MC 4

185 17 20
                                    

MC 4: The Man Who Got Lost

Some certain facts about me.

First, hindi ako maganda. Hindi ako mahilig mag-ayos at mahilig pa akong makipag-away kaya nawawala ang feminine side ko.

Pangalawa, hindi ako matangkad. Hindi man ako sing baba ni Mura at Mahal pero hindi din ako sing tangkad ng mga Paras, normal lang para sa mga probinsyana ang height ko pero dito sa mundong ito kaya? Baka pagkamalan pa akong bata.

Pangatlo, hindi ako matalino. Oo, nakakapag-isip pa rin naman ako, syempre tao pa rin naman ako pero kapag galit na ako ay galit na ako.  Hindi ko rin kayang magmemorize ng mahabang listahan o dumiskarte para kumita, wala ako no'n. Ang kaya ko lang ay magbasa ng mga libro na kinabukasan ay malilimutan ko lang din ang binasa ko.

Pang-apat, hindi ako matalento. Parang sirang radyo ang boses ko. Daig pa ako ng kawayan kong sumayaw at hindi ako mahilig magluto ng mga special food na pwedeng pang-akit.

Panghuli, hindi ako MA. LAN. DI! Hindi ko kayang mang-akit, manggalit pwede pa.

Kaya nga sabihin niyo sa akin. How can I make the prince fall in love with me? Dapat ko ba siyang gayumahin? O ipakulam na lang? Blackmail? Kidnap? Rape-in?—Ew! Huwag na lang oy!

Tsaka hindi ba masyadong cliché kung iyan ang mission? Marami na akong napanood na nganyan e.

Biglang may nagpitik sa noo k kaya natigil tuloy ang pag-iisip ko. Langya naman! Masakit kaya!

"Ang lalim ng iniisip mo, hija. Alam kong mahirap pero kaya mo 'yan.'Yon lang naman ang gagawin e."

'Yon lang?! Madali ba iyon? Ni-hindi nga ako marunong mang-akit!

"Paano kung hindi ko iyon magawa? Anong mangyayari sa akin?"

"Dito ka na pang habang buhay."

Noooooo! Huwag naman habang buhay, wala naman daw forever eh!

"At isa pa pala, kapag minahal mo rin ang prinsipe ay hindi ka na makakaalis pa. Dapat paibigin mo siya ng hindi ka umiibig pabalik."

Iyon ang madaling gawin, ang hindi umibig pabalik. Manhid kaya itong puso ko, hindi ito tatablangan ng LOVE.

"At ito, kunin mo." May inabot siyang parang relo pero para ring kwintas. Hirap i-describe, basta ganon. Sa likod no'n ay nakalagay ang pangalan ko, 'Aesha' at iyong relo naman ay may malaking number sa gitna. Ang nakalagay ay 50.

"50? Anong ibig sabihin nito?"

"50 days pa ang itatagal mo dito. Kapag may ginawa kang hakbang para mapalapit sa prinsepi ay bababa iyan pero kung wala, edi dadagdag lang yan hanggang sa 99, maximum na iyon. At iyang mga numero sa paligid ay ang hours. Kapag parehong tumama sa 12 ang dalawang kamay ay ibig sabihin ay zero. Pabagsak ang bilang niyan kaya huwag kang malilito."

Tumango-tango lang ako. Hindi daw malito pero litong-lito nga ako.

"At—"

"Tsk! Ang rami naman."

"Itong batang 'to talaga. Ang huli ay dapat walang makaalam nito kun'di ay mahihirapan kang makaalis pero depende sa sitwasyon."

"Depende sa sitwasyon?"

"Oo, depende sa sitwasyon. Basta! Bumalik ka na lang dito kapag may specific ka nang tanong. Mahirap kasing i-summarize kapag wala tayong scope and delimitations."

"Scope and—? Ano ito research paper?! Napaka-walang kwenta mo namang mag-explain. Mas lalo mo lang ginulo ang isip ko dahil sa ginawa mo!"

Magpo-protesta sana ang engkanto nang biglang may sumigaw mula sa loob ng bahay.

Malditang Cinderella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon