MC 9

86 17 5
                                    

MC 9: Upside Down

At katulad nga ng inaasahan ay nagsimula na ang mala-prinsesa kong buhay. Kung gaano karangya ang buhay ko ay gano'n naman kakulang ang privacy at kalayaan ko.

Apat na araw. Apat na araw ang naging preperasyon para sa paglalakbay namin at sa apat na araw na iyon ay pakiramdam ko ay ako si Rapunzel. Hindi kasi ako hinayaang makalabas ng kwarto ko. Kailangan daw kasi nila akong itago para maprotektahan sa mga nagbabadyang hadlang sa kasal namin ng prinsipe. Pagkatapos ng tanghalian na iyon na kami lang naman ng prinsipe ang nagharap ay hindi na ako hinayaang mag-ikot sa palasyo.

Iyon siguro ang dahilan kung bakit inilibot na muna ako ng prinsipe dahil alam niya na pagkatapos ay wala na munang kasunod.

Dinadalhan na lang ako ng pagkain sa kwarto ko at kung ano pa mang kailangan ko. Ang boring nga dahil wala man lang telebisyon, cellphone o kahit radyo man lang. Sabagay, hindi ko nga pala ito mundo.

Ang maganda lang siguro na nangyari sa apat na araw ay kapag maggagabi na. Binibisita kasi ako ng prinsipe at kinakausap din niya ako. Nagku-kwento siya tungkol sa mga ginawa niya buong araw at kung ano na lang ang kailangan sa paglalakbay namin. Sa kanya ko din nalaman na si Ceros pala ang nag-aasikaso para sa paglalakbay namin. Kaya siguro apat na araw ko itong hindi nakita.

Well, good news nga iyon, 'di ba? At least, hindi nasira ang dalawang araw ko dahil sa pagmumukha niya.

"Mag-iingat ka, Cinderella. " Paalam sa akin ni Prince Henry. Ngayon kasi ang alis namin at simula ng paglalakbay papuntang Bundok ng mga Birhen.

"Ikaw din, mag-ingat ka." Nag-wave pa ako sa kanya bago pumasok sa karwahe na sasakyan ko. Sumunod naman sa akin si Daniella.

"Binibini, ang gwapo talaga ng prinsipe, 'di ba po? Ang swerte niyo talaga!"

Tumango-tango na lang ako sa kanya. Sa apat na araw na halos kaming dalawa ni Daniella ang magkasama ay nasanay na ako sa pagiging madaldal niya. Pero mas mala-armalight pa rin ang bibig ni Ate Dhon. Hay, how I miss them. Kumusta na kaya sila ni Cheska? Napupunan naman kaya ng real Cinderella ang pagkawala ko?

Nagsimula nang umandar ang karwahe. Tanda na paalis na kami. Bago pa kami tuluyang makalayo ay dumungaw pa ako sa bintana at nag flying kiss kay Prince Henry. Hehe, ang sarap din palang lumandi kahit sandali lang.

Nakita ko naman natawa ang prinsipe at tatawa na rin sana ako kung hindi lang umepal ang nakabusangot na mukha ni Ceros sa harap ko.

Nakasakay ito sa kabayo at naka-hunting cloths. May espada din nakasabit sa beywang niya at naka-itim na gloves din ang dalawang kamay niya.

"Oh? Anong tinitingin-tingin mo dyan?" Nagsimula na naman kasi ang mapanghusga niyang tingin.

"Pumasok ka na. Tama na ang mga kalokohan mo."

"Kalokohan? Nagpapaalam lang naman ako sa future asawa ko!"

Tsk! Kahit kailan talaga, panira.

"Edi kalandian na lang." Mas binilisan nito ang takbo ng kabayo niya pero bago pa man siya makalayo ay narinig ko pa ang binulong niya sa sarili niya na siyang sobrang nagpainit ng ulo ko.

"Trying hard, hindi naman maganda."

Shemay lang talaga na walang ganti! Pigilan niyo ako dahil baka pagbalik namin sa palasyo ay sira na ang mukha ng lalaking ito.

Nakahalukipkip akong bumalik ng upo sa loob ng karwahe. Bwesit na iyon! Ni-pakisamahan ako ay hindi niya magawa. Iniisip ko tuloy kung paano sila naging matalik na kaibigan ng prinsipe, magkabaliktaran naman ang ugali nila. Applicable din ba sa friendship ang 'opposite attracts'?

Malditang Cinderella (Completed)Where stories live. Discover now