MC Prologue

284 27 18
                                    

MC Prologue

"Tita, bakit kamukha mo si Cinderella?"

Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa tanong ng pamangkin ko na si Cheska, anim taong gulang.

"Malala na ata ang pagkakaadik mo sa mga cartoons, ayan tuloy pati ang pagtingin mo ay naapektuhan na rin." Umupo ako sa tabi ng pamangkin ko. "Hindi ko kamukha si Cinderella, mas maganda kaya ako sa kanya."

Ginulo ko ang buhok niya. Ang cute-cute talaga ng pamangkin ko. Kung hindi lang dahil sa kanya ay siguradong pinapunta na ako sa Maynila nina Mama. Mabuti talaga at parehong may trabaho ang magulang niya kaya ako na lang ang naging babysitter niya.

"Pero Tita Aesha (Eysha), kung hindi lang itim ang buhok mo ay mapagkakamalan ka nang Cinderella!"

Pilit na lang akong ngumiti. Kung ano-ano na lang kasi ang nasa isip ng batang ito.

"Gutom lang 'yan, Cheska. Tara kain na tayo!"

"'Yoko pa, manonood muna ako ng Cinderella."

"Pero—"

"Pero Tita..." Naging seryoso ang mukha ni Cheska na ikinabigla ko ng sobra. "Kapag ba naging ikaw si Cinderella, ano bang klaseng Cinderella ang mapapanood ko?"

Dahil mukhang hindi papatalo ang pamangkin ko ay pinagbigyan ko na lang.

"Ibang Cinderella syempre ang makikita mo. Sobrang bait kaya ni Cinderella na siyang ayaw na ayaw ko kaya kung magiging ako si Cinderella, syempre hindi ako paaapi. Lalabanan ko iyong mga step-step niya na iyan. Tsaka kung ako ang papapiliin, hindi ako maiinlove sa prinsipe na iyon. Love at first sight? Wala namang gano'n e! Na-attract lang talaga ang prinsipe sa mukha ni Cinderella, ayaw ko ng gano'n. Tsaka si Lucifer, iyong pusa? Imbes na awayin, susuhulan ko iyon nang maging mas madali ang buhay ko."

Bakas ang gulat sa mukha ng pamangkin ko, kahit ako ay nagulat din sa sinabi ko.

"Paano po Tita kung lahat ng iyon ay magkatotoo? o paano kung maging si Cinderella ka nga pero lahat ng sinabi mo ay naging baliktad? Anong mangyayari?"

Isang kibit-balikat na lang ang nasagot ko.

"Bahala na siguro? Tsaka bakit parang mas matanda ka pa sa akin kung magsalita?"

"Malay mo po, ako ng young version ni Fairy godmother? o baka sinaniban niya ako?"

Tumawa lang ako.

"Gutom lang talaga iyan."

Akmang tatayo na ako nang pigilan ako ni Cheska.

"Kapag ba naging ikaw si Cinderella, babalikan mo pa ba ako?"

Nakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Syempre, bakit mo naman iyan naitanong?"

"Wala naman po, may nagsabi po kasi sa akin na kapag nagmamahal ka ay malilimutan mo na ang ibang bagay na pinapahalagahan mo. Baka po kasi hindi ka na bumalik."

Ano bang tinutukoy ng batang ito? Parang alam niya nang aalis ako kahit hindi ko naman alam. Baka may sinabi sina Mama at narinig niya?

Hala! Baka nga. Hindi ko talaga maikakaila ang pagiging matalino ng pamangkin ko kahit bata pa lang siya.

"Hindi ako aalis at kung oo man, syempre babalikan kita."

"Sigurado po? Pangako po?"

"Oo naman."

"Pangako rin pong mas magandang Cinderella ang matutunghayan ko?"

Kahit hindi ko maintindihan ay tumango na lang ako.

"Oo, pangako."

"And promises must not be broken," dagdag pa niya

Pilit lang akong ngumiti sa kanya. Astigin din itong pamangkin ko, in-english-an lang ako.

*****
*****

Vote and Comment.

Malditang Cinderella (Completed)Where stories live. Discover now