MC 17

76 15 7
                                    

MC 17: Mission Completed

"Akong bahala sa mahal na hari. Maiintindihan niya ako." He smiled again and he reached for my head at ginulo iyon. "Pero sayang at ang kaibigan ko ang minahal mo."

Sobrang kinabahan ako dahil sa sinabi niya. Kailangan kong makasigurado. Kailangan kong malaman kung maglalaho pa ba ako kung sakali.

"Mahal na prinsipe, huwag niyo sanang masasamain ang tanong ko pero..." I inhaled and exhaled a large amount of air. "Minahal niyo po ba ako at ngayon ay nasasaktan kayo?"

Then again he smiled and said. "Noong una pero hindi na ngayon. Mukhang paghanga lang talaga iyong akin."

But I saw something in his eyes.

I saw pain.

I knew then that he is lying.

Agad kumawala ang mga luha sa mga mata ko at nataranta ako nang makita kong biglang gumalaw ang hinto na sanang kamay ng relo at bumilis ito ng sobra. Parang cheetah, hindi ko mahabol ang bilis.

"A-anong---"

Nagtaka na rin ang prinsipe sa inakto ko pero hindi ko siya pinansin ang imbes ay binagsak sa lupa ang relo at ilang beses iyon tinapakan, nagbabakasakaling masira at huminto ang oras. Nagbabakasakaling expired na ang mahika na nakabalot doon at nawala na.

I know I'm being hysterical. Umiiyak ako at humahagulhol na din. Alam ko sobrang nag-aalala na sila pero wala akong pakialam. Ang oras ko lang ang iniisip ko.

Ang oras kong paubos na.

Nagsinungaling ang prinsepi. Nasasaktan siya at isa lang ang ibig sabihin no'n, mahal niya ako. Minahal niya ang isang tulad ko. Hindi ako umiiyak dahil nasasaktan din ako para sa kanya. Kundi dahil....

"Wala sa inyo ang desisyon, Aesha. Kahit umamin ka sa prinsipe pero patuloy ka pa rin niyang mahalin ay matatapos pa rin ang mission mo. At mas mapapadali pa iyon kapag umamin ka kay Ceros na siya ang mahal mo dahil mas mapapatunayan mo sa mundong ito na hindi mo nga minahal ang prinsipe pero siya, minahal ka niya."

Dahil....dahil tapos na ang mission ko.

Nang hindi ko talaga masira ang relo ay hinanap ko na lang si Engkanto pero wala na siya. Wala na ang kaisa-isang pag-asa ko. Mas lalo akong naiyak.

Hindi pwede.

Hindi maari.

Ayaw ko.

Dito na lang ako.

Please...

May yumakap sa akin at dahil sa familiar na init at bango ay niyakap ko din siya pabalik.

"Anong problema? Bakit ka umiiyak?" nag-alalang tanong niya pero imbes na sagutin siya ay mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

"Mahal na mahal kita, Ceros. Makalimutan ka man ng isip ko pero ang puso ko ay hinding hindi ko kakalimutan. Cliché as it sound but it's true. Magkahiwalay man tayo mahal na mahal pa rin kita." Mas lalo akong humagulhol. "Hindi ka man totoo sa paningin ng iba pero para sa akin, totoo ka at mahal na mahal na mahal na mahal kita."

Malditang Cinderella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon