MC 15

76 16 11
                                    

MC 15: Look What You Made Me Do

Kinabukasan. Buong araw akong nagkulong sa kwarto ko. Wala akong ibang taong pinapasok kahit ang prinsipe. Tanging si Daniella lang labas pasok sa kwarto ko at inaalo ako sa pag-iyak ko.

Akala niya, tears of joy iyong iyak ko pero hinayaan ko na lang kasi baka magtanong ng magtanong pa siya.

Kinagabihan ay doon lang ako nakatayo ng hindi umiiyak. Ubos na ata ang mga luha ko o baka magpapahinga lang sila. I stand and look at myself in the mirror. There I saw a very weak lady. Ang babae sa salamin ay isang kalabit na lang ay iiyak na ulit.

Natatawa na lang ako sa sarili ko. Dati sabi ko ayaw ko ng 'love' kasi sakit lang siya sa ulo, turns out I am correct after all. Ang mali ko lang noon ay ang akala ko na immune ako sa mga ganito pero mas malala pa pala ang epekto kaysa sa inaakala ko.

Thirty hours na lang ang numero sa relo ko. It means tomorrow is my last day in this world. Bukas na bukas kapag ikinasal na kami ng prinsipe ay maglalaho na ako sa mundong ito. Mawawala ang sakit at ang mga alaala ko.

Sana.

Sana nga katulad ng mga nasa movies ay magka-amnesia din ako. Sana walang ni-isang alaala ang matira sa akin, na sana kahit tibok ng puso ko ay bumalik sa dati.

Pero ang tanong, kaya ko ba? Kaya ko bang maatim na makakalimutan ko ang isang Ceros Trueblood na siyang nagsanhi ng parehong hindi mapaliwanang na kasayahan at kalungkutan sa puso ko?

"Binibini!" biglang sigaw ni Daniella. Nagulat ata siya kasi nakatayo na ako. "Ginulat niyo naman ako. Para kasi kayong multo dyan na hindi gumagalaw."

Lumapit siya sa akin.

"Nga po pala, kailangan na po kitang ayusan kasi bumisita ang mga kapatid mo po at ang nanay nila. May isa pa pong babae pero hindi ko pa siya nakikita pero parang oo na na parang hindi... Blah...blah...blah."

Hindi ko na lang pinansin si Daniella dahil umatake na naman ang pagiging madaldal niya. Napatingin na lang ako sa relo ko at napatitig doon.

Bakit pakiramdam ko ay bumabagal ang takbo nito?

Tahimik lang ako ng inaayusan ako ni Daniella habang siya ay sobrang ingay. Tulala lang ako habang inaalo ang sarili na huwag umiyak.

Nang matapos siya ay napatitig na lang ako sa babae ulit sa salamin. Mukha na naman siyang matapang katulad ng dati pero kitang-kita sa mga mata niya na may nagbago sa pagkatao niya.

"Ito pala ang kwarto mo?" Sabay kaming napalingon ni Daniella sa biglang sumulpot na dayo sa kwarto ko na walang iba kundi si Catherine, ang lintang ahas na may gusto kay Ceros.

"Naku, Binibini. Bawat pong pumasok sa kwarto ng magiging prinsesa lalo na't kapag walang pahintulot ng prinsepe."

"Oh? Talaga? Sa prinsepi pala ako dapat magpaalam at hindi kay Ginoong Ceros Trueblood?"

Nakataas ang kilay ni Catherine sa maarteng paraan na para bang handa siyang isigaw ang sekretong alam niya  kaya bago pa man iyon mangyari ay pinalabas ko na si Daniella at pinahintay ko sa labas ng kwarto ko.

"Oh? Bakit mo pinalabas? Takot ka ba, Aesha Cinderella na dating asawa ni Ceros Trueblood at ngayon ay ikakasal na kay Prinsipe Henry Montivard?"

Hindi ako umimik at tinignan lang siya ng walang emosyon. Ewan. Wala akong panahon sa ganitong bangayan. Pagod ang isip at puso ko sa pag-aaway nilang dalawa at hindi ko ata kayang makipag-away sa ibang may puso't isip na nagkakaisa

Mukhang mas nagalit si Catherine sa inasta ko kaya walang pasabing sinabunutan niya ako. Wala na ang pinaghirapan ni Daniella  ng hairstyle ko. Masakit din ang sabunot niya pero mas masakit ang puso ko. Para lang akong tuod doon na hinahayaan siyang gawin ang gusto niya.
     
Ito na ata ang naging sanhi ng pag-ibig sa akin. Nagiging talunan. Nawawala ang pagiging palaban. Wala nang maldita-malditahan.

Malditang Cinderella (Completed)Where stories live. Discover now