MC 11

95 18 13
                                    

MC 11: Dear Heart

Ano ba ang dapat gawin kapag napagkamalan ka na asawa ng kasama mo? Itatama mo ba ang maling akala nila o hindi na. But of course, may tao dyan na palaging undecided kaya 'depende' ang sagot.

So gamitin natin ang sagot na depende sa sitwasyon ko.

Itatama depende sa reaksyon ng nagkamali. Kung nakita mong tuwang-tuwa sila sa maling akala nila. Huwag mo na lang. Kapag hindi naman sila natutuwa ay itama mo agad para walang gulo.

Itatama depende sa reaksyon ng kasama mo. Kung ang kasama mo ay handang i-second the motion ang pagtatama mo edi go pero kung katulad man lang ni Ceros na sinabihan ako ng...

"Hayaan mo na sila. Pareho tayong mapapahamak kapag sinabi kong mapapang-asawa ka ng prinsipe pero heto ka at kasama ko. Iba ang iisipin nila."

Edi don't.

Lastly, depende iyan sa sarili mo. Kung okay lang ba ang mapagkamalan o hindi pero sa kaso ko na binantaan na ni Ceros, ano pa kaya ang masasabi ko? Wala akong nakikitang choice sa option na binigay sa akin.

Ilang araw na din ang nakalipas simula nang mapadpad kami sa lugar na ito. Ang bayan ay simple lang naman. Sino ba ang nakapanood na ng Beauty and the Beast? Naalala niyo iyong bayan nina Belle? Gano'n na gano'n mismo ang lugar na ito. It's just that na ang nakapaligid sa bayan ang mga sakahan. Sagana din ang lugar lalo na sa pagkain. Siguro dahil na rin sa mga tanim at mga alagang hayop.

Sa ilang araw kong pag-i-stay sa bayan na ito ay minsanan ko na lang makita si Ceros. Kapag nasa hapag o hindi naman ay sa pagtulog. Tapos isang araw ay hindi ko na talaga siya nakita pa.

Isang beses tinanong ko si Aling Wan (ang nanay ni Ceros) kung asan siya pero tinukso lang ako ng ginang. Nagtimpi na lang ako dahil bukod sa siya lang naman ang madalas kong kasama these past few days ay sobrang bait nito sa akin.

Astig nga ng pamilya nila. Pamilya numero. May zero, one and three. I wonder kung asan si two? Well, kung hindi mo na gets, umuwi ka na!

Dahil mas madalas na akong mapag-isa ay sinubukan kong tawagin si Engkanto pero mukhang cannot be reach ang bwiset! Kung dati ay 40 days na lang, ngayon ay 80 days na siya. Minsan nga ay nanlulumo na lang ako dahil sa bawat araw pala kapag wala akong progress na nagagawa sa prinsipe ay limang araw ang dumadagdag sa relo ko. Shemay lang eh!

Then one night, he came back with his father.

"Oh, andito na pala ang asawa mo, hija." Sabi ng isang Ale na kapit-bahay nina Ceros. "Mukhang marami silang nakalakal sa centro."

"Centro po?"

"Oo, centro. Sa karating bayan kung saan madalas pumupunta ang mga dayo. Doon din ang may malaking palengke kaya siguro nawala ang dalawa dahil nakipagpalit sila ng mga produkto doon."

"A-ahh, gano'n po ba?"

Pumunta siya sa centro ng hindi niya sa akin sinasabi? At ilang araw na kaya siyang nawawala baka ang totoo niyan ay nakabalik na pala siya sa palasyo pero hindi niya lang sinasabi. Pero bakit naman siya babalik pa dito kung gano'n nga? Hindi ba't dapat ay iniwan niya na lang ako? Kahit kailan talaga ay ang gulo ng galaw ng isang ito.

Nang mawala ang mga nagkagulong mga tao ay tsaka ako lumapit sa kanila. Well, syempre dahil sa nakasanayan na rin ay nagmano ako sa Tatay niya. Proud pilipino kaya ito. Naintindihan naman ng tatay niya ang ganoong gesture.

"Pagpalain ka ng Maykapal, hija." Sabi ng Tatay niya. Hindi pa nga ng kumonekta ang tingin naming dalawa. Kung hindi niyo kasi napapansin ay sobrang labo na ng mga mata ng Tatay ni Ceros. Nakakakita pa naman daw ng mga shadows kaya kahit papaano ay nakakalakad siya na para bang wala lang problema sa mata. Iyon rin ang dahilan kung bakit hindi niya agad nakilala si Ceros ng una.

Malditang Cinderella (Completed)Where stories live. Discover now