ko sanang sabihin pero hindi na lang.

"Gusto kong umuwi muna sa bahay ko. Kung hindi niyo ako ihahatid ay maglalakad na lang ako." Nagmistula akong aalis na para takutin siya at mabuti na lang ay naniwala ang babae.

"Opo. Opo, Binibini. Sa sabihan ko po si Ginoong Ceros." Tsaka siya nagmadaling lumabas sa karwahe.

Hinayaan ko lang silang magkagulo sa labas at nang umikot ang karwahe ay napangisi na lang ako sa sarili ko pero nawala din iyon nang marinig ko magsalita si Ceros.

"Mauuna na ako sa palasyo. Kayo na muna ang bahala sa kanya."

Ang lamig ng tono niya. Kahit ata desyerto ay lalamig dahil sa sinabi niya.

Ano na, Ceros? Hanggang dito na lang ba talaga ang kwento nating dalawa?

*****

Hindi ko na pinasama si Daniella sa loob ng bahay. Oo, iniwan ko silang lahat sa labas ng bahay, naghihintay at wala akong pakialam.

Sa likod ako ng bahay dumiretsyo. Doon sa lugar kung saan unang nakilala ko si Engkanto. Naupo ako sa bench stone doon at naupo lang.

Mayamaya ay lumitaw na si Engkanto sa tabi ko. She is caressing my head, telling me that everything will be okay.

Malditang Cinderella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon