MC 20 (Part 1)

100 14 12
                                    

MC 20: His POV

How can a man in love approach the girl he love?

Hell, I don't know. Hindi iyon itinuro ng home school teacher ko. Hindi din iyon itinuro ni Daddy, ni Mommy at kahit ng mga executive ng kompanya namin na siyang madalas kong kasama noon. Walang nagturo sa akin dahil akala siguro nila hindi ko kakailanganin.

Bakit ko nga naman kasi dapat aralin iyon? I am Cecarios (Sekaryos) Clyde Berzelius after all. The first child of Cezar Berzelius III and Wanda Flores-Berzelius.

I came from a family that have a say in class, wealth and beauty. Hindi ko kailangang mag-approach sa kahit kaninong babae dahil sila na mismo ang mag-aaway away para na-approach ako.

But when I met Aesha inside of my dream, in that world, I was helpless.

I am 20 years old when I fell asleep. Hindi katulad ng kay Aesha ay nagsimula ako bilang bata sa mundo na iyon. Isang bata na may kinagisnang magulang, isang bata na lumaki talaga doon at isang bata na walang alaala na isang panaginip lang pala ang mundong iniikutan niya.

Unlike Aesha, I started from zero until I became the 28 years old, Ceros Trueblood, the right hand man that Aesha met.

Tang-nang rebelde 'yon. Sa kadami-daming pagkakataon na pwede niya akong sipain ay doon pa talaga mismo sa may pwesto ni Aesha! Kaya nang hindi ko sinasadyang mabastos ko siya at binugbog niya ako ay hindi ako nakapalag.

Paano naman kasi ako papalag? Sa unang kita pa lang ng galit niyang mukha, my heart beats faster and I got dumbfounded. I knew then that it's love at first sight.

Yes, I admit it. I fell in love with her at the first moment that I saw her.

At dito nga papasok ang unang tanong ko.

How can man in love approach the woman she love?

Sa totoo kong mundo ay hindi ko alam ang sagot sa tanong 'yan pero pati sa mundong iyon ay hindi ko rin alam ang sagot.

Paano ko malalaman? Catherine was the first one who approach me that's why we ended up having a promise. But after then, the castle knights took me. Bata pa lang ako pero inihanda na ako sa isang mabigat na responsibilidad. Bata pa lang ay inalisan na ng kalayaan at pinilit maging seryoso sa buhay.

Sounds familiar, right? Mapa-totoong mundo man o sa mundo na iyon, I experienced the same fate. A fate that prevent me the basic knowledge of courting.

Idagdag mo pa ang maling simula namin at ang sinipa niyang alaga ko. Hindi ko tuloy mapigilang gamitin ang defense mechanism ko. Ang magalit at ang magsungit.

Wala naman talaga akong plano na pabayaan siya sa kulungan na 'yon. Lalo pa't lugar 'yon ng mga kriminal. She don't deserve to be there just because of my dumbness. Kaya inilabas ko siya agad kahit malaking offense ang ginawa niya sa batas ng palasyo.

But unfortunately, we ended up fighting again.

E, sino ba naman kasi ang hindi magagalit? Ang unang tinanong niya ay kung papatayin ko ba siya? Siya? Papatayin ko? Is she nuts?! E, makikipagbati nga sana ako pero nauwi na naman sa pagsipa niya sa alaga ko.

Sheyt! Pangalawa na. Baka mabaog naman ako at hindi ko na siya mabigyan pa ng mga anak.

Oo na. Ako na nga ata ang pinaka-torpe sa buong mundo.

Then the night of the Ball came. I saw the most beautiful lady I ever saw in my entire life. It's her. It's none other than her.

Sa pinakaunang pagkakataon, I got scared. Ang pagtitipon-tipon na iyon ang magiging daan ng prinsipe para maghanap ng mapang-aasawa niya. At sa ganda ng babaeng ito, sinong prinsipe ang hindi siya pipiliin?

Malditang Cinderella (Completed)Where stories live. Discover now