MC 5

139 16 8
                                    

MC 5: The Clash

Isa akong sinungaling kapag sinabi kong hindi ako kinikilig sa pwesto namin ngayon ni Ceros. Iyong bang nasa unahan niya ako at nasa likod ko naman siya. Iyong mga braso niya ay kinukulong ako sa gitna habang minamaneho niya ang kabayo niya. (Minamaneho nga ba? Ano ito, kotse Aesha?)

Hindi ba't sinabi ko namang hindi ako marunong lumandi pero minsan talaga kasi hindi maiiwasang matoto lalo na kung iyong lalaki na mismo ang lumapit sayo. Dahil hindi patag iyong daan ay hindi sinasadyang nakakatama ang likod ko sa dibdib niya at nararamdaman ko ang matipuno niyang katawan at napapahawak ako sa malalakas niyang braso. Naamoy ko rin ang natural na bango niya. And I swear! Really swear na hindi ko inaabuso ang pwesto naming dalawa.

Ang lakas naman kasing magmala-prince charming ng Ceros na ito. But wait! Speaking of prince charming, could it be that...?

"I-isa ka bang prinsipe?" Bigla kong tanong.

Una ay tahimik siya at nang lingunin ko siya ay dahil pala kumunot ang noo niya na para bang hindi niya naintindihan ang tanong ko pero nang mukhang nakuha niya na ay nawala iyon.

"Bakit mo naman naitanong?"

Painosente ako'ng ibinalik ang tumingin sa harap. "Wala lang. Mukha ka kasing prinsipe kaya gano'n."

Bigla siyang tumawa nang dahil sa sinabi ko.

"Kung maaari lang sana pero hindi. Isa lamang akong kanang kamay ng prinsipe."

"K-kanang kamay?"

At malapit sa prinsipe? As in prinsipe ng lugar na ito?

"A-alipin ka?" Dagdag ko pa.

"Hindi." Tapos tunawa siya kaunti. "Kanang kamay, tagasunod, tagabantay, tagapayo. Basta't madalas kaming magkasama."

Tumango-tango ako. Tinignan ko siya saglit tapos humarap ako sa daan.

Nakukuha niyo ba ang ibig sabihin nito? Mukhang alam ko na kung paano ako mapapalapit sa prinsipe, bukod sa ball na iyon.

"Kung gano'n. Bakit hindi mo alam ang mga lugar dito? Bakit naliligaw ka pa rin?"

E 'di ba kasi dapat mas maalam pa siya kaysa sa akin dahil nga tagarito na talaga siya. Akala ko nga dayuhan lamang siya ng una ko siyang nakita.

"Kanang kamay niya ako, 'di ba? Kung kaya't kung nasaan man siya ay nando'n din ako. Hindi ba't may batas ang kaharian na ito na kapag hindi pa nasa tamang gulang ang tagapagmana ng trono ay hindi muna siya maaaring makita ng mga mamamamayan. Kaya nang ikinulong siya sa loob ng palasyo ay kasama ako. Nang wala pa siyang kalayaan ay gano'n din ako."

Napatitig ako ng sobra sa kanya dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko nga ay magkaka-stiff neck ako mamaya dahil sa sobrang tagal.

"Pero...?"

"Pero nasa wastong gulang na siya kaya't pareho na kaming malaya."

"Hindi ka ba pinapayagan na lumabas kahit saglit lang? Hindi naman ikaw ang prinsipe pero bakit pati ikaw ay damay? Hindi naman siguro sa lahat ng oras ay kailangan ka ng prinsipe. Tulad ngayon, 'di ba? Nasaan nga pala ang prinsipe ngayon?"

Strike one... Hehe. Habang mahaba pa ang byahe, kukuha muna ako ng mahahalagang impormasyon mula sa lalaking ito.

"Iba kasi noon sa ngayon. Noon bata pa kami. Kaya naisip nila na kapag nakita ng prinsipe na lumalabas ako ay maiinggit siya at gagaya. Kaya' t gano'n at pinagbawalan din ako. Iniisip rin siguro nila na mas mabuti nang dalawa kami kaysa isa lang. Ngayon naman ay matanda na kami. Mas disiplinado ako at mas alam ko na ang dapat kung gawin. Hinayaan na akong mamasyal ng prinsipe ngayong araw dahil aalis naman siya sa pinakaunang beses upang pumunta sa katabing kaharian."

Malditang Cinderella (Completed)Where stories live. Discover now