MC 13

85 15 8
                                    

MC 13: The Fairy Tale

Maraming nagsasabi na kapag nagmamahal ka ay nabubulag ka. Iyon bang kahit alam at nakikita mo naman ang pangit na parte ng pagkatao niya pero tanggap mo pa rin siya dahil mahal mo.

Meron din ibang nagbibingi-bingihan. Iyon bang kahit alam mong totoo na ang sinasabi ng ibang tao ay hindi ka pa rin nakikinig dahil ang pinapakinggan mo lang ay ang puso mo.

Meron din nagiging pipi dahil nagmamahal. Dahil mahal niya iyong tao ay sarado niyang bibig tinatanggap ang masasamang ginagawa nito. Dahil mahal niya, at dahil takot siyang iwan nito kapag pinuna niya.

Meron ding nagpipilay-pilayan. Iyon bang pwede niya rin naman iwan pero hindi niya magawa dahil mahal niya. Naging rason niya na lang ang kanyang paa na ayaw gumalaw palayo dito.

Meron ding martyr na handang masaktan, makita lang masaya ang taong mahal niya.

Meron ding sakim na gagawin ang lahat maagaw at maangkin lang ang akala niya niyang kanya.

Pero ang pinakamarami ay iyong mga tanga. Iyon bang mga taong alam nilang mali ang mahalin ang taong iyon pero minahal niya pa rin. Iyon bang mga taong alam nang masasaktan lang sila pero sige pa rin. Iyon bang kahit walang kasiguraduhan ay tumuloy pa rin siya.

At iyong mga taong tulad ko na handang isugal lahat pati ang sarili kong mundo manatili lang at makasama siya sa mundong alam kong hindi naman totoo.

Ang malaking numero sa relo ko ang unang napansin ko. Dati ay isang tumatagingting na 99 iyon, pero isang araw ay naging 95 na lang iyon hanggang sa bumawas ng bumawas bawat araw na nagdaan.

Hinahanap ako ng prinsipe, iyon ang unang naisip ko. At sa tingin ko ay palapit ng palapit na siyang mahanap ako.

Nabalot ng takot ang puso ko at isang beses ko na ngang pinagtangkaan na basagin ang relo pero may magic na bumabalot dito at promoprotekta. Minsan ini-imagine ko na lang na tumataas ulit ang numbers pero hindi talaga.

Bawat araw ay nakakatakot kaya bawat araw ay sinisikap kong makasama si Ceros. Kapag nagta-trabaho siya ay ando'n ako sa malayo nakatanaw. Kapag natutulog siya ay ando'n ako sa tabi niya nakayakap at kahit nasa may ilog siya lumalangoy ay ando'n ako para manood.

Oo na, ako na ang dakilang stalker pero kasi sobrang nakakatakot ang pagbagsak ng bilang ng mga numero sa relo ko na para bang malapit na ang bitay ko.

"Tsk!" singhal ni Ceros nang makita ako. "Pupunta akong CR, baka gusto mo ring sumama?"

I pout at what he had said. Nakahalata na din pala siya.

"S-sa labas lang ako magbabantay, pwede?" At oo, hindi ako nahihiyang umamin na sinusundan ko nga siya saan man siya pumunta.

Ready na ako sa nakakainsulto niyang ngisi pero mapag-alala na mga tingin ang ibinigay niya sa akin.

"May problema ba? May nagsabi ba sayong aalis ako kaya binabantayan mo ako?" he said that in a gentle voice.

Hindi, Ceros. Hindi ikaw ang aalis kundi ako. Gusto ko sanang isagot pero alam kong hindi pwede.

"W-Wala naman. Gusto ko lang. Bakit? Bawal ba?"

Mariin niya akong tinignan kaya napaiwas tuloy ako ng tingin. Halata siguro masyado ang pagsisinungaling ko.

"Okay, sabi mo eh. Nga pala, sumunod ka sa akin. May ipapakita ako sayo," sabi niya sabay lakad na paalis.

Agad naman akong tumayo at sumunod sa kanya.

Malditang Cinderella (Completed)Where stories live. Discover now