MC 3

172 17 14
                                    

MC 3: Truths

May isang paraan upang magising ka sa masaklap na katotohanan at kapag ang paraan na ito ay nakuha mo na pero walang nagbago sa paligid mo, isa lang ang masasabi ko para sayo girl.

You're doom!

Isang marahas na sampal ang binigay agad ni Stepmother sa akin nang makaalis ang lalaki.

Masakit? Sobra! Ikaw kayang sampalin ko ng sobrang lakas, syempre ang magiging reaksyon mo ay katulad ng sa akin.

"Aray! Para saan iyon?!"

"At ngayon ay sumasagot ka na," malumnay pa rin ang tono niya. Katulad lang noong nasa movie. "Nasaan na pala ang pinapabili ko sayo? At bakit ganyan ang suot-suot mo? Nakuha mo pang magdamit panlalaki o hindi naman kaya'y..."

Kahit hindi niya pa man sinasabi ang sasabihin niya ay nakuha ko na agad ang gustong iparating ng mapanghusga niyang mga mata.

Dinuro ko siya. Wala naman akong pakialam kung mag-mukha akong bastos sa harap ng matanda pero for pete's sake, sinampal niya na nga ako, sasabihan pa na galing sa kwarto ng isang lalaki pero ang ekspresyon ng mukha niya, kalmado pa rin? Bwesit!

Iyon ang pinakamas nakakagigil sa kwento ni Cinderella! Iyong may pa-anghel pero demonyo naman pala.

"Huwag mo na iyan itutuloy! At baka tripling sapak ang maibalik ko sayo. Hindi ako katulad mo, Stepmother!'"

Diininan ko pa iyong word na 'Stepmother' para mas astig.

Kaso iba ang naging ekspresyon ng hukluban. Ngumisi pa ito habang dahan-dahang ibinaba ang nakaduro ko kamay.

"Maghinay-hinay ka, alila. Baka makita ng ibang tao kung paano ka talaga pinalaki ng Nanay mo."

Aba't! Malupet.

Well, dahil kilala niyo naman ako, 'di ba? Minsan hindi ako nakakapagpigil kaya minsan, nakakasuntok ako ng hindi sinasadya.

Malakas kong sinuntok sa mukha ang matanda. I caught her unguarded. Nagulat ko ata kaya hindi nakaiwas at full blast na tinanggap ang suntok ko sa mukha niya. Tumba si Stepmother sa lupa pagkatapos niyang malasap ang kamao ko. Napakibit-balikat na lang akong nilagpasan siya.

Sana pero may humarang sa akin sa dadaanan ko sana. Isang pusa na kulay itim. Halata sa mukha nito na hindi siya natuwa sa ginawa ko sa among niya. Kahit ganon ay bumaba pa rin ako para mapantayan siya.

"Hello. Ikaw si Lucifer, 'di ba?"

Nakangiti na ako niyan pero hindi na dala no'n ang pusa at walang pasabi akong kinagat sa kamay.

"Meow!"

Bwesit! Napatayo ako ng wala sa oras pero si Lucifer nakakagat pa rin sa kamay ko at ang mas nakakainis pa ay nakatingin ito sa akin sabay pinalalim pa ang kagat niya.

Wengya! Masakit kaya!

Kaya hindi niyo ako masisisi kung bigla ko siyang hinila sa ulo ng pagkalakas-lakas sabay homerun sa lawa.

Ayon! Naligo siya ng maaga.

At syempre, dahil alam kong hindi lumalangoy ang katulad ni Lucifer na pusa, bukod sa sobrang taba niya at tamad siya ay siguradong malulunod siya. Kaya kumuha ako ng mahabang sanga ng kahoy at inilahad ko sa nagpupumiglas na pusa sa tubig. As expected, kumapit naman ito kaya dahan-dahan ay naibalik ko siya sa lupa.

Nang makaahon siya ay sinalubong ko siya ng malawak na pangkontrabidang ngisi.

"Oh, ano? Mananakit ka pa?"

Malditang Cinderella (Completed)Where stories live. Discover now