Nagugutom na'ko at hindi pa'ko dinadalhan ng pagkain ni dade. Nanghihina na'ko kaya hindi kona kayang gumawa ng baril mapakain lang nya. Huminga ako ng malalim.
'Ano kayang balak sa'kin ni dade? Papatayin ba nya ako? Ano bang problema nya?'
Tumagilid ako ng pagkakahiga sa kama at nakaharap na'ko sa bintana ngayon. Napapikit ako ng tumama sa'kin 'yung sikat ng araw. Dapat nagpapasalamat ako ngayon dahil may bagong araw na naman na magdaraan pero.. .
'Bagong umaga nanaman. Bagong araw at panibagong sakit, pangungulila ko nanaman kay mama at kuya Prince ang mararamdaman ko. Panibagong hirap, poot at galit.'
'Hayyst.'
'Nakakapagod. Nakakapagod ng mabuhay kung ganito nalang lagi ang aabutan at senaryo sa araw-araw kong pamumuhay.'
Ipinikit ko ang mga mata ko at humingang malalim.
'Kahit ngayong araw susubukan kong maging masaya. Pero kailan kaya matatanggal 'yung bigat na nararamdaman ko? Kailan kaya ako mapapanatag at kailan kaya babalik 'yung saya kong anim na taon na ang lumipas. Anim na taon na pala akong malungkot?'
Napailing iling nalang ako.
'Nakaya ko'yon?'
Dahan dahan akong tumayo para pumunta sa cabinet ko at kumuha ng bagong damit.
'Kailangan kong maligo. Kahit ngayon lang, susubukan ko ulit. Baka magbago 'yung pakikitungo sa'kin ni dade. Baka magbago 'yung trato na sya'kin. Umaasa lang naman.'
Kakukuha ko palang ng damit at nagulat ako ng biglang.. .
**BOOOGSSHH** Kumalampag ng malakas ang pinto.
(╥﹏╥)-> itsura ko.
'Nandito nanaman sya.'
" AANO KA!?" Patanong na sigaw nya sa'kin.
'Lagi naman. Sanay na'ko pero masakit parin.'
Kitang kita ko kung paaano nya'ko pasadahan ng tingin na may disgusto na nakabalatay sa mga mata nya.
'Masakit talaga.'
pπ_πq
Napahinto ang mata nya sa damit na hawak ko. Huminga nanaman ako ng malalim at dahan dahang ngumiti sakanya.
'Subukan nating ngumiti. Baka may magbago.'
" M-maliligo lang po ako." Magalang na sabi ko sakanya kahit hindi naman na dapat pa.
'As in naman kung makakatakas ako sa'yo diba? Sa kalagayan kong 'to? Nanghihina? Mahina? Sugatan? Tingin mo makakatakas pa'ko sainyo?'
" Wag ka ngang ngumi-ngiti ngiti dyan! Hindi mo bagay! Hindi moko madadala sa pa ngiti ngiti mo! Wala kaparing kwentang bata ka! Bilisan mo at kailangan mopang gumawa ng bagong baril! Kapag nakagawa ka, papahatiran kita ng tira tirang pagkain mamaya." Nakakunot ang noong sabi nya sa'kin.
(。-_-。) -> ang sakit. 💔💔💔
Dahan dahan naman akong tumango sakanya. Hinawakan ko ang dibdib ko.
'Wala naba talaga? W-wala n-nabang m-magbabago sa pakikitungo nya sa'kin? K-kailan nya ba ako mamahalin?'
**BOOOGSSHH** Kalabog ng pinto ng lumabas sya. (╥_╥)
'Dade.. .'
May tumulo nanamang luha sa mata ko at nagbaba nalang ng tingin. Kinagat ko ang mga labi ko para walang hikbi na lumabas. Dahan dahan akong tumingin sa pinto ng Cr ko at ika ikang naglakad papunta do'n.
ESTÁS LEYENDO
'Til The Perfect Day
De TodoKahit kailan ay hindi naging pantay ang buhay ng mga tao. Nasa iisang mundo pero ang iba'y naguguluhan, nalilito, masakit pero 'yan ang totoo. Sa hirap ng buhay minsan gusto monalang sumuko, pero sila? hindi nagpaapekto. Sila 'yung taong pin...
