~♥~ Flashbacks (39) ~♥~

3 1 0
                                        

            ( Jakxic Atlanter, Corleone Point Of View )

   " Simula ngayon, kakalimutan kona na may nakilala akong Durst at Jakxic sa buhay ko. Nag-sisisi akong p-pinaglingkuran ko kayo. Aalis ako kasi babawi ako Durst. Babawi ako sa tatay mo. Kukuhanin ko ang katarungang nararapat sa mga mahal ko sa buhay."  Kwento ni Durst kay tito Dust.

(⊙O ⊙)

   Namilog ang mata at bibig ko sa narinig.

'K-kaya ba m-mukhang galit na galit si Durst kaninang umaga?'

  Natulos ako sa kinatatayuan ko sa narinig.

'Hindi p-pwede.'

  Walang katok katok na pumasok ako sa pinto at umupo sa upuang kaharap ni Durst. Napakaseryoso na awra ni tito Dust at Durst ngayon. Napatingin sa'kin si Durst at nagtaasan ang mga balahibo ko ng makita kong dahan dahang umangat ang mga labi nya, tanda ng pagngisi. Seryoso syang tumingin sa'kin na ikinahinga ko ng malalim.

'Ibang Durst nanaman ang nakikita ko ngayon.'

            

       ( Someone's Point Of View )

--3:00 Am--

  Naalimpungatan ako ng may marinig akong ingay. Kunot noong bumangon ako sa kama at tumingin sa kisameng pagitan ng tinutulugan kong condo at ng kabila. Sa totoo nyan ay, naiinis na'ko dahil napakaingay ng tatlong lalaking nakatira rito sa kabila.

p(。ŏ_ŏ)q

  Mabibigat ang kamay akong kumamot sa ulo ko dahil sa inis.

'Namumuro na ang mga lalaking 'yan. Masyado silang masaya! Pero.  ..'

  Napangiwi ako ng parang nakarinig ako ng nagsisigawan. Kinain ako ng kyuryosidad ko kaya dahan dahan pero mabilis akong bumangon ng kama at isinuot ang tsinelas ko. Nakapantulog akong damit kaya kinuha ko ang roba na nakasabit sa likod ng pintuan ng kwarto ko at mabilis ko'tong isinuot. Itinatali ko ang roba habang naglalakad ako palabas.

  Pumunta agad akong sala at binuksan ang ilaw para hindi ako makagawa ng ingay kung may matatabig man akong bagay. Madaling-araw na kaya kahina-hinala na may nagsisigawan sa kabila.

'Hindi talaga ako binigo ng mga lalaking 'yon.'

  Napangisi ako sa'king naisip at dahan dahan tinanggal ang lock ng pinto ko at binuksan. Nakangisi akong lumabas kaya lalong lumakas ang ingay na nanggaling dito sa katabi kong pinto. Minanmanan ko muna ang paligid kung may makakakita ba sa paglabas ko. Gladly, wala.

'Pasalamat talaga 'tong mga lalaking 'to at gusto ko ang lalaking naka topknot sakanila kung hindi ay nako!'

p^_^q

  Dahan dahan kong idinikit ang ulo ko sa labas ng kanilang pinto.

  " Oo. Hindi ko masikmura na magtagal pa sa lugar na'to." Sabi ng isang lalaki pero hindi ko gaanong mahimigan ang kanyang tinig dahil may kahinaan ang pagkakasabi nya at nay harang na pinto sa'ming pagitan. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, malabo man, naunawaan ko parin. Napangisi ako sa kadahilanang mukhang may magandang nangyayari sa loob. Nabuhay ang dugo ko sa pangyayari kaya lalo kong idinikit ang ulo ko sa hamba ng pintuan.

  " Ano bang nangyayari sa'yo, huh? May sapak ka yata, eh. Bigla kanalang nagkakaganyan ng walang dahilan! Tapos ano? Ngayon maglalayas ka!?  Kung hindi man ako gising ngayon wala kang balak na magpaalam sa'min ni Jakxic? Ano nanabang pakulo 'yan, Frances!? Ano bang problema mo!?" Galit na sabi Durst na ikinakunot ng noo ko.

'Til The Perfect DayWhere stories live. Discover now