~♥~ Flashbacks (42) ~♥~

7 1 0
                                        

   ( Durst Luether Theodore,Montana Point Of View )

*Toot*Toot*Toot*Toot*Toot*Toot*

  " Argghhh! Houy! Mag kwento kanga!" Nakasimangot kong sabi ko kay Jakxic habang nagbabalat ng mansanas.

'Ayoko mang aminin pero nakakairita talaga ang tunong na'yon.'

  " Ano namang gusto mong malaman sa'kin kung nakita mona ang lahat." Nakangising sabi ng hayop kaya hindi ako nagdalawang-isip na ihagis ang hawak kong kutsilyo sakanya.

'Headshot pagnagkataon.'

  " Ow, shitz and fvck you, Durst." Nagmamaktol na sabi ni Jakxic habang nakatingin sa cellphone na hawak nya. Napaismid ako at nanlilisik ang matang kinain ang mansanas na hubo't-hubad sa harapan ko.

p‹•.•›q

  " Pota! Jakxic! Nababano ka nanaman! 'Yung baseeee sa taas!" Malakas na sigaw ni Ethan sa kaharap nyang cellphone.

'Hayyst! Mga damuho talaga.'

  Dahan dahan kong kinagat ang mansanas at hindi ko mapigilang mapapikit dahil sa hatid na sabaw nito na sumabog sa bunganga ko.

'Hmmm, ahhhhhhhhhh refreshing.'

p^_^q

'Heaven.'

  " Nako, Durst! Gago ka, anong ginagawa mo?" Nang-uusisang tanong sa'kin ni Ethan habang nanliliit ang mga mata. Inis ko namang binaba ang mansanas. Nanghihinayang na hindi ko sya nakagat.

  " Pinagsasamantalahan 'yung mansanas." Simpleng pagkakasabi ko na ikinatawa naman nilang dalawa.

p>_<q

  Umalis ako sa inuupuan ko at pumunta sa sofang may kaharap na TV.

*Toot*Toot*Toot*Toot*Toot*Toot*
Toot* Tunog ng makinang nagbibigay suporta sa taong nakahimlay sa kama.
'Taong baldado. Useless, psh.'

  Mga makinang nagpapakain sa taong hindi tumatanggap ng pagkain at nais lamang na matulog hanggat kailan nya gusto.

'Sleeping beast.'

  Ito 'yung taong tamad at walang ginawa kung hindi matulog.

'Ang taong 'to ay walang iba kung hindi si Frances.'

p‹•.•›q

  Dalawang buwan na syang nakahiga sa kama at walang malay. Mga makina lamang ang mistulang sumasalba sakanyang buhay.

'Comatose.'

p~_~q

  Naoperahan narin ang kanyang likod kung saan nagkabalibali ang kanyang spinalcord sanhi ng comatose nya ngayon.

   " Retreat."

  " Double Kill."

  " Request back-up."

p‹•.•›q

  Tunog na naririnig sa apat na sulok ng kwartong 'to. Huminga ako ng malalim, sumandal sa sofa at pumikit.

  Ang sabi ng Doctor, maayos na ang isang 'to at hinihintay nalang syang magising. Kahit narinig ko ang mga salitang 'yon ay hindi parin ako mapakali. Hanggang nakahimlay ang lalaking 'yan dito sa kamang 'to ay hindi mapapanatag ang loob ko. Hindi sapat ang sinabi ng Doctor dahil kung hindi gumigising ang isang 'yan ay hindi parin magiging maayos ang lahat.

'Til The Perfect DayWhere stories live. Discover now