MC 12

85 16 12
                                    

MC 12: Aesha Cinderella

Nakakatawa lang isipin na sa lahat pa talaga ng lalaki sa mundo na ito. Sa lahat ng pagkakataon na pwedeng makaramdam ng ganito. Bakit ngayon pa sa mundo na ito at sa lalaki pang hindi ko man lang binigyan ng halaga simula pa noong una?

Fate must be crazy.

Destiny must have lost his mind.

At ako?

Wala akong masabi. Hindi ko na alam kung ano dapat ang gagawin ko. Minsan napupuna ko na lang ang sarili kong nakatulala sa relo na nasa akin.

It already reached it's maximum time. Ninety nine is already the last chance for me. Kapag siguro huminto na ang pag-ikot ng mga kamay nito ay mapipilitan na talaga akong manatili dito. Napansin ko din na bumabagal na ang ikot ng kamay ng relo tanda na malapit na.

Hindi ko na alam. Everything happened so fast for me and I just can't believe na nararamdaman ko ang lahat ng ito. Na from 'escapade' problem ay naging love problem.

Hindi ko na talaga alam. Gulong-gulo na ako. I tried calling Fairy godmother pero wala. Wala siya, wala ang engkanto. Hindi niya ata reach ang lugar na ito. Everytime na naaalala ko na hindi ko pala mundo ang mundong ito ay naaalala ko sina Cheska, Ate Dhon at ang mga magulang ko. Naalala ko rin si Cinderella, kung okay lang ba siya do'n? Okay lang ba siyang ma-stuck doon dahil ako?

Unti-unti na akong nakakalimot. Unti-unti ko na ring natatanggap at ang mas nakakatakot pa ay unti-unti na akong nako-kontento. Hindi na din gumagana ang malditang ugali ko. Pakiramdam ko ay nagiging Cinderella na ako ng unti-unti at ang hindi ko matanggap ay iyong pakiramdam na okay lang.

Hanggang ngayon ay iniiwasan ko pa rin si Ceros pero si Ceros ay may nag-iba sa kanya. Hindi ko lang alam kung ano pero may nagbago at takot ko lang tanungin kung ano iyon.

"Why are you here? This is my territory, lady."

Ni-isang sulyap ko lang si Ceros tsaka bumalik ulit ang tingin sa mga bituin sa langit. Andito ako sa lugar kung saan nagsimula ang lahat ng pagkalito ko. Kung saan nawala ang sarili ko. Baka kasi mahanap ko bigla at bumalik sa dati ang lahat pero wala e. Kahit ata magpaumaga ako sa lugar na ito ay hindi ko mahahanap ang hinahanap ko.

Pareho ang senaryo. May mga bituin, may kumukuti-kutitap na mga alitaptap sa paligid at malakas ang simoy ng hangin. May kaunting ingay din sa katabi naming ilog pero mas maingay pa rin ang puso ko dahil andyan siya.

"May itatanong ako, Ceros Trueblood." Hindi siya umimik kaya nagpatuloy lang ako. "Nagsinungaling ka ba? Sabi mo sa mapa mo lang nakita ang lugar na ito pero how come na iyong tinutukoy mo palang maliit na bayan ay bayan ninyo."

"Hindi ko sinasadya," sabi niya bago umupo sa tabi ko. "Akala ko din hindi ko alam pero nang malapit na tayo ay noon ko lang naalala na familiar ang lugar. It's my childhood memories that I tried to forget but yet, I remembered still."

"So nagulat ka din nang makita mo ang mga magulang mo? Pero bakit parang hindi naman?"

Hindi siya umimik at naramdaman ko na naman ang pader na akala ko ay nawala na sa pagitan namin. Well, akala ko lang pala iyon. Nadala lang siguro ako sa tibok ng puso ko, ni-hindi ko naalalang imposible nga palang ganito din ang nararamdaman niya. Naalala ko nga pala na inaway ko siya noong una pero ano na ngayon? Iyong inaway ko, iyon din pala ang magpapaamo ng puso ko.

"M-malamig na. M-mauna na ako." Tumayo na ako kaso natigilan din nang hinila niya ako palapit sa kanya. Napaupo tuloy ako sa hita niya. Agad naman akong nag-react at akmang lalayo pero pinigilan niya ako gamit ng yakap niya.

Malditang Cinderella (Completed)Where stories live. Discover now